Chapter One.

***

Dreams—these were the very purpose of my life. To live chasing my dreams and to be successful one day.

My family weren't rich and weren't poor either. Nasa gitna ata kami o sa malapit sa gitna ng spectrum. Ako rin yung panganay sa pamilya, kaya naman expected na ako yung mag-aangat kahit papaano ng buhay namin balang araw. O kaya naman, tumulong lang kila mama at papa.

Pinalaki ako ng parents ko na sobrang pinapahalagahan ang studies. Dahil do'n, simula pre-school, lagi akong may natatanggap na medalya sa school. Pero dahil ata do'n, sobrang tumaas ang expectations ko sa sarili ko.

"Ba't ganyan mukha mo?" bungad ng kadorm ko pagkalabas namin ng room sa klase ng Math20.

"Pota, bagsak ako sa first exam!" frustrated na sabi ko at hinilamos ang kamay ko sa mukha ko. Lumapit ako sa railings at sumandal do'n.

Tumingin ako kay Kiefer at mukhang hindi siya problemado. "Sana all magaling sa Math." walang gana kong sabi habang tamad na nakatingin sa kanya.

"First exam pa lang naman." aniya, trying to motivate me. Pero mas lalo akong nanlumo.

"Yun na nga eh, first exam pa lang di ko na kaya." Napangiwi ako at nagsimula nang maglakad papuntang canteen na sinundan naman niya. "Buset naman, nakakafrustrate!" dagdag ko pa at papadyak na naglakad.

"Bawi ka na lang next time." aniya pero sinamaan ko lang siya ng tingin.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Dreams have always been my drive. Para sa pangarap 'to kaya ko 'to ginagawa. But standing here in UP, hindi ko na alam ba't pa ko nandito. Karamihan sa mga tao dito, planado na ang buhay, kaya minsan nakakapanliit.

Itong katabi kong naglalakad, nag-ML lang yan the day before the exam pero isa lang ang mali sa LE1, samantalang akong nagpuyat, bagsak pa rin! Tapos andaming matatalino dito, hindi kayang makipagsabayan ng brain cells ko.

"Milka!"

Napalingon ako sa paligid nang may tumawag sa'kin. Nakita ko si Faye na tumatakbo palapit sa'kin.

"Mga bruha kayong dalawa ni Kiefer! Iniwan niyo ko!" sigaw niya habang palapit at pagkatapos ay huminto sa harap ko. "Please give me more brain cells for the next LE in Math20." aniya na parang nagriritwal.

"Huh?" nawiwirduhan kong tanong.

"Bitch, bagsak ako! I need to ace my next exam or at least pass it."

Agad akong napatakip ng bibig at tsaka siya niyakap. "Bitch! Bagsak din ako!" sigaw ko atsaka kami nagdrama sa gitna ng hallway.

"Gutom na ko, bahala kayo d'yan."

Parehas kaming napatigil ni Faye at napatingin kay Kiefer na nauna nang bumaba pa-canteen.

"Nomi mamaya, ha? Libre ko." sabay siko sa'kin ni Faye.

"Pass." agad ko namang sagot.

"Gago, bakit? Wala ka namang jowa ba't di ka sasama?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Friday, remember? Uuwi ako sa bahay."

"Bukas na lang!" pagmamaktol niya. "Halos lahat ng kadorm natin sasama."

"Next time, promise." sagot ko na lang kasi nasa canteen na kami.

Pang-ilang exam na 'to na hindi maganda ang nakukuha kong grade. Nakakafrustrate dahil kahit anong puyat ko, hindi ko pa rin ma-ace yung exams. Sobrang nakakadrain pa kasi hindi naman papunta sa dream path ko 'tong course na kinukuha ko.

"Estudyante po, ma'am?" tanong ng konduktor sa'kin kaya tumango ako at ibinigay ang id ko. Kinuha ko naman ang wallet ko para i-ready ang bayad ko habang nagti-ticket siya sa ibang pasahero. Kinuha ko rin ang cell phone ko para icheck ang messenger ko.
  
 
  
Archie: magkikita kami ni Shane sa pg sino g?

Celine: samaaa miss ko na kayo

Shane: g langgg punta rin yung mga free jan baka naman

Zia: di ako pwede sorryyyyy

Celine: sama ko si josh ha
             Habol na lang kami

  
  
Sumandal ako ng maayos sa upuan ng bus atsaka nagreply.

Milka: sama akoooo

  
  
Pagkatapos kong magreply, biglang nahulog yung blue book ko sa exam kanina. Agad kong pinulot 'yon dahil baka makita pa ng katabi ko yung bagsak kong grade, geez. Kaya para hindi ko rin makita kada bukas ko ng bag ko, nilagay ko na lang yun sa bag ng laptop ko.

Pagkatapos naman kunin ng konduktor yung bayad ko, ipinikit ko agad ang mata ko para matulog. Malayo pa naman ang bababaan ko.

"They lead me back to you..."

Nakunot ang noo ko nang magsalita ang katabi ko. Teka, ako ba ang kausap niya? Idinilat ko ang mata ko at tumingin sa kanya pero nakatingin lang siya sa bintana sa labas habang nakahalumbaba. Napansin kong naka-earphones siya kaya baka napakanta siya ng di niya sadya.

Ipinikit ko na lang ulit ang mata ko at sinubukang matulog. Sana naman hindi siya kumanta na lang bigla.

Matapos ang ilang oras na biyahe, bumaba na ko sa terminal ng bus at chineck agad ang group chat namin.
  
