CHAPTER 8
Chapter 8
I think my heart stopped beating. My mind can't process what he said. Is he really... gonna court me?
Bakit parang ayokong maniwala kahit tumatalon ang puso ko sa saya? He's a womaniser, hindi na bago sa kaniya ang magkaroon ng babae sa buhay.
Magiging maayos ba ako?
"Okay"
Yun lang ang lumabas sa bibig ko pagkatapos ng mahabang katahimikan. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, hindi ko naman siya matanggihan dahil alam ko sa sarili ko na gusto ko siya.
Sinong hindi matutuwa na manliligaw na sa wakas ang taong gusto mo? Si author. Joke.
"Wala ka naman nang gagawin diba?" Tanong ko sa kaniya.
"Oo"
"Pwes pwede ka ng umalis"
I saw how his eyes widened, napakurap kurap pa siya habang nakatingin sa akin.
"You serious?"
"Damn serious Vaughn. Kung gusto mo akong makuha... paghirapan mo. Sabi mo nga, you'll court me diba? Layas na"
Napatingin tingin pa siya sakin habang tinutulak ko siya palabas ng bahay ko.
"Wow" Yan lang ang nasabi niya ng nakalabas kami sa gate ng bahay ko.
"Go" I said motioning his car.
Nag-aalangang pumasok siya sa kotse niya bago pinaharurot yun. Nakahinga naman ako ng maluwag, hindi kasi tumitigil kaka harumentado ang puso ko.
Siguro naman... hindi yun nagloloko ano?
Napailing iling akong pumasok sa bahay ko.
Siguro naman ay seryoso siya sa sinasabi niya sa akin. I don't want any false hope.
Kinabukasan ay napagbuksan ko si Ken na nakatayo habang May hawak na bulaklak at... adobo? Akala ko pa naman chocolate.
"Anong ginagawa mo dito?" Pagtataray ko.
"I'll court you remember?" May ngiti siya sa labi habang nakatingin sa akin. "Flowers for you honey"
I bit my lip to stop myself from smiling. Kinikilig ako!
Pabirong nagdadabog kong kinuha ang bulaklak. "Bakit naman adobo?" Nagtataka kong tanong.
"Because... it's your favorite?"
Ang kaninang ngiting pinipigilan ko ay sumipol. Paano niya nalamang paborito ko yun?
"Thanks" Ngiting ani ko sabay abot ng pagkain.
"Aalis ka na?"
He run his fingers in his hair before sliding his hands inside his pocket. He look... hot.
Ilang ulit ko na bang sinabi yan? Numerous times.
Tumango ako sa kaniya. "Ihahatid na kita" I smiled at him before going in my house to get my bag. Nagmamadali pa ako habang kinukuha, excited much?
"Let's go"
Hindi ko pa nabubuksan ang pinto ng kotse niya ng maunahan niya ako. Gentleman.
Ngumiti ako sa kaniya kaya napatitig siya sa akin saglit bago sinara ang pinto.
Sinuot ko ang seatbelt habang sinusuot niya din ang sa kaniya. I was quiet when he started the engine, hindi ko alam kung paano ako aakto sa harap niya.
We just had a sex the other day of yesterday, then he court me. So nauna pa yung jugjugan kaysa sa label? Nice.
"Mind telling what's bugging inside that little head or yours?" Napabalik ako sa katinuan ng marinig ang boses niya.
"Ha?"
"Kanina pa kasi kita tinatawag pero ang lalim ng iniisip mo kaya hindi mo na ako naririnig, do you have a problem?"
Napakurap kurap ako at saka nag-iwas ng tingin. "Ah... wala"
"Starbucks muna tayo? Hindi pa ako nagka-kape eh" Ani niya.
Tumango lang ako sa kaniya, gusto ko ding bumili ng kape eh. Parang gusto ko lang siya, even Andrea told me to avoid caffeine.
Bumili siya ng kape para sa aming dalawa, yun ang ininom namin habang nasa byahe.
Pagdating namin ay hindi kaagad ako bumaba. "Thanks for the ride Vaughn" I smiled at him.
Na miss ko na rin kasi yung hatid sundo niya sa akin, simula noong ako ang kinuha niyang architect ay hindi na niya ako naihatid.
"I'll pick you, up later"
I was stunned when he kissed my cheek. Nanlalaki ang mata ko habang nakatingin sa kaniya.
