Chapter 4

Start na ng foundation week namin at dahil per section dapat may booth so, sa section namin ay horror booth! Masaya sana ehh kaso isa ako sa multo -_- ginawa akong sadako dahil ako daw may pinaka mahaba at may pinaka magandang buhok sa room if I know binobola lang ako nung mga yun! Ang iksi lang kaya ng buhok ko!!!

"Awooooo~~~"

"MAMAAAAAA!!!!!!!!"

Hahahahaahaha sakit sa tyan amp xD oa nila matakot huh! Nasan ba si jungkook? Sana pumunta sya dito para matakot ko sya.

Pero ang totoo napapagod na kooo 9:00am palang nananakot na ko at 3:00pm na at dinadagsa talaga yung booth namin kasi nga natatakot nga daw sila. Eh mas nakakatakot kaya sila sumigaw!

Teka wait may bagong customer takutin ko muna...

"Awwoo~~~"

" *poker face* Me is not scary....Ang panget"

English palang nya alam ko na kung sino =_=
Ano ba ginagawa nito dito?

"Bakit ka nandito? Diba dapat nandun ka sa may registration area ha?" Nakita tuloy ni yoongi itsura ko T.T

"Kasi may magsa-sub na sau... Magpahinga ka na daw mukhang pagod ka na eh nagmumukha ka na talagang multo hahahaha"

"Ewan ko sayo... Oh sya punta muna ako sa cr ah" Pumunta muna ako sa cr at dun ko inayos na sarili ko.

"Ayan maganda na ulit ako!" Sabi ko habang nakaharap sa salamin tapos sumagot eh no? XD

Tapos nun, naglibot muna ako sa school kasi ang daming booths at kung anu ano pa.

Habang naglalakad ako sa may maraming food stalls kasi may mga free taste tumitikim ako eh nakita ko si jimin. Yung klasmeyt ko na pandak na bff ni jungkook.

Asan si jungkook bat di nya kasama? Di ba sya umatin ngayon? Porket wala na sya gagawin?

"Ui pia! Tapos ka na manakot?" Lol! Manakot talaga eh no :p

"Oo... Bakit mag isa ka lang? "

"Oh ano naman? Hanap mo si jungkook no? ayieee"

"Hindi no sus!" Denying ako.

"Si jungkook.. Di ko alam kung san nagpunta yun pero malamang nasa lugar na tahimik yun ayaw nun sa mga crowded at maiingay ehhh sige alis na nga ako nagugutom na ko"

"Ah okay sigeeee thank you"

San kaya nagpunta yun?

"Baka nasa rooftop yun kasi wala naman pumupunta dun ehhh... Puntahan ko ba?"

Eh nahihiya ako ehhhh >.<

Pero naisip ko....ngayon na kaya ako mag confess sa kanya? Baka ito na ang tamang oras.

*inhale-exhale*

"Kaya ko to~~~ Go pia!!!"

Umakyat ako ng 9th flr makapunta lang ng rooftop tapos tsaka ko na naisip may elevator pala hahaha adik ba ko? XD

"WHAT?! Tapos ko mag effort umakyat dito wala naman sya ehhh"

San ko naman sya hahanapin? kung kelan handa na ko umamin sa kanya oh!

"Makababa na nga lang"

"Pia..." May sumilip sa likod ng pader .

"Jungkook?"

Si jungkook nga yun! Nandun pala sya sa likod ng pader nakaupo habang nage-emote kaya di ko nakita agad.

"Bakit ka ba andito?" Tanong ko.

*dug dug dug*

Ayan na naman po yung puso koooo ang bilis na naman habang papalapit ako sa kanya.

"I hate crowded and noisy places" Oo nga pala sabi ni jimin.

"Eh ikaw bat ka nandito?"

"Ah huh?? A.. Ano ka..kase eh uhm... Wala hahha trip ko lang"

"I see...kala ko may kelangan ka sakin eh"

Kaya mo to Pia!

"Ah meron nga" Bakit parang malungkot sya ngayon? Parang ayoko na tuloy ituloy yung sasabihin ko.

"Ano yun?"

"Bakit parang malungkot ka?"

Agad nyang inalis yung tingin nya saken.

