Chapter 2: Why did you transfer?
Chapter 2: Why did you transfer?
Yuri Sandoval's Point of View
Second day of school.
Pagkababa ko mula sa dyip, nakasalubong ko ang isa sa mga bagong estudyante na naglalakad sa entrance: Si Kim, si Vince Kim. Ang pinaghihinalaan kong posibleng kalaro ko dati na hindi ko pa man lang nakakausap.
"Hi, Kim. Kamusta na? Ako yung kaklase mo sa 11-Asia na isa sa walong old student, si Sandoval. Pero kung pwede, Yuri na lang itawag mo sa akin." hindi na ako nahiya, kaya kinausap ko na siya.
"Hello, Yuri. Kung pwede rin, sana hindi niyo na ako tawagin by my last name kung hindi naman kayo mga guro, lalo na dahil ang last name ko ay parang pangalan, kaya kapag tinawag ako nun, lumalabas na ang pangalan ko ay Kim at hindi Vince. V na lang itawag niyo sa akin. Yuri, may sasabihin lang ako na hindi ko —" sabi naman niya ngunit pinutol ko na siya sa huli. Lalo ko siyang namukhaan ngayon na malapit na siya.
"Ikaw nga! Ikaw ang kalaro ko dati. Si V! Taga-rito ka rin sa lungsod na ito dati, bumalik ka lang."
"Yun din ang sasabihin ko, Yuri. Lumipat ako nang mabalitaan ko ang nangyari sa inyo, at nalaman ko rin na nag-aaral ka rito. Naging mabuti kang kaibigan sa akin. Gusto ko muli makipagkaibigan sa iyo."
"Ayos! May bago na rin kaming mga kaibigan, at isa ka roon! So ano masasabi mo sa mga kaklase natin?"
"Okay naman, nagiging maingay at madaldal, pero nakakatuwa kasi isang saway lang ni Magnifico, yung pangulo natin, tumatahimik na agad. Mga new students yun, pero masunurin na sila kahit medyo magulo."
"Ako rin, V. Yun din ang naiisip ko sa kanila. Naalala ko yung Castaño, yung nakakatakot na tahimik na pupunta sa dulo, dikit na dikit sa pader palagi. Tingin mo ba, may dark background yun? Kadalasan, ganun eh."
"Oo nga, siguro nga, Yuri. Eh yung dalawang kambal? Ay sorry, isa lang pala kasi yung isa magkapatid lang, eh. Katulad na ba sila ng Abear Brothers at Montgomery Sisters dati? Di ba sina Abear at Montgomery daw, may kakambal na patay na ngayon? Kasi nabalitaan ko, e."
"Oo. Joel at Noel saka LJ at Chachi sila. Nakakatuwa yung mga kambal na ito, yung tipong malilito ka palagi sa kanila at mala-loveteam ko yung dalawang kambal sa isa't isa."
"Ay, ganun. Sayang. So ibigsabihin, pwedeng i-loveteam yung Pangilinan Brothers at Hancher Twin Sisters?"
"Siguro, haha. May secret agent naman na para mag-spy sa mga bagay bagay tulad nito."
"Huh? Sino, Yuri?"
"Si 4A. Arnold Arvin Abear Ang, pinsan ni Noel Abear na medyo kamukha ni Joel kaya parang third twin brother na nila ito."
"Ah..yung si Ang na parang ewan, akala mo naman FBI, haha!"
"Haha. Tapos alam mo si Quinzel? Si Harleen Quinzel, kapangalan ni Harley Quinn. Big fan siguro mga magulang nun kay Harley Quinn, at nagkataon pang Quinzel apilido nung tatay. Wow talaga, noh?"
"Yup. Nakakagulat talaga ang malaking coincidence. Maraming mga kamag-anak daw ng mga kaklase niyo dati?"
"Oo. Bukod kay Ang, mayroon pang iba. Si Pamular din, kapatid ni Sophia. Ano ulit first name niya..Jerome. Yun. Isa yun. Si Sophia Pamular, kapatid niya, yun yung math wizard namin dati, pero noong praktis ng Moving Up Day, pagkauwi niya, nasakyan niya ang tricycle ng killer na patibong pala para sa kanya, nag-bail out ang killer mula sa tricycle, habang siya at ang tricycle ay nahulog sa dam, at nalunod na siya sa lalim nun."
