Chapter 30: Christmas Party, Part 2
Chapter 30: Christmas Party, Part 2
Myla Sta.Juana's Point of View
December 15, 2017
Christmas Party na. Nagsuot kami ni Chantellia ng dress. Dilaw sa kanya, sa akin ay pula. For the first time lang naman, eh. It's a party!
Medyo hindi maaga kami ngayon, pero okay lang.
Dumeretso kaming Canteen 2. Nandoon na kasi lagi yung tropa namin. Although paminsan sina Noel at 4A o 4A lang ay hiwalay dahil sa mga spy missions. Ang sub-group ng tropa, ang Harley Quinn and Jokers Squad ay kadalasan hiwalay, nasa Quadrangle 2 lang sila, pero paminsan naman, pumupunta sa amin.
Ang mga nandoon na ay sina: (by order in seating arrangement)
Table 5
Antonio Jonathan "AJ" Magnifico, nakasuot ng formal attire, red na long-sleeved polo at ribbon imbis na neck tie na nakakabit.
Yuri Arissa Sandoval, nakasuot ng orange na dress. Naka-make-up siya at nakaayos ang buhok. She stands out na! May heels pa ngang suot na nagpatangkad sa kanya! Kami nga ni Chantellia, hindi masyado ayos, eh.
Alexandra Cane Dela Fuente, nakasuot ng off-shoulder na purple at paldang itim. Naka-ayos naman ang buhok niya at may konting make-up. Naka-heels siya.
Charity Faith "Chachi" Montgomery, nakasuot lang ng light pink na sleeveless. Nakasuot naman siya ng paldang light pink din at may pagka-transparent at tila may glitters. Nakasuot din siya ng heels. Ayos na ayos ang buhok niya at may blush-on siya sa mukha niya.
Vacant seat for Noel Abear, with his backpack on the chair. He, along with his cousin 4A must be on a spy mission.
Vacant seat for Arnold Arvin Abear Ang "Agent 4A," with his backpack on the chair. He, along with his cousin Noel must be on a spy mission.
Axle Blaze Buenavista, nakasuot ng nakasuot ng blue checkered na pandoble at may emerald green na undershirt sa loob.
Diana Alice "Dana" Grey, nakasuot ng blue na dress, kaya naisip kong bagay pala sila ni Axle. Naka-heels din siya kaya ramdam ko, natangkaran na niya si Axle sa heels o napantayan lang.
Table 6 (extension)
Kane Jacob "KJ" Cabanilla, nakasuot lamang ng varsity jacket na dilaw. May panloob siya na orange na undershirt. Yung varsity jacket pala niya ay may "CABANILLA" sa likod at number na "10."
Vacant seat for Chantellia Yukiko.
Vacant seat for me, Myla Sta Juana.
Jerome Drake Pamular, nakasuot ng varsity jacket na pula. May panloob siya na sky blue na undershirt. May nakasulat na "PAMULAR" sa likod at ang number niya ay "01."
Vince Kim "V," nakasuot ng katulad kay AJ, isang long-sleeved na polo, except kulay orange ito at neck tie naman ang suot niya. Wow. Parehas sila ni Yuri.
Hindi pa dumadating si Anna. Sina Noel at 4A naman ay nasa spy missions siguro. Halata ko, eh.
"Chantellia, Myla! You look blooming today! Lumelevel-up na si cutie pie baby girl Chantellia! Cute at maganda na nga, nagdadalaga na talaga!" bati ni KJ sa amin na nakadirekta kay Chantellia.
"Oo nga, tama! Cute and pretty na si Chant! At ang ganda talaga ni Myliana! Lahat kayong babae ay may lipstick, pero sa iyo pinakabagay, lalo na dahil pula ang suot mo!" bati naman ni Jerome sa amin na mas nakadirekta naman sa akin ngayon.
"Ay, sus, Jerome. Bolero ka na ngayon. Hindi talaga bagay sa inyong mga isip-bata maging bolero sa mga babae. Tignan niyo, o. Varsity jacket lang nga ang mga suot niyo, puro mga laro lang kayo at hindi pumoporma. Kaya yung regalo ko sa iyo mamaya— oops, nadulas, I mean kung reregaluhan kita, well, ah, talagang pang-isip-bata pa rin." sabi ko kay Jerome na medyo nadulas. Jusko, mananatiling sikreto pala dapat.
"Ay, ano yun? Ako nabunot mo, noh?" makulit niyang tanong na medyo may lambing. Tinignan ko sa baba ang regalo. Gamit ang mga paa ko, nilayo ko ito ng lalo.
"Ah, wala. Basta, thanks sa compliments niyo ni KJ sa amin ni Chantellia." sabi ko.
"AJ?! Pwede na bang i-reveal? Nadulas na yata si Myla, eh. Tinupad naman namin yung pangako na hindi sasabihin kahit kanino bago ang araw na ito. Pwede na kaya?" tanong ni Cane.
"Ah.. Well. Pwede naman, basta hindi yung sobrang complicated. Kung best friend mo, girlfriend o boyfriend mo, mamaya na lang para surprise, mas maganda, o kung may dark background kayo, siguro mamaya na lang since it is complicated talaga." sagot naman ni AJ.
"Oh! Sabihin mo na, Myliana! Sige na! Maganda ka naman, eh, at lalo na ngayon!" sabi ni Jerome, at kinulit na ako. Hinila-hila na ako sa kamay, siniko-siko at nang mahawakan ang kili-kili ko, inamoy talaga ito.
"Wow, kayong mga babae ngayon ay mababango pa rin kahit ilang minuto na sigurong may mga nakakapawis na aksyon."
"Ayiieee..hokage moves na ba dat, Jerjer?" pang-aasar ni KJ.
