Chapter 29: Christmas Party, Part 1
Chapter 29: Christmas Party, Part 1
AJ Magnifico's Point of View
Malaki ang pagkagulat namin doon. SI SIR VINCENT MAULEON, NAGBALIK NA. AT SUMUGOD SIYA NGAYON!!!
Natakot agad kami nang marinig namin ang boses ni Sir Vincent sa katawan ni Anna.
Sinugod ng mag-pinsan na sina Noel at 4A si Anna at pinagsusuntok siya ni 4A at pinagsasakal ni Noel upang masubukang alisin ang kaluluwa ni Sir Mauleon sa katawan niya, ngunit nabigo sila at si Sir Mauleon ay ginantihan na lang sila, pinakita ang buong galit upang makalaya sa pagkasakal ni Noel at masakit na pagsusuntok ni 4A. Sinakal ng nasanibang Anna si 4A gamit ang kaliwa niyang kamay at sa kanan naman ay si Noel.
"Ano ito? Abear Brothers nanaman? Bwahahaha!!! Subukan niyo pa akong atakihin, at parehas na kayong mamamatay ngayon!" sabi ni Sir Mauleon.
"Noel! 4A!" agad na pag-alala ni Chachi, at pagkatapos, agad na pinakita ang galit kay Sir Mauleon, finlying-kick niya ang katawan ni Anna, natumba ito, ngunit nakasakal pa rin ng konti kina Noel at 4A. Ako naman ay tumulong na sa pag-aksyon.
Inapak-apakan ko ang mga kamay ng katawan ni Anna, hanggang sa maging sapat na ito upang makalaban sina Noel at 4A, nakalaya na rin sila mula sa pagkasakal. Inuubo sila pagkalaya sa pagkasakal. Nilapitan sila nina Chachi at Cane.
"Boys. Okay lang kayo?" tanong ni Cane.
Agad naman na yumakap si Chachi kay Noel, at nagbigay ng thumbs-up si 4A habang nirerecover ang sarili niya.
Nilabanan ko naman na ang nasanibang Anna ngayon kasama sina Axle at V, hanggang sa mapahangin kaming tatlo, tumama kami sa whiteboard. Nang matumba kami, tumama kami sa platform na medyo masakit.
Sunod, nagpahangin ulit si Sir Mauleon, at ang iba naman ay ang natamaan, maliban kina Andrei, Raffy, Gerica, Aila, Samuel at Heaven na nakalayo bago ang malakas na hangin.
"Gerica, my sunshine pizza. Stand back. Me and Raffy will fight for you and Aila!" sabi ni Andrei, habang hinahawakan ang kamay ni Gerica.
Samantala, hinalikan lamang ni Raffy si Aila, at pagkatapos sumama na kay Andrei papunta kay Sir Mauleon.
"Sama na ako sa inyo!" sabi ni Samuel, na nakapag-paalam na rin kay Heaven ng malambing. Pumwesto siya sa kaliwa ni Andrei.
"Rosaries, rosaries!" sabi ni Andrei, na nasa gitna ng tatlo, at nilabas ang rosary niya. Ganon din ang ginawa nina Samuel at Raffy. Tinapat nila ito kay Anna.
"MGA ROSARYO??? SINUSUMPA KO YAN, ARGH!!!" sigaw ni Sir Mauleon at lalong nagalit, pinalipad niya ang mga rosaryo, pinatalsik niya ito sa mga pintuan. Pagkatapos, pinalipad niya sina Andrei at Raffy papunta sa bulletin board.
Lumapit naman siya kay Samuel, na inilagan siya at pagkatapos sinipa siya ng malakas, napatalsik siya ng malayong malayo.
"Samuel!" sigaw ni Heaven para sa kasintahan niya at sinalo siya, ngunit parehas silang bumangga sa pintuan ng malakas sa pagkasipa ng nasanibang Anna.