"Ay grabe talaga ang nangyari sa inyo. Di ba sina Buenavantura at yung Sta Mesa..Sta Maria..blah blak bleh, ano nangyayari sa akin..sino ulit yun..Sta Juana rin? Pero si Sta Juana, pinsan ni Yukiko na buhay pa rin, kasama sa walong survivors?"
"Oo. Kabisado mo ba silang lahat?"
"Hindi nga, eh. May mga amerikano pa ngang mukha lang alam ko, basta alam ko yung isa rockstar tapos yung isa artist. The rest..blah blah. Hindi ko na alam. Tapos kung alam ko naman apilido, hindi yung dapat itawag na name sa kanya. Ikaw lang yung alam na alam ko talaga. Kalaro kita eh!"
"Okay, I see, V. Pero alam mo si Axle, si Buenavista, kay kalaro rin daw na katulad mo, lumipat dito. Si Dana Grey. Ewan ko kung ano na nangyayari sa kanila."
Habang naglalakad papunta sa corridor kami nag-uusap. Walang assembly ng Tuesday, kaya hindi gym ang deretso namin. Bigla naming nakita si Noel, mabilis na nag-iiskateboard habang papunta, ngunit bigla niyang nakasalubong ang isang tumatakbo palabas na lalaki na nakaupo lang pero bigla talagang tumayo. Nakilala ko: SI SULIVAN, isa sa mga new students namin.
"Naku po, sina Abear at Sulivan, magkakabangaan!" sabi ni V.
At nagkabangaan nga sila. Nakabalanse agad si Noel nang bumangga ang skateboard kay Sulivan, nagbackflip siya palayo.
"Whoa! Ang astig pala niyang si Noel!" reaksyon bigla si V sa katuwaan at kamanghaan.
"Mag-ingat ka sa kalokohang pacool cool mo na skateboard at backflip mo, ha, ice cream hair! Akala mo kung sino ka, sino ka ba ikaw na loko loko ka, ha?! Sa bagay, ice cream ka naman kaya pacool-cool." galit na sabi ni Sulivan, at binato agad ang skateboard kay Noel nang tumama ito sa kanya.
"Ice cream hair? Ang galing talaga magsalita ni pineapple hair! Haha, natatawa na ako. Pakinggan mo ako, humahalakhak na at baka sumabog na sa saya. Ikaw kaya mag-ingat. Buti nga nakabalanse ako, hindi tulad mo na bigla na lang susulpot. Una ko kayang nakita, wala ka pa, nakaupo ka lang, kaya naisipan kong dumeretso paloob na nag-ii-skateboard." sabi naman ni Noel, galit din at naging sarkastiko pa.
"Guys. Tigil na! Bat ba kayo nag-aaway?" sinubukan ko namang pigilan sila.
"Pasensya na, VP. Pero siya ang nagsimula, eh. Para kasing gangster na walang ingat, akala mo naman pinakaastig na na estudyante. Secretary lang naman siya ng 11-Asia, no big deal." sabi sa akin ni Sulivan.
"Ako pa talaga, ha? Huwag ka nga manisi diyan. Pwede ka naman kasi mag-sorry na lang in the first place, na gagawin ko sana kung hindi mo ako binungangaan agad!!!" angal naman ni Noel.
Tinulak siya bigla ni Sulivan. Lalong nagalit si Noel, itutulak na rin sana niya si Sulivan, pero ako ang natulak niya, dahil humarang ako.
"Yuri!" sabi ni V at agad na pumunta sa akin, tinulungan akong tumayo sapagkat natumba ako sa malakas na tulak ni Noel na hinaluan ng galit.
"Pasensya, na Yuri. Ito kasi si Sulivan, ang yabang na, baguhan pa lang. Ayaw magsorry at tanggapin ang pagkakamali." sabi ni Noel.
"Bat ako magsosorry kung hindi ako ang may kasalanan? Pupunta lang ako ng banyo, ikaw ang biglang sumulpot, tapos ang niligtas mo lang sarili mo sa backflip, natamaan pa rin ako ng skateboard mo!!!" ang tugon naman ni Sulivan, at hinanda mga kamao niya.
Bigla namang dumating sina Chachi kasama ang isa sa maraming mga new student namin, si Dela Fuente. Hindi ito napansin ng dalawa sa pag-aaway nila.
