Final Chapter
Almost 6 months na ang nakalipas after akong iwan ni jungkook char! Di ko masabing iniwan nya ko kasi di naman kami at di nya alam na mahal ko sya. At hinihintay ko pa din sya kahit madami ng nakapila dyan para sa matamis kong oo Naks! :3
Mukha na kong ok ngayon pero nung mga nakaraang buwan hindi nu! Daig ko pa ang may long distance relationship kung maka home sick ako nung wala na si jungkook sa school.
Basta ang sinisigurado ko kapag bumalik sya dito sasabihin ko na talaga sa kanya!
"Pia kanina pa kita hinahanap!!!!"
Nandito kasi ako ngayon sa canteen kumakain eh.
"Problema mo yoongi?"
"You know was the news are?"
"Tagalugin mo na nga ako yoongi at ang sakit mo sa ilong!"
"Okae okae...si mr. president babalik na daw dito ah"
Nanlaki naman mga mata ko sa narinig ko.
"Talaga?!!!! Paano? Kailan?Saan?Bakit?!!!" Niyuyugyog ko na si yoongi sa tuwa pero clueless sya kung bakit ako masaya kasi di ko pa nasasabi sa kanya na mahal ko si jungkook pero nakakahalata naman na sya nagdedeny lang ako.
"Di ko pa alam kaya kalma... Balita lang ni jimin sakin eh ang saya nya nga kaya nilibre ako ng wala sa oras... Tapos kasama na nya daw uuwi dito yung bago nyang girlfriend na canadian"
Dahil sa narinig ko ay para akong nawalan ng mukha. Yung expression ko nawala.
"Oh edi masaya!!! Tara oh magparty na tayo dali sagot ko kamo sabihin mo sa jungkook na yon!!!"
"Aish whats the matter of your problem?!Bakit ba bigla ka nalang nagsungit?! Selos ka ba?Hahha"
"Tigilan mo ko di ako natutuwa! Magpapalamig nga muna akoooo"
Pumunta ako sa field ng school at umupo ako sa bench at dala dala ko pa yung kinakain ko.
"So may girlfriend na pala sya? Anong point at naghihintay pa ko sa pag balik nya?!Sayang yung pag eemote ko noon nung umalis sya!!!Sayang yung signs na naramdaman ko nun!!! Tapos magkakagirlfriend lang din pala sya!!! " Asan ang hustisya!? T.T
Umiiyak na ko habang pinipilit ko kumain pero wala eh nawalan na ko ng gana.
"NAKAKAINIS KA JEON JUNGKOOK!!!"
*Umulan ng malakas*
Heh! Katawa amp! Parang pamilyar sakin tong scenario na to ahhh... Ito din yung panahon na iniiyakan ko si jin at umuulan din nun. Tapos ano? Dadating si jungkook at may dalang payong ganun?
"Napaka-cliche kainis" Sarap ma-brokenhearted grabe. Gusto ko pa! Isa pa nga!!!
Sana walang nakakakita saken sa pagdadrama ko dito kasi hiyang hiya man ako pero gusto ko talaga ilabas sama ng loob ko sa taong yon!
"I hate you.... jungkook" Wala na kong pakielam kung basang basa na ko sa ulan. Masama loob ko kaya walang basag trip!
"Pia"
Inangat ko yung ilong k--ay mali! Yung ulo ko kung sino yung tumawag saken.
-_____-+ walanghiya ka talaga jungkook!!!
Nasa harap ko nga sya pero wala na syang payong na dala at nagpapakabasa din sya sa ulan pero imbis na mamiss ko sya ay tumayo ako at pinaghahampas yung dibdib nya.
"Naiinis ako sayo!!! Di ka na nga nagpaalam saken na aalis ka !!!! "
"Aray! Ano ba- Hey!" Wala akong naririnig! Pinaghahampas ko pa din sya sa dibdib nya.
"Di na nga ako nakaamin sayo noon! tapos magkakagirlfriend ka ng basta basta!!!!!Nakakainis kaaa!!!"
"Tama na ano ba!?" He held my wrist kaya dun na ko tumigil and I cried.
"I want to say sorry for not saying that I will leave... Pero wala akong girlfriend!!!Hinihintay ko din tong pagkakataon na to alam mo yun?"
"Sinungaling! May girlfriend ka daw!"
"Sino ba nagsabi?"
"Si yoo--"
Nahinto ako sa pagsasalita ng makita ko si yoongi at kasama si jimin na nagtatago pala sa mga puno puno kaya di ko nakita at ngayon tawa sila ng tawa. So pinagtripan ako ng dalawang pandak na yon?!
(Yoonmin feels :) )
"Alam ba ni jimin ngayon ka uuwi?" Tanong ko.
"Oo sabi ko nga wag sabihin sayo para i-surprise kita sa room kaso nandito ka na naman at nagiiyak dyan"
Facepalm.(/_____-)
Yari kayo saking dalawa nakooo...
Anyway... Kung wala naman palang girlfriend si jungkook...
"May sasabihin ako" Ngiting nangaakit si jungkook. Ayoko magkasala tigilan mo muna ako.
"ano?" Dapat ako muna ehhh pero sige bahala na.
"Sorry talaga kung umalis ako ng walang pasabi nun sayo...Pero nung araw na kasama kita bago ako umalis I even told u that I'm gonna miss u right? Totoo yun.. Pia... I Love you" Nung pagkakasabi nya saken ng last phrase ay parang ang daming nagkakagulong paru paro sa tyan ko.
"Narealized ko na gusto kita... This is also the spot where you were crying because of your ex... Nung una nga akala ko baka napaparanoid lang ako pero pag nakakasama pa kita ng matagal nagugustuhan na talaga kita at lumalalim pa yun hanggang sa mahal na pala kita... When I was in canada lagi kita pinapabantay kay jimin kaya lagi syang nakadikit kay yoongi because he is your friend right? Kaya ngayon na nandito ka na sa harap ko I don't know how to express the happiness that I am feeling right now"
Di ko alam irereact ko.kasi buong speech nya nakanganga akooo!!! Di dahil sa wala ako naintindihan pero dahil kinikilig ako!!! Mahal ako ni jungkook!
Naiyak na naman ako... Leshe ang iyakin kooo >.<
"Matagal ko na din balak mag confess sayo kaso puro wrong timing ehhh at lahat ng sinabi mo, ganun din ang naramdaman ko sayo... I thought I just like you or maybe I had a crush on you kaso hindi pala ehh... naisip ko nun perhaps its love at oo tama nga ako mahal na kita jungkook!"
"Kaya wag ka ng magalit ok? At isa pa di na ko aalis"
sabi nya with matching hawak hawak sa pisngi ko.
"Pano yung pag aaral mo? Uulit ka ba ulit?" I asked.
"Nope... Nag advanced study ako kaya graduated na ko hinihintay lang kita maka graduate para sabay tayong mag college" He smiled.
Namiss ko yang smile na yan.
Niyakap ko sya ng walang paalam paalam.
"Namiss kita" I said and he hugged me back.
"I missed you too"
Nilapit nya yung mukha nya sa mukha ko and he kissed me passionately.
Wala na kaming paki kung may mga studyante ang nakakakita samin basta kami masaya :)
-Fin-
---------------------------------------
Ang hirap nyang pag isipan ng ending kaya ganyan ang kinalabasan haha (T-T) pero sana nagustuhan nyo :)))
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top