"You don't need to care besides, it has nothing to do with you"

Naku!!! Kung di lang ako mabait, sinapak ko na to wala akong pake kung gwapo yan! Bakit nya kelangan isagot saken yan! Nawalan na tuloy ako ng gana mag confess sa kanya >.<

"SORRY ahhh!!!! concern lang naman eh sige iwan na kita dyan bahala ka na dyan" Padabog akong naglakad papalayo sa kanya bwiset sya.

"Wait! Pia!"

Humarap naman ako sa kanya at sumigaw.

"Ano ba---"

*dug dug dug*



Si jungkook.... Ni..niya..niyakap ako...

"Jungkook?" Nagtataka ako na kinakabahan na kinikilig na di ko alam mixed emotions eh. Ano ba nangyayare sa kanya? Tsaka pansin ko lang namula mga mata nya... Umiyak ba sya?!

"I'm gonna miss you" He whispered in my ears.

Miss? Bakit nya ko mamimiss???

Kahit gusto ko pa yakapin nya ko ng matagal ay humiwalay na ko kasi gusto ko malaman kung bakit!

"Mamimiss mo ko? Bakit???"

He smiled.

"Wala... Ok na ko... Sorry kanina nasungitan kita"

"Sanay na sanay ako dun... May problema ka nga ba?" Tanong ko pero ngumiti ulit sya.

"Wala... Hahaha halika na bumaba na nga tayo ang init na dito"

Hindi ako natutuwa s trip nya ngayon. Imbis na magtatalon ako sa tuwa kasi niyakap nya ko ay di ako kampante kasi parang may problema talaga sya. Yung ngiti nya?


I know it was fake.

.
.
.
.
.
.
.
.
5:00 pm na at ang nakakapag-taka talaga ay hinatid ako ni jungkook pauwi samen. Di ko na talaga alam ang nangyayare sa kanya. May sakit ba sya? Bat ang bait nya sakin huhu T.T

"Sige uwi na ko... Umatin ka na ng event bukas ha? President ka pa naman...Di yung nag eemote ka sa rooftop" Sabi ko.

Pero ngitian nya na naman ako as a response.

"Alam mo tigilan mo na kakangiti mo at baka mabanat na ilong ay este- mukha mo pala"
Sinamaan nya ko ng tingin hahah sorry xD

"Oh cia pasok na ko uwi ka na..."

Ang totoo, feeling ko ayoko pa pumasok sa loob. Bakit parang ayoko pa syang iwan?

"Pia...." he called me.

"Ba..bakit?"

"Can I hug you again?" Nagkatitigan muna kami ng ilang segundo tapos lumapit na sya saken at tsaka nya ko niyakap.

Kinikilig akooooo anube jungkook!!!!! <3

"Ano ba nangyayare sayo talaga ha?" Ayoko ipahalata na sobra akong kinikilig dahil baka pinagttripan lang pala ako nito.


"Wala trip ko lang yakapin ka" See? Malakas tama nya! Kaya di ko dapat binibigyan ng ibang meaning yung yakap-yakap na yan hangga't walang proof!

"Umalis ka na nga! Pinagiinit mo ulo ko sa kalokohan mo" sabi ko at tumawa naman sya.

I really love to see him smiling that way.

"Okay okay... Goodbye~" Tinitigan nya muna ako as in yung tingin na parang ayaw nya ko mawala sa paningin nya.

Alam kong ang asyumera ko dun pero ganun ang dating sakin ehhh.

At hanggang sa tuluyan na syang nakaalis.

Di ko alam pero may part sa puso ko na nasasaktan ako.


Then, bigla nalang ako may naalala...




"Di ako nakaamin kay jungkook!!!!!"

Nakalimutan ko! Nakakaasar!!!! Perfect moment na yung kanina ehhh!!! Nagblanko kasi isip ko dahil sa kanya.

Sana makatulog ako nito =_=

--------------------------

Pasukan na naman... Pero walang klase kasi foundation week nga at excited akong pumasok!

"GOODMORNING!!!!" Bati ko sa mga klasmeyt ko na nasa horror booth namin at nagkukumpulan sa registration area.

"Pia buti dumating ka na! Si Ashley na nga pala president naten" sabi ng isa kong klasmeyt.