"Ano, gusto mo pa? Baka hindi ka pa makaihi, kung ano pa magawa ko sa iyo!" hamon ni Noel, at hinanda na rin mga kamao niya.
Bago pa sila magsuntukan, nahila agad ni Chachi si Noel palayo at hinarangan na ni Dela Fuente si Sulivan.
"Huwag na, please, Sulivan. Hindi mo pa lubos na kilala ang mga tao rito, kaya huwag ka masyadong mainitin ang ulo. Hindi mo alam ginagawa mo, isa sa mga pinakaunang estudyante yan si Noel, at bilang sekretarya ng klase, malaki ang oportunidad niya na isumbong ka, ipaexpell, o kung anoman kapag nagsimula ka ng ganitong gera." sabi ni Dela Fuente kay Sulivan.
"Hindi naman ako ang nagsimula —"
"Kahit na. Parehas na kayong may kasalanan, kaya kontrolin niyo ang inyong mga sarili, iwas na kayo sa mga gulo."
Pinilit ni Sulivan na ikontrol ang sarili. Tumingin siya ng mabuti kay Chachi, habang kinokonsulta niya si Noel.
Tumigil naman na si Noel at huminga ng malalim, nawala na ng pansamantala ang galit at sama ng loob niya na umuusok.
"Ayos ka na, babe?" tanong ni Chachi.
"Oo, buti na lang dumating ka. Pinainit ni pineapple ang ulo ko ngayon. Tara na, samahan mo akong kunin sa Prefect ang Absentee List." sagot ni Noel.
"Isusulat mo ba siya roon pagkakuha mo?"
"Oo naman, pero hindi na ni Prefect papakielaman ito, private na lang ito kay Ma'am Ariane, hindi na kakausapin si pineapple, basta alam ni Ma'am ang naging behavior niya. At magiging matapat din ako na ako mismo, hindi naging maganda ang ugali sa nangyari."
"Isulat mo na lang si Thirteen, huwag na ikaw. Ayaw kitang ma-demerit, eh."
"Ayoko sanang gawin yun, pero sige. Para sa iyo. Basta sasabihin ko kay Ma'am Ariane, nagulat ako sa naging masamang asal niya kanina, kaya ako mismo, napakita ang hindi magandang asal."
Pumunta sa kaliwa sina Noel at Chachi, papunta sa POD office para makuha ang Absentee List, samantala sa kanan naman pumunta sina Sulivan at Dela Fuente, papunta sa mga banyo.
"Naku po, ano nangyari? Grabe yun, noh?" reaksyon naman ni V sa nangyari.
"Oo, grabe talaga. Misunderstanding lang siguro ng dalawa. Alam mo naman siguro kung paano mag-away ang dalawang lalaki mula sa isang misunderstanding, di ba?" sabi ko naman.
"Grabe talaga. Pero sasabihin ko lang, ha..natawa ako bigla sa tawagan nila sa isa't isa. Kaya shhhh..tahimik ka lang, baka magalit sina ice cream at pineapple, maging allies naman sila at pagtulungan ako." binahagi ni V ang opinyon niya.
Natawa naman kami parehas dito.
"Yung ayos kasi ng buhok ni Noel, parang ice cream swirl. Yung tayo pa lang, eh, lalong nagpamukhang ice cream sa buhok niya. Tapos sadyang mukhang pinya talaga ang unique na hairstyle ni Sulivan. Laughtrip talaga!" sabi ko naman.
Habang papunta kaming corridor, biglang dumating si KJ, gumagapang-gapang, hanggang sa makita kami.
"Yo! What's up Yuri girlie and cool korean dude!" sabi niya, at hinawakan balikat ko pati nakipag-apir kay V.
"Grabe, KJ, ang laki talaga ng tinangkad mo. Nasanay akong halos kasing-tangkad lang kita. Ngayon, halos kasing-tangkad mo na sina AJ at Noel. Grabe. Nasobrahan ka ba ng cherifer, tulog o ano?" sabi ko sa kanya.
"Ewan ko nga kung bakit ang laki ng tinangkad ko. Well, at least, hindi na ako pinakamaliit sa boys ngayon. Hehe. Wala atang pandak sa boys, puro matatangkad, mga more than 5'5 na siguro lahat. Sa girls lang yung mayroon, tulad mo. Yung mga lalaki raw kasi, biglaan tumatangkad, lalo na kapag pa-18 na o pa-21 na. 17 na ako at kung kailan ako nag-17, saka ang laki ng tinangkad ko." tugon naman niya rito.
