Chapter 20: First Semestral Exam

Chapter 20: First Semestral Exam

October 26, 2017

Axle Buenavista's Point of View

Nakalipas na rin ang ilang linggo pagkatapos nang mga kamatayan na yun. Mula sa kamatayan nina Thirteen, Ashley at Sam sa pahamak na nakuha namin sa Ouija Board session na yun hanggang kay Faye at kina Xander at Seren sa sasakyan nila..buti tumigil na rin. Kahit saglit man lang, atlis, nakahinga na kami.

At ito nanaman kami sa mga exam namin na kakaiba. Isa lang na exam kung saan nandoon na ang lahat ng subjects at madali lang each sapagkat naghirap na kami ng musto sa sampung mga pagsusulit at iilang mga long tests bago ang exam. Ang unique talaga, rito, noh? Isang exam sa iisang araw na nandoon na ang lahat ng subjects at madali lang, pero umaabot naman ng sampu mahigit ang mga quizzes. Tapos may mga long tests. Ngayon buong semester, naka-benteng quizzes kami bawat major subject. Sampu sa first half at sampu pa sa second half. 

Hanggang 12:00 ang exams ngayon. Three hours sa lahat ng anim na major subjects (Math, Science, English, Filipino, AP at CLE) at kasama na roon ang para sa track namin, ang Humanities and Social Sciences.

Dahil katabi lang ng bahay namin ang school, wala talagang pressure sa umaga. Hindi kailangang magmadali. At maaga pa nga ako, eh.

Dumating ako nang medyo late. Sa kaka-aral ko kagabi, na-late ng konti ang gising kanina. Ano oras ako nakadating? Saktong 6:30 AM.

Thursday, walang assembly, obviously sa corridor na.

Ako pa lang sa 11-Asia ang nandoon, kaya, nag-aral muna ako. Chemistry at Physics, pinagsama. Buti, memorize ko periodic table. Pero siguro, konti lang yung taning tungkol sa elements doon dahil halo nang Physics at may iba pang lessons sa Chemistry. Okay..Newton's Laws of Motion, alam ko na..Sound, mechanical wave, it needs a medium for the energy to transfer. It is a longitudinal wave for the particles move parallel to the direction of the wave. Factors affecting its speed are temperature, density and elasticity. The higher the temperature, the greater the energy for faster propagation. The denser the object, the faster the sound will travel. The lesser the elasticity, the faster the sound will travel. Tapos, light..it is an electromagnetic wave and transverse wave. It doesn't need a medium to travel. It is the fastest matter in earth, it can travel eight times around the world in one second. Eh, memorize ko naman na yung properties of light at iba pa, mga basic na yan. Doon na ako sa mga advanced.

Science raw ang una, eh.

Nakarinig ako bigla ng pagtugtog ng gitara.

Ah..si Gavin Rocker.

At tama ako.

"Yo, Gavin, what brings you here? You are usually at Hade's place, right?"

"No. We decided to not play for a while for studying. And..ah. The Harley Quinn Squad haven't arrived yet."

"Okay, great. You can review with me."

"Sure thing, smart guy."

At nag-aral na kaming dalawa. At least, hindi na boring, hindi na ako mag-isang nag-aaral.

After five minutes, bigla siyang may tinanong na out-of-the-topic na question.

"Hey, Axle, how is your relationship with Dana?"

Nanlaki mga mata ko. What the heck? Tinanong talaga yun? #DaXle shipper din pala itong si Gavin Rocker....

"Ah, why do you ask? Well, ah. We are. Us. We have a good relationship going smooth, so far."

"I am really curious. You two are so cute together. I also wanna know how you two got together. How, dude, how?"

"Hehe, Gavin. It's a long story, but there's no serenading or what there. I just told her my feelings while we were sort of flirting with one another and she shared the same feelings, which made us both happy and we were now happier and closer. We already developed a romantic relationship which includes kisses and hugs. But we are not, never, ever, going to make love yet like Xander and Raffy on their car. Rest in peace to them, by the way."

"Okay. Sorry for the interruptions. Let's go back to studying. Neither Dana nor Hade has arrived, so let's just enjoy our time together as friends, as two boys without their girlfriends for a while.."

