Chapter 14: Jerome's Amnesia
Chapter 14: Jerome's Amnesia
Jerome Pamular's Point of View
Halos isang buwan nakalipas, unti-unti akong nakaka-alala. Naalala ko na yung kasalukuyan kong buhay dito sa Continental University. Ang mga pangyayari simula noong ipinanganak ako nasa isip ko na. Pero may mga spesyal akong ala-alala na hinding hindi ko makalimutan at hinding hindi ako maka-get over from.
Isang linggo akong hindi pinapasok nang magka-amnesia ako. Sa dalawang linggo tinulungan ako ng mga kaibigan ko sa school na masanay muli sa paligid ko rito sa Continental University. Ngayon, sa pang-apat na linggo, nagiging mas maayos na talaga ang lahat. Halos normal na Jerome na ulit ako. Pero, may mga naaalala talaga ako na kahit nagkaroon na ako ng amnesia na nag-iba agad sa akin, ay unang una pa rin sa mga hindi ko malilimutan.
**Flashback**
Noong kami ni Ate Sophia ay bata pa..
"Habulin mo ako, Sophia!" sabi ko kay ate at tumakbo na ako rito sa bakuran namin.
"Ay, mahahabol talaga kita!" sabi naman niya.
Tumakbo ako ng pinakamabilis ko. Ang layo ko na kay Ate Sophia na hindi gaano kabilis gaya ko.
Inaasahan na mananalo ako sa pamamagitan ng likas kong bilis, pero hindi pala..
Natalo ako ni Ate Sophia sa talino niya.
Habang tumatakbo ako ng napakabilis, paikot-ikot lang sa bakuran, na walang pagod, siya ay mabagal lang na tumatakbo na tila tinitipid ang bilis.
"Sigurado ka bang mahahabol mo talaga ako? Mukhang di mo kaya!" pagyayabang ko.
"Just wait, you'll see."
Tumigil siya bigla. Nasa kaliwa na ako, kung nasaan siya tumigil bigla sa bilis. Nang hindi inaasahan, bigla siyang tumalikod at nilabas ang buong bilis. Dahil malapit na ako sa kanya nun, naabutan niya ako, nahawakan niya ako bago pa ako makatakas.
"Okay..okay. Nahabol mo ako. Hindi man ikaw mabilis tulad ko, ginamit mo talino mo. Sorry for doubting you. Ikaw na, ikaw na yung clever player." sabi ko sa kanya.
"Haha siyempre naman, diyan tayo nagkakaiba." sabi naman niya.
Nagtawanan kaming magkapatid.
August 22, 2016
Habang naga-upload ako ng bagong video sa youtube tungkol sa Vainglory, since magaling akong gamer doon at lagi ng mga viewers ko inaabangan yung epic na mga ginagawa ko sa mga games ko, isa sa mga type ng video na ina-upload ko sa youtube ko, nakarinig ako ng iyak.
Tinigil ko muna ang pagbibigay ng atensyon sa iPad ko. Nagpokus ako sa naririnig kong iyak, hanggang sa unti-unti ko itong makilala.
"Si Ate Sophia!"
Agad akong lumabas ng kwarto at pumunta sa kabilang kwarto, kung nasaan sj ate.
"Ate! Ate!" tawag ko, at tumabi na sa kanya sa kama.
"Bakit, Jerome?" tanong niya, habang hawak hawak ang cell phone niya.
"Bakit ka umiiyak?" tanong ko sa kanya.
"K-k-kasi..yung isa sa mga kaklase namin....SUMAKABILANG BUHAY NA!" sagot niya.
"Ha? Sino??? At bakit?" tumaas ang kuryosidad ko.
"Tignan mo na lang..hindi mo jayang sabihin ng basta basta." sabi niya at inabot sa akin ang cell phone niya.
Binasa ko ito. Nakita ko, MESSENGER. Ito itsura ng messenger: (messages are arranged from top to bottom)
<TROPANG 10-ASIA>
KJ the Class Clown
Guys, nandito ako sa ospital ngayon. Patay na si ROFL mula sa pagkalason. Malalang food poison ang naranasan niya. Ang lason na yun ay talagang delikado at hindi siya nakaligtas mula rito.
The Good Cutiepie Baby Girl Chantellia
Ano sabi mo? Patay na si ROFL?
KJ the Class Clown
Seryoso na ako, guys..namatay na talaga siya. Nalason daw, kanina lang noong kumain siya sa school at hindi pa umuuwi.