"Ah, okay. Sige, V. Baka hinahanap na ako ni AJ. Sama ka muna kay KJ, wala siyang magawa eh. Masarap at masaya naman yang kasama, papatawanin ka ng papatawanin." sabi ko kay V.
"Sige." pumayag naman si V, at sumama na siya kay KJ.
Pumila na ako. Nandoon si AJ, kausap sina Seth at Gavin, ang dalawa pang lalaking new student na may lahi sa amin, bukod kay V.
"Seriously, you both remind me of Eugene, most specially Seth since he used to be an artist, a pretty good one. And a kind of rockstar too like Gavin, but Gavin is a pure rockstar compared to Eugene." sabi niya sa dalawa.
"Wow, that's nice. It's good you're remembering an old friend who just passed away through us." sabi ni Seth.
"Hey, is that our vice president? And your girlfriend, AJ? She has already arrived, dude!" sabi naman ni Gavin, at tinuro ako.
Tumingin si AJ at ngumiti.
"O, Yuri? Nandito ka na."
"Yes. Nang-galing ako sa gulo, sa away nina ice cream at pineapple."
"Ice cream and pineapple? What the heck...hahahaha!" reaksyon agad ni Seth at tumawa na. Tumawa na rin si Gavin.
"Ano nangyari sa kanila?" tanong ni AJ na mukhang na-gets agad kung sino ang mga sinasabi kong "ice cream" at "pineapple."
"Misunderstanding. Nag-iskateboard si Noel, nabangga si Sulivan na patakbo papuntang banyo." sagot ko naman.
"Wait, Noel Abear and Thirteen Sulivan? Okay, now I get it and I'm even gonna laugh more of this!!! Ice cream hair and pineapple hair, hahahahahahaha!" sabi naman ni Gavin at lalo pa silang natawa ni Seth.
"Ay, grabe. Kinausap ba ni POD o kung sinoman? Lumalala ba ang gulo, nagsuntukan na ba?"
"Hindi. Buti na lang, dumating agad sina Chachi at Dela Fuente."
"Phew. Buti naman. Pag ganun na nakakakita agad kayo ng gulo, sinubukan niyong patigilin agad bago pa lumaki, ha?"
"Oo, sige. Ano na ngayon, AJ?"
"Hintayin na lang natin ang bell. Malapit na rin naman."
Hinintay namin ang bell, habang masayang kinakausap sina Seth at Gavin. Nagsidatingan na ang iba ng unti-unting nagiging 7:10 AM.
Si Axle ay kanina pa tahimik sa unahan, iniisip siguro nanaman si Dana Grey ngayon na reunited na silang magkaibigan. Late kasi dumating si Dana, eh. Mga 7:08 siya nakarating. Makakapag-usap na sana sila.
Nang mag-bell, agad na binuksan ni Axle ang pintuan. Dumating naman na kaagad si Ma'am Ariane. Hawak-hawak niya ang class list.
"Okay, class. May seat plan na kayo ngayon, which is by class number. Makinig kayo, para kung sinoman tatawagin ko, makaupo na sa puwesto. Okay ba yun?"
"Opo!" sagot ng iba. Kasama ako roon.
"Sa first row, ang mga nandito ay sina Abear, Buenavantura, Ang, Castillejo, Ausan, Dela Fuente, Buenavista, Grey at Cabanilla. Pasok na kayo. Una si Abear, huli si Cabanilla. Boy girl, boy girl ang pattern, dapat by order base sa una hanggang huling tinawag ko. Ulit. Abear muna. Tapos Buenavantura. Sunod si Ang. Castillejo. Ausan. Dela Fuente. Buenavista. Grey. At huli, Cabanilla."
Nagsiupo na sa first row sina Noel, Ashley, Agent 4A, Castillejo, Ausan, Dela Fuente, Axle, Dana at KJ.
"Next row. Hancher, Aileen. Castaño. Hancher, Serenity. Devilles, Herrero, Evans. Huego, Kim, Layonisa. Ganun din, by order mula sa unang sinabi ko hanggang huli. Mula kaliwa hanggang kanang dulo. Mula kina Hancher, Aileen hanggang kay Layonisa."
Umupo na sa second row yung kambal na Hancher, kasama sina Castaño, Devilles, Herrero, Huego, Seth, V at Layonisa.
