Chapter 16: Pagkatapos ng isang buwan.. (Part 2)
Chapter 16: Pagkatapos ng Isang Buwan.. (Part 2)
Author's Note: Hehe, sorry, everyone pero may hindi lang ako naihabol na mga scene regarding what happened during the one month of Jerome's Amnesia. Basta maghanda kayo sa next chapter na ang supposed na Chapter 26 talaga!
Thirteen Sulivan's Point of View
Nasisiyahan talaga ako ngayon.
Over the previous month, marami akong naibigay para kay Chachi. Natuwa siya sa mga regalong binibigay ko.
Nag-usap kami ni V dito sa Canteen 4.
"Pre, kamusta kayo ni Chachi?" tanong ni V.
"Ayos na ayos! Ang saya ko kaya the whole time na wala si Noel dahil sa pagkakaroon niya ng dengue." sagot ko.
"Weh? What do you mean?"
"What I mean is sinamantala ko yung panahong matagal mawawala si Noel. Pumayag naman si Chachi. I used my charm and told her na kahit sandali lang naman ibigin na niya ako kasi alam kong mas bagay pa rin sila ni Noel. Nagustuhan niya kasi lahat ng regalo ko at pagiging gentle man ko lagi."
"Wow naman! Buti ka pa.. Ako.. Sad.."
"Bat naman, V? Ano meron sa inyo ni Yuri?"
"Ano meron? REJECTED!!!"
Nagulat ako rito. Oo, aaminin kong masarap siyang asarin ng "REJECTED" ngunit nalulungkot naman ako para sa kanya. He's my best friend and lagi naman kaming nagtutulungan..
"Paanong rejected, V?"
"Let me tell you the whole story."
Talagang sanay na ako sa kakaibang accent ni V..hindi siya ganun na 100% sanay sa tagalog. Medyo bulol pa siya sa tagalog at kapansin-pansin talaga yun ever since.
**V's story**
Napagplanuhan ni V na gamitin ang singing talents niya para kay Yuri.
Dahil pure korean siya, mas ineembrace niya ang korean songs, to be honest. Kinanta niya yung naging paborito kong kanta ng paborito niyang K-POP band, ang "Save Me" ng Bangtan Boys o BTS.
Naisipan niya itong gawin noong mag-isa si Yuri sa bahay niya. Alam na alam niya ang bahay niya at noong natanong niya ito sa chat kung may kasama siya at sinagot niyang mamaya pang late na gabi dadating parents niya, naisipan na niya pumunta roon. Nagdala rin siya ng bulaklak at mga tsokolate.
Ang bahay niya ay isang simpleng two-story house lang na kulay dilaw at may pulang bubong. A cappella. Boses niya lang.
I want to breathe , I hate this night
I want to wake up , I hate this dream
I'm trapped inside of myself and I'm dead
Don't wanna be lonely, just wanna be yours
Why is it so dark where you're not here
It's dangerous how wrecked I am
Save me because I can't get a grip on myself
Listen to my heartbeat
its calls whenever it wants to
because within this pitch black darkness
You are shining so brightly
Give me your hand save me save me
I need your love before I fall, fall
Give me your hand save me save me
I need your love before I fall, fall
Give me your hand save me save me (oh oh whoa, save me, me, me)
Give me your hand save me save me (oh oh whoa, save me, me, me)
Save me, save me (oh oh whoa, save me, me, me)
Today the moon shines brighter
on the blank spot in my memories
It swallowed me this lunatic
please save me tonight
(Please save me tonight, p-p-p-please save me tonight)
Within this childness madness
Dumudungaw na si Yuri at nakikita ni V ang ngiti sa mukha niya. Yes, success.
Pagkatapos ng kanta, bumaba na siya.
Napangiti na si V. Ito na, ito na!
Lumabas na si Yuri. Hinanda na ni V ang bulaklak at tsokolate. Nasa likod lang niya ito.
"V?"
"Yuri."
"V, nililigawan mo ba ako?" tanong ni Yuri na biglang tumigil sa pag-ngiti.
Nahiya bigla si V.
"Ah, oo..bakit?"
Biglang nag-iba nanaman ang expresyon ng mukha ni Yuri. Napangiti na lang ng ngiting nahihiya si V, hanggang sa sapakin siya ni Yuri ng malakas.