Faithlyn the Weirdo
OH..MY..G! Totoo ba dis? Nabawasan na ng isip-batang patawa pero hindi naman nakakatawa sa classroom?
Joel the Secretary (Noel pala, haha)
P*t*ngina Faithlyn namatay na nga ang tao e
Noel the Treasurer (Joel pala, haha)
So, ano, KJ, patay ba raw talaga? Baka naman may pag-asa pa diyan sa ospital, sakaling magamot pa siya
KJ the Class Clown
Oo nga naging straight line na yung heartbeat sa vital signs niya kahit pag revive di na gumana
Wendell, Mr. Swabe's Sidekick
Tae ang daming naging OL ngayon dahil lang kay ROFL e hindi naman siya tulad namin ni Bruce! At yung mga seener diyan magiging palaka hahaha
KJ the Class Clown
Luh Wendell kala ko ba nagbago ka na
Wendell, Mr. Swabe's Sidekick
Sorry na, nagbibiro lang. Siyempre nagbago na ako. Buti nga, nakapaghingi na kami ng tawad ni Bruce kay ROFL bago siya namatay..rest in peace talaga sa kanya.. Ipagdadasal ko na siya ngayong natuto na akong magdasal bago matulog...
KJ the Class Clown
Hayyys. Kala ko school bully pa rin kayo ni Boy hanggang ngayon hanggang ngayon na wala na siya..😭😭😭
Mr. Swabe Bruce Oliver Yanni "BOY"
hoy bat narinig ko pangalan ko ay nabasa pala
Wendell, Mr. Swabe's Sidekick
Wala masyado, bhocxcz BOY! Basta ipagdasal natin si ROFL
Mr. Swabe Bruce Oliver Yanni "BOY"
geh geh gagawin ko at teka ibahin na kaya natin gc name para alam na agad nilang lahat
Mr. Swabe Bruce Oliver Yanni "BOY" named the group IPAGDASAL SI RAY ORLY FINN LLOYD "ROFL" LOSADA 🙏🙏🙏
Arc-den Richards Gwapings Pogito
anyare, patay na si losada? kailan? bakit?
Wendell, Mr. Swabe's Sidekick
Oo Arc kasi gwapo ka pero namatay siya kasi bigla kang naging hindi gwapo
Freddy Malibog, the Terran Ninja Dancer
G*go ka pa rin talaga Wendell, kanina ka pa haha huwag ka na magbiro... Kinabog ka pa ni KJ na hindi nagpapatawa ngayon
Wendell, Mr. Swabe's Sidekick
Sorry na talaga..titigil na ako, basta tulog na kayo pero ipagdasal niyo muna si ROFL.
Love Joy "Chachi" Montgomery
Wait..matutulog na ako pero nakita ko ito bigla. Wala na si ROFL? 😓😓😓
KJ the Class Clown
Oo, Chachi, wala na siya. Si LJ, tulog na ba?
Charity Faith "LJ" Montgomery
Hoy di pa ako tulog ano tingin mo matutulog ako nang hindi pa natutulog si Chachi?
KJ the Class Clown
Ge basta pagdasal niyo si Rofl..kailangan niya na talaga yun
Izzyah Herriety The Musician
Condolence talaga KJ sa pagkawala ng best friend mo at sa ating lahat na rin na nawalan ng isang kaibigan tulad ni ROFL. He has been a nice member of the family, so in return let us pray for him whole-heartedly..mahal na mahal ka namin, ROFL!
Mr. Swabe Bruce Oliver Yanni "BOY"
AMEN!!! 🙏🙏🙏
Maine Honey Mendoza "Yayadub"
Tama tama nice message Izz..RIP Rofl, my condolences..
Vice President "Yuri Robredo"
Magsitulugan na kayo..may school pa bukas. Basta offer your prayers, ah.
Mr. Swabe Bruce Oliver Yanni "BOY"
O, makinig kay VP Yuri! Good night na sa lahat. Sna, yuhg mga seener diyan na sina Dominic, Sophia, Alaiza, Cliff at Axle ay nababasa at naiintindihan ito, para mapagdasal din si ROFL. Yun lang, tulog na kayo at magdasal na para kay ROFL! Naku po. Nagmumukha na akong presidente since offline si AJ Duterte...