"Third row naman. Makinig. Ang nandito ay sina Magnifico, Montgomery, Pablo, Quebral, Pamular, Quinzel. Tapos Pangilinan, Adrian at Sandoval."
Pumasok na kami nina AJ, Chachi, Gavin, Quebral, Jerome, Quinzel at Raffy pati umupo sa kanya-kanyang mga upuan.
"At sa huling row naman. Pangilinan, Parker. Tapos Smith, Peralta, Sta Juana, Perez, Washington, Sulivan at Yukiko."
Sina Xander, Smith, Peralta, Myla, Perez, Faithlyn, Sulivan at Chantellia ay pumasok na rin, sa pang-apat at pinakahuling row.
Pagkatapos, pumunta na si Ma'am Ariane sa platform.
"Good morning class."
"STAND UP, ASIA!" agad na utos ni AJ at mabilis sumunod ang lahat.
"Good morning Ma'am Ariane!"
"Okay, you may sit down."
"Secretary. Noel. Pipirma na ako sa absentee list. Bigay mo na sa akin." utos naman ni Ma'am Ariane kay Noel.
Tumayo na si Noel at inabot ang absentee list kay Ma'am Ariane. Nakita ko, tila may binulong si Noel kay Ma'am Ariane at tinuro ang bandang lugar ni Sulivan. Si Sulivan naman ay umiwas ng tingin, kaya hindi niya napansin ang pagturo sa kanya ni Noel.
"Sige, the two of us will talk about that later. Make sure na magagawa mo lagi ang responsibilidad mo bilang secretary." sabi ni Ma'am Ariane pagkapirma sa absentee list. Binalik niya na ito kay Noel at bumalik si Noel sa upuan nya.
"Okay, class. Ngayon hanggang mamayang before recess, may orientation pa rin. Bago mag-dimissal ng tanghali, may dalawa pa kayong subjects, which is..ay isa lang pala, which is TLE na dalawang period. So para sa ating orientation, hindi ako ang mag-oorient. Ang principal niyo na lang, sa Auditorium. Level Orientation ito. Kaya ngayon, bago tayo umalis, aayusin ko na ang assembly line ninyo. By height, siyempre. Ngayon, please find your height."
Gumawa kami ng by height na pila. Siyempre ako ay isa sa mga pinakamaliit, kaya sa harap na agad ako pumunta. May dalawang mga mas maliliit pa sa akin: Sina Ashley Buenavantura at Anna Layonisa. Magkakaheight lang kami halos, pero mas matangkad ako ng konting konti sa dalawa.
Sa girls, ito ang pila:
Buenavantura
Layonisa
Sandoval
Yukiko
Washington
Montgomery
Dela Fuente
Castillejo
Herrero
Huego
Hancher, Aileen
Hancher, Serenity
Smith
Sta. Juana
Quebral
Quinzel
Grey
Lahat ng boys ay matatangkad at sa tangkad, halos di ko sila halos napansin. Pero ito ang linya nila:
Pamular
Devilles
Evans
Pablo
Ausan
Kim
Castaño
Sulivan
Raffy Pangilinan
Peralta
Cabanilla
Perez
Buenavista
Xander Pangilinan
Magnifico
Ang
Abear
Overall, ang pinakamaliit sa lahat ay si Ashley at pinakamatangkad naman sa lahat ay si Noel. This summer, tumangkad ng lalo si Noel. Halos magkasingtangkad lang sila ng pinsan niyang si 4A, yung buhok lang siguro ang nagpatangkad sa kanya. De joke lang. Talagang mas matangkad ng konting konti si Noel kaysa kay 4A. Parehas silang mga higante, mga 6 feet na, haha.
Pagkatapos ng level orientation, nag-recess.
Kaming 8 survivors ay nagtipon-tipon. Kami nina AJ, Axle, KJ, Faithlyn at Chantellia ay hinintay muna dumating sina Noel at Chachi. Kinakausap pa kasi nila si Ma'am Ariane. Dito kami sa Canteen 2. Kumakain kami ng mga biscuit. Ang sa akin ay Rebisco Crackers. Kay AJ ay Hansell. Kay Axle ay Fita. Kay KJ ay mga cookies. Kay Faithlyn ay Dewberry at mga Nissin Wafer para kay Chantellia.