Nasaktan si V. Pero hindi lang sakit sa katawan. Sakit din sa kalooban niya.
"Yuri? Bakit? I am just trying to get your heart na talaga. Dati pa kita gusto..noong bata pa naman, di ba?"
"Trying to get my heart? Paano kung taken na ako, ha? Ibang level ka na talaga, V. Hindi na ikaw yung dating V na kilala ko. Possessive psycho ka na, alam mo yun! ALAM MO YUN?!"
Nasaktan ng lalo si V.
"Yuri, sandali lang. Appreciate my effort naman, o. Tayo na lang na kasi. Parang first love mo na rin ako, noong bata, di ba? Sige na..mas bagay kung tayo."
At sinapak nanaman siya ni Yuri.
"Oo, I appreciate your effort. Aaminin kong nagustuhan ko performance mo, pero hindi pa rin. Hindi pwede maging tayo. Pwede ba..tumigil ka na lang at umalis na? NGAYON NA?!"
"Pero -"
"ALIS NA!"
Talagang galit na si Yuri, pero pinilit pa rin siya ni V. Hinawakan niya ito sa damit.
"Mahal na mahal kita, Yuri..please stay with me. Hindi ko mapigilan. Please..save me. I'm a better man than AJ, or than you think I am."
Sinubukan naman na ni V halikan si Yuri, pero sinapak siya ng dalawang beses magkasunod ni Yuri at tinulak siya palayo. Mabilis na pumasok si Yuri at agad na sinarado ang pintuan bago pa makahabol si V.
"YURI!!! YURI!!! YURI!!!" sigaw ni V, pero hindi na siya binuksan nito. Naghintay siya talaga ng ilang minuto, kumanta pa ng kumanta ng iba't ibang kanta hanggang sa magsalita na si Yuri pero negatibo pa rin.
"I warn you, V. Parating na parents ko, kakatext lang. Kaya kung ako ikaw, aalis na ako diyan dahil makakatikim ka naman ngayon sa mga magulang ko."
Umalis na si V, dala-dala ang bulaklak at tsokolate na dapat ay nabigay niya kay Yuri.
Bumalik siya sa bisikleta niya na umiiyak at umuwing wala man lang ngiti sa mukha.
**END OF V'S STORY**
"Ay, grabe..ang sakit nun." reaksyon ko sa kuwentong ito.
"Oo nga, eh..I guess, nahuli na talaga ako. Naunahan na ako ni AJ. Ikaw din naman, naunahan ka ni. Noel, di ba?" sabi naman ni V.
"Oo, pero, dre..ang saya ko talaga na nagkasakit si Noel. Salamat, lamok at kinagat niyo si Noel, para sa amin ni Chachi. De joke lang, hindi ako magiging sobrang masama, ayaw ni Chachi yun."
"Tama, tama! Tama lang yan! How about you? May makukuwento ka ba tungkol kay Chachi?"
"Sige, ako naman ang magkukuwento. Makinig ka, ha!"
**Flashback**
2 weeks ago..
Pauwi si Chachi na malungkot. Mag-isa lang siya. Kahit si Cane, hindi niya kasama. Naisip kong chance ko na ito.
"Chachi, Chachi!" tawag ko sa kanya.
Lumingon naman agad siya.
"Thirteen. Bakit? Nabigay mo na ang daily chocolate kanina, ano na kailangan mo ngayon?" tinanong niya ang pakay ko.
"Ah, kasi. Gusto ko ipagdasal si Noel sa simbahan. Gusto mo rin ba siyang ipagdasal doon? Diyan lang sa simbahan na kapitbahay ng school." sagot ko naman.
Napangiti siya bigla. Wew!
Napayakap siya sa akin bigla. "Salamat! Ang galing mo talaga, mabuting mabuti yun! Hindi ko yun naisip, ah!"
Napangiti naman ako.
"Hehe, sige. Walang anoman. Tara na, hehe." sabi ko na nasisiyahan na sa progresong nagagawa ko.
Sabay kaming naglakad papunta sa simbahan. Hinawakan namin yung kamay ni Hesus sa statwa niya at pagkatapos yung kamay ni Birheng Maria sa kabila.
Pumasok na kami sa loob.