Pinuntahan naman sila ng ibang nakabangon na, sina KJ, Jerome, Chantellia, Myla, Cane at Sir Darius. Tinulungan ko muna sina V at Axle na mukhang mas nasaktan sa akin sa pagkatalsik. Pinuntahan naman kami nina Yuri at Dana, ang mga concerned na girlfriend namin ni Axle.
Nang pabangon naman sina Andrei at Raffy, kinuha siya sa kamay ng nasanibang Anna at sinakal; si Andrei sa kaliwang kamay, si Raffy sa kanang kamay, katulad ng ginawa kina Noel at 4A kanina.
Nagalit naman ang mga girlfriend nilang sina Gerica at Aila, kaya binuhos nila ang mga bote ng holy water kay Sir Mauleon.
"Ah!!! Nakakainis na kayo!!! Nakakabulag..nakakasunog!!!" sabi ni Sir Mauleon at tumakbo upang umilag. Nabitawan na niya sina Andrei at Raffy. Tumigil muna sina Gerica at Aila at pumunta sa mga boyfriend nila.
Naisipan kong lumaban na.
Tumakbo ako ng pinakamabilis ko at hinuli si Anna. Nadulas ang katawan niya, at pinatumba ko ito sa sahig. Sinakal ko ito.
Sumali na si Sir Darius. Tinapat niya ang tatlong roaaryo kay Anna. Pina-expose rin niya ang scapular niyang suot suot niya.
Tapos, sina KJ at Jerome ay binatuhan ang katawan ni Anna ng mga water balloon sa mukha na lalong nagpatigil at nagpahina sa kanya. Nabasa kami ni Sir Darius ng mga tubig ng mga ito, pero ayos lang yun.
Sinasakal ko lang si Anna ng napakahigpit, hanggang sa maubo na siya ng maubo, sinusubukan pg huminga. Ah..si Anna na ito. Yung totoong Anna. Napaalis na si Sir Mauleon. Tinigil ko na ang pagsakal.
"Nasaan na yung kaluluwa ng Vincent Mauleon na yan?" tanong ko.
"Hinahanap niyo ba ako? Ha? Bwahahaha. Hindi niyo muna ako mahahanap ngayon. Invisible ako." sagot naman ng isang boses, boses niya. Hindi siya nagpakita.
"Anna, nakikita mo yan for sure, sabihin mo kung nasaan siya.." bulong ko kay Anna.
"Wait.." sabi niya, at inayos muna ang sarili niya.
"ANO BA ANG PAKAY MO, HA?" galit na tanong ni Noel.
"AT BAKIT KA PA SUMUGOD NGAYON, AKALA KO BA, YUNG MGA KAWAL MO ANG DAPAT NA ASSIGNED?" galit na dagdag ni 4A, habang tinitignan ang shades niyang nasira ni Sir Mauleon.
"Bwahahaha. Pakay ko? Ngayon? Simple lang naman. Nais ko lang kayo i-congratulate, dahil gumagana yung regular na pag-bless ng mga pari sa mga nilibingan ng mga kawal ko, pati sa akin at kay Kuya Victarion ko saka ang mga panalangin ninyong lahat, gumagana rin. Siyempre, kilala niyo naman ako kung bumati, may kasama nang sugod. Ngayon, aalis muna ako. Titigil muna kami at may gagawin upang hindi kami tuluyang mawasak. Babalik kami sa hindi inaasahang panahon. Kaya magsaya muna kayo, habang pwede pa!!!" sagot ni Sir Mauleon, na nowhere to be found, at pagkatapos, nagpahangin nanaman. Tumalsik kaming lahat.
Tumingin-tingin muna kami sa paligid. Lahat, nahihirapan sa pagsugod ni Sir Mauleon na yun.
Si Noel ay tinulungan ang girlfriend niyang si Chachi, habang pinapaginhawa ang pakiramdam ng pinsan niyang si 4A mula sa pagkasira ng shades niya. Kasama nila si Cane, ang best friend ni Chachi.
"Hayaan mo na, bro. Makakabili rin tayo ng bago, o pwede naman makakuha na lang ng natitirang shades sa bahay." sabi ni Noel kay 4A.