"Ha? Bakit? Si jungkook ano na sya?"

Natahimik naman sila kahit si yoongi na kunwari busy sa ginagawa nyang pagsusulat pero kita ko doodle ang dinodrawing.

"Di mo ba alam??? Asan ka ba nung inannounce yun ng adviser nten?"

"Nang alin ba kase yun? Kung alam ko lang edi sana nakakarelate ako sa inyo diba?!"

"Wala na si jungkook! Nag withdraw na sya sa school"

Ano daw? Nag-withdraw?

"Bakit nya naman gagawin yun???"

Pinipilit ko na kunwari shocked lang ako at di makapaniwala kagaya nila pero ang totoo, ang lakas ng impact saken para akong sinampal ng malakas.

"Umalis na sila papuntang canada kasama nga din yung kapatid nya na si hannah eh" sabi ng isa ko pang klasmeyt.

"Pinilit silang isama ng daddy nila... Nakakabadtrip si jungkook ehhh!!! Umalis bigla bigla..." Galit na sabi ni jimin. Malamang mamimiss nya yun, bestfriends sila eh.

Eh ako? Wala naman ako karapatan magalit pero... Di ko nasabi sa kanya yung gusto kong sabihin.

Hinintay ko talaga yung oras na makauwi ako ng bahay bago ako mag iiyak syempre ayoko may makakita saken. Nandito ako ngayon sa kwarto ko ngayon.

"*sniffs* bakit ba di man lang sya nagsabi saken?? Kaya pala ganun nalang sya saken kahapon!"

Then...may biglang pumasok sa isip ko na sinabi ni jungkook saken...

'If you want to be happy then, find a guy who will love and treasure you especially, will not make you cry'


Sinabi nya yan sakin noon nung umiiyak ako dahil kay jin. Nung araw na yun sya kaya inisip ko na lalaki na di ako paiiyakin! Kaso di naman pala kasi ngayon umiiyak ako dahil sa kanya.

At habang ninanamnam ko ang pag iyak ko ay coincidence lang na napatingin ako sa may pader kung san ako nagdidikit ng mga post it kaya nilapitan ko yun at nasampal ko sarili ko sa inis.

"Andito ka lang pala! *sniff* Nakalimutan ko dito lang kita nilagay!!!"

Malungkot ka na nga mabbwiswt ka pa dahil sa sariling katangahan ehh T-T

Pano naman kase yung note na pinagsulatan ko ng signs na sinabi ni yoongi sakin about sa love ay dinikit ko pala sa pader kasama ng mga post it!!!

Makakalimutin na nga talaga akoooo.

"Mabasa na nga yung signs nakalimutan ko na talaga nahawa na talaga ako kay kuya lay eh"

(Ahaha pasingit lang si lay ng exo *kaway kaway*)

Ganito pagkakasulat ko... Ini-english ko pa nga eh...

5 Signs that you love jungkook

1. You will feel your heartbeat gets fast when he is in front of you.

Oo naramdaman ko to madalas sa kanya pag tinatawag nya ko sa pangalan ko.

2. You will feel jealous when he is talking with another girl.

Nakakahiya man pero nagselos nga ako nun nung may kausap syang babae tapos nalaman ko na kapatid nya palaaaaa. #NAKAKAHIYA

3. You will feel happy when you're with him.

Naalala ko nung kumain kami ng ramen at sinamahan ko sya magbasketball.. Napaka saya ko kaya nung araw na yun... Lalo na nung naka shoot sya na para saken daw. Ayoko lang ipahalata sa kanya nun pero kinikilig ako ng bongga nun.

4. You want to see him badly.

Nung first day ng foundation week hinanap ko sya kasi gusto kong aminin nun na gusto ko sya at namiss ko din sya.

And lastly,

5. You will get hurt when he leave.

Oo masakit kaya!! Umalis sya ng walang paalam tapos di ko pa nasasabi sa kanya ang totoo.

"Lahat ng signs... Naramdaman ko sa kanya... So tama nga ako....di ko lang sya gusto..
Mahal ko si jungkook!"


Kaya yari ka talaga saken kapag bumalik ka dito
-___-+

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top