Chapter 22: Mga Paghahanda

Chapter 22: Mga Paghahanda

Noel Abear's Point of View

Wew. Another day. Second day of the second semester. Hehe.

Nang-galing kami ni Arnold mula sa medyo malayong lugar lungsod. Kaya bihira kami dumadating ng maaga.

Ngayon, medyo maaga kami. Mga 6:42.

Bumaba kami mula sa kotse ni Tito Alvin, ang ama ni Arnold, o mas kilala ng marami bilang "4A."

Sabay iami naglakad ni Arnold. Nakita namin si V sa Canteen 4.

"Ano, may spy mission ka?" tanong ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin at binigyan na lang ako ng ngiti.

"Hindi na. Nothing to be suspicious about V. Nothing yet." sagot niya.

"Okay, sige. Sa Canteen 2 muna tayo. Nandoon ang iba, eh." tugon ko.

Dumeretso kami sa Canteen 2, pero bago yun, binati namin si V, na lagi na mag-isa ever since na sumakabilang buhay na si Thirteen.

Nakasuot ng polo shirt na makulay at maraming stripes si V. Bagay naman sa kanya. Ang gwapo ni V ngayon, hehe.

"Hi, V. Musta?" sabi ko.

"Hello. Ayos lang ako, guys." tugon niya at nagpatuloy lang sa kakagamit ng iPhone niya. Naka-earphones siya, pero narinig niya ako.

"Sige, that's good. Enjoy ka lang, ha?" sabi naman ni Arnold.

Dumaan kaming Quadrangle 2 at nakita namin sina Aila at Gerica. Wews. Ang cute talaga ni Aila, although mas at pinakacute pa rin talaga si baby girl Chantellia. Ang ganda rin talaga ni Gerica, pero loyal talaga ako at kahit hindi ako loyal, talagang pinakamaganda pa rin sa lahat si babe Chachi, ang girlfriend ko.

Pagkalabas ng Quadrangle 2, nadaanan namin sina Gavin at Hade na nagtatawanan. Nagtinginan kami ni Arnold.

"Ang sweet, noh?" bulong ko.

"Spy kaya natin?" pagyaya niya.

"Hmm. Pwede. Let's go! Ay, wait. Mag-spy tayo kapag wala nang bag. Iwan muna natin sa Canteen 2."

"Ge."

Pumunta muna kaming Canteen 2 at iniwan mga bag namin doon. Ang bag ko ay plain green lang na Jansport samantala ang kay Arnold ay plain blue lang na Jansport. Asking what am I wearing? Blue checkered, na may white undershirt at blue na maong pants, ganun din si Arnold pero green checkered naman siya, haha, nagkabaliktad sa kulay ng bag.

Ang mga nandoon pa lang ay sina AJ, Yuri, Axle, Dana, Chantellia at Myla.

"Ah, iwan lang namin, ah. May pupuntahan lang kami." pagpapaalam ko.

"Saan? Sa mga stealth missions ninyo?" tanong ni AJ.

Nagtinginan lang kami ni Arnold at medyo nahiya na.

"Obyus naman, eh. Pero pati ikaw, Noel?" ani Myla.

"Hayaan mo na, cousin to cousin bond yan, eh." ang tugon ni Chantellia rito.

"Sige, sige. Okay na kayo. Pwede na kayong umalis at mag-spy." pag-aaproba ni AJ.

Pansin na pansin ko na patuloy lang ang lambingan nina Dana at Axle. Ay, #DaXle nga talaga.

"Sige, ah. Dito na kami sa..well nahulaan niyo na." sabi ni Arnold.

Tumakbo na kami papunta sa Quadrangle 2.

"Nice talaga, may bonding na tayo kung ako na pala ang bago mong partner-in-crime sa mga ganito.." sabi ko kay Arnold habang tumatakbo.

"Oo nga, sanay akong mag-isa tapos ilang linggo makalipas nasanay ako na kasama ko lagi si Knowell hanggang sa tumagal ako nang mag-isa at nasanay na rin doon. Kaya huwag ka nang puro basketball, hihi. Pero kung kailangan mo ng time kay Chachi, pagbibigyan ko kayo. Ayos lang naman kahit mag-isa ako." tugon ni Arnold.

