Chapter 9

Joanna's P.O.V

Maayos ang naging takbo ng araw ko. Hindi naman nagtanong si Gines kung bakit hindi ako tumabi sa kanyang matulog na ibinilin sa akin ni Mommy.

Kaninang umaga ay unang pumasok sa isipan ko ay kung paano ko haharapin si Gines. Hindi naman ako galit sa kanya, nagseselos lang ako dahil hindi siya gumawa ng kahit katiting na effort para mapansin ni Andrew.

Hindi ko naman pwedeng pilitin si Gines na iwasan si Andrew dahil wala naman siyang ginagawang masama kundi ang maging tapat sa kanyang sarili.

Maliban sa masakit ang puso ko masakit din ang ulo ko kaya hindi ko na naisipan pang lumabas at nagpahatid nalang ng mainit sa sabaw sa kwarto ko. Nag-iisip na sana ako kung ano ang sasabihin ko sakaling may magtanong sakin pero mabuti na lang at hindi na nagtanong ang naghatid ng pagkain ko.
Hindi kasi halata na uminom ako kagabi dahil bago ako nalasing naalala ko pa na inayos ko ang mga kalat ko at nag mouth wash na din para walang amoy.

Huling inom ko na yun para kay Andrew!

Akala ko kanina pagbaba ko ay makikita ko kaagad si Gines pero mabuti na rin at hindi. Hindi ko naman siya aawayin, hindi ko lang talaga alam kung na kontrol ko ba talaga ang selos ko sa kanya.

Kasalukuyan akong nasa venue ng prom namin. Maingay na musika ang sasalubong sa iyo at ang mga ilaw ay naka dim para na rin gumanda itong tignan. Mascarade ang theme ng prom kaya hindi ako nag gagala at basta basta na lang lumapit dahil hindi ko naman kakilala ang ibang nandito.

Nakahalukipkip lang ako at iniinom ang ikalawang baso ko ng alak.
Ayos lang naman siguro kung malasing ako ngayon dahil prom naman at maiintindihan naman siguro ng mga magulang ko.

Third Person's P.O.V

Umiinom si Joanna nang lumapit sa kanya ang President ng SSG.

"Ikaw yung bestfriend ni Andrew diba?" napatingin naman kaagad si Joanna dito at biglang napatayo at sinuri ang hitsura ng lalaki.

"Yes?" sinuri niya pa rin ito hanggang sa nalaman niya na rin kung sino ito.

"Khyll! Ikaw pala yan akala ko kung sino." Tumawa lang ang binata at umupo sa tabi niya.

"Hinahanap ko kasi si Andrew, may pag-uusapan kami" sabi ng lalaki kay Joanna.

Sinuklian niya lang ito ng ng tango at tahimik na inubos ang maiinom. Sinuri ni Joanna ang kapaligiran at hanggang ngayon hindi niya pa rin nakikita si Andrew gayong dati naman ay palagi itong nauuna sa kanya.

Napansin kaagad ni Khyll na natahimik si Joanna matapos niyang banggitin ang pangalan ni Andrew kaya naisipan niyang magtanong dito.

"Bakit hindi kayo magkasama?" Sinubukan ng binatang hindi maging masama ang tono ng kanyang pagtatanong.

"Nauna lang kasi ako dito. May iniutos sa kanya ang magulang niya."
Napatango na lang ang binata. Hindi niya alam na ang dalaga ay nagsisinungaling.

'Nasa babae niya ata'

Ang gustong isagot ni Joanna pero baka isipin ng lalaki na may galit siya sa kaibigan nito.

Biglang tumayo ang lalaki at nagpaalam na dahil magsisimula na ang prom.

Pagkaalis ng lalaki ay agad na nilapitan si Joanna ng grupo nila Loraine pero agad din siyang tumanggi dahil gusto niyang mapag-isa kaya naiwan siya ngayon na nag-iisa.

Nasa pang apat na baso na siya ng alak ng may kumuha ito at sa paglingon niya si Andrew pala ito.

Joanna's P.O.V

"Hindi pa nga nagsisimula ang party naglalasing kana." pagkatapos ay tinunga ang alak na hawak ko kanina.

Pumulupot ang isa niyang kamay at hinalikan ang noo ko pero imbes na matuwa ako ay nandidiri ako.

Anong akala niya sa meron kami bestfriend with benefits?

Umusog ako ng konti yung sakto lang na hindi dumikit ang katawan niya sakin. Napansin naman niya ito kaya umusog din siya palapit sakin. Uusog na sana ako pero hinawakan niya ang upuan ko at tinignan ako ng blangko.

Siya na nga ang late siya pa ang may ganang maging ganyan!

Siguro pumunta ito sa bahay!

Edi kayo na! Sana ay tumagal kayo!

"Sorry na late ako. Hinatid ko pa kasi ang bestfriend ko." Napansin niya ata na nalilito ako kung sinong bestfriend niya kaya kinuha niya ang cellphone niya at ipinakita ang isang litrato.

"Bestfriend kong lalaki si JR. Doon na kasi siya maninirahan sa US."

Diba Jo praning ka lang!
Bestfriend lang pala eh.

Magsasalita na sana ako pero nagsalita ang M.C ngayong gabi.

"Good evening ladies and gentlemen. Today is the day of your prom! As you can see first prom niyo na sa batch na ito. I hope na maging masaya ang gabi niyo at kung may hindi kayo nasasabi o nagagawa sa batch niyo, oras niyo na ito para gawin. Enjoy!"

Nabalot ng malakas na musika ang paligid at ang mga tao ay naghihiyawan at nagsasayawan.

