KBNT 24
Scarlet Ashkriah Krause Point of View.
Nakasakay kami sa jeep ngayon ni ate habang hindi nag kikibuan. Arghhh! Gusto kong tanongin kung sino yung sinasabi nyang lalaki. Tapos gusto ko ring tanongin bakit familiar sa kanya si Mr. Naderr... Arghh!!!
"Sa tabi na lang ho!!" sigaw ni ate.
At doon ko lang napansin na nasa harap na pala kami ng village -,- masyado na ba akong lutang para hindi ko mapansin yun? Arghhhh!!!!
Naglakad kami papasok ng village hanggang sa bahay ng walang kibuan arghhh!!!
Pagpasok namin sa bahay andoon sila mama at papa sa sala at mukhang seryosong nag hihintay.
"Good afternoon ma, pa." bati ko sa kanila tapos humalik sa pisngi nila, na gayon ding ginawa ni ate.
Pero pekeng ngiti lang ang isinukli nila sa amin.
"Tara na, mag lunch na tayo." pekeng ngiting ani ni mama.
"Magpapalit lang po kami ng damit." si ate.
"Ok, bilisan nyo." usal ni papa at nagmartsa na sila patungo sa kusina.
"Ate?" tawag pansin ko kay ate habang paakyat kami ng ikalawang palapag.
"Hmmm?"
"May tanong ako."
"Ano?"
"Sino yung lalake na sinasabi mong nagseselos, at bakit familiar sayo si Mr. Naderr?"
"Ash, hindi ko sasabihin sayo kung sino yung nagseselos dahil hindi ko pwedeng sabihin, nung tananong ko sya kanina ang sabi nya wag ko daw sabihin dahil baka maguluhan ka lang. Tapos kaya mukhang familiar si Mr. Naderr na sinasabi mo parang nakita ko sya kahapon.." mahabang sagot nya. "Ngayon pumasok ka na sa kwarto at magbihis." sabi nya at iniwan ako sa harap ng pinto ng silid ko.
Pumasok na ako sa kwarto at nag umpisa ng mag bihis. Nang matapos akong magbihis agad akong bumaba ng kusina, at pagdating ko doon, andoon na din si ate, at mukhang seryoso silang nag-uusap usap.
"Umupo ka na nak." seryosong usal ni papa.
Lah! Kanina pa sila seryoso eh.. :(
Umupo ako sa pwesto ko ng nakayuko. Arghhh!! Naiilang ako sa itsura nila mama at papa eh..
"Nak." paguumpisa ni papa. "Please, wag kang magsisinungaling.." seryosong usal ni papa.
"O-ok po."
"May boyfriend ka ba?" seryosong tanong nya.
Napanganga ako sa tanong ni papa! Shet! Sinabi ba ni ate. Napatingin ako kay ate. Nakayuko sya, sya ba ang nagsabi?
"A-ate?" tawag ko sa kanya.
"Wala akong sinabi sa kanila Ash.." nakayukong ani nya.
Napatingin ako kila mama na hanggang ngayon ay seryosong naghihintay sa sagot ko.
"M-ma. P-pa...."
"Meron ba o wala Ash?!" mahina pero galit na usal ni papa.
"M-meron p-po...."
"Kyahhhhhhhh!!!" biglang sigaw ni mama?
Lah!?
"G-galit po k-kayo?" kinakabahang tanong ko..
"Hindi! Bakit kami galit nak, actually ang saya namin..." nakangiting usal ni mama...
"N-nakakatok p-po kasi y-yung pagtatanong ni papa kanina..." nakayukong usal ko. "Teka, pano n-nyo po n-nalaman?" curious na tanong ko.
"May pumuntang lalaki kanina dito nak, nag pakilala na boyfriend mo, ayaw naming maniwala kanina pero may pinakita sya sa amin tapos ayaw pa rin namin maniwala kaya sabi itanong nalang namin sa iyo, tapos sinabi nya pala na pagka sinabi mong may boyfriend kana may date daw kayo bukas." masayang kwento ni mama...
Napatingin naman ako kay papa...