Ang iba, inasar na kami, maliban kina AJ at Yuri, ang mga pinaka down-to-earth sa amin at paminsan lang nang-aasar, at kina Dana at Axle na naglalambingan lang. Ang sweet, haha! Bumuo pa sina Chachi at Cane ng mga puso sa kamay nila.
"Uy, hindi, ah! Tumigil kayo! Babatuhan ko kayo ng water ballon? Sige kayo. Ipapaamoy ko sa inyo ang mga fart bomb! Sige kayo! Marami pa naman akong dala!" panakot ni Jerome sa kanila, at kinuha na ang isang plastic ng mga fart bomb sa isang plastic bag niya sa baba at kumuha rin siya ng isang water balloon mula sa bulsa niya.
Natawa naman ako.
Tumigil sila sa pang-aasar. Yung iba ay natawa na lang. Si KJ naman na patawa ay nagpatawa nanaman.
Lumuhod siya at tinaas ang mga kamay shoulder level, humarap siya kay Jerome.
"I surrender to you, King Jerome Drake Pamular. You are the king of pranks, the king of toys, the king of jokes, the king of fun and of course..the king of hokage!" sabi ni KJ.
"Haha. Sure, you do. But forget about that last part you said!" tugon naman ni Jerome.
Tawanan kami. Ang saya talaga. Bigla ko naman nasilip mula sa malayo, sa bintana, sina Agent Noel LA at Agent 4A ay nasa stealth run ata nila. Kilala ko ang takbo nila, eh, sino kaya inii-spy nila ngayon?
Nagsaya lang kami, hanggang sa umalis na ng sabay-sabay ng 7:00 kung kailan nakabalik sina Noel at 4A at nakarating na si Anna. Si Anna ay simple lang, nakasuot lamang ng peach na t-shirt na polka dots pa ang design at pantalon. Ang t-shirt pala na ito ay maliit ang sleeve, kaya halos kita kili-kili rin ito.
Pumunta kaming corridor, at muling inayos ang decorated classroom namin.
Maraming Christmas decorations ang nakalagay. Basta..marami. Mukha talagang pang-Christmas.
Kompleto kami. Mga 7:05 dumating yung anim pa na sina Heaven, Samuel, Gerica, Andrei, Aila at Raffy. Sina Heaven, Gerica at Aila ay iisa lang ang suot na dress, pero iba't-iba ang kulay. Puti ang suot ni Heaven, berde kay Gerica at itim kay Aila. Sina Samuel, Andrei at Raffy naman ay iba-iba rin. Si Samuel ay naka-puting polong long-sleeved, at naka-neck tie na pula. Si Andrei ay naka-berdeng polong long-sleeved, at naka-neck tie na asul. At si Raffy ay naka-itim na polong long-sleeved, at naka-neck tie na dilaw.
Si Ma'am Ariane ay nakasuot lang ng best shirt and pants niya, with make-up din naman. I don't know, but that's how simple she is, just like Anna.
Pinuwesto muna namin ang mga regalo namin sa Christmas Tree namin. I'm pretty sure nagkakitaan sila ng mga reregaluhan, ngunit hindi ko nakita yung akin. Basta nilapag ko na yung set ng mga action figure ng Thor: Ragnarok na nakabalot para kay Jerome. Alam na niyang para sa kanya yung regalo ko, pero hindi pa niya alam kung ano ang laman nun all along. :P
Nagkaroon muna kami ng games.
Nagsimula kami sa dodge ball. Nag-paa muna kaming lahat.
Boys vs. Girls.
Unang natanggal sa boys at sa lahat na rin ay si Axle, na hindi nailagan ang tama ni Dana.
Nagalit naman silang boys dahil dito. They wanted to avenge Axle. Jerome decided to take the shot, accurate ito, at hulaan niyo kung sino ang natamaan?
AKO.
Umilag agad ako bago niya binato ang bola, at natamaan ako sa legs ko banda noong patakbo ako sa isang direksyon na ang direksyon na tatamaan ng bola, kaya out na ako.
Pinanood ko na lang sila.
GO, GO, GO, GIRLS TEAM!
Ang active excellent ball throwers ay sina Andrei, Raffy, KJ at Jerome para sa boys team at sa girls team naman, sina Gerica, Aila, Chantellia at ako sana, at ang ebisensya nun ay ang marami kong muntik nang mapatanggal sa boys, pero pinalitan na lang ako ni Dana.
Sunod na natanggal ay si Heaven, mula sa aming girls, sa tama ni Samuel, wow! Tapos, si Chachi naman, sa tama ni Andrei. Tapos si Cane, sa tama ni Andrei. Beast mode na si Gerica dahil natatalo ang girls, kaya binuga niya ang kahusayan niya, nakatama siya ng dalawang magkasunod, sina Andrei at Samuel.
"Whoa, nice Gerica!" sabi naming girls sa kanya.
"Sorry talaga, Drei. Babawi na lang ako sa iyo!" sabi ni Gerica.
"Hehe, sige!" tugon ni Andrei habang pumupunta na sila sa bench ng boys ni Samuel sapagkat tanggal na sila.
Sunod, natanggal si Anna sa bato ni Raffy. Kasunod na natanggal ay si Chantellia, sa bato ni Raffy. Nagalit na ako.
"Avenge us naman, girls!" sabi ko.
Ang natitira sa aming girls ay sina Gerica, Aila, Dana at Yuri na lang. Sa boys, marami pa: sina Noel, 4A, KJ, V, AJ, Jerome at Raffy.
Napatanggal naman ni Aila ang mag-pinsan na sina Noel at 4A sa iisang bato sapagkat magkadikit sila sa stealth run na pag-iilag nila na bumigo.
Sunod naman, pinagbigyan nila si Yuri na bumato, at naging accurate ito. Tumama kay V! Well, that was awkward.