Walang tao. Kaming dalawa lang. Naghanap kami ng "few" na luluhuran. Tinuro ko ang harap at pumayag naman si Chachi. Nag-genuflect muna kami, hanggang sa lumuhod at magkatabing nagdasal.
Pinagdasal ko yung kondisyon ni Noel siyempre, para kay Chachi. Pero pinagdasal ko yung ligayang makukuha ko kasama si Chachi. Pati si V, na heartbroken ay maging okay na mula sa napakasakit na naramdaman niya. Siyempre kasama na ang intensyon ko para sa pamilya ko at mga grado ko sa school. Saka yung mga nangyayari sa klase namin..
Mas matagal nagdasal si Chachi kaysa sa akin. Hinintay ko na lang siya. Nang matapos na siya, lumabas na kami ng few at nag-genuflect paalis. Sabay kaming naglakad palabas.
"Ano, okay ka na?" tanong ko.
"Oo. Salamat sa pakikipagdasal ngayon. Kakain na ako ngayon. Wala raw dinner sa bahay, ako na lang bibili pero hindi dapat mauubos. Hayyys, malamang mauubod ito, mapapagalitan ako. Nagamit ko ito sa mahal na lunch kanina, eh. Konti na lang natitira." sagot naman niya.
"Ah. Gusto mo ilibre na lang kita? Para wala ka nang poblema? Kakain na rin naman ako, eh." pag-aalok ko.
"Ay, kahit huwag na, salamat na lang. Sayang naman yang mayroon ka, maaksaya para lang sa akin. Pagalitan na lang ako kung papagalitan." tugon niya.
"Sige na. Tanggapin mo na. Minsan-minsan na lang nga tayo ganito, eh. Ayokong nalulungkot ka. Nalulungkot ka na nga sa kondisyon ni Noel, tapos ngayon malulungkot ka pa kung mapapagalitan." pagpipilit ko.
"Ah, sige. Salamat, ha! Ang bait mo naman pala, Thirteen.."
Napangiti ako roon.
"Oo naman. Huwag ka maniniwala sa sinasabi nilang masama ako. Saan mo gusto?"
"Ah..magkano ba nasa iyo."
"Lagi malaki. 300 pa, since wala akong nagastos ngayon."
"Yaman, ah. Kahit diyan na lang tayo sa malapit na McDonalds."
"Haha, sige ba."
Sabay nanaman kami naglakad. Bumili ako ng tig-isang spaghetti, cheeseburger deluxe at fries para sa aming dalawa, gamit pera ko.
Nagsaya kami habang kumakain. Pinagusapan namin si Noel. Kinuwento niya na hanggang ngayon, halos hindi pa rin siya sanay na wala na silang kakambal ni Noel. At halos hindi rin sila pa rin makapaniwala na sina Joel at LJ nga ay isa sa mga "ghost killers" na pumapatay ng mga kaklase namin.
Nakuwento ko rin ang talambuhay ko. Sinabi ko sa kanyang hindi talaga lahat ay masaya at kailangan mo munang dumaan sa mga masasaklap na pangyayari. Na-inspire siya rito.
Nang pauwi na, nang maghihiwalay na kami ng daan, hindi ko pinalagpas pa.
"Chachi. May sasabihin lang ako. Sana huwag ka magalit."
"Bakit?"
"Alam na alam mong may gusto ako sa iyo, di ba?"
"Oo naman. Pero wala na akong poblema ngayon doon. You're not so bad naman pala."
"Kasi, ganito yun....pwede bang?"
Medyo nahihiya na ako.
"Pwede ba ano?"
"Pwede bang habang wala pa si Noel, eh, um. Damihan natin yung mga ganitong lakad natin? Please. Please. Pagbigyan ko ako para tumigil na rin ako. Promise, kapag gumaling na si Noel, titigil na ako at titigilan ko na kayo. Sabihin mo na lang kung gusto mo pa rin yung daily chocolate o daily gidt kahit nandiyan na si Noel ulit. Pagbigyan mo na ako, ngayon lang. Alam kayo pa rin ni Noel ang mas bagay." sinabi ko na. Naku, naku! Ano kaya kakalabasan nito?
"You mean parang temporary boyfriend?"