"Yeah..pero still. Ito ang lalong makakapagbigay sa akin ng galit kay Sir Mauleon." tugon ni 4A.
Sina Heaven at Samuel ay naglalambingan at nagkakamustahan ng kondisyon. Ganon din sina Aila at Raffy saka Gerica at Andrei.
Sina Dana at Axle ay nagpuntahan Sina KJ at Jerome ay kasama sina Chantellia at Myla, at nagkamustahan sila? Si V ay mag-isa lang, pero kinaya niyang ayusin ang sarili niya mag-isa. At si Anna ay nandito lang kasama namin nina Sir Darius at Yuri.
Nakalipas din ang isang buwan. Normal na isang buwan. Walang namamatay. Nasanay kaming bente lang kami. Pero lagi namin pinagdadasal sina Faithlyn, Knowell, Seth, Mich, Sandhel, Thirteen, Ashley, Sam, Faye, Xander, Seren, Zen, Gavin at Hade, pati ang katapusan ng death game na ito na dapat na mangyari.
Normal, at masaya.
Sanay na kaming laging may spy missions ang mag-pinsan na sina Agent Noel L.A at Agent 4A. Sanay na kami sa pares ng dalawa naming pinakamatatalino na sina Samuel at Heaven na nakakakilig talaga, at ang unique ng couple nila kasi geniuses, eh. Sanay na rin kami kina Axle at Dana, nakaka-kilig din talaga, lalo na dahil lagi silang naglalandian at naglalambingan. Siyempre, pati rin kina KJ at Jerome, sanay na sanay na kaming nagpapa-light sila ng mood. Sa una, nasanay kaming mag-isa si V lagi simula noong pagkamatay ni Thirteen, ngunit naisipan naming isali siya sa squad namin. Pumayag naman siya, ngunit magkalayong magkalayo sila ni Yuri palagi, nag-iiwasan. Ganon din si Anna, kasali na sa amin. At hindi lang yun..pati yung squad sa Quadrangle 2, yung binubuan ng #HeaMuel, #GeriDrei #AiFy, kasali na sa amin, as a sub-group. So..kaming buong klase ay iisang barkada, iisang tropa.
Makalipas ang panahon, pa-Christmas Party na. Apat na araw bago iyon, nang Disyembre 11, nagbunutan kami sa ka-exchange gift namin.
Bago ito mag-uwian.
"Okay, guys. Bago kayo umuwi, bumunot muna kayo. Napaghandaan ko na yung mga papel ng class numbers na pagbubunuta niyo, sa isang kahon. Huwag niyo sasabihin ang nabunot ninyo, ha? Maghintay para sa araw ng Biyernes. Kapag sinabi niyo yan, ipapapatay ko kayo kay Duterte. De joke lang. Basta, huwag niyo sasabihin." sabi ko sa kanila.
"Sure, captain! Isisikreto namin, no matter how much tempting it is to tell." tugon agad ni Jerome.
"Maliwanag ba? Please lang, guys. One big request ko ito sa inyo. Kahit yung mga magkasintahan diyan..marami kayo diyan. Please talaga, keep it a secret. Kayo-kayo lang yourselves nakakaalam dapat. Malalaman ko sa pagbunot niyo rito, pero hindi niyo dapat ipapaalam sa iba. Pangako ko, hindi ko ipapaalam sa iba. Maghintay kayo, okay?" sabi ko pa.
"Oo, oo. Maliwanag na maliwanag! Bunutan na!" ani Yuri.
"By class number ito. Una, ABEAR! ABEAR, Noel L. Halika na, Noel! Bunot ka na! Kayo naman, lumayo ng sobra, lahat kayo dapat compressed sa likod!"
Naglakad na si Noel. Nagdikit-dikit sa pinakalikod at pinakasulok nito ang iba.
Shinake ko muna ang kahon, at pinabunot na siya. Ang nabunot niya ay G10.
