Chapter 18: To the power of books!
Chapter 18: To the power of books!
Alexander "Xander" Pangilinan's Point of View
Magkasama kami ni Raffy na naglalakad, at kanina pa kami nakakarinig ng iba't ibang mga misteryosong hiyawan at iyakan.
"Kuya, puntahan kaya natin yun? Kanina pa, eh. Ano na kaya nangyayari, noh? Baka pwede tayong makatulong." sabi sa akin ni Raffy.
"O, sige. That's a good idea. Tara!" sabi ko naman.
Tumakbo na kaming dalawa patungo sa direksyon ng mga naririnig naming misteryosong tunog.
Takbo kami ng takbo hanggang sa biglang sumulpot si Seren mula sa isang side na hindi namin napansin.
"O? Seren? Babes, musta na? What's with the running?" tanong ko sa kanya.
Hinihingal na siya at napatigil nang makita kami ni Raffy.
"Xander, Raffy..maraming mga nangyari. Napakahabang kuwento. Pero sa ngayon, kailangan ko na talagang tumakbo. Hinahabol ako ni Zen! Dali na, ayan na siya!" sabi ni Seren at biglang tumakbo na muli ng napakabilis.
Nakita namin, napakabilis ng takbo ni Zen at galit na galit siya. Binunggo niya kaming dalawa at hinabol na si Seren.
Nadulas si Raffy sa pagkabunggo, kaya tinulungan ko siyang makabangon. Dumating naman si Aila.
"Aila, ano ba ang nangyayari?" tanong ni Raffy kay Aila.
"Nagkapoblema kami noong ginamit namin ang Ouija Board. Napatay si Ashley nang itulak siya ni Seren doon sa killer dahil parehas na silang mamamatay na ikinagalit ni Zen. Kaya..yun." sagot ni Aila.
"ANO?" sabay naming reaksyon ni Raffy.
"Tara na. There is no time to waste. Malamang, nahuli na ni Zen si Seren. Kailangan natin siyang pakalmain! Nasasaktan si Seren, eh!" Ani Aila, at tumakbo na.
Sumunod na kami.
Naabutan namin na nakatumba sa sahig si Seren at sinuntok ng sinuntok paulit-ulit ng maraming beses ni Zen si Seren habang tumba siya.
"Zen!!! Itigil mo yan!" sabi ko at binilisan ang takbo, agad siyang sinipa ng malakas na nagpatumba bigla sa kanya.
Pagkatapos ay hinawakan namin siya sa damit ni Raffy.
Pinuntahan ni Aila ang kakambal niyang si Seren.
"Kalma lang tayo rito.." sabi ko.
"PINATAY NIYA SI ASHLEY!!! PINATAY NIYA SI ASHLEY!!! KAILANGAN NIYA RING MAMATAY!!!" galit na bulyaw ni Zen.
Tinulungan naman na ni Aila si Seren maglakad. Umalis na sila.
Pinakalma namin ni Raffy si Zen kahit pilit na sinusubukan niyang makalaya mula sa amin at sugurin muli si Seren.
Naku. Naalala ko bigla. Ouija Board? Buti na lang talaga at hindi kami sumama ni Raffy. Tama ang desisyon kong hindi pasamahin si Raffy doon. I care more for his safety, as an overprotective older brother to him.
"Kyaaaah. Time na yata, guys. Akyat na tayo." sabi ni Zen na medyo kumakalma na.
Naglakad na kaming tatlo paakyat. Yup, tama siya. Time na nga. Nagsisiakyatan na ang iba.
Nakasabay namin sina KJ, Jerome at Andrei. Kapansin-pansin ang mga malulungkot nilang mga mukha.
"Ano nangyari?" tanong ni Raffy.
"Noong ginamit nila ang Ouija Board, nagpakita ang kaluluwa nina Eugene Jackson at Sophia Pamular, dalawa sa dati naming mga kaklase na umatake at nagpahamak sa amin. Nagkahiwalay ang labing-anim na nakilahok sa session. Sina Seren, Aila, Andrei, Sam, Zen at Ashley ay lumayo ngunit sinugod naman si Sophia. Nang papatayin na parehas sina Seren at Ashley, naisipan ni Seren na ibigay na lang si Ashley para makatakas at makaligtas siya. Tapos sunod na nangyari ay noong humiwalay si Seren hinabol siya ni Zen sa galit at hinabol naman ni Aila si Zen. Nang sina Andrei at Sam na lang ang natira, umatake nanaman si Sophia at niligtas ni Sam si Andrei mula sa tama kaya siya ang napapatay. At..nangyari ang harapan ng magkapatid na Pamular pala. Ginawa naman ni Jerome ang dapat kay Sophia na masamang espiritu na ngayon." pagkukuwento na sagot ni KJ.
