KBNT 20
Edyee Point of View
Natapos ang morning lesson ni walang naintindihan si Ash sa mga tinuro ng first three teachers nila.
Kung hindi pa sya kinausap nila Sheena at Shane ay hindi sya makakapagsulat sa mga lectures nila.
"Una na kami Ash." nakangiting ani ni Sheena habang si Ash ay busy sa pag aayos ng gamit.
Biglang pumasok sa isipan nya ang mga nangyari kanina.
Scarlet Ashkriah Krause Point Of View
"And By the way this girl beside me is Scarlet Ashkriah Roi Krause she's not just a girl, this girl beside me is my girlfriend."
"And By the way this girl beside me is Scarlet Ashkriah Roi Krause she's not just a girl, this girl beside me is my girlfriend."
"And By the way this girl beside me is Scarlet Ashkriah Roi Krause she's not just a girl, this girl beside me is my girlfriend."
Nagpaulit ulit nanaman sa isipan ko ang mga salitang sinabi nya kanina...
Ng hindi ko namalayan na napapangiti na pala ako.. Baliw na ako!!! Sigurado namang pinagtitripan lag ako ni Red.. :(
"Susunduin kita mamayang lunch, wag kang mag lalunch na wala ako."
"Susunduin kita mamayang lunch, wag kang mag lalunch na wala ako."
"Susunduin kita mamayang lunch, wag kang mag lalunch na wala ako."
Wahhh!!! Susunduin nya pala ako ngayong lunch!! Tapos sabay kamiiii!!! wahhhh!!! Bakit parang kinikilig ako?
Pano kaya kami mag lalunch? Susubuan nya kaya ako?
Day Dream
"Hey Ash, tara na lunch na tayo." nakangiting tawag ni Red sa akin.
Kaya agad akong lumapit sa kanya. Sabay kaming naglakad sa hall way habang magkahawak ang aming mga kamay. Nang makarating kami sa magandang pwesto ay agad nya akong iniupo.
"Hintayin mo ako dito, ako na ang oorder." nakangiting ani nya at umalis na patungo sa pila.
Ako naman pinagmamasdan syang nakapila at ng napalingon sya sa pwesto ko agad ko syang nginitian na kanya ring ginawa at nag flying kiss pa.
Wahhh!!!
Mga anim na minuto pa ang nakalipas naka balik na sya at dala dala ang lunch namin. Wow!! As in wow!! Ang dami ng inorder nya.
Nang mapansin nya ako na naka titig lang sa pag kain ay agad nyang kinuha ang kutsara at tinidor at kumuhu ng kanin na may kasamang ulam.
"Ash, say ahhh!" nakangiting ani nya ng nasa harap na ng bibig ko ang kutsarang may laman na ulam at kanin...
"Ahh!" sagot ko at isinubo na nya iyon sa akin.
End of day dream!!
Wahh!! Sarap siguro sa feeling non...
Tatayo na sana ako ng pwesto ko para lumabas ng biglang may humarang na mga kamay sa harapan ko, dahilan para hindi ako makatayo. Napatingala ako kung sino ang may ari ng kamay na iyon. Si Jeane kasama sila Elie at Katrina.
"Hey Ash." si Jeane.
"H-hey. W-why?" nauutal na usal ko.
"Ngiting ngiti ka ata?" nakangising ani nya.
"Hahh? M-masaya lang. B-bawal ba?" nauutal parin na sagot ko.
"Masaya lang daw? Haha. Sinong niloko mo? Ang sabihin mo tuwang tuwa ka dahil makakasabay mo sa lunch si Red ngayon." sarkastikong ani ni Katrina.
"H-hahhh?" naguguluhang tanong ko.
"Wala. Hehe.." sagot ni Katrina ng sikuhin sya ni Elie.
"Ahh Ash gusto mo bang sumabay na mag lunch sa amin?" nakangiting ani naman ni Elie.
"A-ano kasi amhh." sasabihin ko bang hindi pwede kasi kasabay ko si Red?
"Sige na please.." nagpapa puppy eye's pa si Elie. "Ngayon lang naman kami hihingi ng favor eh."
"Sor--" hindi ko na natuloy ang pag sosorry ko ng biglang sumigaw si Jeane.
"Wag nyo ng pilitin! Baka pumayag! ASSUMERA NA YAN!!!" sigaw ni Jeane. Napalingon ako sa paligid at halos kami na lang apat ang nasa loob ng klassroom.
"Oo nga, assumera nga kasi." natatawang usal ni Katrina. "Haha, akala nya seryoso sa kanya si Red. Haha.. Ash gumising ka nga! Sa mukha at ayos mo na yan sa tingin mo magseseryoso sya sayo? Haha.." natatawang usal pa nya.
Bigla akong natamaan doon sa sinabi ni Katrina, oo nga naman? Sino nga ba na man ang siseryoso sa itsurang ito? Nangilid nalang ang mga luha ko dahil sa mga narinig..
"Get away from my girl or else!" biglang may boses na nagsalita sa likod nila. Boses ni Red yun!
Biglang umangat ang tingin ko sa kanila at nakita ko si RED sa likuran nila, habang yung tatlong babae naman ay gulat na gulat ang mga reaksyon.
"R-red naman!? Bakit? Bakit sya pa? Mas maganda naman ako sa kanya huh?" tanong ni Jeane ng makabawi sa pagkagulat.
"Shut the hell up!" nakakatakot na sigaw ni Red.
"Hah!? Ganyan na ba ang mga type mo ngayon? Yuck!" si Jeane pa rin habang naka ngisi. "Punasan mo nga yang luhang malapit ng tumulo sa mata mo." dagdag nya tapos iniabot ang panyo sa akin.
"Shut the hell up Jeane! Hindi ko sya type!" sigaw ulit ni Red sa kanya.
"Shut the hell up Jeane! Hindi ko sya type!"
"Shut the hell up Jeane! Hindi ko sya type!"
"Shut the hell up Jeane! Hindi ko sya type!"
"Shut the hell up Jeane! Hindi ko sya type!"
"Shut the hell up Jeane! Hindi ko sya type!"
Aww! Hindi nya ako type. So totoo? Pinag titripan nya alang talaga ako. :(
"Narinig mo yun Ash?" nakabawi na rin sa pagkagulat si Elie.
"Kay Red na mismo nanggaling. Hindi ka nya type." nakangising ani ni Katrina na nakabawi na rin sa pagkagulat.
"Sakit ba Ash?" nakangising ani din ni Jeane.
Akma akong magsasalita ng biglang nagsalita ulit si Red.
"Hindi ko sya type kasi hindi naman sya keyboard, hindi ko sya type kasi gusto ko sya! At ano naman ngayon kung ganyan ang itsura nya? Anong paki alam nyo? Hindi naman kayo ang boyfriend huh? Tapos ano ulit yung sinabi mo kanina? Yuck!? Nakakahiya sayo. Hindi ba kayo nandidiri sa sarili nyo? Sa mga mukha nyong makapal pa sa espasol ang pulbo! At kaylangan nyo pang maglagay ng kung ano anong kaartihan sa mga mukha nyo para lang mapansin ko kayo? Para sa akin hindi kayo maganda! Mukha kayong clowns! Nakakainis mga desperada masyado! Mukha namang mga clowns!! Tara na nga Ash." mahabang sabi ni Red, at hinila ako palabas ng room.
Yung tatlo ayun nakanganga, pati naman ako. Eh!!! Nganga as in!!!!!
--------
AZHBLACK
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top