Pagkatapos ng limang mga minuto, dumating na sina Noel at Chachi. Wala silang recess, hehe. Kaya silang dalawa ang pinakapayat sa amin, hehe. Hindi sila masyado kumakain.
"O, ano sabi?" agad na tanong ni AJ.
"Oobserbahan pa raw si Sulivan. Ikaw daw, AJ, irereport mo raw sa akin ang lahat ng makikita mong mga kaklase na misbehaving, kahit doon sa labas tulad nang nangyari sa amin ni Sulivan. Ako na ang kakausap kay Ma'am Ariane tungkol sa mga ganitong bagay. Siyempre, tutulong din ang ibang officers kay AJ. Tulungan tayong lahat na officers." sagot ni Noel.
"Huy, balita ko madagdagan ang squad natin ng mga..pitong members." sabi bigla ni KJ.
Nagulat kami rito, kaya wala kaming nasabi.
"Totoo naman, ah. May bagong nagiging best friend si Chachi, si Cane Dela Fuente. Tapos yung dalawang Eugene Jackson na kinakaibigan ni AJ, sina Seth Evans at Gavin Pablo. Tapos si V, yung dating kalaro ni Yuri na naging close friend na naming dalawa kanina. Pati yung kalaro ni Axle, si Dana Grey. Sunod, si Myla, pinsan ni Chantellia. At yung secret agent na pinsan ni Noel, si 4A."
"Speaking of 4A, sigurado akong pinapanood niya tayo ngayon. Parang nakita ko kasi isang anino na kaparehas ng stealth walk niya kanina habang papasok kami ni Chachi sa canteen." sabi naman ni Noel.
"Naku po. Ang mysterious talaga niya. Anyway, siguro mga secondary members na lang yung pitong yun, habang tayo yung first eight." ang tugon naman ni AJ dito.
"I'm okay with that." Ani Faithlyn.
Pagkatapos ng recess namin, umakyat na kami pabalik sa corridor at ginskit na namin ang aming assembly line. Pangatlo ako sa girls, hehe.
Ang susunod naming guro ay isang gurong hindi ko kilala, pero nakikita ko na last year. Kung tatandaan ko ng mabuti, ang pangalan niya ata ay..Sir DJ.
Si AJ ay inayos muna ang mga pila namin at pinatahimik kami.
Nang mag-second bell na, pinapasok na kami ni Sir.
"Good morning, Grade 11-Asia."
"Good morning, Sir.."
Sinulat niya ang pangalan niya sa blackboard: Mr. Derrick Jason "DJ" Tobias.
"Sir Tobias na lang itawag niyo sa akin. Sa labas, pwede niyo akong tawaging Sir DJ, pero dito sa loob, Sir Tobias dapat. Klaro ba yun?"
"Opo." sagot ng iba. Kasama ako roon.
"Sige, upo na kayo."
"Salamat po."
Umupo na kaming lahat.
"Ako ang magiging TLE teacher sa inyo ngayong taon. Sinong aangal doon?"
"Wala po, Sir Tobias. Handang handa na po kami para sa klase ninyo." sagot ni AJ.
"Maganda yun. Tinitignan ko ang class list niyo na ngayon at puro new students kayo. Mga 1. 3, 4, 5, 6, 8. 8 lang ang mga old students. So tama lang simulan ko ang klase sa introduce yourself ng mga new students. Ano pangalan mo, ano gusto mong itawag sa iyo at bakit ka lumipat dito. Simulan natin kay..Ang. Arnold Arvin A. Ang. Aba. Puro A ah.
Tumayo na kaagad si 4A.
"Hi! My name is Arnold Arvin Abear Ang, but you can call me Agent 4A. I immediately transferred here after I have heard of the news of killings in 10-Asia class last year, wherein one of my cousins, Joel Abear was killed, who is the twin brother of Noel Abear here. I always wanted to be an agent, so right now I'm an agent of my own, investigating things after the death game happened last school year."
"Sige, thank you, secret agent. Good luck sa mission impossible mo. Next naman, Ausan."
"My name is Juan Samuel Ausan, you can call me Samuel or just Sam. I transferred because my parents think that I'll excel even more in this school with my intellect and high grades."
"Salamat, Sam. Ikaw naman, Castaño."