Nanatiling tahimik at nalulungkot sina Raffy, Zen, Andrei at Jerome.
Nakarating kami sa corridor ng kokonti lang ang tao.
Ang mga nandoon lang ay sina Chantellia, Myla, Axle, Dana, Gavin, Hade, Gerica at Faye.
"Ang konti pa lang natin..ano na kaya nangyari sa iba?" ani Dana.
"Malakas ang pakiramdam kong nagkaroon sila ng napakalaking poblema sa Ouija Board na yun kaya hanggang ngayon, wala pa silang lahat." tugon ni Myla.
"Ayun na yung iba, o. Sila pa lang. Um. Sina Andrei at Zen lang sa kanila ang kasali roon." sabi ni Axle nang makita kami.
"Ano nangyari, guys? Halatang mayroon sa kalungkutan na makikita sa mga mukha ninyo." tanong ni Hade.
"Pabayaan mo na kami. May tatlong namatay. Masyado talagang delikado yang Ouija Board na yan." sagot ni KJ.
"What? Who? Who? Three straight? Like the one night in the library of Seth's group? F*ck..the death game is back. We just had a one month rest!!!" nagtatakang reaksyon ni Gavin.
"It's Thirteen..he sacrificed himself for Noel and Chachi when the soul of Eugene Jackson, our classmate last school year who is quite like Seth attacked. Then Ashley..Seren selfishly pushed her to the soul of Sophia Pamular, Jerome's brother for her own safety and escape. And Sam..she. She was killed by Sophia as well through the many hits of her axe which were all supposed to hit Andrei but she chose to save Andrei from all these because she loved him all along." sabi ko. Nakakanosebleed, naku po!
Patuloy lang na nalungkot sina Zen, Andrei, KJ, Jerome at Raffy. Ang iba ay nalungkot na rin sa balita.
"Ano ba meron at hindi nila tayo tinitigilan?" ani Gerica.
"Ewan ko ba..pero kailangan natin ito harapin. Kung tayo talaga gusto nila, sige ba. Kalabanin natin sila para matapos na rin itong kaguluhan na ito." tugon ko.
Dumating na pagkatapos sina Aila at Seren.
Nag-second bell na. Kaming 16 lang talaga ang nandoon. Wala pa sina AJ, Yuri, Noel, Chachi, Samuel, Heaven, V, 4A, Cane at Anna.
Ako ang nasa pinakalikod ng boys sapagkat wala ang mga pinakamatangkad tulad nina Noel at 4A. Sa harapan ko si Axle, at sa harapan niya ay si KJ. Si Raffy ay nasa harapan ni KJ. Si Andrei ay nasa harap ni Raffy, si Zen nasa harap ni Andrei, si Gavin nasa harap ni Zen at pinakaharap si Jerome. Sa girls naman, pinakaharap si Chantellia. Sa likod niya sina Aila at Seren. Tapos si Myla na. Sunod si Gerica. Tapos si Hade at huling huli si Dana.
Dumating naman ang next subject teacher namin. Ito'y si Sir Tobias sa TLE.
Pinapasok kami at hinintay ang iba. There weren't much good news they brought upon arriving..
Faye Herrero's Point of View
Ang sampu naming ibang mga kaklase ay matagal naming hindi pa nakasama.
Sina AJ, Yuri, Noel, Chachi, V, 4A, Cane at Anna ay kinausap pa ang prefect of discipline at ibang mga guro. Sina Samuel at Heaven ay napunta sa klinika at nagpahinga mula sa mga injury nilang nakuha.
Nagulat ako sa inasal ng POD at iba pang mga guro sa kanila. HINDI NA RAW SILA NANINIWALA NA MAY MGA MULTO?