Nagpatuloy kami mag-aral. Tissue, tissue! Nakakanosebleed. XD. De joke lang. Sanay na ako sa English. Wala na akong poblema sa pakikipag-usap sa katulad ni Gavin..

Unti-unting dumadating ang iba. Sina Gerica at Aila, dalawa sa Tropang Harley Quinn ay dumating. Pero wala pa rin ang leader nila na si Hade. Nag-aral muna yun ng dalawa.

Si Zen, dumating. Nag-aral lang din. Sina Noel, 4A, Chachi at Cane ay sumunod na rin. Nag-aral din sila. Tapos pati yung mag-pinsan na sina Chantellia at Myla.

Grupo-grupo kami nag-aral.

Dumating nang mga 6:52 si Dana.

"Yo, Axle, sweetheart. Musta na. Medyo na-late kami ng gising."

"Nag-aaral kami. Wanna join?"

"Sure."

Tatlo na kaming nag-aral. Nakakaginhawa talaga si Dana. Noong dumating siya, sumaya na ako at lalong nagkaroon ng ganang mag-aral. Sunod na dumating si Hade.

"Gavin, babe. I'm here now, sorry for the latency. Let's study. Just the teo of us, now that Dana and Axle are together, and Gerica and Aila are already busy having their own pair-study." sabi ni Hade kay Gavin.

Naku. Kinikilig na talaga ako!!! #HaVin.

Dumating na sina AJ at Yuri. Sumali sila kina Noel, Chachi, 4A at Cane sa pag-aaral.

Mga bandang 7:00, dumating na yung dalawang joker na sina KJ at Jerome, ngunit mukhang hinahabol sila nina Raffy at V. Pinrank nila siguro yung dalawa.

Pagkaupo nila, nahuli sila. Nahuli ni V si Jerome at nahuli ni Raffy si KJ, pero naisipan nilang apat na mag-aral.

7:05, dumating si Anna. Nag-aral siya for the remaining five minutes.

At nang 7:10, pumunta na rin sa corridor sina Samuel, Heaven at Andrei na siguro ay nang-galing na sa library kung saan sila nag-aral.

Nag-bell na ng 7:10, kaya pinatayo at pinapila kami ni AJ.

"11-ASIA! Line up by class number!!! Arms forward! I know there are no absentees, but you must still leave proper spaces between one another!!!"

Pumila kami by class number. B4 ako, sa harap ni KJ at sa likod ni Samuel. Nag-arms forward kami, na naging epektibo. Nag-iwan sina V at Gavin nang bakanteng lugar para kay AJ, siyempre.

"Tumahimik na kayo kahit wala pang second bell. Huwag natin gayahin ang ibang section!!!" sigaw ni AJ. Wow. Ang galing niya talaga as leader. Tiger talaga. Parang general pa ng army.

7:15, nag-second bell at dumating adviser namin. Bumalik na si AJ sa lugar niya.

"Okay, class. Papasukin ko na kayo. Naka-arrange na ang mga upuan ninyo. Tatlong magkakahiwalay na mga columns yan." sabi ni ma'am.

Nakita ko yung mga upuan. Walong upuan per column, maliban sa gitna na pito lang. 23 kasi kami, eh.. Ang unang column ay dikit ng platform. Ang pangalawa ay nasa gitna. Ang pangatlo ay dikit ng pader at bulletin board sa kanan. Tapos bawat upuan ay may malaking space sa harap at likod nito. Impusible na talaga ang kopyahan dito..

"Alphabetically arranged kayo, so.. Sa first column. We have ABEAR, ANG, AUSAN, BUENAVISTA, CABANILLA, CASTAÑO, KIM and MAGNIFICO."

Kami-kami yun nina Noel, 4A. Samuel, KJ, Zen, V at AJ, kaming B1-B8 respectively, kaya pumasok na kami.

"Next. Second column. Makinig po kayo. PABLO, PAMULAR, PANGILINAN, PEREZ, CASTILLEJO, DELA FUENTE at GREY."

Ito'y sina Gavin, Jerome, Raffy, Andrei, Heaven, Cane at Dana, ang B9-B12 pati G1-G3 respectively. Pumasok na silang pito.

