Chapter 24: Intramurals, Part 2

Chapter 24: Intramurals, Part 2
I
Zen Castaño's Point of View

Kinabukasan, nagpatuloy ang intrams. Day 2. Wala pang laban sa cheer, magpapatuloy lang ang mga game.

7:30-8:30.

May game kami sa soccer.

ASIA VS. AUSTRALIA.

Putek itong Australia nanaman na ito malalakas sa sports. Strive for twice, pero balita ko naman last school year natalo sila nang Asia sa "strive for five" nila. Baka naman matalo namin sila ngayon, hehe.

Kasali ako, as defender, right wing-back, to be specific.

Panalo kami sa Australia. Pero muntik na matalo. 5-4 ang score. Nakakuha kami ng dalawang goals mula kay KJ, dalawa kay V at isa kay Axle, surprisingly (siguro nung nilakasan ni Dana ang cheer niya sa kanya at malapit siya sa goal nun, pinasa sa kanya ni Gavin ang bola, tapos sinipa niya agad)

Malakas ang Australia, at sa lakas na itong sinusubukan naming talunin, nainjured sina Samuel at Heaven. Pinalitan naman sila nina Cane at Chachi sa posisyon. Nakakuha ako ng foul sa rage ko, pero hindi naman ako na-out. Phew. And so far, Jerome is doing good talaga as goalkeeper.

8:30-9:30, game nanaman sa soccer.

ANTARCTICA VS. ASIA.

2-0 ang score. Dahil sa malakas na depensa at mahusay na goalkeeping ni Jerome, walang nakuhang goal ang mga kalaban. Ang mga naka-goal ay sina Gavin at Andrei. Walang goals si KJ this time. Pinalaro naman namin ang hindi pa nakakalaro na mga subs. Pinalit kami ni Myla nina Yuri (sa akin) at Aila (kay Myla). Si Gavin ay na-injure ng isang nandadaya na player ng Antarctica. Dinala siya sa clinic at agad na pinalitan siya ng concerned girlfriend niya na si Hade.

Kahit substituted ang karamihan, nanalo pa rin kami at no match pa rin sila.

9:30-10:30, may basketball game na rin.

ASIA VS. SOUTH AMERICA

Gumraduate ako mula sa mga foul nang fourth quarter. At nang fourth quarter din, pinalitan ni Axle si Gavin sa posisyong Point Guard na hanggang ngayon ay injured pa rin at hindi makakalaro mula sa injury niya sa soccer kanina. Kawawang Gavin :(

Ito mga points namin:

PANGILINAN, 19 - 27 points

KIM, 7 -  18 points

CASTAÑO, 5 - 18 points

MAGNIFICO, 8 - 14 points

ABEAR, 17 - 11 points

ANG, 18 - 9 points

PEREZ, 11 - 9 points

BUENAVISTA, 6 - 3 points

QUEBRAL, 23 - 2 points

PABLO, 9 (not in game) - 0 points

TOTAL: 111

FINAL SCORE: 111-69, in favor of ASIA, oh yeah!

Next, may basketball game nanaman. Ang huli ngunit pinakamahirap, sapagkat AUSTRALIA ang kalaban namin.

Nahirapan kami, marami kaming mga foul nakuha at may nakuhang injury. Buti na lang, si Gavin, na kakarecover lang mula sa previous injury niya ay hindi na-injure muli sa paglalaro niya sa fourth quarter.

Na-injured sina Axle at V, pero ang mas malala ay yung kay V. Siguro, makakarecover na agad si Axle mamaya, pero si V, baka hindi pa. Pinilayan yata siya ng kalaban. Kawawang V talaga. :(

At hindi lang yun..talo pa kami. Grrrr..nakakainis. Gumraduate agad ako nang second quarter sa galit ko. Ang pumalit sa akin ay si AJ sa pagiging small forward, since First and Third, siya naman ang small forward. Ang pumalit kay V para sa pagiging shooting guard ng second quarter, samantalang para sa pagiging power forward niya ng fourth quarter, si Andrei ang pumalit sa kanya. Tungkol kay Axle, simple lang naman, pinalitan agad siya ni Gavin.