Wow. Grabe. Ano sabi? Nababaliw na ba sila? Bigla na lang nag-iba ng paniniwala. Grabe talaga. Nasaniban na ba sila? Oo, baka nga, gawa rin siguro ito nina Sir Mauleon.
May Ouija Board na nga, di pa sila naniwala..
Killer lang daw yun na isa sa atin mula sa pagkatunog ng putok ng baril. Natagpuan daw nila ang baril at mga materyales na pangpinta na dala-dala ni Eugene pero mas pinaniniwalaan nilang pag-aari ng buhay. Pati palakol ni Sophia ay natagpuan at mas pinaniniwalaang pag-aari ng buhay, hindi patay.
Nakakabad-trip..
Pagkatapos ng klase, pumunta muna akong library. Mag-isa lang ako for now. Nasa clinic pa sina Samuel at Heaven, eh. Tapos yung iba busy tungkol sa poblema at gulo na naidala ng mga multo. So..yeah.
Naisipan kong magbasa. Naisipan kong magbasa ng libro. Naisipan kong magbasa ng libro tungkol sa mga multo.
Nabasa ko yung tungkol sa panlaban sa mga multo. Maraming kumuha ng atensyon ko pero ang pinakakumuha ay yung tungkol sa isang paraan para mapalayo sila habang maaga pa.
Ang sabi, kailangan daw maglagay ng religious materials sa lugar kung saan lagi nag-ii-stay ang spirit. Buti na lang, nakinig ako sa isang beses na usapan nina Faithlyn at Mich noon pati yung mga kwento ni Anna. Nasulat ko rin lahat yun. Ito mga nasulat ko:
<<<<First Quarter>>>>
ROFL Losada - canteen of SHS building
Izzyah Herriety - boundary between gym and football field
Wendell Husmillo - swimming pool
Alexandra Buenavantura - edge of the fifth floor of JHS building
Freddy Fernandez - Male CR of the fifth floor of JHS Building
<<<<Second Quarter>>>>
Alaiza De Castro - unknown
Cliff Blanco - unknown
Freeze McBride - Female CR of the fifth floor of JHS Building
Yasmin Gonzales - Female CR of the fifth floor of JHS Building
Iceziana Yeoun - Football Field
Bruce Yamamoto - Gym
<<<<Third Quarter>>>>
Nichelle Dumali - unknown
Arc Frost - unknown
Honey Tan - unknown
Dominic Trusty - unknown
Leofan Nilalang - Near Male CR at the fifth floor of JHS Building
<<<<Fourth Quarter>>>>
Sophia Pamular - unknown
Eugene Jackson - Gate 3 or at the backyard of the school
LJ Montgomery - unknown
Joel Abear - unknown
Daphne Lopez - unknown
Blake De Villa - unknown
Kapag unknown, ibigsabihin ay sa labas ng school pinatay. Kasi, ang mga multo na mga ito ay kadalasan naroroon sa lugar ng mga kamatayan nila.
Mula sa nabasa ko, naisipan kong gawin na ito. Pumunta ako sa Pastoral Office, ang opisina para roon sa religious department ng school.
Kumatok muna ako.
Isang tao lang ang nandoon ngayong lunch break, si Father Lorence Marion Dela Luna, ang head nila.
"Yes, what do you need, miss?" tanong ni Father.
"Pwede pong makahingi ng sampung rosaryo at sampung scapular?" sinabi ko na yung request ko.
"Ah. Sige. Para saan?" sabi niya at kumuha na ng mga rosaryo at scapular.
"Ah..ilalagay ko po sa lugar na kinamatayan nung 10-Asia last year. Please huwag niyo pong tanggalin." pagpapaliwanag ko.
"Ah, okay. Sige, ako bahala. Ito na. Two, four, six, eight, ten. Two, four, six, eight, ten. Gusto mo ba akong sumama sa iyo?" inabot niya na sa akin ang mga hinihingi ko.
"Ah, hindi na po. Hehe. Sige po, salamat."
"Walang anoman."
Lumabas na ako.
Una akong pumunta sa canteen na kinamatayan ni ROFL. Naghanap ako ng malalagyan. Naisipan kong ilagay ito sa pintuan. Tutal, malapit naman sa pintuan yung lamesa niya, sa pagkaka-alam ko. Nakasabit sa doorknob parehas yung rosary at scapular.