Nang makabalik na kami sa Quadrangle 2, binigyan niya ako ng hudyat na dapat tumahimik na kami at mag-ingat sa paglalakad.

Kaya ginawa namin ang stealth walk. Nakapa-side kaming naglalakad at nakadikit ang mga katawan namin sa pader. Dahan-dahan kaming naglalakad. Nauuna siya sapagkat mas mahusay at mas sanay siya kaysa sa akin.

Tinuro niya ang ilaliman ng isang staircase, at pagkatapos dahan-dahang tumakbo. Alam niyo yung takbo ni Naruto? Yung takbo na katulad din ng takbo ng mga Ninja Turtles? Nakayuko kami at ang mga kamay namin ay gumagawa ng slant angles sa hangin sa aming mga likuran. Ginawa namin ang stealth run namin papunta sa ilaliman ng isang staircase na malapit sa Tropang Harley Quinn.

Narinig namin ang tawanan nina Hade, Aila at Gerica. Tumutugtog lang si Gavin.

"Naku, nakakainggit talagang magkaroon ng boyfriend. Ako kaya, when na magkakaroon ng boyfriend? Wala akong mapili. Maraming nanliligaw, pero wala akong mapili." sabi ni Gerica.

"Ang choosy mo kasi, sis. Ngayong namang intrams, magsha-shine ka kasi ikaw na yung napakahusay at hot na sexy na athlete. Dapat ikaw Athletic Leader, pero hindi ka pa nakikilala dati, kaya si baby girl Chantellia muna. Pero balita ko, may crush daw sa iyo si Andrei. Oo, totoo. Naririnig ko paminsan sa asaran ng boys. Hindi lang ako sigurado ng hundred percent." sabi naman ni Aila.

"Ay, talaga? Mapapalitan na talaga ang #SamDrei. Right, Gavin?" ani Hade.

"Right." ani Gavin.

"So magkakaroon na ng #GeriDrei? Lakum pake, Aila, titignan na lang natin kung magugustuhan ko siya. Basta, #AiFy ako. Kayo ni Raffy dati pa bagay. Tignan niyo mga kapatid niyong sina Seren at Xander, ibang level na sa pag-ibig, hanggang sa pagkamatay ang sweet pa rin." sabi naman ni Gerica.

"Naku, bes! Mukhang ayaw na nga sa akin ni Raffy. Ay, ewan ko. Nowadays iba na siya, tahimik na at cold-hearted, hindi tulad dati na friendly." reaksyon ni Aila.

"Bakit, dati pa, naiisip mo, may gusto siya sa iyo?" tanong ni Hade.

"Oo naman. Friendly siya sa akin nun eh. Iniinbita pa niya ako kapag magbabasketball sila. Ngayon, hindi na..ever since noong namatay sina Xander at Seren." sagot ni Aila.

"Eh, siyempre, give him space and time rin. Best friend-brother relationship nila ng Kuya Xander niya. Ikaw din naman, di pa maka move on halos, di ba? Sorry for making you sad again, ha.." ang tugon ni Gerica rito.

"It's okay, bes. I know, Seren is just here with me." naiiyak na sabi ni Aila.

Bigla naman akong nakaramdam ng parang may nasa likod namin, at ganun din si Arnold kaya agad kaming lumingon.

Nakita namin, si Andrei. Nakasuot siya ng isang pulang varsity jacket, at ang panloob niya ay isang itim na tank top.

Agad namin siyang binigyan ng "SHHHHH" pagkakita sa kanya sapagkat nasa stealth mission kami.

"Drei, anong ginagawa mo rito?" pabulong na tanong ni Arnold sa kanya.

"Spying." pabulong niyang sagot.

"Spying? Seryoso? Kanino?" tanong ko na pabulong din.

"Kay ah...Gerica." sagot niyang pabulong pa rin.

Nagtinginan kami ni Arnold.

"Weh? May crush ka talaga sa kanya?" sabay naming tanong ni Arnold.

"Oo, eh.."

"Liligawan mo?" tanong ko.

"Depende. Pwede naman ngayon, eh. Tutal, nakapag-praktis ako. Kasama ko actually si V. Kumuha ako nang singer na mas magaling pa sa akin sa singing." sagot niya, at pagkatapos nagulat ako kay V na nasa likod lang pala niya.