So, 4 VS. 4 na lang.
Ilag pa kayo, isip-batang KJ at Jerome, ikaw na pacute na Raffy ka at papoging presidenteng AJ, bwahahaha. De joke lang.
Go, go, go, girls! Hit them hard!
Si Jerome ang bumato, natamaan si Dana. 4 VS. 3 na.
Sunod, napatanggal ni Gerica si Jerome at muntik na si KJ. 3 VS. 3!
"I'm out. Sorry, dudes. Didn't make it. Good luck, you three!" sabi ni Jerome.
"Yeah, sure. Let's do this, AJ!" sabi naman ni KJ at binato ang bola ng pinakamahusay niya, natamaan si Gerica!
"Hala! Yung pinaka-athletic pa talaga sa lahat ang tinira! Kainis!" reaksyon ni Yuri.
"Sige, good luck na lang!" bati ni Gerica bago pumunta kasama namin sa bench.
Sina Aila at Yuri na lang sa girls. Sina AJ, Raffy at KJ pa sa boys.
"Hiy-ya!!!" sigaw ni Aila at binato ang bola ng pinakamahusay niya papunta sa gitna. Dumeretso ito sa cabinet banda.
Umilag ang lahat. Si AJ, na nasa gitna ay yumuko. Si Raffy, na nasa kaliwa ay kumaliwa at pumuntang likuran banda. Si KJ, na nasa kanan ay kumanan at pumunta harap banda, northeast.
Ang bola ay tumama sa cabinet namin, at bigla itong nag-deflect, pumunta sakto sa tinatakbuhan ni Raffy. Nagkabangaan ang paa niya at ang bola, nadulas siya. Since nahawakan siya ng bola, out na siya.
Pumalakpak kaming girls. Nag-apiran sina Yuri at Aila. "Ang astig nun, Aila! Astig yung naisip mo!"
2 on 2 na!!!
Si KJ naman ang bumato. Nag-tumbling muna siya, at saka na binato ang bola.
Nang inilagan ito ni Yuri, nasipa niya ito bigla, at tumama kay Aila, na malapit lang sa kanya.
"Ay, tumama sa binti ko!" ani Aila.
"COUNTED? COUNTED? Nasipa lang ni Yuri!" tanong ko.
"Counted na yun! Talaga naman napapagalaw ang bola every time, ah..sorry, Aila." sagot ni AJ.
Umalis na sa battlefield si Aila, at pumalakpak na lang habang papunta sa amin dito sa bench.
2 on 1. Leche. Matatalo kami nito.
Sumayaw-sayaw si KJ sa kanan, habang naghihintay. Si AJ naman ay position na.
Nang ibabato na ito ni Yuri, parehas nina AJ at KJ nailagan ito.
Si AJ naman ang bumato, ngunit nailagan ni Yuri.
Si Yuri pagkatapos ang bumato. Napatakbo si AJ pa-side. Nag-running-man na ilag naman si KJ, kaya wala pa ring natamaan.
Si KJ naman ang bumato. Hindi natamaan si Yuri. Naka-ilag siya.
"GO YURI! GO YURI! GO YURI!" cheer naming girls.
"AJ and KJ! AJ and KJ! AJ and KJ! AJ and KJ!" at nakigaya naman silang boys.
Naisipan ni Yuri na bumato pataas. Tumakbo parehas sina AJ at KJ sa magkabilang direksyon. Si AJ ay napunta sa kaliwa, kung saan ligtas, at si KJ sa kanan kung saan dumederetso ang bola.
Kumakanta-kanta lang si KJ at sumasayaw-sayaw at hindi namalayan na ang bola, na lumulutang pataas sa kanya. Nang maramdaman niya ito, humarap siya, at natamaan.
"Okay, pasensya na, pero out na rin ako. Good luck, AJ. It's you and Yuri again." sabi ni KJ at sumayaw-sayaw ng running man papunta sa bench ng boys.
"Yuri..parang last year lang na Christmas Party? Tayo na lang natira. Pero Trip to Jerusalem yun. Yung dodge ball na tayong dalawa lang na magkalaban ang natira ay nung Camping, di ba? Ako panalo, di ba? Handa ka na ba?" tanong ni AJ kay Yuri.
"Oo, AJ. I was born ready! Bring it on!" sagot ni Yuri.
Binato na ni AJ ang bola, na nailagan ni Yuri.
Paulit-ulit lang na nagbabatuhan sila at walang natatamaan. Patuloy lang ang nahating cheer namin. Ang sigaw ng girls, "YURI!", samantala "AJ!" naman ang sigaw ng boys.
Hanggang sa maisipan ni Yuri na kunyareng ibato ang bola. Ginawa niya ito, at agad na tumakbo si AJ ng nakatalikod. Mabilis niyang binato ito papunta sa likod ni AJ. Natamaan siya.
Napatayo kaming girls at pumalakpak. Yes, may premyo kami! Makukuha namin yung Stick-O na yun!
"YURI!!!" bati namin.
"Nice one!!!" sabi ko.
"Ang talino ni ate, eh!" sabi naman ni Chantellia kay Yuri, at nag-apir sila. Sunod ay binuhat naming lahat si Yuri. Tulungan, oh yeah!
Ang boys naman ay nadismaya, pero hindi sila nakipag-away o kung anoman.
"#AJYuri talaga palagi! This time, si Yuri na ang panalo! Ang gentle man kasi ni AJ, eh! Haha!" ani Axle.
"Says the guy na pinakaunang natanggal sa tama pa talaga ng sweet niyang girlfriend, si Dana." tugon naman ni Noel dito.
Tawanan sila rito. Nagbungguan naman sina Axle at Noel, pero nakitawa na rin pagkatapos.