Sunod, pumunta ako sa boundary. Hmm. Paano kaya ito. Ah! Noong nasagasaan si Izzyah, tumalsik siya sa pintuan ng football field. So nilagay ko ito sa pintuan ng football field. Okay naman. Yes!!! Galing ko talaga!
Pagkatapos ay dumeretso akong swimming pool. Naisipan kong isabit ito sa isang poste, at gumana naman. Hopefully matatakot na si Wendell, hehe.
Sa fifth floor naman ng JHS Building, sinabit ko sa chandelier parehas. Pero bago yun, pinatay ko muna yung chandelier, siyempre. Sana epektibo para sa kaluluwa ni Alexandra Buenavantura.
Sa Male CR dito rin sa fifth floor, nilagay ko ang mga ito sa door knob ng pintuan. Okay na rin ito hindi lang para kay Freddy, kundi para kay Leofan since malapit lang din dito ang lugar ng kinamatayan ni Leofan ayon sa mga kuwento ng eight survivors.
Ganun din ginawa ko sa pintuan ng Female CR, kung saan namatay parehas sina Freeze at Yasmin. Iisa na lang para sa kanilang dalawa.
Bumalik nanaman ako sa football field. Pero sa loob naman, this time. Naku, dapat pala hindi na ako umalis dito this time para di na ako babalik, haha. Sinabit ko sa isang poste sa bleachers ng football field, kung saan pinasabugan ng granada si Iceziana noon.
Tapos, sa gym. Humanap ako sa lugar. Naisipan kong isabit na lang ito sa isang pintuan sa kaliwa na dadaan sa alleyway na nagsisilbing boundary sa pagitan ng gym at ng Canteen 2.
At doon na ako sa huling pupuntahan. Sa Gate 3, o likod ng school. Wala ang guard. Kinuha ko ang pagkakataon, sinabit ko na sa gate.
Job done well. 12:38. 22 minutes left. Not a bad remaining time.
Bumalik na ako sa library. On my way, nakaramdam ako nang parang may sumusunod sa akin. Lumingon ako sa likod, at nakitang wala naman. Hmm. Bumalik ako sa paglalakad, pero naramdaman ko nanamang mayroon. Lumingon nanaman ako at wala ulit. Bumalik nanaman ako sa paglalakad pero naramdaman ko nanaman ito, kaya lumingon na ako na galit na galit. Pero wala pa rin. Hindi ako talaga naniwala, nanatili akong nakalingon, hanggang sa maramdaman kong may kumalabit sa akin sa harap.
Pagkatingin ko, napatili ako sa nakita ko. ANG MUKHA NG ISANG NERD NA NAKAKATAKOT!!!
Mukha talaga siyang halimaw. Pangil ang ngipin, mahaba ang dila, dugo dugo ang buong katawan, punit punit damit, malaki ang mga mata, puro sugat pa ang mukha, gulo-gulo ang buhok at yung pagtingin sa akin..parang gusto ako kainin.
Napaupo ako sa takot. Lumapit siya sa akin, pero dinuruan ko siya sa salamen niya. Napatigil siya ng saglit at kinuha ko agad ang pagkakataon. Kinuha ko ang rosaryo ko at hinubad ang scapular. Tinapat ko ito sa kanya habang nakapikit.
Nakilala ko siya. Si Leofan Nilalang, ang nerd ng 10-Asia last year at pinakamabait. Siguro, sa pagiging religious niya, malaking weakness pa rin sa kanya ngayon ang religious materials.
Lumapit ako ng walang takot at sinuot ko sa kanya ang rosaryo at scapular. Pasensya na, God, ha. Alam ko naman kapag ginawa ko ito tutulungan mo ako sa kanya.
Nagdasal ako at lumayo ng konti. Napatigil talaga si Leofan at halos hindi makalaban kahit pinipilit niya. Hindi niya mahubad ang rosaryo at scapular. Natatakot na siya.
Hanggang sa unti-unti siyang nasunog. Nawala na siya, at nahulog na ang rosary at scapular ko. Ha, tama nga ako. Galing ko talaga. Bago ko kunin ito, bigla akong hinangin, tumalsik ako papasok ng library.
Nakita ko, walang niisang tao. Naku. Haunted na nga talaga!!!
