Chapter 3
After ng 2 hours na meeting naming mga officers para sa darating na foundation day....pero ang totoo 30 mins lang ang meeting dun then the rest ng oras nagdaldalan lang sila. Oo sila lang! kasi ako kanina pa ko busy kakahanap nung note ko, yung pinagsulatan ko ng signs na sinabi ni yoongi.
"Asan na ba yun?! leshe naman ehhhhh" nahalungkat ko na lahat ng gamit ko kahit sa locker at mismong bag nga ni yoongi ehh Pero wala! ayoko lang sabhin na yun yung nawawala, kunwari math ntbk ko.
'Hala pano na yan!! Makakalimutin pa naman ako di ko na maalala yung mga signs na yon last week nya pa kasi sinabi yon' I thought.
"Ui ano tapos ka na ba sa hinahanap mo kanina ka pa namin hinihintay! Uwian na" sabi ng kasama kong officer din si katie.
"Ah oo hahaha sige uuwi na din ako bye"
Really? Ako pa nauna makalabas ng room sa kanila samantalang hinintay nila ako haha xD
Habang naglalakad ako nakakunot na naman noo ko kasi nawalan na ako ng pag asa mahanap yung papel.
"Wala naaaa I'm soooo doom!!!!" pagwawala ko sa corridor.
"Napapraning ka na naman"
O_O! Si... Jungkook!
*dug dug dug*
Napahawak ako sa left chest ko kasi nararamdaman ko na kumakabog na naman dibdib ko pag nasa harap ko sya-- teka...
"Tama!! Yun yung unang sign!" napasigaw tuloy ako hehe peace.
"Ha?" He raised his brow.
"Ahh ehh ano.. Wa..wala ohohoho sige ahh ano b..bye na!!" aalis na nga ako mahihimatay na ata talaga ako.
"Sandale!"
"Ano?" Parang may gusto syang sabihin saken di nya lang masabe.
"Kelangan ko pa ipasa sa adviser natin yung booth plan na gagawin ng section natin sa foundation... kaya sumama ka saken"
Napakamot nalang ako sa ulo kasi naman pag ganitong iniiwasan ko muna sya ehh >.<
"Ok sige" Pero actually, madali naman talaga ako kausap xD
--------------
Next day...
"Goodmorning yoongi!" Bati ko sa kanya sa gate palang at tinitigan nya lang ako.
"Bakit? May dumi ba ko sa mukha huh?" Tanong ko with a big smile on mah face.
"Sinuntok ka ba? Ang laki kasi ng eyebags mo parang blackeye hahaha"
"HA?!!! Anong sinuntok? Di no!!! Ehh kasi ano ehh wala napuyat lang" Eh kung suntukin ko kaya tong taong to! Pambihira ang tagal ko matapos magpaganda sa salamin tapos ganon?!
Kaya ako napuyat kagabe kasi kakaisip nung ibang signs na sinabi ni yoongi hahaha sabi ko sainyo makakalimutin talaga ako yung unang sign lang ang bukod tanging naalala ko swear!
.
.
.
.
"Ui si mr. president oh! may gf na ba sya?"
"ASAN?!!!!!" Napatingin ako agad sa tinuro ni yoongi at andun nga si jungkook at may kausap syang babae... Maganda, sexy at maputi. Sige naaa nasa kanya na lahat T-T
"Yoongi umayos ka nga pag di ako nakapagtimpi pagbubuhulin ko kayong dalawa" Sinasabi ko yan habang yung mata ko naka glue kila jungkook at dun sa babae.
"Ha? Ano ba nangyayare sayo?"
"Huh? Ahahah wala wala...halika na nga baka makita pa nila tayo maistorbo pa natin sila eh mukhang sarap na sarap naman sila sa pag uusap nila tapos ako eto tinatanaw lang sya sa malayo habang sya ang lapad ng ngiti dun sa babae na yun at----"
"Ui pia! Is you crazy? Coz me do not understood-understa--hndi eh..understood ata oo! cOz me do not understood you"
"Tigilan mo na nga ako yoongi sumasakit na nga ulo ko dagdag ka pa" Nawalan na ko sa mood.