"AJ, okay lang yan, brad. Talagang parang gulong ang buhay. Hindi naman all the time, nasa itaas tayo." sabi ni 4A kay AJ.
"At aba, Arnold, parekoy, from secret agent, philosopher na!" at sani naman ni AJ kay 4A.
Nagtawanan naman silang lahat. Kapag talaga mga lalaki. Inaalaska ang isa't isa.
Nakatanggap kami ng Stick-O. Naghati kaming girls. Sampu kami, so maraming makukuha ang bawat isa sa isang garapon ng Stick-O.
Sunod na laro ay Trip to Jerusalem. Natanggal na ang lahat, pero hindi sina Gerica at Andrei.
"Sana, handa ka na, starshine muffin, ah." sabi ni Andrei.
"Yes naman!" sabi naman ni Gerica.
Ang music ay "Closer" ng Chainsmokers featuring Halsey, at bigla na itong tumigil. Nag-agawan sa upuan ang dalawa, ngunit biglang umaray si Gerica.
"Ay, sorry!" pagpapaumanhin ni Andrei at sinubukang tanggalin ang kamay ni Gerica na naupuan niya, ngunit naitulak siya ni Gerica, napaalis na rin siya sa upuan.
Pumalakpak kami para kay Gerica. Nakakuha siya ng premyong isang set ng imported chocolates. Huhu.
Inalaska naman si Andrei ng kapwa boys niya.
"Gentleman pa more, Drei! Ikakatalo talaga yan ng mga boys sa mga maparaan na girls!" sabi ni AJ kay Andrei.
"Palibhasa, naranasan na niya yan last year, parehas na parehas ng experience nila ni Yuri niya." sabi naman ni Axle, na pang-asar kay AJ.
Tawanan sila.
Nagkaroon kami ng stop dance. Marami agad natanggal sa mga paggalaw nila.
Ang natira? Ako, si Chantellia, si KJ at si Jerome. Jusko, showdown nanaman naming mag-pinsan at nilang magkapares sa kalokohan?
Ang panalo? Ako. Masyado nang naging makulit sina KJ at Jerome, biglang natawa si Chantellia, tapos sa kakulitan pa nung dalawa, natanggal sila. Final two kami ni Jerome, pero mas kinaya kong hindi gumalaw ng matagal.
Nakakuha ako ng premyong isang set ng imported chocolates. Ang sarap nito, hihihi.
Sunod na laro ay ang tumbang preso. Ginamit namin ang mga sapatos namin bilang pantumba sa mga bote.
Labanan lang halos ito ng #AiFy, dahil sila ang pinakamahusay. Sila ang may pinakamabilis na time na naubos ang mga bote at nagkataon, pantay pa ang oras nila. Nagkaroon ng tie-breaker.
"Aila, candy pie, handa ka, no matter what happens, ah? Kung sino man mananalo?"
"Oo naman, Rafraf my arm candy!"
Naglabanan na sila, hanggang sa lumabas ang resulta.
"Raffy Pangilinan finishes everything in 19 seconds, while Aila Hancher finishes everything in 17 seconds. AILA WINS!!!"
Wow. Today is a day for girls. Puro girls ang winners. Nakakuha si Aila ng premyo ng imported na chichirya.
Sunod, gift-giving na.
"Okay, class. It's time to give gifts na. Once I call your name, punta na rito and get your gift. This is arranged by class number." sabi ni ma'am.
"B1. ABEAR."
Inabot na ni ma'am kay Noel ang regalo niya.
"That is from ANG."
"Uy! Si Arnold! Maganda iyan!" reaksyon ni Noel at agad na binuksan ang regalo. Isa itong set ng mga ballpen.
"Whoa. Clothes or bag lang ang hiling ko, simple lang, pero more than that pala! Nakakuha ako ako ng mga multi-function pen na pang-secret agent, since pwede itong mga ito maging flashlight, USB o ballpen mismo. Salamat, pre, Arnold! Ito pala yung pinabibili mong multi-function pen, para sa akin pala, akala ko para sa iyo o sa ibang pagbibigyan mo!" sabi pa ni Noel at niyakap ang pinsan niyang si 4A na naglalakad na papunta sa Christmas Tree since susunod na siya.
Ang sweet nilang mag-pinsan. Nagyakapan, tapos nag-brofist.
"Good luck sa gift mo, ha. Agent Noel L.A out!"
Ngumiti si Agent 4A at tinanggap na ang regalo niya.
"That is from MAGNIFICO."
"Haha, nice one! Ano kaya ito?"
Binuksan ni 4A habang naglalakad, at nakita, isang set ng maraming shades ng iba't ibang kulay.
"Yan, marami ka nang shades. Pwede pa ngang assorted each dqy or your stealth missions at pwede kayong mag-share ni Noel." ani AJ.
"Salamat, AJ." pagpapasalamat ni 4A, na tuwang tuwa rin sa regalo niya.
"Walang anoman.."
"AUSAN. Mula kay..LAYONISA."
"Oh, si Anna. Let's see."
Binuksan ni Samuel agad ang regalo at kahit hindi pa buong natatanggal ang wrapper, kitang kita na ang libro sa loob.
"Wow, salamat, ganitong fact book ang hinahanap ko!" pagpapasalamat niya.
"No problem.." tugon ni Anna.
Ay, nerd talaga itong si Samuel.
"BUENAVISTA. Ang regalo na ito ay mula kay..PAMULAR."
Natawa sina Axle, Jerome at KJ dito.
Kinuha ni Axle ang regalo at mabilis na binuksan. Mukhang sombrero (yung hat, hindi cap) ang laman nito.
At..tama nga ako.
Sinuot agad ni Axle ang sombrero. Kulay asul ito. Wow, bagay sa kanya!