"At huli, ang third column. Pumasok na kayong natitira. HANCHER, LAYONISA, MONTGOMERY, QUEBRAL, QUINZEL, SANDOVAL, STA JUANA at YUKIKO."

Sila ang G4-G11, sina Aila, Anna, Chachi, Gerica, Hade, Yuri, Myla at Chantellia respectively. Pumasok na silang walo.

Binigyan pa kami ng time mag-review. Nang mag-7:30, simula na.

Naku po, ito na.

12:00.

So far average yung exams. Medyo mahirap, lalo na yung sa Math. Filipino at English, sobrang dali, at siguradong makakahatak sa marami yung mga essay. Science at AP, okay lang. Yung CLE? Naku. Pinakamadali yan sa lahat! Marami siyang essay essay na kay dali lang sagutin. Hindi ko halos inaral CLE kasi madali lang, eh, haha. At yung para sa track namin, ayos lang. Napag-aralan ko naman ng mabuti yung Humanities and Social Sciences at dahil track namin yun, talagang sinigurado naming magiging mataas ang grado sa exam na yun. Go, go, go, 11-ASIA!

Tinawag namin ang mga pari at naisipan naming gawin ang ideya ni Faye. At ginawa nila. Nilagyan nila ng religious materials ang mga lugar ng kinamatayan ng mga kaklase namin sa 10-Asia noon, pati yung mga namatay sa labas. So pumunta rin sila Bundok Pico de Loro, kung saan namatay sina Alaiza at Cliff, sa camping place namin nun, kung saan namatay sina Nichelle, Arc, Honey at Dominic, tapos sa police station na pinuntahan namin nun kung saan napatay sina Joel at LJ at ang warehouse ni Sir Mauleon kung saan napatay sina Daphne at Blake. Ganun din sa mga biktima ng 11-Asia, kaya pina-bless ang buong school na lang mulil

Pati ang mga libingan nila, nilagyan ng religious materials at pina-bless. Salamat talaga Faye sa mahusay mong naiisip na ideya. Rest in peace sa iyo at sa iba pa naming mga napatay na mga kaklase!

Wow. Sana matapos na rin ito. Sawang sawa na kami, eh! Eleven is enough, I guess.

It's really weird na hindi napapanaginipan ni AJ ngayon yung mga pangyayari..bakit kaya, noh? Dahil na ba ito sa pagiging makapangyarihan ni Sir Mauleon? Siguro nga. For now, relax muna kami. Mukhang naitigil na ang patayan. Sigurado akong hindi pa titigil sina Sir Mauleon at hahanap pa yan ng paraan sapagkat hindi pa namin sila lubos na natatalo, pero maganda kung ngayon ay pahia muna kami. Kakayanin din naming labanan ito. GO, 11-ASIA, GO! Speaking of 'GO,' malapit na pala ang intrams namin.

Author's Note: Good morning! Ito yung third update na hindi ko na-post kahspon dahil nakatulog ako. So..ito na. At least two updates are coming later, so maghanda kayo. Second half na tayo. Salamat sa mga sagot niyo kahapon sa mga tanong. Kailangan ko talaga ang evaluation test ng bawat isa para sa pagsusulat ko. Gusto ko rin makuha ang mga opinyon niyo. Basta sa #1-2, ang AJ ay Antonio Jonathan, ang KJ ay Kane Jacob, at ang 4A ay Arnold Arvin Abear Ang. Gets? Tapos sa #4, buti na lang at alam niyo lahat na eleven, lalong lalo na dahil nakasulat sa attendance, hihi. Nakita ko yung mga opinyon niyo tungkol sa favorite characters, favorite part, scariest part, scariest ghost killer at ilang mga expectations ar suggestions na siguro ay tama at dapat kong sundin. Wala pong mali sa mga opinyon niyo, so go lang. Nice job to everyone na sumagot. So far wala naman sa sa mga sumagot ang nangamote, kaya natuwa ako. Anyways, sorry for the typos in this chapter. Sana magustuhan ninyo ito. Yun lang, happy Monday, happy reading, good luck and God bless! =) ;) :D

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top