"Hello. Pwede ko ba kayong maasahan ng pabor? Sa isang kanta, gusto natin itong gawing parang banda. Praktisin niyo muna sa papel na ito, o!" sabi ni V at inabutan kami ni Arnold nang mga papel.

Nabasa namin, isang kanta. Nabasa namin mga pangalan namin at nina Andrei at V.

"Para saan ito? Kakanta tayo? Naku, haha." reaksyon ko.

"Oo, kakanta tayo. Konti lang naman lines ninyo. Kakalagay ko lang ng pangalan niyo ngayon diyan, since kayo ang pwedeng pwede." ang tugon ni V dito.

"Sige..we'll do this for Andrei. I mean..#GeriDrei. Practice lang kami ng konti."

Pinraktis namin ni Arnold ang lines namin. Mas madaming lines sina Andrei at V na nakapagpraktis na, buti na lang.

"Hey Girl" pala ito ng Gimme 5, isang kanta na kinakanta ng lalaki na may crush sa isang babae all along. Bagay nga ito sa #GeriDrei.

Naglaro ng volleyball yung tatlong babae habang nagpapraktis kami ng sikreto. Two on one sila. Duo nina Hade at Aila laban sa mag-isa ngunit napakahusay na player, si Gerica.

"So..si Gavin ay kasama. Pero, mag-gigitara lang siya. We all know hindi niya kaya ang tagalog. Let's wait for his signal, okay?" sabi ni Andrei.

After a few minutes, nagbigay na ng hudyat na ng hudyat si Gavin. Nakahanda na kanina pa ang gitara niya. Pinatugtog niya na ito. Nagpakita na si Andrei at naglakad papunta sa harapan nina Gerica. Nagsimula na siyang kumanta ng marinig niya yung tamang chord para sa simula. Kaming tatlo ay nanatiling nakatago sa ilaliman.

[Andrei:]

Hey Girl

Simula nung makilala ka,

Di' mapaliwanag sa sarili,

Mundo ko ay nag-iba.

(Nagpakita na rin si V. Tumabi siya kay Andrei, sa kaliwa niya. Tumigil muna ang mga babae at tinignan kami.)

[V:]

Hey Girl!

Simula nung makilala ka,

Ang araw-araw maganda,

Na puno ng kulay at saya.

(Ako na ang sumunod na nagpakita. Jusko, para kay Andrei ito, perokinakabahan at nahihiya pa rin ako myself.)

[Noel:]

Kaya salamat sa'yo,

Ang puso ko'y sayo lamang,

(Pagkatapos kong kantahin ang parte ko, tumabi ako sa kanan ni Andrei. Tapos, si Arnold na. Unti-unti namang naglakad si Gavin papunta sa amin. Kami namang tatlo ay sumasayaw-sayaw habang kumakanta si Arnold.)

[Arnold:]

Sana wag kang malito,

Dahil hindi ako nagbibiro.


(At, lima na kami. From left to right, ito kami: Gavin, V, Andrei, Noel, Arnold. Nakikita namin ang ngiti ng mga babae ngunit nakikita ko rin na nalilito sila.)


[Andrei, V, Noel and Arnold:]

Hey Girl!

Ikaw lang ang aking iniibig,

Sa pagpikit at sa pagmulat ng mata,

Ikaw ang nasa isip.

Hey Girl!

Pinapangako ko sayo,

Ikaw lang ang nilalaman,

Ng puso kong ito


(Lumapit si Andrei kay Gerica. Napatili sina Hade at Aila, at nagulat talaga si Gerica.)


[Andrei:]

Sana maniwala ka,

At wag magtataka

Kung bakit ako ganito.

Hey Girl.

[V:]

Hey Girl

[Noel:]

Hey Girl

[Arnold:]

Hey Girl

[Andrei:]

Hey Girl


(Bumalik na si Andrei sa dati niyang puwesto upang makanta ni V ang bago niyang parte.)


[V:]

Hey Girl!

Hindi mo ba napapansin,

Na ako'y may tinatago,

Na lihim na pagtingin.

Lumapit nanaman si Andrei kay Gerica pagkatapos.

[Andrei:]

Hey Girl!