"Yan lang muna, ayokong halikan ka hanggang hindi pa tayo"
Napababa ako sa kotse niya na wala sa sarili, he respect me that much? Wow.
Pagpasok ko sa office ko ay nagulat ako na naka-upo si dad sa swivel chair ko.
"Dad"
Lumapit ako sa kanya at saka hinalikan ang pisngi niya.
"Hermosa... hindi ka na ba talaga babalik sa amin? I'm not getting older, Rheane. I need someone who will manage our company"
I rolled my eyes, bakit kasi hindi na lang yung mga kapatid ko?
Kaso ako lang ang sumunod sa yapak nila, kuya Rye is a doctor. Rhea is a journalist. Tapos si Ryze piloto. Diba ako lang? Hayst buhay.
"But dad! Kukunin ko po yung project sa LIA, pati yung sa Makati kukunin ko. Alam mo naman na pangarap ko na noon pa na maging parte sa pagpapatayo ng LIA diba?"
Napabuntong hininga siya at saka malumanay akong tinignan. "Kaya nga... Ayokong maging hadlang sa pangarap mo. But I need you, Rheane. I can't handle the stress anymore. Kung noon kaya ko pa pero ngayon hindi na"
Naawa ako kay dad, hindi naman tama na uunahin ko yung sa akin kaysa sa pamilya ko diba? May susunod pa naman siguro.
"Okay dad... after this project in QC"
Lumiwanag ang mukha niya at saka tumayo para yakapin ako. Niyakap ko siya pabalik at saka nginitian.
"Thanks Hermosa! I'm sure your mom will beamed after hearing this"
Natawa ako sa sinabi niya, baka nga titili si mom. Hyper pa naman nun masyado.
Pagkatapos kong makausap si dad ay napabuntong hininga na lang ako, umalis na siya kaya umupo ako sa swivel chair ko at nilaro laro ang ballpen ko.
It's been two years since I last stepped in our company. Hindi ko masasabing magaling ako sa pamamahala nun, hindi ko din alam kung makakaya ko ba.
Napabuntong hininga ako at saka tumayo para kausapin ang boss ko, pwede naman sigurong palitan na lang nila ako. Naka schedule na kasi talaga. Isa ako sa magaling na architect dito kaya ako ang naatasan doon.
Pero hindi din naman matutuloy.
Mabuti na lang at nakausap ko ng maayos ang boss ko, nanghihinayang lang talaga siya dahil mawawalan sila ng isa sa magaling na arkitekto.
Naiintindihan naman niya ang sitwasyon ko .
Huling proyekto ko na pala yung sa QC, ano kayang mangyayari sa akin pagdating ko doon?
Napailing na lang ako at saka inalis ang lahat ng negatibong bagay na naiisip ko.
Pagkatapos ng trabaho ay dumeretso na ako palabas, nakita ko din naman kaagad si Vaughn na nakasimangot na para bang inip na inip kaka intay.
Nang makita niya ako ay lumiwanag ang mukha niya. Ganun ba ang epekto ko sa kaniya?
"Hey" He said before giving me a kiss in my cheek.
I felt my face reddened, bakit parang nagugustuhan niya na ang halik halikan ako sa pisngi?
"H-hi"
Umiwas ako ng tingin, narinig ko siyang tumawa ng mahina bago ako hinila papasok sa kotse niya.
Pansin ko laging nag-iiba iba ang kotse niya, paanong hindi ko siya kilala? Magbabasa na siguro ako ng magazine o diyaryo sa susunod.
"Let's have a dinner, shall we?"
Napatingin ako sa kaniya ng magsalita siya. Hindi pa umuusad ang kotse kaya pwede pa siyang tumitig sa akin.
Kung titigan man niya ako.
"Sige"
Maliit ang binigay ko sa kaniyang ngiti. Nang paandarin niya ang kotse niya ay napangiti ako, ganito pala ang feeling ng nililigawan ni crush no? May naiinggit kasi diyan.
Napawi ang ngiti ko ng marating namin ang restaurant kung saan kami kakain.
YOONS.
Restaurant yun nina Sera eh!
Alam pa naman nilang wala pa akong lalaki ngayon, ano na lang sasabihin nila kapag nakita nila kaming dalawa? Lagi pa namang kumakain yung iba rito.
Halos lahat sila dito kumakain.
"You okay? Ayaw mo ba dito?"