"Nice blue hat, blue cowboy! Haha!" ani Jerome.
"Kaya nga, eh. Just as I wished. Thank you!" pagpapasalamat ni Axle.
"No problemo, bro!" tugon ni Jerome.
"B5. CABANILLA."
Tumakbo na ng napakabilis si KJ at agad na kinuha ang regalo.
Mabilis niyang tinanggal ito.
Nakita niya, isang set ng mga insekto. Hihihi. Nabulong na sa akin ni baby Chant yung regalo na ito kanina.
Biglang nagulat si KJ, natakot sa mga insekto, napaupo siya. "Ah!!!"
Natawa naman kami.
"Now, you just have been prnaked by Miss Yukiko." sabi ni ma'am.
"Ay, pranking toys lang pala. Bwahahaha. Baby Chant talaga, eh! Haha! Tarantulas for you!" sabi ni KJ at bumato ng dalawang tarantulang prank toys kay Chantellia.
Nagulat naman si Chantellia, natakot sa una pero natawa na lang at binato muli kay KJ yung dalawang tarantula.
Natatawang bumalik na si KJ sa upuan niya kasama ang bago niyang prank toys.
"Haha, thank you talaga, baby Chant, ah."
"Next. B6. KIM. This gift is from Montgomery."
Si V ay tumakbo na papunta kay ma'am upang makuha ang regalo niya.
Hindi muna niya binuksan, ngunit nung nakapa niya, naisipan na rin niyang buksan. ORANGE HEADPHONES!
"Wow! Salamat, Chachi!" aniya.
"You're welcome." tugon ni Chachi.
"B7, MAGNIFICO."
Ay, ayan na.
Kinuha ni AJ ang regalo.
"Mula kay Sandoval yan."
"Opo, alam ko po."
Hindi muna binuksan ni AJ ang regalo.
"Sunod na. PAMULAR. Mula naman kay STA JUANA."
Naku po. Ayan na. Makikita na niya.
"Wow! Si Myliana! Kung si KJ, mula kay baby Chant, sa akin naman, mula kay Myliana! Nice, nice!" sabi niya habang binubuksan ang regalo niya.
At nakita na rin niya ang set ng "Thor: Ragnarok" na action figures.
"Wow. Si Thor, si Odin si Valkyrie, si Sif si Heimdall, si Loki si Hela, yung Warriors Three na sina Fandral, Hogun at Volstagg..at lahat! Kompleto!" reaksyon niya. Natutuwa akong natuwa siya rito.
Hanggang sa may mapindot siya sa action figure ni Thor.
"TASTE THE MIGHTY WRATH, OF MIGHTY MJOLNIR!!! I SHALL SHOW YOU THUNDER!!!" sigaw ng action figure ni Thor na nagsasalita at natamaan bigla ang daliri ni Jerome ng Mjolnir na hammer ni Thor na may shock pa ng kunyare, thunder, haha.
Pinagtawanan namin siya.
"Yikes!!! Mukhang ako rin, naprank, ah! Itong mag-pinsan na ito, pinagtitripan na kami ni KJ..pero salamat, ah!" sabi niya.
"You're welcome!" tugon ko.
"Sunod na. B9. PANGILINAN!"
Lumakad na si Raffy papunta sa Christmas Tree at kinuha ang regalong inaabot sa kanya.
"From PEREZ? Wow! Eh, bibigyan ko rin siya ng regalo rin eh! Palitan na palitan kami? Nice!"
"O, sige, PEREZ, punta ka na rin dito." sabi ni ma'am.
Pumunta na rin si Andrei kasama ni Raffy sa Christmas Tree at kinuha ang regalo niya.
Nag-hi-5 muna sila.
"Latest yan ng Curry na sapatos, pre. Sana magustuhan mo." ani Andrei.
"Eh, yan din, eh! Ano kulay niyan?" ani Raffy.
"Purple ito na may grey." tugon ni Andrei.
"Ah..magkaiba naman. Pula ito na may berde eh." sabi naman ni Raffy.
"Sige, doon na kayo, boys. Girls naman."
"G1. CASTILLEJO."
Kinuha ni Heaven ang regalo.
"From Samuel AUSAN? Wow! Nice talaga, babes! Salamat! I love you talaga!" sabi ni Heaven habang binubuksan ang regalo.
Kinilig naman kaming lahat doon, pati si ma'am. #HeaMuel!
Nakita namin, isang set ng accessories ang niregalo sa kanya. Lahat, magaganda.
Niyakap niya si Samuel pagkatapos.
"G2. DELA FUENTE. Mula ito kay CASTILLEJO."
Si Cane ay lumakad na papunta kay ma'am upang makuha ang regalo niya.
Binuksan niya ito at nakita, isang varsity jacket na kulay dilaw, may apilyedo niya at may numerong "12."
"Salamat, Heaven! Susuotin ko na ito, hihi!" sabi ni Cane at sinuot na ang varsity jacket.
"G3, GREY! Dito na!"
Pumunta na si Dana sa Christmas Tree at kinuha ang regalo niya.
"Mula iyan kay BUENAVISTA."
"Whoa! Nice, babe!"
Nag-flying kiss lang naman si Axle, habang nakahawak sa blue hat niya.
Binuksan ito ni Dana habang pabalik at nakita, isang asul na cap. Sinuot na niya ito at nakipag-lambingan na kay Axle. Wow, bagay na bagay talaga silang dalawa. Blue cap, and blue hat. Ang cute, haha. #DaXle!
"G4. HANCHER. Mula ito kay GREY." tawag ni ma'am kay Aila.
Tinanggap ni Aila ang regalo niya at nang nakapa ito, naisipang buksan na.
Ang niregalo sa kanya ay makulay na tsinelas, parang rainbow.