"Oo. Basta pagbigyan ko akong ibigin kita for a short time, Please..kilala mo naman na ako. Pagbigyan mo ako, kahit ngayon lang."
Nag-isip muna siya, pero hindi naman siya galit.
"Ah, sige, Thirteen. Pagbibigyan kita. Basta kapag gumaling si Noel, ah..alam mo na."
"Yes! Yes! Salamat talaga!" sabi mo at napayakap na sa kanya.
Pagkatapos nito, maraming dumating na mga lakad. Everyday na since pinagdadasal namin si Noel, at hinahatid ko na siya pauwi. Paminsan naman, kapag wala siyang dinner sa bahay o hindi masarap, nililibre ko siya sa isang restaurant. We are enjoying each other..
Tuwing nasa school, hiwalay naman kami. Kasama niya si Cane o paminsan mas marami sila, kasama na ang buong grupo nina AJ. Ako naman, kasama si V. Ayaw namin ipakita sa kanila, siyempre. Maraming magsusumbong kay Noel. Lalong lalo na si 4A.
Dalawang linggo absent si Noel. Dalawang linggo kami ni Chachi. Dalawang linggo talaga ako nagsaya!!!
**END OF FLASHBACK**
"Haha, buti ka pa, pre. Ang saya saya mo sa pag-ibig. Ako..hindi. REJECTED."
"Ayos lang yan, V. Baka next time, hindi ka na rejected. Tiwala lang."
"So ngayon na bumalik na si Noel, masaya ka pa rin ba, Thirteen?"
"Oo naman. Kaibigan na ang turing ni Chachi sa akin. Hindi yung dati na kaaway agad dahil kaaway at karibal ko si Noel."
"Sige. Hehe, alis na tayo rito at pumunta sa corridor. Baka makita mo na sina Chachi roon."
"Dre..sigurado ka? Si Yuri, nandoon. Kasama si AJ, Gusto mo nanaman masapak? Tapos mabugbog-sarado ni AJ bilang resbak?"
"Ay, oo nga. Huwag na lang. Naku, paano na yan mamaya.."
"Huwag kang mag-alala, V. Nandito naman ako, poprotektahan kita muli kina AJ at Yuri. At pwede ko konsultain si Chachi about this kung hindi si Noel kasama niya."
"Salamat talaga, Thirteen. Best friends forever tayo, ha?" sabi niya at pinakita ang kanyang kanan kamao, para sa brofist.
Nagbrofist naman kami.
"We survived, man, we survived. What's more important is that we both are surviving this death game as of this moment." sabi ko sa kanya.
"Yeah. We're on this together. BEST FRIENDS FOREVER!"
"BEST FRIENDS FOREVER!" nag-apir kami sa hangin ng malakas.
Samara Huego's Point of View
Ang tagal na rin.
Buti na lang, tumigil na ang death game.
Isang buwan na.
Ang mga bangkay nina Sandhel, Mich at Seth ang naging mga ebidensya para maniwala sila. Pati ang nangyari kay Jerome, ang mga sugat at pasa ni KJ, pati yung katotohanan Naimbestiga ito ng ilang araw at sa resulta nasabing posible ngang mga multo ang pumatay. Nakita rin nila ang mga drawing ni Seth sa mga haunted na bagay na nakita niya sa school. Napaalis naman na ng mga pari ang mga demonyo. Sana gumana, hehe. Bless na bless na ang school namin, yehey! Pero walang bagay dito sa mundo ang permanente or in other words..WALANG FOREVER.
Ako ang nakakuha ng diary ni Faithlyn. Bagama't hinahanap ito ng marami lalo nina 4A at Chachi, tinago ko ito. At dito, nainspire ako. Nag-diary na rin ako. Hehe.
Ang main highlights this month bukod sa recovery sa mga nangyari sa amin na mga patayan ay yung mga love team.
#LoveIsInTheAir
Unahin natin sa resident hottest loveteam.
#HaVinQuinLo (Harley Jade "Hade" Quinzel and Gavin Rock Pablo) a.k.a The Superstar Couple.
#HaVin!!!