"The name's Zenke Blaze, just call me Zen. I transferred because I want to, I like this school, and that's all you can ever get from me!" sabi ni Castaño at umupo na kaagad. Natakot ako sa pagkasabi niya at sa mukha niya habang nagsasalita.
"Okay..sige, okay na yun, Dito na tayo kay Sandhel Jake Devilles."
Tumayo na si Devilles.
"Yo! Sandhel Devilles here. Just call me Sandhel. Lumipat po ako dahil matagal ko nang gusto ang school na ito at napagdesisyunan ng parents ko na dito ako ilipat kapag Senior High na, hanggang kolehiyo na."
"Thank you, Sandhel. Ngayon, naman kay Seth Caeser Evans na tayo."
"Hey everyone. I'm Seth Caeser Evans, you can call me Seth. I transferred because this is the school nearest to our new house in the Philippines after we came home from New York. Well, my dad works here, so we just transferred here. I'm really feeling a little bit unusual, but I know I can adjust. I myself don't understand tagalog very well."
"Okay, then. I'll minimize the tagalog words here in my class, to avoid giving you a hard time. But I also suggest you to practice speaking tagalog and study about it so you won't be in difficult times in understanding it now that you're in the Philippines. And after you, it seems there is another foreigner, which is probably from Korea. Stand up, Vince Kim! It's your turn now!"
"My name is Vince Kim, but just call me V. I transferred here because I know a friend who studies here, and I found out this is a good school, so I told my parents about this. They consented my request, which is why I am now here. I came from Busan in South Korea."
"So you had encounters with the runner zombies? Just kidding. Salamat, V. Dumako naman tayo kay Pablo."
(tumawa ang iba sa biglaang joke ni Sir Tobias tungkol sa ugnayan ng tirahan ni V sa Busan sa Train to Busan)
"Yo, what's up? My name is Gavin Rock Z. Pablo, you can call me Gavin or Gav. I'm from England. I transferred here because my parents decided to migrate here, and this is the school they chose for me."
"Thank you, Gav. Same to you, like what we'll do to Seth, we will avoid giving you a hard time. Right, Pamular? Stand up if you will answer yes. In fact, it's your turn already."
"I am Jerome Pamular, you can call me Jerome or Jer. I transferred because of the murder that the freaking maniac teacher Sir Mauleon committed on my sister, Sophia Pamular of 10-Asia last school year."
"Thank you, Jer. And I also feel bad about the murders Sir Mauleon has committed on 10-Asia last school year. Okay, next. Pangilinan and Pangilinan."
Tumayo si Xander, pero hindi si Raffy. Tahimik lang si Raffy.
"Let me speak up for him. I am Parker Alexander Pangilinan and this is my brother and not twin, Adrian Raphael Pangilinan. You can call us Xander and Raffy."
Dito ko nahalata ang pagka-introvert ni Raffy at pagka-extrovert ni Xander.
"Sige, Pangilinan Brothers. Akala ko, kambal kayo sa una, since common talaga ang kambal. Next, Peralta."
"Hi. I'm Knowell Peralta. I transferred here because my house is so near that I just go in and out here through a walking distance."
"Salamat, Knowell. Ngayon naman, Perez, ikaw na."
Tumayo na si Perez.
"Ako po si Andrei Perez, pero Drei na lang po itawag niyo sa akin. Ako po ay lumipat dito dahil mula Cavite, dito kami sa Metro Manila lumipat ng bahay, at gusto ng tatay ko para sa akin ang paaralan na ito, at pumayag naman ako kaya dito na po."
"Salamat, Drei. At huli para sa boys pero hindi pinakakulelat, si Sulivan."
"Hi, ako po si Thirteen Matthew Sulivan. Thirteen na lang po. Ako po ay mula sa bansang Australia, pero pinanganak na rito. Ginusto na ng mga magulang ko na bumalik ako sa Pilipinas, kaya dito na ako, pinili namin dito, dahil ito ang mukhang pinakamaganda."
"Salamat Thirteen at sa iba pang mga transferee na mga boys. Dumako na tayo ngayon sa girls. Tayo na kayo ng sabay-sabay, para mabilis, Buenavantura, Castillejo at Dela Fuente. Isa isa kayong magpakilala simula sa una sa inyo alphabetically.
"I'm Ashley Buenavantura, but you can call me Ashley or Ash. I transferred because of my cousin, Alexandra who was killed by the criminal jerk teacher last school year."
