KBNT 23

Scarlet Ashkriah Krause Point  of View

Dire diretso akong naglalakad palapit sa classroom ni ate dahil sabay kaming uuwi. At dahil friday ngayon half day lang ang pasok namin. So ayun nga naglalakad ako ng biglang may humarang saken .

"Saan ka pupunta?" napatingin ako kung sino yun. Si Red pala.

"Pupuntahan ko si ate, uuwi na kami, may angal ka?" seryosong sagot ko.

"Dahil pa rin ba to sa nangyari kahapon?" tanong nya.

"Red please, gusto ko ng umuwi at gusto ko ng makita si ate, hindi ko sya nakausap kanina dahil maaga syang pumasok, kaya ngayon gusto ko syang maka usap kaya pwede na ba akong pumunta sa room nila?" sagot ko.

Akma akong maglalakad paalis ng bigla nya akong pulsuhan.

"Galit ka ba?" mahinang tanong nya.

"At bakit naman ako magagalit?"

"Kasi sa ginawa ko nung nakaraan sa libro."

"May dahilan ba para magalit ako?"

"Meron..."

"Meron ba? Akala ko wala. Don't worry hindi ako galit." sabi ko tapos itinaas ko yung kamay ko para mabitawan nya.

"Ash, galit ka."

"Hindi ako galit, alam kong may dahilan akong magalit, pero may karapatan ba akong magalit?" nakatalikod na tanong ko.

Hindi ko sya kayang harapin dahil naiiyak na ako, hindi ko mapunasan dahil wala akong dalang panyo. Ilang minuto ko pang hinintay ang sagot nya pero wala syang imik, mabuti nalang at wala ng masyadong istudyante dito.

"Red, ano? May karapatan ba akong magalit? Wala naman diba? Isa lang ako sa mga laruan mo. Kaya dapat masanay ako, dapat maging robot ako na. Para wala akong maramdaman na sakit at para sa huli hindi ako aasa sayo." sabi ko at duon na nag-unahang tumulo ang mga luha mula sa mata ko.

Akma akong haharap sa kanya ng may bilang yumakap sa akin.

"Wala kang karapatang magpaiyak ng babae pre. Pinaghirapan mong makuha ang oo nya tapos paiiyakin mo sya? Ano nagsayang ka ng effort?" sabi nung yumakap sa akin at hinila ako paalis doon habang nakayakap pa rin sya sa akin.

Lalaki to! Yung boses nya kasi lalaki eh. Atsaka yung katawan nyanv nakayakap sa akin pang lalaki.

"Tama na enjoy ka na sa yakap ko eh." usal nung lalaki tapos pinakawalan nya ako mula sa pagkayak nya.

At noon ko lang sya nakilala, si Mr. Naderr, the transferree.

"Ang kapal, ikaw nga itong naka chansing sa akin eh!" sabi ko tapos lumayo ako sa kanya, dahil ilang dangkal lang ang layo namin.

"Tsss. Hindi man lang nagpasalamat." reklamo nya.

"Ha? Hindi nagpasalamat? Sige wait lang no." sabi ko tapos tumalikod. Tapos humarap ulit ako sa kanya. "SALAMAT HA!?" sarkastikong usal ko.

"Ano ba yan, hindi sincere." kunwaring nalulungkot na usal nya.

"Ok lang yan, at least humingi na ako ng sorry. Haha!!" natatawang sabi ko.

Hindi ko alam pero ang gaan ng loob ko dito kay Mr. Naderr, haha...

"Ode YOUR WELCOME!" sarkastikong usal nya din. "By the way, sino yung lalaki kanina? Curious lang."

"Boyfriend? Pero mukhang hindi naman nya ginusto na maging boyfriend ko." nakayukong usal ko.

"At bakit mo naman na sabi?"

"Wala lang, mukha lang kasing pinaglalaruan nya lang ako, atsaka yung sinabi mo kanina? Pinaghirapan nya ang pag papa oo sa akin? Wala syang ginwang ligaw ligaw. Pinakain nya lang ako ng tatlong beses tapos kami na."paliwanag ko sa kanya.

"Ahh, ganon ba, pero bakit kung makaiyak ka wagas. Anong pinag-awayan nyo?" naguguluhang tanong nya.