Ayoko na sabihin pa ang puntos ng bawat isa since talo naman na kami. Nakaka-bad trip talaga! Basta, pinakamarami pa rin si Raffy. Kami ni V, kumonti dahil injured siya at ako naman..gumraduate agad. Sina AJ, Noel, 4A at Andrei ang medyo nag-shine pero hindi pa rin kami nagtagumpay.

Ang score? Naku po. Amputek na score na yan. 66-85. Sinubukan naming maiwasan pa sila makashoot ng sobrang dami, kaya hindi rin sila umabot ng 100+ sa depensa namin, ngunit hindi pa rin kami nagwagi talaga.

10:30-11:30, soccer game nanaman.

Okay na sina Gavin, Heaven at Samuel mula sa mga injury nila.

ASIA VS. NORTH AMERICA

Score: 3-0.

Naisipan nina KJ at Jerome na magpalit ng posisyon hanggang sa huling game. Si Jerome na ang center striker, samantalang goalkeeper na si KJ. Si V naman, pinalitan ni Cane sa posisyon. Siya ang pinakamagandang pamalit dahil pinakamabilis siya sa mga subs. Si Axle ay naka-recover na sa injury niya kanina, kaya nakalaro siya.

Naka-goal ng tatlong beses si Jerome. Lahat ng goal na yun ay mula sa kanya. At credits din para sa aming depensa, kasama ako roon, hehe. Ang mga midfielders at ang iba pang mga strikers ay naging support din kay Jerome, siyempre. At huwag natin kakalimutan ang goalkeeper na si KJ, hehe! Parehas na parehas din pala sila ni Jerome na kaya parehas ang goalkeeping at pag-sugod. Mas matangkad si KJ ng  ilang inches, but the height didn't matter, although kung ating iisipin, mas mahusay sa goalkeeping si Jerome at mas mahusay sa pagiging striker si KJ.

11:30-12:30.

Last game na rin namin sa soccer.

ASIA VS. EUROPE

Ang score? 4-1. Haha, KJ kasi, nakascore pa yung mahinang kalaban na ito, hahahaha.

Naka-goal si Jerome ng dalawa, si Andrei ng isa at si Gavin ng isa pa. Nice saves from KJ maliban doon sa isang failed save niya, at masasabi mong talagang mas gusto ko as goalkeeper si Jerome at center forward si KJ.

12:30-1:00 kaming players nag-lunch.

"Nice, nice. Sure win na tayo sa soccer." sabi ni KJ. Tapos na siyang kumain.

"Paano ka nakakasigurado? May finals pa, kalaban ang second place." tanong ni Samuel, na kumakain pa.

"Ganito kasi yun. Yung Australia ay natatalo ng Antarctica at North America. Naging triple tie sila sa pagiging second place. You know what that means, right?" pagpapaliwanag ni KJ.

"Ah..pero baka may tie breaker." reaksyon ko. Tapos na rin ako kumain.

"Malayong malayo pa rin ang mga puntos kung sinoman magiging second place. Pero..if ever that happens naman, handa na tayo, Zen, at lahat kayo. Di ba?" tugon ni Jerome, na kumakain pa rin din.

"Alam niyo naman na siguro ang gagawin niyo, noh? SAGOT, ASIA!!!" ani KJ.

"OO!!!" sigaw namin.

Nanood na lang kami ng ibang sports since tapos na kami.

Sabay-sabay sila, pero palipat-lipat ako. Swimming, Darts, Badminton, Volleyball, Table Tennis at Chess, pattern-pattern lang din yun.

Panalong panalo kami sa Darts dahil sa dalawang patawang mga isip-bata na likas na mahusay talaga, sina KJ at Jerome kasama ang suporta nang likas na cutiepie na mabait na baby girl na si Chantellia!

Sa swimming, ang galing pala ni Anna. As in. Mabilis

Beast mode na si Dana sa paglalanggoy. Galit na galit talaga ang itsura niya sa pool, sobrang bilis niya. 25% ng score ang speed.

Si Axle, relaxed lang pero napansin ko siya yung kaya lumanggoy ng dere-deretso at hindi tumitigil. Kaya niya huminga ng matagal sa tubig. Kasama ito sa criteria, 25%.