Tumayo na ako at hindi inabalang tignan si Andrew na nakatutok din ang mukha sa dance floor.

Muntik pa nga akong matumba dahil sa todo sayaw ang mga tao pero mabuti nalang at naalalayan niya ako. Siguro kung hindi ko alam na may pinopormahan ang isang 'to baka kinilig pa'ko sa ginawa niya.

Hinawakan niya ang kamay ko at dinala ako sa gitna ng dance floor. Puno ng hiyawan ang mga tao at ang musika na kanina ay napakalakas ngayon ay biglang huminahon. Kami ang nasa gitna habang ang iba naman ay nasa gilid at nagsasayaw din.

Hindi ko alam kung praning ba ako o sadyang may mangyayari mamaya.
Natigil ako sa pag-iisip nang siya na mismo ang kumuha ng aking mga kamay at ikinawit sa leeg niya bago niya idiin ang sarili sakin.

"My bestfriend will always be precious and beautiful for me"

Tumibok ang puso ko dahil sa sinabi niya. Dahil sa matinding emosyon ay hinigpitan ko ang pagkakawit sa leeg niya at hinigpitan niya rin ang hawak sa bewang ko habang malapit kami sa isa't isa.

Hindi pa ako nakakarecover ng magsalita ulit siya.

"I want to say something to you and you're not allowed to talk until I'm not finished." Tumango lang ako at hinintay ang sasabihin niya. Habang hinihintay ko ito ay palakas ng palakas ang kabog puso ko at kinakabahan na rin ako. May halong kilig at kaba ang nararamdaman ko at hindi ko alam kung alin sa dalawa ang paiiralin ko.

"The first time we met, I already like you Jo. I like the way you are, like how you protest for your self kaya naisip ko sa sarili ko na gusto kitang maging bestfriend. Mataray ka kaya sinabi ko sa sarili ko na dahil ginusto kong mapalapit sayo dapat tiisin ko ito"

Something's wrong and I can feel it!

"We've been bestfriends for 8 years and I'm so happy na kahit kailan hindi moko iniwan. Nangako ka sakin na hindi moko iiwan ano man ang mangyari at ganun din ako sayo. Ikaw ang kasama ko sa lahat ng bagay masaya man o malungkot. Akala nila mommy na ginayuma kita dahil kahit anong gawin kong kalokohan ay nasa tabi parin kita HAHAHA"

Hindi ko na napigilan ang mga luhang kanina pa nagbabadyang tumulo. Agad ko itong pinunasan dahil baka masira ko ang tempo niya.

Drew don't tell me you're leaving me because of her please!

"God knows how much I love you and how precious you are to me. Hindi ka ba nagtataka last month naging sweet ako sayo? Nakakatawang isipin na kung sino pa ang nagsimula ng rule ay siya rin pala ang sisira nito. I want to take our friendship to the next level after that party pero nabago Jo. I met the innocent girl, your cousin and all my feelings for you came back to normal. Alam ko na may gusto ka sakin. Matagal ko ng alam pero Jo, I don't want to hurt your cousin so gumawa ako ng paraan."
Hinawakan niya ang balikat ko at iniharap sa kanya.

Tila isang masakit na salita ang pagkakasabi niya ng susunod na kataga.

"Tonight, I've decided to stop this friendship. I love her Jo and I don't want to see Gines hurting because of our friendship. I'm planning to make her mine and it will just become successful if we end this. Always remember that you will always be my precious gem. I'm sorry"

Pagkatapos ay hinalikan ang noo ko at iniwan akong nakatulala dahil sa sinabi niya. Hindi ko magawang makalakad kahit gustong gusto ko ng tumakbo paalis sa lugar na ito at habulin siya.

Bakit ang bilis mong itinapon ang pagkakaibigan natin dahil lang sa kanya?

Hindi ba sapat ang taon na kasama ako?

Tanggap ko naman eh hindi naman ako mang gugulo kahit na magkatuluyan kayo. Kailangan ba talagang iwan ako?

Dinala pa talaga ako sa gitna para lang paiyakin!

Dala ng pagkatulala ay hindi ko napansin na inaalalayan na pala ako ng grupo ni Loraine.

Gusto kong umiyak ng umiyak pero pagkatapos niyang sabihan na tinatapos niya na ang pagkakaibigan namin ay biglang nawala ang mga luha ko. Hindi ko na alam kung paano ko pa ilalabas ang sakit sa puso ko.

"Iuwi na lang kaya kita sa inyo Jo."
Agad akong umiling sa sinabi ni Loraine at kumuha ng isang basong alak. Akala ko ay pipigilan nila akong uminom pero hinayaan lang nila ako.

Hindi rin naman pala ako maiiyak mas mabuti pang lunurin ko na lang ng alak ang sarili ko.

"Girls uwi na muna ako. Napagod ako sa drama HAHA." sabi ko dito at agad naman akong inihatid ni Loraine sa bahay.

Tahimik akong pumasok sa kwarto habang dala ang malalaking bote ng alak. Lalagpasan ko na sana ang kwarto ni Gines nang mahagip ko ang kwarto nito na nililinisan at wala ng tao. Siguro umalis na rin dahil ayaw niyang ahasin ko ang future jowa niya.

You don't want me? Fine! Huwag ka lang magtatangka pang bumalik sa buhay ko Drew dahil kahit anong gawin mo wala ka ng babalikan!

Pinagkaisahan niyo akong saktan kaya sige magpakasaya kayo! Tignan natin kung kaya bang gawin lahat ng pinsan ko ang mga bagay na ginagawa ko sayo.

Kasabay ng pag lagok ko ng alak ay ang sunod-sunod na pag-agos ng aking mga luha.




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top