Epilogue

Third Person's P.O.V

Hindi maiiwasan sa ating buhay ang sakit at pagkadismaya. Lahat tayo ay kailangang maranasan ang sakit upang maging mas matapang tayo sa mga darating na problema.

Hindi naman masama ang maghangad ng kasiyahan dahil hindi natin alam kung iyon na pala ang huling kasiyahan sa ating buhay.  Walang masama sa pagtitiwala pero dapat piliin natin ang mga taong dapat nating pagkatiwalaan para sa huli ay hindi tayo madismaya sa maaaring gawin nila sa atin.

Kabado at nag-aalala ang pamilyang Sy sa kanilang anak na si Joanna. Nagpumilit din na sumama si Andrew para makibalita ganun din si JR.

Hindi sila mapakali at kanya-kanyang hanap sa dalaga. Kagabi pa ito umalis at hanggang ngayon ay hindi pa ito umuuwi. Nag-aalala sila na baka ay napahamak na ito lalo na at gabi nang umalis ang dalaga. Hindi din nila pwedeng ilabas sa media na nawawala ang dalaga dahil paniguradong magtatanong ang media tungkol sa rason kung bakit ito umalis. Tanging ang tatlong pamilya lang ang nakakaalam tungkol sa nangyari.

Malakas ang iyak ng ina nito habang yakap ng kanyang ama habang ang dalawang binata ay seryosong nakikipag-usap sa kanilang mga telepono.

"P-Please, find my daughter Nazer"

Paulit-ulit ang mga binibitawang salita ng ina nito at palaging tango ang nakukuhang sagot nito mula sa asawa. Ibinaling ng ginang ang atensyon nito kay Andrew.

"Ijo, lumapit ka dito." Napatingin naman si Andrew dito at sumunod sa sinabi ng ginang.

Nanlaki ang mga mata ni Andrew nang biglang hawakan ng ginang ang kamay nito na parang nagmamakaawa. Hindi kasi siya sanay na ganito ang ugali ng ginang.

"I-I'm so s-sorry ijo. Hindi k-ko t-talaga sinasadya ang lahat. Kung a-alam ko lang na ganito ang m-mangyayari edi sana hindi ko na itinuloy a-ang plano ko."

Galit si Andrew dito pero wala nang halaga ang galit niya dahil nangyari na ang hindi dapat mangyari.

Matamlay na ngumiti si Andrew dito bago nagsalita.

"Ayos na yun tita. Hindi na rin naman maibabalik ang nangyari. Ang dapat po nating problemahin ngayon ay ang hindi pag-uwi ni Joanna dito." Tumango ang ginang sa kanya at nagpasalamat.

"Pasensya kana talaga ijo. Naaway ko pa ang mommy mo. Nahihiya na talaga ako sa pamilya niyo." Gustong sumbatan ni Andrew ang ginang pero hindi niya ginawa dahil naiintindihan din niya kung bakit nito ginawa ang bagay na iyon.

"I'm sure mom understands you tita. Hindi ka naman matitiis ng bestfriend mo." Mahinang ngumiti ang ginang sa kanya bago tumungo.

"Tita! Tito! Nag text po si Joanna!" Lahat sila ay napatingin sa papalapit na JR.

"Anong sabi niya? Ayos lang ba siya? Kailan daw siya uuwi? Asan siya? Kailangan niya ba ng tagasundo?"

Napunta ang atensyon nilang lahat sa na papraning na Andrew. Sinamaan ito ng tingin ni JR bago nagsalita.

"Hindi ka kailangan ng girlfriend ko." Matigas ang boses nito pero pinantayan din ito ni Andrew.

"Ex-girlfriend pre dahil pinsan mo siya." Nagtagis ang bagang ni JR sa sinabi nito at akmang susuntukin na niya si Andrew nang mapigilan ito ng ginang.

"Huwag kayong mag-aaway sa loob ng pamamahay ko. Sa labas niyo basagin ang mukha ng isa't isa." Blangko ang mukha nito at mararamdaman mo talaga ang galit nito.

"Pasensya na po tita. Hindi naman po ako ang nagsimula. May isang lalaki kasing naghahabol kay Joanna at pilit gumagawa ng papel sa buhay nito."
Pagtatanggol ni JR sa kanyang sarili.

"Wala akong ginagawa tita. Nag-aalala lang ako sa bestfriend ko. Masama ba yun? Diba mas masamang mahulog sa pinsan?" Ngumisi si Andrew dito na ikinagalit ni JR.

"Bahala na kung masama ang pag-iibigan namin basta naging akin siya at hindi ko siya iniwan." Sagot naman ni JR.