"P-pa? O-ok lang h-ho ba sayo?" tanong ko kay papa ng nakatingin sa direksyon nya.
Hindi kumibo si papa, bagkus itinuloy nya lang pagkain..
Natapos kami't lahat lahat sa pagkain ng hindi sinagot ni papa ang tanong ko. Lah!!!
Baka hindi nya tanggap... :(
Nandito na ako ngayon sa kwarto ko gumagawa ng home work..
Sa pag-iisip ko kung tanggap ba ni papa na may boyfriend na ako ay hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.
Rain Edmark Doo Sy Point of View.
Dire diretsong naglalakad si Azh palapit sa classroom ni namin. At dahil friday ngayon half day lang ang pasok namin. So ayun nga naglalakad ka sya diretso, pero hindi ko na kayang hindi sya kausapin kaya hinarangan ko na sya.
"Saan ka pupunta?" napatingin sya sa akin na para bang gulat.
"Pupuntahan ko si ate, uuwi na kami, may angal ka?" seryosong sagot nya.
"Dahil pa rin ba to sa nangyari kahapon?" tanong ko.
"Red please, gusto ko ng umuwi at gusto ko ng makita si ate, hindi ko sya nakausap kanina dahil maaga syang pumasok, kaya ngayon gusto ko syang maka usap kaya pwede na ba akong pumunta sa room nila?" sagot nu ulit.
Akma syang maglalakad paalis ng bigla ko syang hawakan sa wrist nya.
"Galit ka ba?" mahinang tanong ko.
"At bakit naman ako magagalit?"
"Kasi sa ginawa ko nung nakaraan sa libro."
"May dahilan ba para magalit ako?"
"Meron..."
"Meron ba? Akala ko wala. Don't worry hindi ako galit." sabi nya tapos itinaas nya yung kamay nya para mabitawan ko.
"Ash, galit ka." mahinang usal ko.
"Hindi ako galit, alam kong may dahilan akong magalit, pero may karapatan ba akong magalit?" nakatalikod na tanong nya.
'Meron Ash! Meron kang karapatan! Kasi girlfriend kita!' gusto kong sabihin sa kanya pero baka masira lang ang plano ko.
Ilang minuto pa ang lumipas pero walang inggay na narinig. Mabuti nalang at walang studyanteng nagpapalibot libot dito. Kung hindi siguradong issue nanaman to.
"Red, ano? May karapatan ba akong magalit? Wala naman diba? Isa lang ako sa mga laruan mo. Kaya dapat masanay ako, dapat maging robot ako na. Para wala akong maramdaman na sakit at para sa huli hindi ako aasa sayo." parang naiiyak ang boses na usal nya.
Akma sana syang haharap ng may biglang yumakap sa kanya.
"Wala kang karapatang magpaiyak ng babae pre. Pinaghirapan mong makuha ang oo nya tapos paiiyakin mo sya? Ano nagsayang ka ng effort?" sabi nung yumakap sa kanya at hinila sya paalis sa pwesto kung na saan kami.
Ako? Eto naiwang nakatulala. Sino yung lalaki na yon?
Sinundan ko sila palabas sila ng campus. Nang makalabas mg campus nakita ko sila na nasa harap ng mga street vendors.
Hindi ko alam pero parang uminit ang ulo ko sa lalaki na yon.
"Selos ka boy? Bakit ba hindi mo lapitan? Baka maunahan ka pa nung lalaki na yon." may biglang boses na nagsalita sa likuran ko.
Napatingin ako sa kanyan si Ate Frunez..
"Ate..."
"Red, hindi porke girlfriend mo ang kapatid ko, hindi na sya makapaghanap ng iba, lalo na ngayon na galit ata sya sayo.." nakangising ani nya. "Nga pala wag kang torpe Red, tell her your true feelings hindi yung totorpe torpe kang ganyan hindi bagay." nakangising ani pa nya. "By the way Basta lagi mong tatandaan yung sinabi ko kanina sayo, I'm warning you Red, wag na wag mong paiiyakin si Ash tulad ng ginawa mo kanina..." sabi nya tapos lumapit kila Ash.
--------
AZHBLACK
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top