"Si Chant? Ay, ayos lang, cutie girl naman ang sa akin, eh. Hindi siguro masyado mahirap bigyan ng regalo." reaksyon niya.
"Haha, ikaw ang unang una sa lahat, tapos G10 na huling huli sa lahat ang nakuha mo." sabi ko naman.
"Haha, oo nga, eh, noh. Sana tayo lang talaga ang nakarinig nun." tugon ni Noel at tumingin sa likod, kung saan may sari-sariling mundo ang iba naming mga kaklase.
"Okay, next. ANG! ANG, Arnold Arvin A. 4A, halika na rito!"
Narinig naman agad ito ni 4A. Mabilis siyang pumunta at bumunot, bago ko pa mashake ang kahon.
"Wow, ang bilis talaga ni Agent 4A, inunahan pa ako. Sino nabunot mo?"
"Si Noel. Wow. Talagang siya pa, nice! Haha!"
Pagka-alis niya, si Samuel naman tinawag ko.
"AUSAN, Juan Samuel W. Samuel!"
Shinake ko muna, at bumunot na si Samuel.
"Oh..my..gosh. Is this for real. Si..si.." reaksyon niya at pinakita sa akin ang papel na nabunot niya. Nagulat din ako.
"#HeaMuel talaga kayo, nakakakilig! Sige, doon ka na! Sikreto muna natin, ha! Haha!" sabi ko naman at kinuha na ang papel mula sa kanya, at inisolate ito mula sa kahon ng mga natitira.
"Next. BUENAVISTA, Axle Blaze A."
Bumunot si Axle pagka-shake ko.
"What the? Si.." reaksyon niya at pinakita ang papel.
Wow..sinusuwerte ata ang mga ito, itong sina Samuel at Axle, ang nabunot ay ang mga girlfriend nila. Nakakakilig!
"Sunod. The one and only.... CABANILLA, Kane Jacob H. KJ!!!"
Si KJ ay tumakbo ng napakabilis at inagaw ang kahon, kumuha ng isang papel, at binalik na sa akin ang kahon. Naku, isa pa ito, parang 4A lang sa pagbunot, inunahan pa talaga ako
"Um, Anna. Okay lang." sabi niya at binalik na ang papel.
"Sunod, KIM, Vince. V, dito na."
Shinake ko ang kahon. Bumunot na si V pagkatapos. Nanlaki mga mata niya nang makita niya ito.
"AJ, sorry talaga, AJ, sorry na! Sorry, sorry!" pagpapaumanhin niya at ipinakita ang papel. Ang nabunot niya ay G8. Naisip ko agad..si YURI!
"Hehe, ayos lang, V. Wala akong poblema roon. Sige na, doon ka na. Sa atin lang yun, ha!"
"Sigurado ka?"
"Oo! Nabunot mo iyon, kaya tanggapin na lang natin."
"Ay, sige salamat."
"Walang anoman. NEXT!!! Ay, ako, na pala yun. MAGNIFICO, Antonio Jonathan D."
Shinake ko ang kahon ng maraming beses, at bumunot ako. Nakita ko ang papel. B2.
SI 4A!!!
Okay, how do I gift a secret agent? Mamaya na lang pala. Time to go back to work!
"PAMULAR, Jerome Drake V. Jerjer, dali na!"
Tumakbo ng napakabilis si Jerome at habang shine-shake ko, nilusot niya ang mga daliri niya at nakakuha ng isang papel.
"B4. Sino yun? Abear, Ang, Ausan, Buena — si Axle.." pabulong niyang reaksyon.
"Good luck next! PANGILINAN, Adrian Rafael F."
Ang nabunot ni Raffy ay B10. Si Andrei. Naging masaya siya para rito. Kapag best friend mo talaga ang nabunot..haha.
"At huli para sa boys. PEREZ, Andrei Q."
Ang nabunot ni Andrei ay B9. Wow. Si Raffy. Talagang sila na sila ni Raffy ay exchange na exchange! Raffy will give Andrei, whereas Raffy will be given by Andrei. Nakakainggit silang mag-best-friends!!! Magreregaluhan silang mag-best-friends.
