Chapter Two.
***
Everything happens for a reason—I’ve always believed that way before. Pero yung mga ganitong pagkakataon, hindi ko alam kung dahil ba dapat ko nang magtanda na ingatan ang mga gamit ko kaya ‘to nangyayari sa’kin. Ang akin lang naman, bakit sa ganitong paraan pa?
Sobrang kabado ako habang naghihintay sa food court ng mall malapit sa terminal. Tumakas lang kasi ako kila mama atsaka kinakabahan ako baka hindi ako siputin nung Miguel o baka nasira niya ang laptop ko habang papunta siya rito o kaya pauwi kahapon.
Nag-vibrate ang cell phone ko kaya agad kong chineck ‘to.
Miguel: yo nandito na ko sa foodcourt
Agad akong napalingon sa paligid pagkabasa ko ng message niya. Napahinto ang tingin ko sa isang matangkad na lalaking may dala ng bag ng laptop ko. Lumilinga siya paligid kaya nang madako ang tingin niya sa gawi ko, agad kong itinaas ang kamay ko.
Shit. Ba’t di ko naisipang i-stalk ang profile niya kagabi? Kung alam ko lang na gwapo siya edi sana medyo pumorma ako ngayon!
“Hi.” awkward na bati niya at umupo sa katapat kong upuan. Inilapag niya rin yung laptop ko sa ibabaw na mesa. “Naiwan mo laptop mo sa bus.” aniya kaya napakunot ang noo ko.
“Ako yung katabi mo kahapon.” saad niya at ngumiti. Napatingin ako sa dimples niya sa kanang pisngi. Jusko! Ang cute!
“Ah...” saad ko at tumango-tango. Kinuha ko na rin ang laptop ko sa mesa. “Salamat pala ng marami kasi sobrang importante sa’kin nito.”
Tumango rin siya. “Halata nga. UP ka pa.” aniya na ikinangiti ko na lang.
Chineck ko ang laman ng bag at tumambad sa’kin ang blue book ko na may lamang bagsak kong grade. Napapikit ako saglit sa hiya atsaka isinara ang laptop bag dahil mukhang kumpleto naman ang gamit.
“Ano palang course mo?” aniya kaya napatingin ako sa kanya. Teka! Interested ba siya sa’kin?!
“Business Management. Ikaw ba?”
“Business Ad. Pero balak kong magtransfer sa UPD next year.” aniya at humalumbaba. Nadidistract talaga ako sa dimples niya! Hindi kasi siya kaputian kaya ewan, ang attractive at manly ng dating!
“Hala, same!” sabi ko. “Di kasi ako nakapasa sa Diliman. Sa Pampanga ako nakapasa.”
“At least nga nakapasa ka. Ako, olats.” aniya at tumawa. Napangiti tuloy ako.
“Okay lang yan! It will not define you naman.” saad ko dahil karamihan sa mga di nakapasa, alam ko bumaba ang self-esteem. Kung ako ngang hindi pumasa sa Diliman na-down din, pa’no pa kaya talaga yung mga hindi?
Ngumiti lang siya at tumango. Napatingin naman ako sa paligid. “Kung ok lang pala sa’yo, ililibre sana kita as thanks.”
“Hala, hindi na!” aniya at iwinasiwas ang kamay.
“I insist! Nag-effort ka pang pumunta dito.”
“Naku! Wag na talaga. May bibilhin din ako kaya aalis na rin ko.”
“Sigurado ka? Libre ko naman!” pamimilit ko.
Tumawa na naman siya. Ang epal ng dimples niya! “Hindi na talaga.” aniya at tumayo. Napatayo rin tuloy ako.
“It was nice meeting you, Milka.” saad niya at inoffer ang kamay.
“Nice to meet you rin...” sabi ko at inabot ang kamay niya. “...Miguel.”
Kung alam ko lang talaga na gwapo ang makakapulot ng laptop ko, baka nag-ayos ako talaga. Yung once in a lifetime encounter sa isang gwapo, dapat ineeffortan dahil isa ‘yun sa mga pagkakataon na mapapansin nilang nag-eexist ako.
Hindi naman kasi talaga ako kagandahan. Maporma lang talaga ako kaya kahit papa’no nagkakadating ako. Sabi rin ng iba sobrang friendly ko. Pero bukod do’n, wala na. Mabuti na lang talaga at may higit akong brain cells sa iba kaya kahit papa’no ay maipagmamalaki ko ‘yun.
“Congrats, Mil! Isa ka sa highest!” bati sa’kin ni Faye pagkatapos ng extemporaneous speech namin para sa finals ngayong sem.
“Ang galing mo, super!” sabi ko naman pero sumimangot lang siya.
“Overtime ako, sis. Nabawasan ng uno grade ko.” aniya kaya inakbayan ko siya.
“Pero lahat kami alam na ang galing mo kanina.”
Ngumiti na lang siya ng tipid kaya niyakap ko siya. Niyakap niya rin ako pabalik. Lumapit ako sa iba naming ka-block dahil gagala kami after nito. Finals na rin ng second sem at itong Speech30 ang last na aasikasuhin namin.
“Oh, wag natin pansinin yung mga magta-transfer next sem sa Diliman!” sigaw ng isa kong ka-block at nagturuan sila ng mga lilipat next sem. Lalo na yung tiga-Manila tulad ko.
“Si Kiefer daw lilipat!” sigaw ng isa kong kablock kaya ayun, pinagtulungan siyang asarin.
“Lilipat ka ba?” tanong sakin ni Kiefer nang makasakay kami sa bus pa-SM Clark.