"Salamat, Dana!" pagpapasalamat ni Aila.
"Welcome!" tugon ni Dana habang nakikipagpatuloy sa sweet moments kay Axle.
"Sunod. LAYONISA. Mula kay CABANILLA."
Kinuha ito ni Anna at hindi muna binuksan.
Kinapa niya ito. "Swimsuit?" tanong niya kay KJ.
"Oo."
"Wow. Thanks! Titignan ko mamaya!"
"No problemo!"
"Next. MONTGOMERY. Dito na. This gift is from DELA FUENTE."
"Uy, bes! Ang galing!" sabi ni Chachi habang tinantaggap ang regalo.
Binuksan niya ito ng konti at nakita, isang bagong makulay at magandang backpack.
"Wow, nice talaga, bestie. Gumastos ka talaga para bigyan ako nito! Salamat!" pagpapasalamat ni Chachi.
"You are always welcome, Cha.." tugon ni Cane, at nagyakapan na silang dalawa. Sweet. Just like Noel and 4A's bro-hug. Ito naman, sis-hug, hehe.
"G7, QUEBRAL. Come, Gerica."
Tumakbo na si Gerica papunta sa Christmas Tree.
"This gift is from your best friend, Aila HANCHER."
"Wow! Ayos! Sana the best na ito!" sabi ni Gerica.
"Um, medyo mabigat ang regalo na ito, ha.." reaksyon ni ma'am habang inaabot ang regalo kay Gerica.
Kinapa niya ito.
"Wait..totoong bow at mga pana ito?" tanong ni Gerica kay Aila.
"Oo, mars! Para sa iyo, best gift ever ko na yan!" sagot naman ni Aila.
"Uy, thank you, talaga, ha!" pagpapasalamat ni Gerica, at pagkatapos tumakbo na papunta kay Aila at niyakap ito.
"Walang anoman, walang poblema, lagi mo yan maasahan sa akin, bes. Oh, how I wish that Mich, Seren and Hade are still with us. Even Gavin." tugon ni Aila.
Ang sweet din ng hug nila. Naiyak na sila parehas. Siguro, dahil naalala yung mga namatay nilang mga kaibigan dati.
"Last three na. Come here, SANDOVAL."
Pumunta na si Yuri roon.
"Kanino po galing itong mga ito? Bakit po ang dami, bakit po tatlo? Ah, kay KIM. Kay V." tanong ni Yuri na nasagot na rin niya.
"Oo, kay V yan galing. Dami, noh? Mukhang lahat ng nasa wishlist mo, binili talaga."
Nahiya bigla si V. Naisipan niyang gamitin na lang muna ang headphones niya at ikabit sa isang iPod o MP3 upang makinig sa musika.
Binuksan ni Yuri ang lahat ng ito sa pagkaupo.
Ang unang regalo ay imported na tsokolate. Ang pangalawa ay isang bouquet ng flowers. Ang pangatlo naman, may laman ng isang makulay na bonnet at makulay na kuwintas. Nalakaganda nito, at masasabi kong masuwerte si Yuri sa marami niyang natanggap, tila naiingit ako.
"Salamat, V, ha! 'Or' talaga ang nakasulat, so ibigsabihin, kahit isa lang at hindi lahat ng nasa wishlist, pero alam ko..dalawa rito, ang flowers at chocolates ay dati mo pang dapat naibigay na hindi ko lang tinanggap, kaya, salamat talaga at pasensya na. Alright?" pagpapasalamat ni Yuri.
Nagbigay lamang ng dalawang malaking thumbs-up si V at nagpatuloy na makinig sa musika sa dulo. Natanaw ko naman ang ngiti sa mukha niya.
"STA.JUANA! Pasensya na kung napatigil ng saglit, nagulo kasi ng konti yung Christmas Tree. Anyways, galing ito kay QUEBRAL."
Kinuha ko ang regalo ko. Agad ko itong binuksan, at nakita, isang green and yellow na belt bag at isang blue and red na sling bag.
"Wow, parehas talaga yung belt bag at sling bag, ah! Thank you so much, Gerica!"
Binuksan ko ang mga bag at tinignan kung may mga sira. Wala naman.
"At huli, YUKIKO. Mula kay ABEAR."
Kinuha na ni Chantellia ang mga regalo. Hindi muna niya binuksan.
"Mga movie yan, ah! Kaya, enjoy!" sabi ni Noel kay Chantellia.
"Okay, guys. Enjoy muna kayo, habang hinahanda ko ang mga pagkain. Pwede kayo magsayawan." sabi ni ma'am sa amin.
"Yessss!!!" sigaw nila.
Pinlay na ni AJ ang playlist ng mga sayaw sa speaker.
Nagsayawan na kami. Sumali ako, hehe. Wala akong magawa, eh. Humataw sa sayawan sina Andrei at Gerica. Parehas silang nagpakita pa ng mga stunts tulad ng mga backflip at tumbling. Nagkaroon naman ng mga malambing na sayaw ang ibang mga magkakapares, ang #HeaMuel, #AiFy, #DaXle at siyempre, ang dati pang mga magkasintahan, ang #AJYuri at #NoeChi.
Sina KJ at Jerome lang ang naiwan, naglalaro. Pinaglalaruan nila yung mga action figure ng "Thor: Ragnarok" characters na ni-regalo ko kay Jerome.
"Ah!!! Napatalsik yung Warriors Three! Fandral! Hogun! Volstagg!" sabi ni Jerome.
"Kunin mo, haha! Ako muna bahala sa labanan nina Thor at Loki sa kalaban!" sabi naman ni KJ.
Pumunta si Jerome sa Christmas Tree, kung nasaan tumalsik ang action figure nina Fandral, Hogun at Volstagg.