Hindi mo lang alam,

Kung gaano mo pinapakilig,

Ang puso kong ito.


(Nanatili si Andrei kay Gerica. Si Arnold naman ay tumigil sa kakasayaw at kinanta ang linya niya. Hehe, nagpalit kami ngayon.)


[Arnold:]

Kaya salamat sa'yo,

Ang puso ko'y sayo lamang,


(Bumalik siya sa kakasayaw at ako naman ang tumigil, para sa linya ko.)


[Noel:]

Sana wag kang malito,

Dahil hindi ako nagbibiro.

[Andrei, V, Noel and Arnold:]

Hey Girl!

Ikaw lang ang aking iniibig,

Sa pagpikit at sa pagmulat ng mata,

Ikaw ang nasa isip.

Hey Girl!

Pinapangako ko sayo,

Ikaw lang ang nilalaman,

Ng puso kong ito.

Sana maniwala ka,

At wag magtataka,

Kung bakit ako ganito.


(Sinayaw na ni Andrei si Gerica.)


[Andrei:]

Simula nung makilala ka,

Di mapaliwanag sa sarili,

Mundo ko ay nag-iba.


(Si V ay sumayaw-sayaw habang iniikutan kami ni Arnold na sumasayaw at Gavin din na tumutugtog.)


[V:]

Hindi mo ba napapansin,

Kami naman ni Arnold ang umikot-ikot, pinaligiran sila ni Gavin.

[Arnold and Noel:]

Na ako'y may tinatago,

Na lihim na pagtingin

[Andrei:]

sayo.

(Tumigil na si Andrei sa kakasayaw kay Gerica at tinignan na lang siya ng matagal. Nakangiti si Gerica at ganun din si Andrei. Sina Hade at Aila ay nanonood lang at kinikilig.)

[V:]

Hey Girl

[Noel:]

Hey Girl

[Arnold:]

Hey Girl

[Andrei:]

Hey Girl

Bumalik na si Andrei sa amin pagkatapos.

[All:]

Hey Girl!

Ikaw lang ang aking iniibig,

Sa pagpikit at sa pagmulat ng mata,

Ikaw ang nasa isip.

Hey Girl!

Pinapangako ko sayo,

Ikaw lang ang nilalaman,

Ng puso kong ito.

(Habang kinakanta ito, paiba-iba kaming lima ng lugar at nagbubungguan kaming lahat habang sumasayaw, maliban kay Gavin na konti lang ang sayaw sa pagtutugtog.)

(Sunod, lumapit muli si Andrei kay Gerica para sa huling mga linya niya at ng kanta. Sinagaw niya muli si Gerica. Sumasayaw-sayaw lang kaming tatlo nina Arnold at V, iniikutan si Gavin na tumutugtog ng gitara.)

[Andrei:]

Simula nung makilala ka,

Di mapaliwanag sa sarili,

Mundo ko ay nag-iba.

Hey Girl.

"Wooooohhhh!!!" pumalakpak sina Hade at Aila at halata ang kilig nila pati saya para kay Gerica.

"All along para sa inyo yun ni Andrei, Gerica." sabi ni V.

Magkaharap sina Andrei at Gerica at tinitignan nila ang isa't isa ng mabuting mabuti na may malaking ngiti.

"Papayag ka ba? Hindi ko na papalampasin pa at hindi na ako magpapahuli tulad nang mga nararamdaman ko kay Sam noon na hindi ko man lang nasabi bago pa man siya namatay. Crush na talaga kita ever since. Parehas ko kayong crush ni Sam pero noong buhay pa siya, mas nadedevelop ako sa kanya dahil lagi siya sumasama sa akin. Ngayon, sa iyong sa iyo na lang ako. Papayag ka bang maging tayo na?" panliligaw na tanong ni Andrei.

Halos nagkakaroon na ng tears of joy si Gerica. Napayuko muna siya.

"Yes, yes, yes! Payag ako!" sagot niya at napayakap na lang kay Andrei.

Pumalakpak naman kami nina Arnold, V, Gavin, Hade at Aila.

Wow. Stealth mission lang, naging involved na kami sa ligawan na pinlano nina Andrei, V at Gavin para kay Gerica, na ngayon ay #GeriDrei na!!!