Si Gavin ay tumutugtog lagi sa mga misa namin, bilang bassist o kaya naman guitarist kung hindi rock ang kanta. Si Hade naman, kasali sa choir at siya ang parang leading doon. So it is like this. Gavin plays the instruments, Hade sings. Paminsan nga silang dalawa lang eh. Isa kakanta, isa tutugtog. Si Hade pala ay lagi bida sa mga teatro. Kung kailangan naman ng leading man, si Gavin na at wala nang iba, kaya't nagiging actor na rin si Gavin. Nakakakilig sila palagi. As in. Pero infairness, parehas na may kinakalungkutan itong dalawa which was heartwarming. Dedikasyon na dedikasyon pala nila ang mga career nila as superstars of the school para sa mga namatay nilang best friend, sina Seth Evans para kay Gavin at Mich Smith para kay Hade.
Sa Top 2 naman.
#HeaMuelCastiAusan (Heaven Castillejo and Samuel Ausan) a.k.a The Genius Couple.
#HeaMuel. Yung dalawang class geniuses ay talagang love team pa! Nakakakilig din. Lalo yatang tumataas mga grades nila simula noong naging sila. Tulungan siguro sila..hehe. Sa classroom, they rule in intellect. Sila ang pinaka-advanced sa talino nila. Tinutulungan naman nila kaming lahat kung kinakailangan. Ang cute talaga..naging couple yung dalawa naming matatalino.
Sunod, Top 3.
#ZenLeyCastanTura (Zenke "Zen" Blaze Castaño and Ashley Quinn Buenavantura) a.k.a The Dark Couple.
#ZenLey na #ZenLey talaga. Sila na ang dark couple na maituturing dahil sa parehas nilang madilim na ugali. Marami talaga silang similarities at nakakakilig, after we found out (without their knowledge) na may secret hideout pala sila sa dilim, at doon sila naglalambingan as lovebirds. Wow talaga..halik sa dilim na nga, eh. XD.
Top 4 na!
#DaXleGreNavista (Diana Alice "Dana" Grey and Axle Blaze Buenavista) a.k.a The Best Friends-Playmates turned Lovebirds Couple.
Sina Dana at Axle ay lagi magkasama at lagi naglalambingan. Halata mo na may something talaga sila. Pero lagi nila dinedeny. Bahala sila, kasi kami, #DaXle shippers forever talaga. Si Dana ay naging bagong Mich na mews o model ng section namin. Hehe, siguro magiging escort niya one day si Axle. Nakakakilig kaya sila kapag magkasama sila!
Ito na, Top 5!
#KaneTelliaCabaKiko (Kane Jacob "KJ" Cabanilla and Chantellia Yukiko) a.k.a The Childish Grown-Up and the Matured Young Cutie Couple.
Sina KJ at Chantellia. #KaneTellia! May pagka-opposites sila. Particularly in behavior and maturity. Si KJ, 17 na, pero hindi pa rin matured, napakaisip-bata pa rin, hanggang ngayon. Hindi pa siya nagmamature talaga. Samantala si Chantellia na 15 pa lang, batang bata pa lang at cute na cute ay matured na matured na. Daig na daig ni Chantellia si KJ. Opposites talaga. Pero one similarity that they have is that they are both virgins na never pa nakakapasok sa mundo ng "pag-ibig." Haha, number one shipper na talaga ako nang #KaneTellia! Bagay sila! Bagay sila!
Dumako na tayo sa mga love team na hot, pero may mga third wheel.
#AJYuriMagnifiVal (Antonio Jonathan Magnifico and Yuri Arissa Sandoval) a.k.a The President and the Vice President Couple VS. #VinceYuriKimDoval (Vince "V" Kim and Yuri Arissa Sandoval) a.k.a The Old Playmates Reunited Couple
Kung ako ay tatanungin, solid na #AJYuri ako. Sila nauna, eh. Saka bagay na bagay talaga sila. Lagi na lang nakikitaan si Yuri ng parang kakaiba tungkol sa nararamdaman niya kay V, Tila mahigit pa sila sa kaibigan, na ikinaseselos ni AJ. Kaya 4A, buti na lang, napunta ka rito, kailangan ka talaga ni president! Pero balita ko, rejected daw siya ni Yuri. Hindi ako nagbibiro. Sabi mismo ni Yuri. Nice one, there. #AJYuri is going solid.
At ang hottest love triangle....