Nang makuha niya na ang mga ito, binato niya ang tatlo isa-isa, mula kay Fandral hanggang kay Hogun kay KJ at nasalo naman niya ang mga ito.
Ngunit may iba siyang napansin, kaya hindi muna siya umalis sa Christmas Tree. Isang regalo ang nakita niya, mahaba at mukhang may laman talaga.
"Uy, guys! Tignan niyo, o! May isa pang regalo rito! Kanino kaya ito? Hidden? Siguro, hindi na ito kasama sa exchange-gift, basta bastang regalo na ito mismo na sadya! Tignan natin kung para kanino. Punta kayo rito kung kayo, ha! Wait..to Jerome Pamular, wow! Buksan ko na lang, para sa akin pala, eh!" sabi niya.
Nakita ko naman ang gift wrapper, mula sa malayo, tila nakakabit sa..ALAMBRE.
Nakita ko, konektado sa kuryente ang akambreng konektado sa regalo. Nang maramdaman kong parang nagsisimulang magkaroon ng charge yung kuryente at pwede nang makakuryente.
"Jerome, tama na!!!" sigaw ko at tumakbo ng pinakamabilis ko, tinulak si Jerome palayo.
Hawak na ni Jerome ang nasa loob ng regalo na parang circuit board na corrupted na at delikado. Nang itulak ko siya habang hawak niya ang regalo, nahila ako ng isang alambre, at napahawak ako sa circuit board na yun pati sa mga alambre.
Nagsimula akong makuryente. Mabilis ang mga pangyayari.
Pumunta sina KJ at Jerome agad sa akin, ngunit napatalsik sila habang nakukuryente ako. Na-shock din sila ng kuryente. Sunod na pumunta ay sina AJ, Andrei at Raffy, ngunit napatalsik din sila ng mahawakan ang katawan kong nakukuryente.
Nagkagulo naman na. Sinubukan akong puntahan ni Chantellia, kita ko, pero pinigilan siya ni KJ, dahil baka masaktan siya.
Ngayon ko lang napansin, sina Samuel, Noel at 4A, ang mga magagaling sa engineering at technical ay inaayos ang kuryente, yung mga wires na connected hanggang sa tumigil ang flow. Pagkatigil naman ng flow, nakuryente bigla ako ng napakalakas.
I don't know why, but I just realized how much I suddenly fell in love with Jerome today. I mean..na-develop ako, since lagi nila ni KJ kaming kasama ni Chantellia, close na kaming apat at pinagtitripan namin ang isa't isa. Natatawa ako lagi sa kanila, lalo na sa kanya na trip na trip talaga ako more than anyone. At dati ko pa siya ayaw mapahamak, ayaw mapunta sa mga delikadong kondisyon, kaya ngayon, hindi na ako nag-dalawang-isip, niligtas ko siya — kapalit ng buhay ko.
Pumunta ang iba sa akin, lalong lalo na si Chantellia na humahagulgol na.
"Pasensya na kung hindi namin agad nina Noel at 4A nasolusyonan yung sa kuryente na yun. Nakuryente kami sa una, at aaminin naming mahirap talaga ito. Kung sinoman ang nag-set-up nito ay talagang napakahusay." pagpapaumanhin ni Samuel.
Ako naman, halos hindi na makasalita. Hindi ko na kaya. Mamamatay na ako. Peeo may mga gusto pa akong sabihin.
"I-i-it-It's o-o-o-ok-kay...okay. Wala na kayong k-k-kasa..kasa...kasa..kasalanan. Basta, Chant, I love you, at ang the rest of our family and relatives. And the rest of you in my life. At aaminin ko lang ang nararamdaman ko kay Jerjer. Jerome — I lo..lo..ov. U." sabi ko na mahina na ang boses, pautal-utal at halos hindi na maintindihan, lalong lalo na yung huling bahagi.
Anna Layonisa's Point of View
Nagkagulo na. I had no idea about what's happening. Basta pina-off sa akin yung speaker, tapos nakita ko na lang sina Samuel, Noel at 4A, inayos yung mga kuryente kuryente, kaya pati ang mga Christmas Lights namin ay namatay. Ilaw nga rin, namatay pa, pero naibalik din nilang tatlo agad.
"Anna, may nakita ka ba?" tanong ni V.
"Anong nakita? Wala..as in, wala. Totoo sinasabi ko. Wala talaga akong nakita. Hindi ko alam kung bakit." sagot ko.
"O ano na yan? Sino gumawa nun, may nanadya nun, sigurado! Nangunguryente? Wow. Pang-killer na yan." pagtataka ni Dana.
"Sigurado ka ba, Anna? Kahit kanina, wala kang nakita?" tanong pa ni Axle.
"I have no idea talaga, guys. Pero piling ko..parang nasaniban ata ako sa konting panahon kanina, sigurado habang sineset-up na yung sa kuryente kuryente na yan. It looks like they are back, pero I still believe na tapos na ang kalokohan nila mula sa epektibong solusyon natin. Di ako sigurado, ah." sagot ko naman.
"Patay.. Naku.. I think.. Bumalik na talaga sila.." ani Cane.
Back to the area of Myla, nagsisi-iyakan sila, lalong lalo na sina Chantellia at Jerome. Si KJ, naiiyak din ng konti, pero napatahimik na lang, although nabanggit niya kay Jerome na "Myla had feelings for him all along" na medyo pang-asar at pangungulit. It is confirmed. Myla is already gone. They tried to check the heartbeat and even bring her to the clinic, yet the results are the same. She is now an angel.
Naging malungkot ang kainan namin. Our Christmas Party ended up in sorrow and grief. Pinag-usapan namin kung sadya ba ito ng mga multo o sadyang sa kuryente lang talaga ng decorations namin.