Sina Noel at 4A naman ay magaling sa mga strokes at ginamit pa nila ang kahusayan nila sa mga ito bilang technique upang mapanalo ang 10-Asia sa swimming. Parang kambal lang talaga sila, nararamdaman ko, lalo na't lumalakas ang cousin-best friend bond and relationship nila. 25% of the grade ang reflexes and strokes.

Si Anna ay ang pinanglanggoy namin sa pool na malalim. Kinaya niya ito at napakita yung bilis, katagalan sa paghihinga sa tubig at kahusayan sa mga strokes and reflexes na mayroon sina Bruce, KJ at Joel at Noel.

Panalo kami. Ito results:

11-Asia - 98%

11-Antarctica - 96%

11-Africa - 94%

11-Australia - 92%

11-South America - 90%

11-North America - 88%

11-Europe - 86%

Sa Chess naman, dalawa lang ang players, sina Samuel at Heaven. Ang #HeaMuel ay pinakita ang pinakakaya nila at nagtulungan kaya't nagtagumpay kami, naging champion kami sa Chess. Pero may support pa rin sila ni Raffy na magaling din mag-chess, hehe.

Sa Table Tennis, akala namin, hopeless na para kina KJ at Jerome na dalawa lang silang maglalaro, pero hindi pala. May dumating na tao. SI V! Okay na siya mula sa injury niya. Pahinga lang ang kinakailangan at naagapan niya ito. Yes, makakalaro siya bukas sa finals! Nakita ko ang kahusayan ni V sa Table Tennis. Pinakamagaling siya sa tatlo, at bilang captain ball, I have seen his leadership skills while he is leading KJ and Jerome.

Sa Badminton naman, panalo rin kami. Ang gagaling ng Tropang Harley Quinn, grabe! Lalong lalo na si Gerica, na parehas nagsha-shine sa badminton at volleyball! Athlete talaga. And guess what? #GeriDrei is in the air, malakas ang pag-cheer sa kanya ng boyfriend niyang si Andrei, at mukhang may kapangyarihan nga ang moral support upang makapagdala ng tagumpay. Ang ibang players naman na sina Dana, Chantellia at Myla ay mahuhusay din! Pinalaro rin nila yung mga sub na sina Yuri, Chachi at Cane, siyempre.

Sa Volleyball naman, MVP din si Gerica, pero hindi na siya ang captain since bawal maging captain ng dalawang sports, kaya si Aila na na medyo nagsha-shine rin sa laro. Kumbaga, second place to the MVP siya since lumalabas na pangalawang pinakamahusay siya. Kasama nina Gerica at Aila sina Hade, Anna, Myla at Chantellia na malalakas ding pumalo. Sina Heaven at Dana ay mga subs, pinalaro rin, pinalit kina Myla at Chantellia pagkatapos ng kalahati ng game.

Pero regarding #GeriDrei, parehas palang athlete itong dalawang ito. Hindi man pinaka-MVP sa lahat si Andrei, nakaka-score rin siya ng marami sa parehas na basketball at football. Grabe, iba yun! Sina KJ at Jerome nga hindi marunong mag-basketball at si Raffy hindi marunong mag-football. Kulang na lang, sumali siya sa badminton at volleyball kahit pambabae yun, hehe. Pero, oo, kaya talaga ni Andrei lahat ang sports (maliban sa Darts at Table Tennis), nag-give-chance to others lang siya para sa ibang isa lang ang sport, katulad sa Chess, isa lang ang sport nina Samuel at Raffy parehas, kaya naisipan na niyang pagbigyan yung dalawa. At sa Swimming din, pinagbigyan niya sina Noel at 4A na dapat bibigyan siya ng slot pero mas gusto niyang sila muna para hindi lang basketball ang sport nila. That's really something good I liked about Andrei.

Anyways, panalo kami sa lahat ng sports, maliban sa basketball na hindi pa kami tapos talaga.

Kaming basketball team ay naisipang magpraktis muna ng uwian. Ayon kay Raffy, dapat humanap kami ng mga stratehiya at taktiko na ikakapanalo namin.

Tagumpay naman. Nakita ni Raffy ang mga pagkakamali naming kailangang namin baguhin at sinubukan naming iyon baguhin.