Seen by KJ the Class Clown, The School's Neighbor Axle the Keyholder, Valedictorian Alaiza De Castro, Salutatorian Cliff Blanco, Maine Honey Mendoza "Yayadub", Arc-den Richards Gwapings Pogito, Bookworm Dominic Trusty, Vice President "Yuri Robredo", Joel the Secretary (Noel pala, haha), Noel the Treasurer (Joel pala, haha), Love Joy "Chachi Montgomery, Charity Faith "LJ" Montgomery, Wendell, Mr. Swabe's Sidekick and Mr. Swabe Bruce Oliver Yanni "BOY"
Tumingin na ako kay ate pagkatapos kong kabasa yung pinakahuling message ng mga kaklase niya. Kitang kita ko, ang daming online!
Iyak pa rin ng iyak si Ate Sophia hanggang sa yakapin niya ako ng mahigpit. I felt bad for her..
Kinabukasan..
August 23, 2016
Habang hindi pa dumadating si Ate Sophia, napadaan ako sa kwarto niya at narinig ang tunog ng messenger. Naging curious talaga ako, dumeretso ako sa loob at tinignan ang cell phone niyang iniwan niya rito.
Nakita ko sa notifications: (pinakababa mula pinakamataas)
The School Owner's Pabebe Daughter Daphne to IPAGDASAL SI RAY ORLY FINN LLOYD "ROFL" LOSADA 🙏🙏🙏: Hi guys nasa school pa rin me hehe
Nichelle the supladang athlete to IPAGDASAL SI RAY ORLY FINN LLOYD "ROFL" LOSADA 🙏🙏🙏: Hello Daph haha nakauwi na ako
GAMER BOY BLAKEY BOY! to IPAGDASAL SI RAY ORLY FINN LLOYD "ROFL" LOSADA 🙏🙏🙏: uy guys may iaanounce lang si AJ
Nichelle the supladang athlete to IPAGDASAL SI RAY ORLY FINN LLOYD "ROFL" LOSADA 🙏🙏🙏: Anong guys? Girls kaya kami ano ba yan Blake
GAMER BOY BLAKEY BOY! to IPAGDASAL SI RAY ORLY FINN LLOYD "ROFL" LOSADA 🙏🙏🙏: sorry naman in general na kasi lahat kayo kadalasan ginagamit yung guys kahit may mga babae basta panglahatan.
AJ DUTERTE 👊 to IPAGDASAL SI RAY ORLY FINN LLOYD "ROFL" LOSADA 🙏🙏🙏: Kakamatay lang ni Izzyah, so please pagdasal niyo. Dalawa na namatay sa atin. Alam kong mahirap paniwalaan ang mga kuwento ko tungkol sa pangyayari na nakikita ko sa mga panaginip ko, pero mas mahalaga ang mga dasal niyo para sa dalawa nating mga namatay, ayos ba yun?
Naisipan kong tignan na mismo sa messenger ang mga messages. So pagkatapos ng mga message ni AJ..
Iceziana the Gossiper Oracle
Ay..RIP ROFL AT IZZYAH!!! 😢😓😰
Nichelle the supladang athlete
gegege punta ko simbahan mamaya ipadasal ko pa sa mga pare iyan
The School Owner's Pabebe Daughter
Mamimiss ko talaga sila..hindi ko makakalimutan yung laging mga pagtutugtog ni Izzyah sa gitara niya at iba pang mga instrumento niya o paminsan pagkanta pa niya. Pati na rin si ROFL, siyempre, ang isip-bata isip-bata nun, lagi tayo pinapatawa.. In fact, siya yung nag-set ng mga nickname natin kahit medyo hindi ako komportable sa "pabebe" haha kasi yun yung katotohanan xD.
AJ DUTERTE 👊
Basta, guys, ipagdasal ninyo, ha. Let's hope rin na wala nang mamamatay.
Seen by Yasmin the Secretive One, Freeze the coldest of all, Iceziana the Gossiper Oracle, GAMER BOY BLAKEY BOY!, Nichelle the supladang athlete, The School Owner's Pabebe Daughter Daphne and AJ DUTERTE 👊
AJ DUTERTE 👊 named the group IPAGDASAL SINA ROFL LOSADA AT IZZYAH HERRIETY 🙏🙏🙏
Naku..paano na kaya si Sophia. Malamang, malungkot yun ngayon. As in sobrang lungkot. Bakit ba kasi kailangan mangyari ang mga ito sa kanila?