"I remember, nasa ideya nating maglagay din ng mga regalo na umiilaw. At sina Samuel, Noel at 4A ay pinaghandaan yun. Sina AJ na ang naglagay nun sa ilalim ng Christmas Tree." sabi ni Heaven.
"Oo, tapos kaya naging ganyan siguro dahil hindi naayos ang kuryente, tulad lang ng circuit board na yun, corrupted." dagdag naman ni Samuel.
"Pero, bakit may nakasulat na 'To: Jerome Pamular' sa wrapper?" tanong ni Raffy.
"Baka yan yung nakuhang wrapper, alam ko kasali rin yata si Jerome sa pag-decorate. Magkasama sila ni KJ nun na medyo makulit pa, di ba?" sagot ni Chachi.
"Yeah. So hindi yun sinasadya ng isang killer? Hindi rin sigurado si Anna, pero posible. Si AJ din, hindi tulog, kaya walang napanaginipan." ani Yuri.
"Um, sa aking palagay, baka may nanadya nito. Kasi. Yung sa Jerome Pamular na nakasulat..sadya na siguro yun ng isang killer bilang patibong para kay Jerome. Tapos, sa pagkaka-alam ko pa, hindi naman ganon kalakas ang voltage levels ng ginawa namin sa circuit board at electricity sources nina Noel at 4A. Mayroong nanadya niyan, pinakeelaman. Saka, di ba, sabi ni AJ, huwag na masyado i-prioritize yung gift na yun kasi baka hindi naman gumana, itago na lang sa ilaliman at aayusin na lang ngayon, kung nagkaroon ng oras? So, nalaman ito ng isang killer, kung sinoman sa kanila, naisipang gawin itong pampatay. At alam niyo kung sino? Yung Freeze McBride. Kung hindi ako nagkakamali, ah. Nasa sequence yun. Last time, sa kamatayan ni Gavin, si Iceziana. Tapos, namatay si Hade sa pagkakuryente rin. Si Yasmin siguro na susunod kay Iceziana ang pumatay, at kuryente yun, eh namatay sa pagkakuryente si Yasmin. Ako, new student lang, pero nakikinig ako ng mabuti sa mga kwento ng survivors last year na nakakaalam. Pati sa diary ni Faithlyn, na nahanap natin kay Sam, eh. Anyways, di ba si Freeze kasabay ni Yasmin namatay sa pagkakuryente? O, tumango si AJ. So siya nga ang ghost killer ngayon. Base sa enhancement, katulad lang niya si Yasmin na magaling na sa kuryente at iyon ang ginamit nila pampatay. Tapos, para hindi makita ni Anna, sinaniban siya. By any other ghost. At sinigurado niyang hindi ito malalaman ni Anna, pero si Anna na marami nang karanasan, nararamdaman kahit konti lamang, so definitely, they are back nga. Sinadya nila ito. Kay Jerome talaga dapat, pero alam niyo naman ang nangyari, Myla saved him."
Pinalakpakan namin siya, sa pagpapasimuno ni Heaven. Nag-bow na lang siya.
"Yeah! Ang galing ng class genius natin!" sabi ni Heaven.
"Oo nga, eh! Alam na alam ang lahat at may sariling teoriya na kapani-kapaniwala." dagdag ni Axle.
Naastigan ako kay Samuel bigla. Ang galing niya! Ang talino. He figured it all out talaga, without the use of my unique gift which helps.
"I agree with Samuel. Mahusay niyang naipaliwanag ang matalino niyang teoriya. Tama lahat iyon." pagpapahayag ni AJ ng pagsasang-ayon kay Samuel.
"So what is the overall verdict here?" tanong ni Heaven.
"THEY ARE BACK." sagot ni AJ.
ABANGAN!!!
Status: (19/34, fifteen dead)
Boys
(04-016) 1. ABEAR, Noel L.
(17-001) 2. ANG, Arnold Arvin A.
(17-095) 3. AUSAN, Juan Samuel W.
(07-150) 4. BUENAVISTA, Axle Blaze A.
(06-301) 5. CABANILLA, Kane Jacob H.
(17-068) 6. KIM, Vince
(04-100) 7. MAGNIFICO, Antonio Jonathan D.
(17-002) 8. PAMULAR, Jerome Drake V.
(17-119) 9. PANGILINAN, Adrian Rafael F.
(17-182) 10. PEREZ, Andrei Q.
Girls
(17-055) 1. CASTILLEJO, Heaven Jean K.
(17-249) 2. DELA FUENTE, Alexandra Cane B.
(17-021) 3. GREY, Diana Alice J.
(17-131) 4. HANCHER, Aileen Grace E.
(17-125) 5. LAYONISA, Anna Kirsten Z.
(13-177) 6. MONTGOMERY, Charity Faith I.
(17-189) 7. QUEBRAL, Queen Gerica G.
(04-078) 8. SANDOVAL, Yuri Arissa M.
(17-072) 9. STA.JUANA, Myla P. † (Deceased)
(05-005) 10. YUKIKO, Chantellia D.
Author's Note: Hey everyone. Sorry kung natagalan itong long update na ito, hehe! Mahaba kasi talaga ito at isang event ito filled with surprises, kaya medyo mahirap gawin. Tapos, late pa ako nagising kaninang umaga. Anyways, sana magustuhan ninyo, sorry for the typos or any other errors. Thank you so much for your continuous and regular support. Nakaka-inspire yun magsulat, honestly. Yun lang, hintayin niyo ang at least one more update. Sasabihin ko lang, last ten chapters na po ng book. So..get ready. Hindi ko macoconfirm ang Book 3, which may be hard, pero sisiguraduhin kong hindi ko kayo mabibitin this Book 2, specially in the ending. Okay, that's all! Have a blessed Friday, everyone! =) ;) :D
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top