KBNT 40

Rain Edmark Doo POV

Maaga akong nagising para sunduin si Ash, galit pa kaya sya sakin? Hays. Bwisit na Grey kasi yun e -,- lagi nalang sumusulpot kung san kami nandun ni wifey.

Naligo na ako at nag-ayos pagdatibg ko sa bahau nila wifey. Pinapasok ako ni tita.

"Ah ikaw pala Red"

"Si Ash po?" tanong ko kay mama este tita.

"Nako! Red ayun tulog pa"

Ha? Tulog pa? Anong oras na ah!

"Kung gusto mo gisingin mo dun sa loob kasi ako papasok na ako sa trabaho sige na tyron ikaw na bahala sa anak ko ah? Pakisabi nalang din na umalis si Frunze kapag hinanap niya mamaya." sabi ni tita.

"Ah sige po tita ako na pong bahala, ingat po kayo." sabay umalis na si tita.

Pagpasok ko sa bahay nila agad akong dumiretso sa kwarto ni wifey <3

"Wifey? Open the door. May pasok pa tayo oh?" i said sabay katok pero walang sumasagot?
"Wifey?" wala pa din? Pasok na kaya ko? wala naman akong gagawing masama e. Hays ano ba tong nasa isip ko.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto at bakit ganto naman to kakalat? Agad akong dumiretso sa nakataklob na kumot na si Ash.

"Hey wake up wifey!" sabay kalabit ko sa kanya.

Pero sya? Nakangiti? nananaginip siguro to.
"I Love You din Pula at oo hinding-hindi kita iiwan :)" biglang sabi nya ng nakangiti? Ha! Sige may gagawin ako dito.

"Talaga di moko iiwan?" bulong ko sa tenga nya.

"Syempre! Mahal kita e" sabi nya ng nakapikit pa rin.

Pft HAHAHAHAHA. Ang cute, wait isa pa.

"Ah kung mahal moko bat ayaw mo magpakiss?" sabi ko ng nagpipigil ng tawa.

"Ha? Eh kasi di pa tayo kasal "

HAHAHAHAHAHAHAHA. Tama na nga mamaya sabihin nyo bad akong boyfriend.

"WIFEY! WAKE UP NA PAPAKASAL NA TAYO!" Sigaw ko. Bigla naman syang napabalikwas ng bango.

"Ha? Kasal? Saan?sino ikakasal?" sunod sunod na tanong nya HAHAHAHAHA LAUGHTRIP.

"HAHAHAHAHAHA" bigla syang sumimangot.

"Hmp! Bat ka nandito? Pinagtitripan moko ah?!" sabay bato nya sakin ng unan.

Woah! Amazona talaga nitong babae na 'to. Hahaha. Ang cute nya talaga lalo na pag napipikon.

"Bakit wala kabang balak pumasok anong oras na oh?" tanong ko sa kanya bigla naman sya tumayo at nagmamadaling pumunta ng banyo? Ha? kinakausap ko tapos lalayasan ako? Tss.

Ashkriah Point of View

Saka ko lang narealize na bagong gising pala ko >< tas andyan si Red nakita nya ko ng bagong gising ang panget kooo baka may muta pa ko e.

Agad akong pumunta ng cr at naghilamos at inayos ang sarili ko. Palabas na ko ng cr ng nakita ko si tyron na naka uniform pala sya at may hawak na walis? Bat di pa sya pumasok?

"Bakit di ka pa pumasok?" tanong ko kasi kung aantayin nya pa ko malelate talaga kami.

"Ayoko." sagot nya at biglang inayos yung mga nakakalat na notebook ko sa table.

"Red hindi porket hindi ako pumasok ay hindi ka na rin papasok pumasok ka n---"

"Di ako papasok kasi lilinisin ko yung kwarto ng wifey ko? tss. Ang kalat kasi kababaeng tao" bulong nya.

Narinig ko naman ewan ko kung kikiligin ako o maiinis dahil sa sinabi nya sa makalat ako kababaeng tao ko.

"Ako na maglilinis pumasok kana"

"Ayoko nga"

"ISA! PUMASOK KANA Red-.-"

"ayoko "

"pasok! "

"Ayoko nga e! "

"pumasok k--"

"Isa pa! Hahalikan talaga kita dyan tandaan mo tayo lang dalawa dito?"

Kaming dalawa lang? Umalis na si mama at ate Frunze!?

OMO!

"Manahimik kana ang daldal mo talaga e. Kumuha kanalang ng mga panglinis linisin natin kwarto mo."

At lumabas na ko ng kwarto para kumuha ng mga panglinis...

Rain Edmark Doo Point of View

Ang daldal nya talaga, mananahimik rin pala kung di ko pa sabihing hahalikan ko sya pag di sya nanahimik.

Busy ako sa pag aayos ng mga notebook nya ng may nakita akong ano to? Ah diary? Na curious ako kaya binuksan ko "Property of Kriah <3 MY SECRET"

Hm. Biglang pumasok si Ash kaya naman bigla kong binalik sa lagayan yung diary nya at kunwareng nag aayos ng mga kalat.

"Eto na ^__^ ako na maglilinis."

"Hindi ako na alam mo namang mahal kita e." hindi naman sya nakasagot hahaha

"Kinikilig ka no?" tanong ko sa kanya

"Huh?"

"Natural lang yan wifey. Sige na lagay mo nalang dyan yung mga panglinis."

"Sige ano namang gagawin ko?" tanong nya. Oo nga? Anong gagawin nya? ah! Alam ko na.

"Luto mo nalang ako ng adobo please?"

"Ayoko"

"Hala? sige."

"HAHAH jk. Hubby eto na nga e." at lumabas na sya ng kwarto.

Isang oras bago ko natapos maglinis grabe ang kalat nya. Pero ayos lang atleast ngayon malinis na diba? mauti na rin yung di pala kami pumasok baka kasi makita ko nanaman yung grey na yun at baka di ako makapagtimpi masuntok ko sya at lumipad pa sya sa planetang mars.

Sobrang init naman pawis na ko kaya ang ginawa ko tinanggal ko ang uniform ko at nakasando nalang ako. Mayamaya narinig ko si Ash.

"Hubby tapos na. Baba kana dyan :)"

Amoy na amoy ko na ang luto niya, amoy masarap. Worth it lahat ng pagod ko.

"B-bakit?" tanong ni wifey nung nakita nya ko?

Ha? Anong bakit?

"Huh? Ano yun?"

"Bakit ka nakasando? Asan na yung uniform mo?"

Ah yun pala HAHA.

"Ang init kasi kaya hinubad ko ikaw di kaba naiinitan?"

"RAIN EDMARK DOO!"

"HAHAHA joke lang tara na kain na tayo."

Dapat pa nga ba ko kumain? Titigan ko palang si Ash busog na ko e, hahaha.

Balak ko lang sana titigan si Ash buong oras kaso pinilit niya akong kumain. At isa pa kakain naman talaga ako ayaw kong sayangin ang effort ng wifey ko no.

"HMM! sarap naman pwede na!" sabi ko.

"Pwede na?"

"Pwede na kita maging asawa." natatawang saad ko.

Yung reaction niya sobrang epic!

"HAHAHA Joke lang."

I hope we stay like this. Sana walang magbago, sana hindi na masira ang pagmamahalan naming dalawa.

--------
AZHBLACK

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top