Kaming lahat ay umalis na sa lugar sapagkat 7:05 na. Pinapauna namin ang bagong couple na sina Andrei at Gerica. Holding hands na sila at nagche-cheer kami para sa kanila. Inaasar namin at pinapakita ang kilig na nadarama. Not a bad morning for a new start.

Dumeretso muna kami ni Arnold sa Canteen 2 upang kunin ang mga bag namin. Nandoon pa rin silang lahat, kahit paalis na.

"O, mga Abear, saan kayo nang-galing?" tanong ni KJ.

"Sa stealth mission na naging pagiging involved sa isang ligawan." sagot ko naman.

"Weh? Sino? Sino nanligaw? May bagong couple na?" agad na tanong ni Axle.

"Oo. #GeriDrei. May crush nga talaga si Andrei kay Gerica at ayaw niyang palampasin pa, baka mamatay na ang isa sa kanila ng crush niya tulad nang nangyari kay Sam. Kasama namin sina V at Gavin, para kaming banda, instirmentalist si Gavin at kaming apat naman, mga vocalist." sagot ni Arnold.

Tumabi na ako kay Chachi pagkakuha ng backpack ko. Nagbigay ako ng halik sa pisngi niya at ganun din siya sa akin.

"Nice naman..may bago nanaman na dagdag sa ating..hot loveteams!!!" tugon ni Jerome.

"At nice naman, magbebell na. Let's go!" kontra ni AJ at tumakbo na palabas. Sumunod agad si Yuri.

"And..that guy is really usually the most serious among all of us. Anyways, you heard the man, let us follow General Magnifico already!" reaksyon ni Jerome rito at sumunod na.

"Wait for me!" ani KJ at sumunod na rin.

"Wait for us?!" reaksyon ni Myla, at sumunod na sila nina Chantellia, Axle at Dana.

"Let's go?" pag-aalok sa amin nina Chachi at Cane ni Arnold na sumunod na rin.

"Yes." sagot ko, at sumunod na kaming apat.

Nang makarating kami sa itaas, sa corridor, lahat sila ay nandoon na, kahit yung #GeriDrei na kakaalis lang sa Quadrangle 2 kanina.

Inayos ni AJ mga pila namin. Here we go again sa pagiging pinakalikod ko..hehe. I'm the tallest sa amin, eh, hehe.

Nang Homeroom Period, may inannounce si Chantellia.

"Okay. So..kailangan nanatin ifinalize yung sa intrams. Next week na iyon. Raffy, ikaw captain ball ng basketball, di ba? Tapusin mo na at inannounce ang line-up para alam nila. Pati sa football, KJ, ikaw ang captain ball. The rest of the sports, mamaya rin natin pag-uusapan."

Tumayo na si Raffy, na hawak ang isang papel. Pumunta siya sa platform.

"Okay, ito ang line-up. Abear, Ang, Ausan, Buenavista, Castaño, Kim, Magnifico, Pablo, Pangilinan, Perez at Quebral. Okay lang siguro sa iyo, Gerica na nag-iisang babae sa basketball team, ah. Kulang na kasi talaga, alam mo namang maraming namatay sa atin at ang iba roon ay magagaling sa basketball. Tutal, kayo naman ni Andrei, so you have no problems? Hehe, char lang, Gerica." sabi ni Chantellia.

"Oo, okay lang sa akin. Kung para naman sa ikapapanalo natin.." tugon ni Gerica. 

"Okay, okay. First Quarter, ang first five ay ako, sina AJ, Noel, Arnold at Axle. Second Quarter, ang mga maglalaro ay sina V, Zen, Noel, Andrei at Gerica. Tapos, sa Third Quarter, ako ulit, tapos AJ, Noel, Andrei at Gerica. At para sa Fourth Quarter, ang mga maglalaro ay ako pa rin, tapos sina Zen, V, Arnold, Gavin at Axle. For three consecutive quarters, si Noel ang center pero kapag dumating ang fourth, si Arnold naman. Yun lang, good luck sa atin." tinuloy ni Raffy ang pag-announce ng line-up, at pagkatapos ay umupo na. Si KJ naman ay tumayo at pumuntang platform.