Noong first day ng practice para sa kanilang moving up day..
Nasa jeep kami ni Sophia, nagcocommute papuntang school. Ako, regular classes, siya, practice na lang para sa Moving Up Day ceremony nilang mga Grade 10 students. Magkaiba kaming school kahit magka-level. All-boys school kasi ako. Next school year naman, lilipat na ako diyan, diyan na ako magse-senior high. Nang malapit na kami sa school, nang malapit na siyang bumaba, may sinabi muna ako.
"Ate Sophia, ingat ka, ah. May patayan sa inyo at damay na damay ka, pwedeng pwede ka sunurin anytime. Ha?!"
"Oo naman, Jerjer. Maasahan mo ako diyan. Para sa inyo nina inay at itay, mag-iingat ako."
"Sige. Sana nga, maging ligtas ka sa patayan na ito. Alam kong kayang kaya niyong labanan at tapusin ito."
Nagyakapan kami, at saktong natapos kami nang huminto na ang jeep sa school kung saan marami ring papara at sasakay.
Bumaba na si ate.
Pagkauwi ko, nalaman kong hinahanap pala nina inay at itay si Ate Sophia at wala pa silang nakukuhang sagot. Nagsimula na akong mag-alala.
"Kanina pa siya wala at ngayon naman, hindi siya sumasagot ng mga tawag. Ano ba mayroon doon? Nakikipaglakwatsiya?" sabi ni itay.
"Baka nga. Kung anu-ano nanamang delikado ang ginawa kasama mga kaklase niya ng walang paalam.." sabi naman ni inay.
Dumeretso na lang muna ako sa kwarto ko at nagrelax.
Pero naku..ano kaya nangyari kay Ate Sophia?
Binuksan ko ang TV pagkabihis ko.
Nakaiwan ito sa balita.
Nakita ko sa flash news, may larawan ng babaeng nalulunod sa isang malalim na dam at may tricycle sa tabi niya.
"Isang dalagang babaeng estudyante ang natagpuang patay nang malunod sa isang malalim na dam. Kung iyong makikita sa litrato, may isang tricycle na nakapaligid sa kanya. Masasabi nating posibleng na,atay siya habang umuuwi gamit ang isang tricycle. Pero ang tanong..nasaan ang drayber ng tricycle na yun?" sabi ng pag-uulat.
Kinakabahan ako ngayon. Habang nakikita ko ang litrato, tila nakikilala ko ang babae roon.
"Ilang oras na ang nakalipas, nakilala ang babae sa initials niya na nakasulat sa kanyang namecloth na.. PAMULAR, S. V." dagdag niya.
Nanlaki mga mata ko sa takot at gulat. Si..SOPHIA NGA!!!
"Siya'y nag-aaral sa Continental University at sa kulay ng namecloth niya. Nahanap din ang ID at nalaman na ang buong oangalan niya ay Sophia V. Pamular. Mula siya sa 10-ASIA —" pinatay ko na ang telebisyon gamit ang remote at hinagis ko ang remote, tumalsik ito sa malayo.
Humagulgol na ako. Hindi ko kaya..hindi ko kaya..bakit pa kailangan mamatay ni ate Sophia?!?!?! Siya ang kapatid kong close na close sa akin at naging mabuting ate talaga siya. Opposites kami; siya yung matalinong matalino na nerdy genius samantala ako yung di katalinuhang isip-batang athlete na youtuber, pero wala yun.. Naging maganda ang bond namin. Isang taon lang ang tanda niya sa akin at three years old ako nagsimulang mag-aral kaya magka-level kami sa school, madali kaming nagkakaintindihan din kahit na magkaiba ng school ngayong Junior High. AYOKO NA, AYOKO NA!!! ANG SARAP PATAYIN NG KILLER NILA NA YAN NA PUMAPATAY SA KANILA PARA MAPUNTA NA SA IMPYERNO!!!
**End of Flashback**
"Sophia! Sophia!" sigaw ko na nagpapanic na, kaya nabunggo ko bigla sina KJ at Chantellia, na mga kasama ko ngayon. Nakabalanse naman sila at hindi natumba.
"Jerome!" sabay nilang saway sa akin, at pinakalma ako, hinawakan ako sa katawan.
"Ayos ka lang, Jer?" tanong ni KJ.
"Hindi, eh. Naalala ko nanaman.." sagot ko.
Nagtinginan silang dalawa.