“Kung makakalipat.” sagot ko naman.
“Sabay tayo ha. Baka iwan mo na naman ako.”
Ngumiti ako ng mapang-asar. “Teka, wag kang iiyak!”
Sinamaan niya ko ng tingin na tinawanan ko na lang. Sa totoo lang, hindi ko pa rin sure kung lilipat ako sa UPD. Ayoko rin naman kasing mag-expect. Ang hirap kaya ng hell month ng finals sa UP! Pakiramdam ko pinipiga ang utak ko sa ideas pero dapat lahat ng ideas na ‘yon, hindi patapon. Kaya hindi ko alam if worth it pa yung grades ko na ipantapat sa ranking sa application process.
“Kapag hindi ka nakalipat ng Business Ad, balik ka na lang ng Clark. Mahihirapan kang maghanap ng trabaho sa ibang courses na ‘yan.” sabi ni mama nang ipakita ko ang list ng courses of choice ko sa Diliman.
Napaupo ako sa kama at tiningnan ang papel ng courses na gusto ko. Right, kasi sa society na ‘to, your dreams don’t matter. Parang sila na yung nagbibigay ng standards ng dreams na dapat habulin ng bawat tao. Para yumaman, sumikat at magkaroon ng lahat na ino-offer ng mundo. What a crap!
“Virata lang aaplyan mo?” gulat na sabi sa’kin ng kadorm kong si Lia.
“Oo eh. Kabado nga ko kasi ang hirap ng competition dun. Ranking lang ang application process.” sagot ko sa kanya at inayos ang pagkakahawak ng phone ko para mata lang ang kita ko sa video call.
“Oo, sis. Pero aapply din ako do’n, sabay tayo ha!” saad niya na ikinatawa ko.
Kabado—‘yan ang nararamdaman ko ngayon. Hindi rin ako mapakali kasi alam kong ngayon na ilalabas yung results ng mga successful applicants sa Virata. Pero ang tagal nila mag-update ng page!
“Tipaklong!” sigaw ko nang makita ang pangalan ko sa listahan. Hindi ako makapaniwala! Sa Diliman na ko mag-aaral!
Sobrang puno ng puso ko. Sobrang saya ko ng ilang araw at sobrang excited akong dumating ang July para makapag-enroll.
Sinuot ko ang best OOTD para sa’king paningin at confident na bumaba ng jeep para pumasok na sa building. Napaaga ata ako dahil wala pang tao. Dahil mabilis lang din ang process, natapos agad akong mag-enroll tapos ako pa ang una sa pila. Tinitigan ko na lang tuloy yung Sunken Garden sa harap ng building.
“Excuse me.”
Napalingon ako sa lalaking nasa tabi ko. Napatingala pa ko dahil ang tangkad niya.
“Sa’n dito sakayan pa-SM?”
“Ah...” ngumiti ako ng bahagya. “Samahan na lang kita. Papunta na rin ako do’n eh.”
Ngumiti naman siya at tumango. Nagsimula na kong maglakad at sumunod naman siya sa’kin. Jusko lang dahil walang nagsasalita sa’min. Hindi kinakaya ng kadaldalan kong manahimik sa isang tabi.
“Shiftee? Transferee?” tanong ko dahil hindi niya alam ang sakayan. Imposibleng dito na talaga siya.
“Transferee.” nahihiya niyang sagot. Tumango na lang ako dahil nakakahiya kayang magtanong! “From Ateneo.” aniya kaya napalingon ako sa kanya bigla. Big time pala ‘to!
“Teka, nagkakamali ka ng iniisip. Hindi ako mayaman.”
Agad naman akong napa, “Weh?” matapos ko siyang pasadahan ng tingin.
Natawa siya. “Oo nga.”
Nagkibit-balikat ako. “Sabi mo eh.” natatawa ko namang sagot.
Huminto ako sa waiting shed para hintayin ang jeep at huminto naman siya sa tabi ko.
“Anong name mo?” tanong niya kaya napatingin ako sa kanya. Naconscious naman bigla ang pagkatao ko at infairness ang hirap talaga ‘pag matangkad ang kausap mo.
“Baby.” pabiro kong sagot. Pero tumango naman siya na parang naniniwala sa sinabi ko. “Joke lang! Hindi mo man ako tinawag, nanahimik ka lang.” natatawa kong sabi para kahit papa’no matanggal ang kahihiyan sa sistema ko.
“Huh?” agad naman niyang tanong. Hala. Akala mo inosente! Sa itsura niyang ‘yan imposibleng walang naging girlfriend!
“Milka name ko kako.”
“Oh, nice name.” sabay ngiti niya. “I’m Aaron.”
Napatango naman ako at napatingin ulit sa sunken garden. Ang bango naman ng pangalan, sana lang di niya ko jina-judge sa sinabi ko kanina.
“Ayan na jeep.” sabi ko at lumingon sa kanya. Sumunod naman siya sa’kin at sumakay na.
Hindi ko alam kung anong sumapi sa’kin pero hindi ko siya madaldal after no’n! Sobrang nahihiya ako, hindi ko alam kung bakit. Hanggang makarating ng SM, wala na talaga!
“Uy, una na ko.” sabi ko na lang bago tumalikod. Pero napahinto ako nang mag-wait siya. Lumingon ako sa kanya pero ngumiti lang siya.
“Wala pala.” aniya kaya kumunot ang noo ko. “See you sa pasukan.” dagdag pa niya bago kumaway at tumalikod.
Weird.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top