Napatingin ako kay Vaughn. Umiling ako sa kaniya at saka naglakad na lang.
Umupo kami malapit sa glass wall, napapikit ako dahil kitang kita mula sa entrance ang pwesto namin. Sigurado akong makikita nila kami kapag May pumasok ni isa sa kanila diyan.
At kapag may makakakitang iba, malalaman ng lahat.
Habang naghihintay kami ng pagkain ay panay ang sulyap ko sa paligid, baka kasi makita ako nina Kry dito. Lagi pa namang narito yung babaeng yun, paborito kasi ang Korean foods.
"You okay?" Tanong ni Vaughn.
Tumingin ako sa kaniya saka siya nginitian. "Oo naman"
Umiling siya sa akin. "Kanina ka pa hindi mapakali, gusto mo bang lumipat?"
Umiling ako sa kaniya kahit gusto kong tumango. Kapag nalaman nila to, sigurado akong ako ang laman ng tukso nila.
Nagsimula na kaming kumain dahil nakahanda na ang foods. Naka focus na ako sa pagkain ko ng may naramdamang tumayo sa harapan namin. Tumingin ako sa tanong nakatayo sa harap namin at nasamid ako sa nakita.
Goodness!
Narito si Andrea!
Sa lahat ba naman bakit siya pa!? Ang akala ko ba busy tong babaeng to!?
"A-andy" Nauutal kong ani.
Ngumiti siya sa akin at saka tinignan ng seryoso si Vaughn. "Who are you?"
Malamig ang boses niya kaya kahit ako ay natakot, nabitawan ko ang kutsara ko kaya nilagay ko ang kamay ko sa ibaba ng mesa.
Nakita kong tumingin si Vaughn kay Andy, seryoso ang mukha pero May nakita akong takot sa mata.
Nakakatakot naman kasi talaga si Andy, sa lahat siya ang ayaw naming magalit. Lahat kami tiklop kapag siya na ang nagsasalita.
"Her suitor" Pormal na ani ni Vaughn.
"Suitor really?" Sarkastikong ani ni Andrea sabay tingin sa akin. "Kaya pala nakita ko kayong pumasok sa isang condo?"
Napataas ako ng tingin kay Andrea. Paano niya nalamang... condo nila ni Cy!
Pero ang akala ko ba move on na siya? Wait... ano?
Ibig sabihin she's still into him!?
Damn the news!
Pero hindi ko na muna iisipin yun, nasa harapan o ang leon kaya dapat maamo ako. "That's..." Hindi ko mahanap ang boses ko.
Nakakatakot kasi yung tingin niya, parang kakainin niya ako ng buhay. Ang talim at seryoso pa.
"Ano? Suitor lang?" Tumingin siya kay Vaughn. "Magsabi ka ng bagay na pwede kong magustuhan sayo Ken Vaughn Alqueza. I know you... at kapag may hindi ako nagustuhan sa sinabi mo. Ako mismo ang magpapalayo kay Rheane sa ayaw at gusto niya"
Kinakabahan akong tumingin kay Vaughn na ngayon ay prenteng nakaupo lang.
Hindi ba siya natatakot!? Kaming mga kaibigan ni Andy ay hindi nalalapitan ng mga lalaki dahil siya muna ang haharap bago kami. Si Ced nga lang ang pumasa sa kaniya para sa akin pero wala din namang napatunguhan.
"I already know that Lia... you knew me. I'm not into dates, I'm not into relationship, I'm not into suiting. Hindi ako yun, ginagawa ko ang lahat ng yun para kay Rheane. Para mapatunayan na seryoso ako, hindi ba yun sapat?"
Napatingin ako kay Vaughn, magkakilala sila? Pero... paano?
"I know that. Gusto ko lang malaman kung talagang seryoso ka, kasi kung hindi... you better fuck off because I won't let you lay your fingertips in her. Not even a bit, Ken. Subukan mo lang"
Nakahinga ako ng maluwag ng umalis si Andy sa harap namin, napatingin ako kay Vaughn na seryoso ang mukha.
"You okay?" I asked.
Napatingin naman siya sakin at ngumiti, after that Vaughn keep on silencing. Hindi ako sanay, masyado siyang madaldal.
Mas gusto ko pang magsalita siya ng bastos kaysa sa tumahimik siya. Ano naman kaya ang problema niya sa sinabi ni Andy?