Ganito yan:

Forwards: Raffy (first, third and fourth), V (second)

Shooting Guards: AJ (first and third), Zen (second), V (fourth)

Point Guards: Arnold (first), Andrei (second and third), Gavin (fourth)

Defense: Axle (first and fourth) Gerica (second and third)

"Sa soccer, medyo kulang kulang tayo. Ito ang original line-up na hindi ko pa dinadagdagan. Cabanilla, Pamular, Buenavista, Castaño, Kim, Magnifico, Pablo at Perez. Pero dinagdag ko sina Ausan, Castillejo, Dela Fuente, Hancher, Montgomery, Quinzel, Sandoval at Sta Juana as subs. I mean, yung iba diyan ay subs. Sina Ausan, Castillejo at Sta Juana lang ang hindi subs. Nakikita ko kasi kayo sa P.E noon na may potential, eh. So I believe in you. Ayos lang ba yun?" sabi ni KJ, tungkol sa football team.

Tumango sina Samuel, Heaven, Cane, Chachi, Yuri, Myla, Hade at Aila.

"Okay lang yun..subs lang naman, eh.." sabi ni Chantellia.

May iginuhit si KJ. Yung line-up siguro sa soccer.

Ito ang kinalabasan:

• • •

Pablo Cabanilla Perez

 

• • •

Buenavista Kim Magnifico

• • • •

Sta Juana Ausan Castillejo Castaño

Pamular

Forwards/Strikers: Gavin (left), KJ (center), Andrei (right)

Midfielders: Axle (left wing), V (center), AJ (right wing)

Defenders: Myla (left wing-back), Samuel (left center-back), Heaven (right center-back), Zen (right wing-back)

Goalkeeper: Jerome

Subs: Cane, Chachi, Yuri, Hade and Aila

"So..yan. Jerome, galingan mo aa goalkeeper, ha. Ipakita mo ulit yung reflexes mo. Kaya natin ito, I believe in it. Sa mga subs, stand by lang kayo at maghintay sa posisyon na maibibigay sa inyo. Ayos ba yun, football players?"

"Oo!" sagot ng mga football players.

"Good."

"So, para sa swimming. Ang captain niyo ay si Anna. Ang ibang mga players ay ito. Grey, Buenavista, Abear at Ang. Tapos, sa volleyball. Ang captain niyo ay si Gerica. Ang ibang players ay sina Hancher, Quinzel, Grey, Sta Juana at ako, Yukiko. Subs pala, mayroon, sina Montgomery, Sandoval at Dela Fuente. Tapos sa Badminton, si Hancher naman ang captain since captain na si Gerica sa volleyball. Ang ibang players ay sina Quebral, Quinzel, Layonisa, Sta Juana at ako, Yukiko. Sina Castillejo at Grey ang mga subs. Sa Table Tennis, ang captain niyo ay si V. Other players ay Cabanilla at Pamular. Um. Good luck dito, V, de joke lang, char lang yun KJ at Jerome. At huli, Darts. Ang captain niyo ay si Jerome, since captain na si KJ ng football. Kasali rin ako sa inyo dalawa, kaya umayos kayo, ha. Hehe. Anyways, yun lang. Hanggang tatlo lang ang pwedeng sports, and so far wala namang sumobra o kumulang." pagtatapos ni Chantellia sa iba pang mga sports.

"11-ASIA! KAYA BA ITO? MAGPAPATALO BA KAYO?!?!?!" tanong sa amin ni AJ na parang cheerleader sa amin habang nakatayo at pinapalo ang desk ng armchair niya.

"KAYA ITO NG ASIA AT HINDI KAMI MAGPAPATALO!" sabay sabay naming sigaw, at kasabay din namin ang adviser naming si Ma'am Ariane.

Oh yeah. We are preparing for intrams! Let's do this! Kakayanin ito ng ASIA, oh yeah!

ABANGAN.

Author's Note: Titignan ko kung makakagawa pa ako ng isa pang UD. Pero sana, magustuhan niyo ito. Sana nagugustuhan niyo ang second half, so far. Magkakaroon na po ng twists at mas intense na mga pangyayari, sinasabi ko lang. Salamat sa mga suporta ninyo. Sorry for the typos. Yun lang. Good luck, God bless, happy reading and have a blessed Monday night!!! =) ;) :D

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top