"Nag-away kami kahapon pa, kung naaalala mo ako yung muntik mo ng mabunggo kahapon, yun yung oras na nag-away kami kasi nung kukunin ko sana yung hiniram nyang libro sa akin sabi nya na 'that book is mine. Ang buong akala ko kasi wala kang alam sa ganong libro so I asked. Tapos nung umoo ka hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ash ang akala ko inosente ka na hindi nababasa ng ganto pero I was wrong. Mayroon ka ng fifty shades of grey, that means you're a open minded girl. I'm sorry if I tricked you.' hindi ako sure kung yan mismo ang sinabi nya pero ganyan ang pinaka mensahe ng sinabi nya." mahabang usal ko.

Gusto mo? Turo nya sa tusok tusok.

Nasa labas na kami? Hindi ko man lang napansin na naglalakad na pala kami.. Haha..

"Kumakain ka ba nito?" tanong ko sa kanya. "No offense pero, totoong kumakain ka nito? Kasi ano ahmm. Mukha kang mayaman alam mo na..."

"Don't worry, kumakain ako nito, comfort food ko ito, kapag malungkot, masaya, bored o gutom ako eto ang laging gusto kong kinakain." sabi nya.

Dahilan para maalala ko si RD!! Si RD yung kababata ko, comfort food din kasi nya ang pagkain nito kaya magkasundong magkasundo kami.

"Hey? Ok ka lang?"  tapos may biglang kamay na kumakaway sa harapan ko.

"A-ahh, o-ok lang hehe... May naalala lang sorry."

"Huh? Sinong naalala mo?" tanong nya habang tumutusok.

"Yung childhood friend ko. Nung grade two kami umalis sya para pumunta ng states at doon na mag-aral sabi nya tatawag sya. Tinupad nya yun halos araw araw kung tumatawag sya pero nung nag grade four na ako bigla nalang hindi na sya macontact, hanggang ngayon wala akong balita sa kanya." malungkot na sagot ko.

"Galit ka ba sa kanya?"

"Bakit ako magagalit?"

"Kasi hindi nya natupad ang pangako nya?"

"Mr. Naderr promise are meant to be broken nung una oo nagalit ako pero ano bang magagawa ko? Pag hindi sya tumatawag iniisip ko nalang na busy sya sa pag-aaral nya. Kahit na alam kong tamad syang pumasok. Haha..." sagot ko at nag lakad na ako papunta sa paradahan ng jeep, sumunod naman sya.

"Ahh, nangako ba syang babalik sya?"

"Hmmm. Oo, sabi nya babalik sya, I asked him kung kelan, basta ang sinabi nga hindi nya alam, basta ang alam nya lang matatagalan sya sa states."

"Ahh, paano kung bumalik sya?"

"Edi bumalik sya, basta siguraduhin nya lang na may dala syang pasalubong dahil kung wala ay hindi ko sya kakausapin." natatawang sagot ko.

"Haha." tawa nitong si mr. Naderr.

"Teka lang Mr. Naderr, uuwi ka na ba?" tanong ko ng mapansin kong andito na kami sa paradahan.

Malapit lang naman ang bahay namin pero hindi ko feel mag lakad.

"Ah, oo eh ikaw?"

"Yeah, at ito ang jeep na sasakyan ko kaya pwed--" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko ng may biglang bulto nv babaeng humarang sa pagitan namin.

Pamilyar tong likod na to. Hmm.. Atsaka yung amoy...

"Sino ka?" tanong nung babae kay mr. Naderr.

Si ate to. Pshhh... Kilalang kilala ko ang boses nya dahil sya ang nagsisilbing alarm clock ko. Haha...

"Hi. Im Ralph Demian Naderr. New classmate ni Scarlet." sagot ni Mr. Naderr.

"I'm Frunez Violet Krause, elder sister nitong si Ash, kaya pwede bang wag kang lalapit lapit sa kanya may nakita akong lalaki kanina na nag aapoy ang tingin sa inyo.." si ate talaga...

"Nag-aapoy ang tingin?" tanong ko.

"Hala sya, hindi alam ang nag-aapoy ang tingin tss.. May nakita akong lalaki kanina, masama ang tingin sa inyo, sa tingin ko nagseselos sya. Kaya lumayo layo ka sa nga lalake Ash." sabi ni ate. "By the way, nice to meet you Mr. Naderr, you look familiar..." sabi ni ate tapos sumakay sa jeep.

Huh? Nagseselos sino? Arghhh!!!

"Mr. Naderr pagpasensyahan mo na yung ate ko ha." paghingi ko ng tawad sa kanya.

"Ok lang." nakangiting ani nya. "Call me Ralph or Demian not Mr. Naderr. See you! Bye!!" sabi nya tapos umalis na.

--------
AZHBLACK

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top