"Girls naman."
"CASTILLEJO, Heaven Jean K."
Pumunta na si Heaven dito at bumunot.
"G2. Si Cane, di ba? Okay. Itatago ko muna."
Hindi ko sinabi na nabunot siya ni Samuel, hehe.
"Sunod! GREY, Diana Alice J."
Bumunot na si Dana. Ang nabunot niya ay G4. Si Aila!
"Okay, then..isikreto mo. Next! HANCHER, Aileen Grace E. Dito na, Aila!"
Bumunot na si Aila. Si Gerica ang nabunot niya!
"G7. Wow! Si —"
"Oo, alam kong best friend mo, kaya itago mo. Okay? Para surprise!"
"Sige!"
"Next na! LAYONISA, Anna Kirsten Z."
Ang nabunot ni Anna ay B3. Si Samuel Ausan!
"Okay, sana mabigyan mo ng regalo ang isang genius katulad niya."
"Sunod na! MONTGOMERY, Charity Faith I."
Pumunta na si Chachi rito at bumunot pagka-shake ko.
"B6. Di ba ikaw yun? Ay mali. Si V pala. Um, ayos lang." sabi niya.
"Oo. Hehe. Huwag mo munang sasabihin kahit kanino, okay?"
"Yes po, Duterte!"
"Okay, okay! SUNOD NA! QUEBRAL, Queen Gerica G. Gerica, dito na!"
Bumunot si Gerica pagka-shake ko nung kahon.
"G9..sino yun? Ah..Sta.Juana. Myla..sige. Isi-secret ko muna."
"Sige, thanks. Next. Last three na. SANDOVAL, Yuri Arissa M. Halika na rito, babe!" tinawag ko na si Yuri, ang susunod.
Tumakbo si Yuri papunta rito.
Siya na ang pina-shake ko. Bumunot siya. Pinakita niya sa akin.
OH MY GOODNESS!!!
B7. KILALA NIYO BA YUN? HULAAN NIYO, HAHA!
Napayakap siya sa akin.
"I will give you the best give ever, babe!" bulong niya at umalis na.
My, oh, my, I'm so happy.
"STA.JUANA, Myla P. Tara na, Myla! Bunot ka na! Dali! Para makauwi na kayo!"
Tumakbo na si Myla papunta sa akin.
Shinake ko muna ang kahon, at saka na siya pinabunot.
"Luh? Talaga naman..bakit lagi siya? Jerjer talaga, magnetic na sa akon! Di bale na, ipaprank ko na lang siya sa Christmas Party, at magagawa yun ng regalo ko, bwahahaha,"
Nagulat din ako sa nabunot niya. Ano ito, parang fated together sila ni Jerome? Um, oo nga, noh. Bakit nagkataon talagang sina KJ at Jerome, ang dalawang mga isip-batang asungot pa ang huling dalawa na hindi pa nabubunot?
"At huli, YUKIKO, Chantellia D. Chanty cutie baby girl, punta ka na rito at sasabihin ko ang huling huli para sa iyo!" tawag ko kay Chantellia.
Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa akin.
"Sino, kuya?" tanong niya.
"Ay kinuya mo nanaman ako, haha. Alam kong two years younger ka, pero still, kahit hindi na kuya since close friends naman tayo. Anyways, si KJ Cabanilla ang napunta sa iyo, haha, ang tanging natitirang hindi nabubunot." sagot ko.
"What??? Pero okay lang, hehe. Lagot yun sa akin, haha!" gulat niyang reaksyon.
"Haha, I ship you, #KaneTellia!" inasar ko naman siya.
"Sige lang, kuya! Haha!" mabiro niyang sabi niya at bumalik na.