5:30 kami natapos.

Umuwi na silang lahat, maliban sa akin na hinihintay pa sundo ko. Kung magtatanong kayo, yes, hindi ako katulad nung karamihan na commute na. Sinusundo pa rin ako hanggang ngayon. Ever since kasi noong napatay ko ang papa namin, mas lalong worried si mama para sa akin. Ayos lang naman yun..

Wala pa rin talaga si mama, nainip ako, bumalik ako ng gym. Naisipan kong mag-basketball muna for a while. Naku, how I wish Ashley was here..kilala ko yun. Kapag naiinip ako at hindi pa dumadating sundo ko, hindi pa siya uuwi para sa akin. Isusumpa ko talaga yang killer na yan at kapag nakita ko yun, susubukan kong patayin yun.

Basketball lang ako ng basketball, hanggang sa makaramdam ako ng malakas na hangin at biglang may isa pang bola na gumalaw, lumipad at tumama sa akin.

Tumigil ako dahil dito.

"Sino yan? Sino nandiyan? Ipakita mo ang sarili mo!!! Hindi ako natatakot sa iyo!!! POTA KA!!!" bulyaw ko.

Lintek na yan..sino kaya yun? Ang lakas ng trip na pagtripan ako, punyeta!!!

Biglang gumalaw pa yung bola, at pati yung bola kong ginamit ay gumalaw na. Nagsi-dribble sila ng mag-isa. Naku po, minumulto ako? Pero wala akong paki. Di ako basta bastang matatakot. Mahaharap ko siya, kung sinoman siya. Kung naharap ko si papa ko, edi mas mahaharap mo kayong hindi ko kaanu-ano!!!

"P*T*NGINA MO TALAGA, AYAW MO PA MAGPAKITA, HA? YARI KA TALAGA SA AKIN! G*GO!!! LAKUMPAKE KUNG MULTO KA!" sigaw ko. T*ngina, hindi ko na kaya, hindi na ako mapakalma ngayon.

May nagpakita biglang lalaki na mukhang siga, mukhang Mr,Swabe. Gwapo naman siya, matangkad, parang gangster dahil sa bandana niya sa ulo at may skateboard na sinasakyan. Multo na siya. At galit na galit ang tingin niya sa akin. Wait..siya siguro yung naririnig ko sa mga kwento na Mr.Swabe!

"HINAHANAP MO AKO? HA? ULUL MO. MAGLALABAN NA TAYO NGAYON. GINUSTO MO ITO. AKO SI BRUCE OLIVER YANNI YAMAMOTO, AT HINDING HINDI MO AKO MATATALO!!!" sabi niya sa akin.

Hindi pa rin ako natakot. Kaya ito, kaya ito!

Kinuha ko ang bote ng asin mula sa bulsa ko. Panlaban ito sa mga multo. Tinama ko ito kay Bruce, ngunit walang epekto. Nakatayo lang aiya roon at pinagtawanan ako.

"P*TCHA, MASUNOG KA NA, IKAW NA HAYOP KA!!!" sabi ko sa kanya at tinapon ang buong asin sa mukha niya.

PERO WALA PA RING EPEKTO.

"T*ngina, ano ka, special type of ghost? Hindi ka nasusunog?" tanong ko sa kanya.

"Ang tawag diyan, ENHACEMENT. Nagkaroon kaming mga multo ng training habang nasa tigil ang mga patayan. At ngayon na nagbalik na rin kami, magbabalik na ang patayan. At sa iyo magsisimula, Castaño. Gusto mo akong sunugin? IKAW NA LANG!!!" sagot niya at pagkatapos, nilabas ang galit niya, bumuga siya ng apoy mula sa katawan niya at pinatalsik ang lahat ng ito sa akin.

Nagsimula akong masunog. Leche, ano meron at parang Human Torch na siya ng Fantastic Four Marvel o El Diablo ng Suicide Squad ng DC sa pagbuga ng apoy?!