Pumasok na kami ni yoongi sa room at natutulala nalang ako ...buti wala pa mga klasmeyt namin maaga pa kasi.
Haaayyy naalala ko na naman yung ngiti ni jungkook dun sa babae... Ibang iba pag kausap nya ko... Well ngumingiti sya saken pero babalik din sa pagka poker face after. Pero dun sa babae hndi ehhhhh di talaga maalis ngiti nya. Girlfriend nya nga siguro edi okayyy!!!
"Teka... Kaya ka ba nag iinarte ng ganyan kasi nagseselos ka dun sa babae tsaka kay jungkook kanina ha?" Sabat ni yoongi.
"Sino nagseselos at kanino?" at biglang sabat ni jungkook -___-
teka--- Ju...JUNGKOOK?!! (O____O)
Shocks!!! Oo si jungkook nga!!!Kakapasok nya lang ng room!!!! Ano ba gagawin ko hala~
Binigyan ko muna ng 'Patay-ka-saken-look' si yoongi tsaka humarap na ko kay jungkook ulit.
"Ah ano jungkook kasi ano... wala yun haha teka cr muna nga ako ahahaha byeeee"
Tumakbo ako palabas ng room at dumiretso nga sa cr.
"Ayoko na lumabas! Dito nalang ako hanggang mag- uwian. Di ko sya kayang harapin ehhh Pia Clarice ano ba nangyayare sayo ha?! Di ka naman ganyan sa kanya dati ha?" Nababaliw na ko dahil kinakausap ko sarili ko sa salamin.
Ano nga ba talaga nangyayari saken?
.
.
.
.
.
*kring kring*
"Yes uwian na!!! Uuwi na ko" nagmamadali ako kunin yung bag ko para makalabas na buti wala kami meeting ngayon tsaka kanina ko pa iniiwasan mapatingin kay jungkook eh. Si yoongi naman iniwan ko na din may atraso pa saken yun next time ko nalang bawian.
Eto na makakalabas na ko ng school! I can breathe freely na talaga (^_^)
"PIA!!!"
Abkcj@&hgl!!!
Dahan dahan akong lumingon sa likod.
"Kanina pa kita tinatawag ano ba? Are you deaf or something psh!" Salubong na salubong talaga kilay nya.
"Ah talaga??? Naku sorry jungkook di ko narinig kasi" Palusot ko.
"Lets talk" Bigla nya kong hinatak palabas ng school. Ayan na naman sya sa hatak hatak nya at ano naman pag uusapan namen? jusko!
.
.
.
"Say it"
"Ha? Ano sasabihin ko?"
Nandito kami ngayon sa isang park.
"Ano yung sinasabi ni yoongi kanina?" Nakapamulsa pa sya habang nakasandal sya sa may parang poste habang ako eh nasa swing at di ako makatingin sa kanya.
"Anong sinabi ni yoongi kanina?" okay my acting skill is very worst.
"You know what I am talking about nandun ka nung sabihin nya yun"
Ano ba kinakagalit nito? Dahil dun naiinis sya? Di ko alam kung pano sasabihin dahil di pa din naman ako sigurado sa sarili ko.
"Di ko alam ehh pwede ba kalimutan na ntin yun? Nagbibiruan lang kasi kami talaga ni yoongi nun!" Pa smile smile pa ko na kunwari happy ako.
"Bahala ka"
Nice response *thumbs up* -_-
"Pwede ba mamaya ka na umuwi?"
Umoo naman ako kahit di ko alam kung bakit nya natanong yun.
"Lets go somewhere?"
teka date ba ituuu ? YES YES!!! Omg!! Tara !!!
"ok" Oh yan para di halata na kinikilig ako.
"Good! "
So, nandito kami ngayon sa isang ramen shop. Nagugutom lang pala tong kasama ko at kung makakain ng ramen kala mo di nakakain sa tanan ng buhay nya eh xD
Ang gwapo nya pa din kahit prang di na sya makahinga kakahigop ng sabaw. Tapos ang haba pa ng pilik mata nya nahiya naman yung akin tapos yung ilong pak na pak!