Hindi nila alam na unti-unti na ring nagagalit ang ama ni Joanna. Naghihintay na lang itong makarinig pa ng isang salita at sasabog na ito.

"Masama p---"

"LUMABAS KAYO SA PAMAMAHAY KO! WALA KAYONG RESPETO! SA TINGIN NIYO AY IBIBIGAY KO ANG ANAK KO SA ISA SA INYO? HINDI KO IPAGKAKATIWALA ANG PRINSESA KO SA MGA KATULAD NIYONG WALANG ALAM AT HINDI MARUNONG RUMESPETO!"

Walang sumubok na magsalita. Takot sila sa ama ni Joanna dahil nagiging marunong itong magtagalog kapag nasagad na ang pasensya nito.

Ilang minuto rin silang tumahimik bago binasag ng ginang ang katahimikan.

"Anong sabi ng anak ko Jhon?" Agad na kinuha ni JR ang cellphone at ipinakita sa ginang ang text nito.

Kumunot ang noo ng ginang pagkatapos mabasa ang sinabi ng anak.

"I need to fix myself for awhile. I'll be back. I promise."

"Tawagan mo siya Jhon" Nagmamadaling utos ng ginang pero isang iling ang isinukli ni JR.

"Dinial ko po agad ang number niya after kong makuha ang mensahe niya pero hindi na po ma kontak."

Iling-iling ang ginang at hindi mapakali.

"Tawagan mo si tata. I'm sure alam niya kung nasan ang alaga niya."
Puno ng pagbabakasakali ang ginang pero isang iling ulit ang natanggap nito.

"Ang sabi ng manager niya ay magbabakasyon daw ito at hindi sinabi kong saan. I'm sorry tita." Hindi sumagot ang ginang at hinilot lang ang sintido nito

"We need to trust her. Alam na niya ang ginagawa niya." Napalingon sila sa ama nito.

"May tiwala ako sa anak ko na malalampasan niya ito. Malakas ang anak ko kaya magtiwala tayo na babalik siya."

Labag man sa kanilang kalooban ay tumango sila sa suhestisyon ng ama nito. Wala naman silang magagawa dahil hindi rin nila alam kung saan ito hahanapin.

Joanna's P.O.V

Blangko ang ekspresyon ko habang nakadungaw mula sa bintana ng eroplano. Labag sa kalooban ko ang pag-alis na ito pero kailangang lumayo muna ako upang makapag-isip at para na rin maibalik ko ang tiwala ko sa pamilya ko.

Hanggang ngayon hindi ko parin lubos akalain na minahal ko ang pinsan ko. Hindi ko din naiintindihan kung bakit nagawa ng sarili kong mga magulang ang bagay na iyon. Gustong-gusto ko silang sumbatan pero hindi ko alam kung paano.

Pinalaki nila ako ng tama at ibinigay nila sakin ang lahat ng gusto ko kaya hindi ko magawang magalit sa kanila. Naiinis lang talaga ako sa sarili ko dahil pinairal ko ang katangahan ko.

Naputol ang pag-iisip ko dahil sa pamilyar na boses na narinig ko.

"Can I sit beside you?"
Itinaas ko ang paningin ko at nagulat ako sa nakita ko.

"Yes sure." Ngumiti ito sakin bago umupo.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya na ikinatawa niya.

"Hindi mo ba ako kakamustahin?"  biro niya.

Bigla naman akong nahiya sa sinabi nito na agad din naman niyang napansin.

"Joke lang.. May sinusundan kasi ako kaya sumakay ako dito. Ikaw ba?"

Napakaweirdo naman ng taong ito. Parang sasakay lang sa taxi ang tono niya.

"Mag babakasyon lang naman. Alam mo na medyo stress ako." Ngumiti ito sakin kaya napangiti na rin ako.

"Ilang buwan ka naman magbabakasyon?" Hindi ako agad nakasagot sa tanong niya dahil hindi ko rin alam kung kailan ako magiging maayos.

"Hindi ko alam. Siguro kapag hindi ko na nagustuhan ang lugar." Tumango ito sakin at tila nag-iisip ng itatanong.

"Babalik ka pa ba?"

Ngumiti ako dito at agad na sumagot. Ito lang kasi ang tanong na sigurado ako sa sagot ko.

"Ofcourse, I'll be back"

END!!

-----------------

THANK YOU SA INYONG SUPORTA AT SANA AY SAMAHAN NIYO PARIN SILA SA SUSUNOD NA YUGTO NG KANILANG BUHAY.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top