"Ah! Ah! Ah! SAKLOLO!!! ARGH.....G*GO KA TALAGA, YAMAMOTO!!! MAMAMATAY MAN AKO NGAYON, PERO BABALIKAN KITA SA IMPYERNO! AT ALAM KO NAMAN NA ANG MGA KAKLASE KONG ITUTURI KO NANG MGA KAIBIGAN NGAYON AY GAGANTI PARA SA AKIN..PARA SA AMING MGA PINATAY NINYO NG HINAYUPAK NA SIR MAULEON NA YAN!!!" sabi ko habang nasusunog na. Sunog na mukha ko at wala na akong makita kung hindi ang apoy na lumiliyab sa katawan ko.

Nararamdaman ko ang sakit masunog, hanggang sa maramdaman kong parang may mga apoy na dumagdag. Wala na ako.

HINDI KO NA ALAM.

Bruce Oliver Yanni Yamamoto's Point of View (BRAINWASHED AND MANIPULATED BY SIR MAULEON)

Unti-unting nasunog sa mga abo si Zen. Ang sarap talaga magkaroon ng kapangyarihan sa apoy. Hehe, nakuha ko ito mula sa kamatayan kong mula sa apoy din. Ang galing talaga nang enhancement sa amin nina Kuya Victarion at Sir Vincent, hehe..

Tagumpay. Pumunta ako kay Alaiza De Castro, ang namamahala sa mga CCTV ngayon.

"Alaiza, ano na?" tanong ko, pagkarating sa CCTV room.

"Na-edit ko na ang video, yes! Imbis na ikaw, ang lumalabas ay isang killer! Hehehehehe! Malilito sila nito!!!" maligaya niyang pag-sagot sa akin.

"Wow naman, sweet skills, natuto ka talaga sa pagturo sa iyo ni Blake kahapon pa hanggang kanina?" reaksyon ko rito.

"Oo, oo! Ang sarap talaga ng buhay kqpag marami kang natututunang bago, di ba? Ang astig talaga ng enhancement na ito para sa atin!!!" tugon ni Alaiza.

"Teka, di ba sabi nina Kuya Victarion, nagkakaroon daw sila ng poblema kay AJ dahil nanaginip nanaman siya?" bigla kong naisingit.

"Um, oo nga, noh. Pero huwag kang mag-alala..hindi naniniwala yung mga iyon sa kanya dahil sa inedit ko, mwahahahaha!" reaksyon ni Alaiza.

"Ay, oo nga, noh! Hahahahaha, nice one talaga! Sana, hindi niya mapapanaginipan ang parteng itong nag-uusap na tayo. Yung kamatayan lang ni Castaño. Mwahahahahaha." sabi ko naman.

ABANGAN.

Status: (22/34, twelve dead)

Boys

(04-016) 1. ABEAR, Noel L.
(17-001) 2. ANG, Arnold Arvin A.
(17-095) 3. AUSAN, Juan Samuel W. 
(07-150) 4. BUENAVISTA, Axle Blaze A.
(06-301) 5. CABANILLA, Kane Jacob H.
(17-189) 6. CASTAÑO, Zenke Blaze Y.  † (Deceased)
(17-068) 7. KIM, Vince
(04-100) 8. MAGNIFICO, Antonio Jonathan D.
(17-154) 9. PABLO, Gavin Rock X.
(17-002) 10. PAMULAR, Jerome Drake V.
(17-119) 11. PANGILINAN, Adrian Raphael F.
(17-182) 12. PEREZ, Andrei Q.

Girls

(17-055) 1. CASTILLEJO, Heaven Jean K.
(17-249) 2. DELA FUENTE, Alexandra Cane B.
(17-021) 3. GREY, Diana Alice J.
(17-131) 4. HANCHER, Aileen Grace E.
(17-125) 5. LAYONISA, Anna Kirsten Z.
(13-177) 6. MONTGOMERY, Charity Faith I.
(17-189) 7. QUEBRAL, Queen Gerica G.
(17-218) 8. QUINZEL, Harleen Jade S.
(04-078) 9. SANDOVAL, Yuri Arissa M. 
(17-072) 10. STA.JUANA, Myla P.
(05-005) 11. YUKIKO, Chantellia D.

Author's Note: Second update of the day. I'll try talaga for one more. Sorry for the typos. Sana magustuhan niyo. Hehe, how is the enhancement of the ghost killers? Happy reading po, have a blessed Tuesday night, God bless! =) ;) :D

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top