"Okay lang yan, Jerome. Kami rin nasasaktan sa ilang mga ala-ala noong nakaraang taon sa unang periodical death exam ni Sir Mauleon." sabi ni Chantellia sa akin.
"Salamat talaga..sa inyong dalawa. At nina AJ, Yuri at Myla. Kayo-kayo ang naging mga pinakamalapit sa akin.." sabi ko naman sa kanila, habang bumubuwelo pa sa upuan ko rito sa kantina.
Kaming tatlo lang ngayon..yung iba kasi, nasa adventure raw ng ghost hunting. Sama-sama na sila this time pero wala silang nahahanap tulad namin nina KJ, Seth, Sandhel at Mich noong nakaraang Agosto."
"Chant..namimiss ko talaga yung dating Jerome na patawa at isip-bata. Ever since noong nagkaroon siya ng amnesia ." bulong ni KJ kay Chantellia na rinig na rinig ko.
Tumango naman si Chantellia, at binulong: "Oo nga, tama ka. Sobrang namimiss ko na yung dating Jerome. Nakakamiss din si ROFL. Paano kaya kung buhay din yun ngayon. Edi tatlo kayong nagsama-sama, haha."
"Naku, ikaw talagang baby girl cutiepie ka.. Ginaganyan mo na talaga ako, ever since noong camping pa last year sa 10-Asia." ang pabulong na tugon ni KJ dito.
Nagtawanan sila.
"Huy kayo, ah. Rinig na rinig ko kayo rito magbulungan. #KaneTellia talaga kayo!" sabi ko sa kanila.
Nagtinginan sila, at pagkatapos maghawak at sabay na tumalon sa saya.
"Yes! Bumabalik ka nga talaga na sa dati, Jerjer!" Ani KJ.
"#KaneTellia? Grabe naman yun, ah, haha! Pero, that's a bit more like it, for a Jerome Pamular dialogue!" reaksyon naman ni Chantellia.
Natawa lang kami.
Wow..mabuti nang bumabalik na ako sa dati. Maraming nag-iba simula noong nagka-amnesia ako. SIMULA NOONG UMATAKE YUNG MGA MULTO.
ABANGAN.
Status: (29/35, five dead)
Boys
(04-016) 1. ABEAR, Noel L.
(17-001) 2. ANG, Arnold Arvin A.
(17-095) 3. AUSAN, Juan Samuel W.
(07-150) 4. BUENAVISTA, Axle Blaze A.
(06-301) 5. CABANILLA, Kane Jacob H.
(17-189) 6. CASTAÑO, Zenke Blaze Y.
(17-068) 7. KIM, Vince
(04-100) 8. MAGNIFICO, Antonio Jonathan D.
(17-154) 9. PABLO, Gavin Rock X.
(17-002) 10. PAMULAR, Jerome Drake V.
(17-119) 11. PANGILINAN, Adrian Raphael F.
(17-120) 12. PANGILINAN, Parker Alexander F.
(17-182) 13. PEREZ, Andrei Q.
(17-013) 14. SULIVAN, Thirteen Matthew N.
Girls
(17-111) 1. BUENAVANTURA, Ashley Quinn R.
(17-055) 2. CASTILLEJO, Heaven Jean K.
(17-249) 3. DELA FUENTE, Alexandra Cane B.
(17-021) 4. GREY, Diana Alice J.
(17-131) 5. HANCHER, Aileen Grace E.
(17-132) 6. HANCHER, Serenity Drea E.
(17-196) 7. HERRERO, Beatrice Faye D.
(17-220) 8. HUEGO, Samara Leondale G.
(17-125) 9. LAYONISA, Anna Kirsten Z.
(13-177) 10. MONTGOMERY, Charity Faith I.
(17-189) 11. QUEBRAL, Queen Gerica G.
(17-218) 12. QUINZEL, Harleen Jade S.
(04-078) 13. SANDOVAL, Yuri Arissa M.
(17-072) 14. STA.JUANA, Myla P.
(05-005) 15. YUKIKO, Chantellia D.
Author's Note: Hehe, an update for the day. Sana magustuhan ninyo, kahit halos tungkol lang ito sa nangyari kay Jerome Pamular. Pasensya na sa mga typos. Don't worry guys, bibigyan ko ulit ng pansin yung ibang mga characters na hindi na napapansin. Happy reading! Have a blessed Saturday and may God bless you all! =) ;) :D
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top