Naku, may isa pang multo? Sino naman yun ngayon?
Nagpakita isang lalaking maputi, may itsura, mukhang may lahi at may dala-dalang mga libro na parang katulad ko, isang bookworm.
"Dominic Trusty.." nakilala ko. Sa pagkakaalam ko kasi, siya yung bookworm sa klase nila sa 10-Asia last year.
"Oo, ako nga. At maghanda ka na ngayon sa kamatayan mo." sabi niya at nagpalipad ng mga libro. Nakita kong napalipad din ang rosary at scapular ko, inipit na ng isang libro.
"Naku po..please have mercy. Ikaw at si Lord, maawa naman sa akin!!!" pagmamakaawa ko habang nakaupo pa rin sa takot.
"Mercy? What's that? Wala ako nun!!! Tutal, ikaw, wala rin namang ganun sa amin! We are even, anyway!" sabi niya habang papalapit.
"Please, huwag mo akong patayin, marami pa akong pangarap sa buhay. May mga kapatid pa akong inaalagaan at mga magulang na tinutulungan. Marami pa rin akong mga gustong librong basahin!!!" pagpipilit ko sa kanya, at tumayo na.
"Pasensya na. Pero mas maganda na kung mamatay ka. In fact, nakakabasa pa rin naman ako ng marami sa paraiso namin sa taas kay Sir Mauleon. Bagay ka rin doon. Kaya halika na!!!!!!" tugon niya at biglang nagsiliparan ang maraming mga libro.
Tumakbo ako, pero natamaan ako ng mga libro. Natumba akong maraming libro ang nakapatong sa buong katawan ko. Nagalit ako, nagawa ko talagang saktan ang mga libro para lang makaalis sila mula sa katawan ko.
Pagkabangon ko, may nakita akong mga librong nakakatusok ang plastic cover. Sumugod yung mga iyon sa katawan ko. Nagsimula akong tusukin sa noo, sa baba, sa dibdib, sa tiyan at sa mga binti ko.
"Hindi mo ako mapapatay diyan..mahal ko ang mga libro at sisiguraduhin kong hindi nila ako mapapatay..bookworm ka rin so dapat alam mong hindi nakakapatay ang mga libro. Weapon ba yan? Deadly ba yan? I don't think so." sabi ko sa kanya, habang nilalabanan ang mga libro.
"THEN YOU SHOULD BEGIN TO THINK SO!!!" galit na tugon niya at lalong pinalakas ang paghangin ng mga libro.
Nakita ko, napakaraming mga librong nakakatusok ang plastic cover ang sumugod sa akin. Ang mga libro na ito ay hindi lang basta bastang tumusok, talagang tumagos sa iba't ibang bahagi ng katawan ko na para bang saksak ng kutsilyo. At nang masaksak ako sa puso at leeg — WALA NA. SOBRANG SAKIT NA AT HINDI KO NA KINAYA.
Natumba akong hindi na makahinga at napapikit na lang.
BIG MISTAKE.
Dominic Trusty's Point of View
Napatay ko na rin siya. To the power of books, oh yeah. It has been a battle of a bookworm against a bookworm.
Inayos ko ang mga libro upang hindi mahalata ang ginawa kong paranormal thing. Mabilis lang naman. Ang hangin ko lang na ibinuga kanina ang kinakailangan.
Hopefully, ginagawa ni Alexandra ang trabaho niya sa CCTV kanina pa. At buti na lang sina Faithlyn, Knowell, Seth, Mich at Sandhel ay ginagawa ang trabaho nilang ilayo ang ibang mga tao rito upang makapatay ako.
Nang matapos ko nang ayusin ang kada-libro rito, umalis na ako ng library.
Nakipagkita na ako muli kina Alexandra, Faithlyn, Knowell, Seth, Mich at Sandhel.
"Ano na susunod nating gagawin?" tanong ni Alexandra.
"Nawala na si Leofan. Talagang weakness niya ang religiousness niya, ever since noong buhay pa siya sa lupa, na naging advantage ni Faye. Ngayon, kailangan kong alisin niyo yung religious materials doon sa iba't ibang bahaging nilagyan ni Faye." sagot ko.