"Heaven Jean Castillejo po ang pangalan. Heaven na lang po. Lumipat ako rito dahil nabalitaan ko, mas maganda ang turo at edukasyon dito, mas mag-eexcel ako, sigurado."
"Alexandra Cane Dela Fuente here! Kahit Xandra o Cane na lang, okey na yun sa akin. Basta masaya tayong lahat at hindi nag-aaway-away. Lumipat ako para makahanap ng bagong mundo, bagong environment ngayong Senior High na ako. Geh, yun lang, ayoko na i-autobiography pa, salamat."
"Maraming salamat sa inyo, Ash, Heaven at Cane. Tumayo ka naman, Grey. Sasamahan ka ng Hancher Sisters."
"I am Diana Alice Grey. Just call me Dana. I came from Washington, DC in USA but I am originally from the Philippines. I knew a friend who studies here, so I decided to study here with him, since my parents themselves want to return to the Philippines as well."
"I am Aileen Grace Hancher, you can call me Aila."
"And I am Serenity Drea Hancher, you can call me Seren."
"We transferred because the job of our father was transferred in this city, and we chose this school for our new school." pagpapaliwanag ni Seren Hancher lamang, at hindi ni Aila.
"Salamat kay Dana at sa kambal. Paano na sina Herrero, Huego at Layonisa?"
"I am Beatrice Faye Herrero, you can call me Bea. Lumipat ako dahil gusto ng nanay ko, dito na ako."
"Hello, ako si Samara Leondale G. Huego. Kahit anong itawag niyo sa akin, bahala kayo, okay lang sa akin, basta huwag yung pang-asar. Lumipat ako sapagkat nandito ang mga nakakatanda kong kapatid, pinagsama na kaming lahat sa iisang school ng mga magulang namin."
"At ako si Anna Kirsten Z. Layonisa. Anna na lang, o Kirsten. Lumipat ako dahil binubully ako sa dati kong school."
"Bea, Samara at Anna, maraming salamat. Para kay Anna, huwag ka pong mag-alala, kasi iniiwasan namin ang kasong bullying dito. Mas magiging maayos ang buhay mo rito. Sigurado ako diyan. Tama ba ako, Quebral, Quinzel, Skith at Sta. Juana?"
"Opo. Ako po si Queen Gerica Quebral. Kahit ano itawag niyo sa akin, okay lang. Asarin niyo ako, wala akong paki. Basta ako, mabait sa mabait at masama sa masama. Lumipat ako, dahil nabalitaan ko, masaya intrams dito at isa ito sa school na pinakamabuti sa larangan ng sports, eh athlete ako, kaya ditong dito talaga ako!"
"Harleen Quinzel naman po ito. Alam ko, alam ko, may kapangalan akong fan favorite character ng marami sa comics at ngayon cinematic universe na. Sige. Harley Quinn na lang itawag niyo sa akin. Lumipat ako dahil alam kong mas maganda ang school na ito kaysa sa dati kong school, kaya naisipan kong dito na lang ako mag Senior High hanggang kolehiyo."
"Hello there. I am Krista Michelle Smith, you can call me Krista or Mich. I'm from Pennsylvania in the United States, I transferred here because most of our relatives live here, we migrated with them, and this is the nearest and so far best in the eyes of my parents."
"And I am Myla Sta. Juana, you can call me Myliana. I transferred because I found out that my cousin who is like a best friend to me when we were younger is here, which is Chantellia Yukiko. Continental University is good, by the way."
"Salamat sa inyong lahat na new students. Ngayon naman, orientation tayo sa subject ko. Makinig ng mabuti!"
So..nag-orientation kami ng TLE. Hehe hindi ako nakinig kasi orientation lang naman. Yes, matalino ako at nag-eexcel na student, pero ngayon, tinatamad ako.
Sa introduce yourself na nangyari, lalo ko nang namumukhaan ang aking mga kaklase at siguro, matatawag ko na sila by nickname lahat at di na by last name. Pangalawang beses na nagpakilala silang mga new student sa amin, kahapon yung una, kay Ma'am Ariane. Magkakakilala rin kami..kapag nakalipas na ang panahon.
Author's Note: Hello? Buhay pa ba kayo? Masaya na dapat kayo! PDE 2 naman ngayon ang pinagsisikapan ko. Pasensya na sa mga typographical errors. Salamat sa inyong mga suporta. Sana magustuhan niyo ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top