"Pwede ba di ako makakain ng maayos kakatitig mo saken... Gwapo ako pero di ka mabubusog nyan"
"Hay nako nawala yung hotness ng noodles ko dahil sa kahanginan mo" Deep inside natataranta na ko kasi naman ehhhh >.<
At narinig ko syang tumawa. Maraming beses ko na syang nakikita na tumatawa ah... I suddenly remembered that girl.
"Jungkook..." Tawag ko habang nagpapaka busy kunwari sa pagkain ng noodles.
"Hmm?"
"Ah... Ano, rinig ko may girlfriend ka na daw huh? Ui congrats ha!!!" Kelangan ko lang gawin to para matahimik na kooo T.T
"Girlfriend?" Its very obvious on his face that he was really puzzled hay nako jungkook tama na pagpapanggap kitang kita ko na ehhhh.
"Oo sa may entrance ng school nakita ko kayo- I mean.. Narinig ko lang sa mga ibang section hahaha may nakakita daw kasi sayo may kausap kang babae... Maganda nga daw ehhh"
"Ahhh si hannah yup she's pretty and she is kind too kaya di sya mahirap pakisamahan" He looked at me at ako kunwari napaka saya para sa kanya pero yung chopstick na hawak ko eh konti na lang mababali na so, ano confirmed na ba yan?! Aray haaa...
"Oohhh... Hahaha congrats ahh swerte mo sa girlfriend mo malas nya haha" Actually gusto ko sabihin na malas sila pareho ugh! De... Ok lang talaga ako! Crush ko lang naman ata si jungkook ehh oo crush ko lang yan.
"But she is my younger sister"
Eh? Magkapatid sila?
"Seryoso???!!! Wehhhhh" Di talaga ako makapaniwala ehh.
"Oo nga bat ba ayaw mo maniwala? Tsaka I dont have a girlfriend..."
"TALAGA?!"
"Hahaha oo nga bakit ba parang natuwa ka huh?" He smirked.
Emeyged masyado ba kong halata?! Isip isip ng paraan pia!!!
"Ah eh syempre masaya ako para sa kanya... Kasi kung nagkataon na girlfriend mo sya at di kapatid ay kawawa sya... Ang sama mo kaya sa babae"
"Ulitin mo nga sinabi mo?! Di ako masama sa babae...I just dont give interest at all"
Ok parang nakaramdam na naman ako ng karayom sa heart ko. Okay na ko kanina ehhhh kaso he does not give interest daw! T.T
"But if its you... maybe" He mumbled pero narinig ko yon! Nagpantig yung tenga ko ehh!!!
"Ano ibig mong sabihin dun?"
"Wala tapusin mo na nga yang kinakain mo"
Pano ko makakakain kung ganyan ka Jeon Jungkook ha?!!! Pasimpleng pakilig ka kasi ehhhhh!
Pagtapos namin kumain nandito kami ngayon sa isang basketball court at ewan ko kung bakit ako nasama dito. Nandito din yung mga kaibigan nya. May alien, si jimin yung bff nya s section namin, may kabayong pogi at may mukhang rapper dito na badjao hahahaha lol pero pogi nila ahhh!
Nandito lang ako sa may bench habang pinapanood sila mag basketball.
Alam nyo, wala talaga ako hilig sa basketball pero ngayon parang napaka interesting panoorin dahil ang hot nila xD lalo na si jungkook... Ang cool nya maglaro ng basketball. Every shoot nya ng bola para kanino nya kaya yun inaalay?
"PIA!"
Nabalik ako sa ulirat ng tawagin ako ni jungkook.
"This is for you *smiles*" sabi nya sabay shoot ng bola at nakapasok nga.
*dug dug dug*
Napahawak ako sa left chest ko kasi ang bilis na naman ng tibok ng puso ko.
"Did you see that?!!" Sigaw nya matapos sya makipag high five sa mga kasama nya.
I smiled and shouts... "OO NAKITA KO! PERO ANG WEAK MO PA DIN!!!" Pang aasar ko lang pero ang totoo masaya ako.
Imbis na awayin at makipagtalo saken ay nginitian nya lang ako and made a peace sign at me.
Di na sya yung jungkook na nakilala ko na masungit, di na sya yung jungkook na classmate ko na parang walang pakielam sa ibang bagay.
Sya yung jungkook na nagugustuhan ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top