KBNT 13

Scarlet Ashkriah Krause Point of View..  

"Ikaw na mag kwento sa kanila ate, ikaw lang ang pwedeng mag kwento sa kanila, ayaw kong mag kwento baka kasi magalit ka sa akin." sabi ko at lalong umamo ang mukha nya.

"Ash." sabi nya at napaduko na lamang...

Parang hindi pa kayang ipaliwanag ni ate ang lahat.

"Ma? Pa? Pwede po bang kumain muna tayo bago mag kwento si ate, pwede naman po diba?" usal ko kila mama habang naka tingin pa rin kay ate. 

"It's ok baby, kung hindi kayang magpaliwanag ni Ate mo wag na natin syang pilitin, ganyan lang talaga ang isang tao pag takot mag confess." sabi ni mama..

"Ganyan din si mama nyo noong panahon namin.." pag-uumpisa ni papa. Kaya napatingin kami sa kanya, kahit si ate. "Takot din syang mag confess ng feelings nya para sa akin. Every time na tatanongin ko sya, lagi syang nakayuko o di kaya'y pinapalitan nya kaagad ang pinag-uusapan, o kung minsan bigla nalang nag-aayang umuwi. Haha..." natatawang usal ni papa. Tapos bigla syang pinalo ni mama..

"Binabaligtad mo nanaman ang kwento! Ikaw ang ganyan hon, ako nga unang nag confess sa ating dalawa eh, bala mga anak para akong tangang nag hahabol sa papa nyo nun. Ang buong akala ko ayaw nya talaga sa akin, pero nagpapabebe lang pala. Haha..." natatawang kwento ni mama sa amin.

Nagkatinginan kami ni ate at sa hindi malamang kadahilanan, natawa nalang kaming dalawa sa ikinu-kwento nila mama at papa..

Natapos namin ng breakfast sa ganong senaryo, tawanan at mukha namang nakalimutan na nila mama ang dapat na pinag-uusapan namin...

Dalawang oras ang makalipas after naming mag agahan ay nakumpleto kami sa living room habang nanonood ng TV. Nanonood kami ng penikulang hindi ko alam ang pamagat, bigla nalang kasi nila kami tinawag at manonood daw sa living room, so no choice. Family bonding na rin to, minsan lang kung makumpleto kami eh.

"Ash, pakitignan nga kung may kanin, kung wala mag saing ka." biglang usal ni mama habang nanonod.

Buti naman, medyo naboboring na ako sa pinapanonood namin, parang silang tatlo lang ang nakaka relate sa movie. Samantalang ako sobrang OP.

"Ok po." sabi ko at nagpunta ng kusina..

Yahh! Walang kalaman laman ang rice cooker!! Tulad ng sinabi ni mama nag saing ako dalawang baso ng bigas tapos binanlawan ng apat na beses, at isinalang na sa Rice cooker..

/kroooggg/
/kroooggg/

Wahhh!! Nagugutom na ako, tunog ng sikmura kong gutom yan wag kang ano!!!

Nangalkal ako ng pwedeng makain sa ref at may nakita ako tinapay, kinuha ko ang tinapay at bumalik sa living room.

Napatingin ako sa pinapanood nila wahhh!!! Ang cute nung babyyy!!! May biglang lumabas na baby sa movie na sobra cuteeee!!!

Nang makita ko ang istura noong baby, nagustohan ko na rin ang movie, halod tungol pala sya sa baby...

--------
AZHBLACK

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top