"Sige, guys. Now that we are done. Umuwi na kayo! Pero..may assignment kayo. Kailangan ito, ah! Wishlist! Ipopost yan sa board para alam nang reregaluha niyo ang ibibigay sa inyong regalo. Pero!!! Pero, pero, pero! Isisikreto pa rin ang mga nabunot niyo, ha? Ha? Maliwanag?" sabi ko sa kanila.
"MALIWANAG!!!" sabay-sabay nilang lahat na tugon.
Ito ang mga magkaka-exchange gift na alam na alam ko, haha!
Abear - - - > Yukiko
Ang - - - > Abear
Ausan - - - > Castillejo
Buenavista - - - > Grey
Cabanilla - - - > Layonisa
Kim - - - > Sandoval
Magnifico - - - > Ang
Pamular - - - > Buenavista
Pangilinan - - - > Perez
Perez - - - > Pangilinan
Castillejo - - - > Dela Fuente
Dela Fuente - - - > Montgomery
Grey - - - > Hancher
Hancher - - - > Quebral
Layonisa - - - > Ausan
Montgomery - - - > Kim
Quebral - - - > Sta.Juana
Sandoval - - - > Magnifico
Sta.Juana - - - > Pamular
Yukiko - - - > Cabanilla
So, the whole week, pinaghandaan namin ang Christmas Party. Ang wishlist ko? Ang nilagay ko sa akin ay "anything valuable and memorable." Special ako, ako lang yung ganun, haha. Alam na kasi ni Yuri ang ibibigay sa akin, eh. The rest ay specified na.
Wishlist of 11-Asia S.Y 2017-2018
Boys
ABEAR, N. L.: clothes or bag
ANG, A.A. A.: shades, new shades, new watch, new shoes, or anything related to a secret agent's gear
AUSAN, J.S. W.: book (any of storybooks or learning books), or chess board
BUENAVISTA, A.B. A.: sling bag, hat or cap
CABANILLA, K.J. H.: toys! those pranking toys like fart bomb, or if possible try something even more unique which aren't in my collection yet!
KIM, V.: headphones/earphones, a song book for some songs I can see or a book of languages, filipino or english, that's good enough
MAGNIFICO, A.J. D.: ANYTHING VALUABLE AND MEMORABLE (I KNOW THE ONE ASSIGNED TO ME ALREADY AND I KNOW HE/SHE KNOWS ME WELL ENOUGH FOR THIS.)
PAMULAR, J.D. V.: toys, toys, toys! pranking toys or just those latest action figures about video game characters or any character! or food!
PANGILINAN, A.R. F: the latest basketball shoes of the famous basketball athletes. Any would do, like Curry, it's good enough.
PEREZ, A. Q.: new basketball or soccer shoes
Girls
CASTILLEJO, H.J. K.: any accessories to wear
DELA FUENTE, A.C. B.: jacket, sandals, bag
GREY, D.A. J.: dress, or anything for the category "clothes," I want good clothes to wear
HANCHER, A.G. E.: badminton racket, shuttlecock, a new ball for volleyball, or new beautiful slippers
LAYONISA, A.K. Z.: new swim suit or new footwear
MONTGOMERY, C.F. I.: any books about science, new clothes, or new bags
QUEBRAL, Q.G. G.: bow and quiver of arrows for archery (even if just toys, since real ones could be expensive), or new sports shoes!
SANDOVAL, Y.A. M.: chocolates, flowers, new top wear clothes (caps, hats, etc), necklaces
STA.JUANA, M. P.: sling bag, belt bag or coloring/painting materials
YUKIKO, C. D.: movies! CD, DVD, or pirated, any of those, any movie which you think I will like! (I hope you know me!)
Okay, so yan na muna for now..
Abangan ang susunod na kabanata, para sa mismong Christmas Party na!
Author's Note: Tama si AJ, guys. Abangan niyo! Hehe! Sorry for the typos. Sorry kung maiksi lang ito. Sana magustuhan niyo ito. Hintayin niyo po yung next update either later or tomorrow. Yun lang. I hope I will still see your support until the end. Thank you! Have a blessed Thursday evening! =) ;) :D
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top