KBNT 29
Scarlet Ashkriah Krause Point of View.
Nang alisin ni tota ang tela na tumatakip sa salamin tinignan ko ng mabuti ang ang itsura ko.
Totoo ba to!?
Hindi ba poster ang nakikita ko sa salamin!?
"Wahh! Ang ganda mo nak!" sigaw ni mama.
"My pretty girl is now beautiful woman." sabi naman ni papa.
Ako? Eto pa rin nganga! As in! Ako ba talaga to!? Walang halong biro!? Ang ganda kooooo!!!
May naka lagay pa na kolorete sa aking mukha kahit na gabi na. Pero hindi iyon kakapalan. Bahagya lang ang mga inilagay ni tota sa aking mukha. Ang kaso naalala ko ang aking salamin baka maging sagabal ito. Kaya umakyat ako sa aking silid para kunin ang aking salamin at tignan kung ok lang iyon.
"Saan ka pupunta nak?" tanong ni mama.
"Hahanapin ko lang po ang aking salamin." sagot ko.
"Ay, wag na anak, pinatabi ko na ang salamin mo dahil hindi na iyon anh isusuot mo." sabi ni mama tapos may ibinigay sa akin na box?
Kinuha ko ang box na binigay ni mama at binuksan iyon.
Limang pares ng contact lens!!!
"Ma naman, ayaw kong mah contact lens, gusto ko po yunh salamin ko. Alam nyo naman ku gaano ka importante sa akin yon." atungal ko.
"I know that nak." sabi ni papa. "Perk dahil sa akin naman galing ang salamin na yon, pwede mo namang itabi nalang." sabi nya pa.
Haysss! Kaya wala na akong nagawa kundi mag paturo kung paano ilagay ang mga iyon.
Pasado alas nwebe na kaya umuwi na sila tota, sabi nya burahin ko nalang daw yung make up na nilagay nila ngayin bago ako matulog. Tas tinuruan nya din ako sa pag lalagay ng light make up.
Nang maka uwi na sila tota umakyat na ako sa kwarto ko. Pero hindi ako makatulog.
Hindi ko masabi kung excited ba ako para bukas o ano. Hayss!
Kung hinahanap nyo man si Ate Frunez wala sya, nakipag over night na sa bahay nung classmate daw nila, kasi wala na syang masakyan kaya ayon. Bukas ng maaga nalang daw sya uuwi.
Kung ano ano ang inisip na hanggang sa dalawin na ako ni mr. antok, kaya naka tulog na ako.
KINABUKASAN
"Scarlet Ashkriah gumising ka na dyan! Baka malate ka pa sa date nyo ni Red!!" pang gigising sa akin ni mama.
Pero ang totoo kanina pa ako gising. Nag-aayos nalang ako para maganda ako mamaya!!! Wahhh!!
Nakita ko ring may nag text sa akin.
Ang laman ay.
"Pumunta ka nalang ng mall mamaya, I'll wait you there at food court. Red to, nakuha ko anh number mo sa isang kakilala."
Sabi sa text at ng mabasa ko yon inayos ko ulit ang aking pag mumukha.
Pagtapos ko mag ayos bumaba na ako pagbaba ko ng hagdan may nakita akong isang lalake na nakatalikod. Pamilyar ang likod ng lalaki pero hindi ko malala kung saan ko ito unang nakita.
"Oh! Ayan na pala si Ash e." sabi ni mama. "Ang ganda naman ng baby ko." sabi ni mama tapos lumapit sa akin.
Humarap sa amin yung lalaki at nakita ko si RD? Bakit sya nandito?
"Oh RD? Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya. "Kapupunta mo lang dito kahapon diba?" tanong ko pa.
"Kriah ikaw ba talaga yan?" tanong nya.
"Ano ka ba! Oo ako to!" sagot ko.
"Ang ganda mo. Nga pala aayain sana kitang mag mall. Pero mukhang may lakad ka." sagot nya.
"Ay nam bola pa... Di pwede mag de-date kami ni Pula." kinikilig na sabi ko.
"Sinong Pula?" tanong ni mama.
"Hays. Mama naman. Yung boyfriend ko." sabi ko sa kanya.
"Ah. Pula ba pangalan non?"
"Mama naman. Red pangalan nya, pero mas mukhang bagay yung pula sa kanya eh." naka ngiting ani ko.
"Haha. Joke lang naman nak. By the way yan ba yung binugay na damit sayo ni Red?" tanong ni mama.
Actually hindu to yung damit. Ayaw ko lang isuot yung bigay ni Red. Masyadong mainet. Ikaw ba naman mag turtle neck! Wala naman kami sa Baguio.
"Saan kayo mag dedate Kriah?" tanong ni RD.
"Mall lang daw eh." sagot ko.
"Di ka nya susunduin?"
"Nope. Punta nalang daw ako doon"
"Pwede sumabay? Dun din kasi talaga punta ko e. Dumaan lang ako dito para ayain ka."
"Yon naman pala nak. Sabay ka nalang sa kanya. Para may kasabay ka ng pupunta sa mall. Pero isuot mo muna yung binigay na damit sayo ni Red." sabi ni mama tapos tinulak ako paakyat.
*Fast Forward*
Nang makarating kami sa mall, ang meeting place namin ni Red sa foodcourt. Para walang ikaliligaw. Nang nasa foodcourt na nakita ko agad si Red sa foodcourt na parang inip na inip na nakatingin sa cp nya. Kaya ang ginawa ko nilapitan ko sya.
"Hey." sabi ko tapos yinakap sya.
"You're 10 minutes late Ash." sabi nya tapos hinarap nya ako sa kanya.
"Sorry na."
"It's okay. Pasalamat ka mnbal khay..." bulong nya.
"Ano daw?"
Napakunot ang noo ni Red dahil sa nakita nya sa likod ko RD kasi nandun e.
"Sino sya?"
"Sya nga pala si RD yung nasa bahay kagabi. RD si Red boyfri---"
"Her Husband." putol ni Red sa pag papakilala ko.
Ano daw!? Her husband!? Asawa ko sya!?
"Easy bro. Nice meeting you" sabay extend ni RD sa kamay nya kay Red,.
Hindi naman tinanggap ni Red yun bagkus ay kinuha nya ang kamay ko at sabay sabing.
"Alam ko kasi ang date pang dalawahang tao lang pwera nalang kung apat tayo para double date. Kaso lang tatlo lang kaya ang isa dapat umalis, let's go honey?" sabay hila sa akin. Ni hindi man ako nakapag paalam kay RD.
"Kaya ba ang tagal mo kasi kasama mo sya?" tanong nya ng makalayo na kami kay RD.
"H-hindi ah! Natagalan lang ako kasi nagpalit pa ako ng damit!" sagot ko.
"Tss."
Ni hindi man lang nya napansin yung pag ta-transform ko!? Hah!? Ganon?
Ok galit ulit ako sa kanya. Tss!
Inalis ko ang pag ho-holding hands namin tapos nauna akong mag lakad sa kanya. Bahala sya sa buhay nya!
Kung mag aaway lang pala kami sa date nato edi sana hindi na ako tumuloy! Bwisit!!!
--------
AZHBLACK
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top