#NoeChiAbMery (Noel Abear and Charity Faith "Chachi" Montgomery) VS. a.k.a The Twin#2 Couple. #ThirChiSuliMery (Thirteen Matthew Sulivan and Charity Faith "Chachi" Montgomery) a.k.a The Third Wheel's Couple.
Which side?
#NoeChi, siyempre. Solid yan, forever yan! Hehe, may forever sa #NoeChi, Thirteen, tandaan mo yan. Sila ang nauna. Close na close ang Abear Brothers at Montgomery Sisters bago ka dumating at ngayon na patay na ang #JoelLove, pagbigyan mo na silang dalawa na lalong naging magkalapit sa nangyari sa mga kakambal nilang sina Joel at Love Joy "LJ". Gets mo, Thirteen? Matalino ka naman, eh. Ang dami dami pang babae diyan, marami namang magkakagusto sa iyo sa kasulitan nang talino at gwapo mo na parehas mayroon na mayroon ka. Pero balita ko talaga, nagkakaroon ng date sina Thirteen at Chachi habang nasa ospital pa si Noel, naconfine sa dengue niya. Pero shismis lang yun, hindi ako sigurado. Let's hope not. #NoeChiForever
Huwag pala nafin kakalimutan ang #SamDreiHueRez, siyempre. Samara Leondale Huego and Andrei Perez) a.k.a The 'Taga-Libre' Queen and The King of Choosiness Couple.
#SamDrei, #SamDrei, #SamDrei!!! Siniship kaming dalawa, dahil sa madalas kong panlilibre sa kanya. Honestly nga, nagugustuhan ko siya kahit ang choosy and bipolar niya. We are good friends naman pero nadidevelop talaga ako sa kanya. Eh. Bawal pa naman ako ng boyfriend, eh. Mapapalo ako ng sintoron. Mawawalan na nga ako ng baon, mawawalan pa ako ng mga ngipin. E siguradong si tatay ituturing akong parang kaaway sa wrestling kapag nalaman niyang may boyfriend na ako. Tulad nang mga magulang ni Knowell, sobrang strikto talaga ng mga magulang ko sa pagkakaroon ng significant other. Paparusahan talaga ako at mapapahamak lang boyfriend ko, kaya huwag na lang. Hanggang crush lang siguro si Andrei. Pero still. #SamDrei!!! Nakakakilig din, eh.
Ay, nakalimutan ko.
May #XanRenPangiliCher pa pala. Parker Alexander "Xander" Pangilinan and Serenity Drea "Seren" Hancher.
Isang beses daw, sabi ni 4A, nakita niya yung dalawa papasok ng banyo at nag-spy siya. May sexual activity daw siyang nasesense. Isang araw, nakita nanaman niya ang dalawa magkasama pumunta sa isang banyo. Tumawag siya ng malapit na janitor at naging masuwerte siyang mayroon, nabuksan niya ang banyo mula sa pagka-lock. Sa isang cubicle, nakasilip siya stealthily at napatunayan nga niya ito. #XanRen is real!!! Kaya, let us embrace #XanRen.
Naku, ang saya na yata ng buhay. Sana, tumigil na itong death game na ito. Pero, teka. We haven't got all answers pa pala. What is to happen next na for that matter? Sigurado akong magbabalik pa yung mga loko-lokong multo na yun..naku. Hindi ko na talaga alam gagawin ko. Sino ba sa aming mga binibiktima ang makakaalam ng gagawin nila ngayon sa sitwasyon naming malala at delikado?
ABANGAN.
Author's Note: Okay, ayana, hihi. Short vacation na namin, for 10 days, so magsaya tayo. Tatadtarin ko ito ng updates at kung pwede, tapusin na. Masaya ba kayo? Sabihin niyo nga! Hehe. Sana manatili mga suporta niyo hanggang huli. Malapit na tayo sa kalahati. Hanggang Chapter 40 ito, sana marunong kayo ng basic Math, para alam niyo yung kalahating sinasabi ko. Yung iba, hindi na aktibong sumusuporta. Ghost readers na lang siguro na hindi talaga nagpaparamdam o kaya naman silent readers, vote lang, walang mga comments. Maasahan ko bang babalik yung dati kong PDE readers? Comment below! Yun lang, salamat sa lahat. Sorry for the typos, sana magustuhan ninyo. Have a blessed Friday and happy reading po! =) ;) :D
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top