Oh well, I know Andy wants the best for us. Alam niya kung paano kami bubuhatin.
Hindi ko na lang namalayan na natapos na pala namin ang pagkain namin, buti na lang at si Andy lang ang nakakita sa amin. Baka kung ano na namang chismis ang maibahagi ng iba kung sakali.
Nakarating kami sa bahay na tahimik lang si Vaughn. Hindi na din ako mapakali dahil hindi naman siya ganito.
"Vaughn"
Tumingin siya sa akin, if it's typical day... he must be inside my house. Kaso iba eh, parang May maling sinabi si Andy kanina.
Kaso wala naman, nagbanta lang siya tungkol sa amin. Pero kung yun nga ang mangyayari... hahayaan ko si Andy sa pagprotekta niya sa akin.
Ayokong masaktan na naman ulit kaya sana ayos na ang isang break up. Baka maging bitter ako kung maghihiwalay kami.
"Wag mo nang alalahanin kung ano mang sinabi ni Andrea... alam kong hindi mo ako lolokohin at seryoso ka. Maghintay ka lang at magiging sayo din ako sa tamang panahon, wag ka ng mag-aalala.
Pagkatapos kong sabihin yun ay tumalikod na kaagad ako at pumasok sa loob ng bahay ko.
Kinaumagahan ay hindi ko nakita si Vaughn, hindi din naman ako nag expect masyado dahil alam kong may sarili din siyang pamilya at buhay.
Dumeretso ako sa kumpanya namin, wala din naman akong masyadong trabaho ngayong araw. Doon na lang muna ako dahil baka kailangan ni dad ng tulong.
Stress na daw siya masyado, nasa mid 50 na din si dad kaya kailangan na din siyang mamahinga.
Nakarating ako sa kumpanya namin, sinalubong ako ng guard na nakangiti.
"Good morning ma'am Rheane, ang ganda niyo pa rin po. Matagal na simula ng makita kita rito ma'am"
Ngumiti ako kay Mang Oli. Matagal ng guard yan dito, siguro may limang taon na.
"Syempre manong hindi talaga mawawala ang kagandahan ko... matagal na din po. Sa loob na po ako"
Nagpaalam na ako sa kaniya bago pumasok sa loob, binabati ako ng mga nakakakilala sa akin at ang hindi pa ako kilala ay napatingin na lang.
Malapit na ako sa cafeteria ng kumpanya ng may makabangga ako at natapunan ng kape. Plano ko ding sanang bumili kaso mukhang naunahan ako.
"What the..." Maarteng ani niya.
She looked at me with wide eyes.
"Sorry" Sabi ko habang inaayos ang damit ko dahil mainit ang kape.
"Look what have you done!"Inis na sigaw niya sa akin.
"I already said sorry, saka talsik lang ang napunta sa damit mo. Nasa akin nabuhos lahat ng laman" Matigas kong ani.
"Mahal ang dress na to!" Sigaw niya sa akin.
Napunta ang atensyon ng mga empleyado sa amin.
"I'm sorry miss, I don't have time to talk to you" Ani ko at akmang pupunta na sa office ni dad ng pinigilan niya ako.
"Pay my dress!"
I looked at her. Ganito ba magtrabaho ang empleyado rito.
"Kilalanin mo kung sino ang kinakaharap mo" Mahinahon kong ani.
Tumawa siya ng sarkastiko. "Ikaw dapat ang kumilala! Hindi mo ba alam na ako ang head ng engineers dito!? Bago ka lang eh! Makaasta ka parang ang taas mo"
Ngumiti ako ng matamis sa kaniya.
"Ms. Angel Diomampo" Ani ko dahil nakita ko ang pangalan niya sa ID niya. "Hindi mo ba alam na ako ang anak ng may-ari ng kumpanyang tinatapakan mo?"
I saw how she stilled and looked at me with her wide eyes. "I'm Rheane Reyes by the way, nice to meet you Ms. Diomampo"
Nginitian ko siya bago tumalikod. Nawala lang ang ngiti ko ng hindi ko na siya makita. Grabe ang bungad!
Well...
Rheane Reyes is back.
__________________________________________________________________________________________________
Tumutunog yung tiyan ko habang sinusulat to😭 I didn't ate my lunch and dinner yesterday. Tapos hindi pa ako kumain ng breakfast kasi nga naghahabol ako ng oras. Modules pa kasi ako kaya eto lang muna for today 😚
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top