"Ah, sige. Gagawin yun nang limang ito. Kailangan natin muna mag-usap, Dom. Tungkol sa sequence at dapat na mga susunod na biktima." Ani Alexandra.
Umalis na sina Faithlyn, Knowell, Seth, Mich at Sandhel.
Kami na lang ni Alexandra.
"Dom, tama bang si Faye ay sinunod mo? May sequence pa, di ba?" tanong niya sa akin.
"Alex, don't worry. Isa sa pinakamataas si Faye at hindi siya sumama sa Ouija Board. Okay din na siya kasi bukod sa isa siya sa pinakamataas, perfect enemy siya para sa akin na bookworm din. At nakakainis na siya, sinusubukan niyang humanap ng paraan para maitigil ang mga plano natin. Kailangan na natin siyang patayin talaga. Ang susunod naman nating papatayin ay yung mga gitna. Sapat na tayo sa mga pinakamataas for now. Kilala ko ang mga gitna ngayon sa nagiging overall percentage nila sa grades, e. Sina Arc at Honey na bahala diyan. Tutulungan sila ni Nichelle kung kinakailangan para sure na makapatay ng marami. Tapos si Freddy na sa mga CCTV. Yung magpapalayo ng mga tao ay yung lima pa rin sapagkat nasa purgatoryo pa rin sina Thirteen, ang pinsan mong si Ashley, si Sam at ang ngayon lang na kakapatay ko, si Faye." sagot ko naman.
"Ah, sige. That's good. Let's go? Balik na tayo kay Sir Mauleon."
"Sige."
At bumalik na kami sa aming pinuno at taga-utos na aming sinusunod, si Sir Mauleon, sa base.
Status: (25/34, nine dead)
Boys
(04-016) 1. ABEAR, Noel L.
(17-001) 2. ANG, Arnold Arvin A.
(17-095) 3. AUSAN, Juan Samuel W.
(07-150) 4. BUENAVISTA, Axle Blaze A.
(06-301) 5. CABANILLA, Kane Jacob H.
(17-189) 6. CASTAÑO, Zenke Blaze Y.
(17-068) 7. KIM, Vince
(04-100) 8. MAGNIFICO, Antonio Jonathan D.
(17-154) 9. PABLO, Gavin Rock X.
(17-002) 10. PAMULAR, Jerome Drake V.
(17-119) 11. PANGILINAN, Adrian Raphael F.
(17-120) 12. PANGILINAN, Parker Alexander F.
(17-182) 13. PEREZ, Andrei Q.
Girls
(17-055) 1. CASTILLEJO, Heaven Jean K.
(17-249) 2. DELA FUENTE, Alexandra Cane B.
(17-021) 3. GREY, Diana Alice J.
(17-131) 4. HANCHER, Aileen Grace E.
(17-132) 5. HANCHER, Serenity Drea E.
(17-196) 6. HERRERO, Beatrice Faye D. † (Deceased)
(17-125) 7. LAYONISA, Anna Kirsten Z.
(13-177) 8. MONTGOMERY, Charity Faith I.
(17-189) 9. QUEBRAL, Queen Gerica G.
(17-218) 10. QUINZEL, Harleen Jade S.
(04-078) 11. SANDOVAL, Yuri Arissa M.
(17-072) 12. STA.JUANA, Myla P.
(05-005) 13. YUKIKO, Chantellia D.
Author's Note: Unang una sa lahat, pasensya na kung wala akong UD kahapon. May pinuntahan kasi kaming lugar somewhere na malayong malayo. Hehe, sorry talaga. Anyways, sana magustuhan niyo ito. Sorry for the typos. Sana yung mga hindi na sumusuporta masyado diyan, sumuporta na. For the rest, thank you talaga sa mga suporta ninyo. Hindi ako talaga masyado after sa ranking ng mga story ko, pero lagi ko napapansin na dahil sa suporta ninyo, kadalasan mataas siya for the genre like #11, ganun at ang highest so far ng story na ito ay #8 na ang ranking din sa kasalukuyan. Sa Anti-Zombie Squad, #10 ang highest, at ang Book 1 nito ay #11, kung hindi ako nagkakamali. Nice talaga. Let's thank our Lord, God for that. Yun lang. Good morning, happy Saturday to everyone. God bless. Hintayin niyo, more updates are coming! One or two more are coming today! =) ;) :D
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top