 
 
Aly: dito na kami nila shane si archie to

Milka: otw wait niyo kooo
  
  
 

Agad akong nagmadaling naglakad papunta sa sakayan ng jeep sa sobrang excite. Ilang months na kasi kaming hindi nagkikita dahil iba't ibang university ang pinapasukan namin ngayong college. Nagpasalamat pa ko dahil ambilis ng naging biyahe at hindi traffic. Natanaw ko naman agad sina Archie, Aly at Shane na nakaupo sa isang table sa loob ng Mcdo.

Nakangiti akong lumapit sa kanila atsaka umupo sa tabi ni Archie.

"Chie! Namiss kita!" sigaw ko sa bestfriend ko at agad ko siyang niyakap.

"Gaga ka! Nasasakal ako!" aniya kaya binitawan ko na. "Dami mong gamit ah."

Ngumiti ako at binaba na ang gamit ko. Teka–

"Sana all naka-dorm." sabi naman ni Shane sa harap ko pero nagpapanic akong tumingin sa kanila.

"Shit." bulong ko at napatayo. "Nawawala yung laptop ko."

"Ha?!" gulat ding sigaw nila.

Nasapo ko ang noo ko. "Shit talaga." bulong ko at inaalala kung dala ko ba yun nung sumakay ako sa jeep o naiwan ko sa bus.

"Gaga ka talaga! Last time nawala mo cell phone mo ta's laptop naman." lecture naman sa'kin ni Archie.

Naiiyak akong lumingon sa kanya. "Babalik ako sa terminal. Di ko ata dala sa jeep! Akh! Hindi ko matandaan!" nagpapanic na sabi ko habang sinusuot ang bag ko ulit. Shit. Yung paper ko, hindi ko pa napapasa 'yun at lahat ng files ko nandun!

"Samahan na kita." sabi naman ni Archie at tumayo rin.

Lumingon ako kila Shane at Aly. "Sorry, bye ulit namiss ko kayo. Bye!" sabi ko at agad na naglakad papunta sa sakayan ng jeep.

"Papagalitan ako ni mama." wala sa sarili kong sabi habang ini-imagine kung pa'no ko sasabihin sa parents ko 'pag hindi ko nahanap ang laptop ko.

"Mahahanap natin 'yun, tiwala lang. Pero..." napalingon ako kay Archie. "Jusko naman kasi, Milka. Ang laki laki no'n, nawala mo pa!"

Napapikit ako saglit sa frustration. "Archie naman eh!"

Sinubukan naming hanapin yung jeep na sinakyan ko kanina, pero wala daw laptop na naiwan do'n, sabi ng driver. Kaya agad kaming sumakay ni Archie ng jeep pa-terminal.

"Kalma, Milka. Mahahanap natin 'yun." mahinahong sabi ni Archie nang mapansing naiiyak na ko sa panic. Napapikit ako ng mariin at sinubukang alisin yung takot sa magiging reaksyon ng parents ko, lalo na ni mama. Tapos yung files ko at pati na yung paper ko na halfway ko nang nasusulat. Shit talaga!

"Wala?" tanong ng konduktor sa'kin paglabas ko ng bus.

Malungkot akong umiling at lumapit kay Archie para yumakap. "Archie... yung laptop ko... Pa'no na?"

Hinagod niya yung likod ko at saglit na kumalas sa yakap para kausapin yung konduktor.

"Tatawagan daw nila tayo kapag may nakitang laptop o binigay ng pasahero." aniya pero naiyak na talaga ako. Tae, hindi ko talaga alam pa'no ieexplain sa parents ko na nawala ang laptop ko.

Umupo kami sa gilid. "Chie, ayokong umuwi." mahina kong sambit dahil siguradong magagalit ng sobra si mama.

"Milka..." aniya at malungkot na tumingin sa'kin.

Kinuha ko ang cell phone ko at binuksan ang data ko. Baka kasi nag-message na sila mama dahil hindi pa ko nakakauwi. Pinunasan ko ang luha ko at kinagat ang labi ko para pigilan ang pag-iyak. Pero napatigil ako nang may nag-notif sa'king message request.

"Chie! May nakakuha ng laptop ko!" agad kong sabi at ipinakita sa kanya ang message.
  
  
  

Today at 6:59 pm

Miguel: hi naiwan mo yung laptop mo sa bus at kinuha ko baka kasi mapunta sa maling tao lol

Miguel: uhm i saw your name in your exam (sorry napakielaman ko) pls reply asap

   
   
  
Agad kong inaccept ang message request.

   
   
Milka: JUSKO MARAMING SALAMAT NASAN KA KUYA HUHU
  

"Kanina pa palang six nag-message, magna-nine na, gaga ka talaga." Archie nudged me on the side at nakangiti akong lumingon sa kanya.

Tumili ako at yumakap sa kanya. "Sis! Buti na lang may nakahanap! Jusko, thank you Lord!"

"Mabuti na lang at naiwan mo exam mo dun." aniya na ikinahinto ko.

"Pero..." ibinaba ko ang kamay ko. "...bagsak ako do'n."

Tumawa siya ng mapang-asar. "At least mababalik ang laptop mo."

Nagvibrate ang phone ko kaya agad akong napatingin do'n.

  
  
Miguel: hala sorry nakauwi na ko

Miguel: kung ok lang kita na lang tayo tom para ibigay ko sayo sorry talaga

  
  
"Uuwi ka pa ring walang laptop." saad naman ni Archie na sinamaan ko ng tingin.

  
  
***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top