Chapter 8

Joanna's P.O.V

Pinipilit kong ngumiti habang sinasabayan sila sa pag tawa. Simula ng sumama ako sa kanila ay hindi parin ako makatawa ng maayos lalo na at bumabagabag sakin ang sinabi ni Angelie sakin kanina tungkol kay Andrew.

Hindi kasi ugali ni Andrew ang bumili sa isang jewelry shop maliban nalang kung may nag utos sa kanya pero sabi kasi ni Angelie narinig niya daw itong nagpa-customize ng couple necklace.

Hindi kaya para sa pinsan ko yun?

Hindi naman ata dahil alam ko na alam ni Gines na gusto ko si Andrew pero kanino kaya niya ibibigay.

"Hoy girl kanina ka pa lutang! Dahil ba sa sinabi ko kanina?" agad naman akong napatingin kay Angelie at agad na umiling. Sumipsip nalang ako sa maiinom at nagfocus sa pagkain.

"Ano ang problema mo Jo? Hindi ka ata masaya simula kanina"
mahihimigan sa tono ni Loraine na nag-aalala ito sakin.

Paano ako sasaya sa nalaman ko lalo na't may duda akong sa pinsan ko iyon ibibigay.

"Napagod lang siguro ako kakalaro kanina Lor" ngiti ko dito bago binalingan ng atensyon si Angelie na nakatingin din pala sakin.

"May narinig ka ba tungkol sa design ng kwintas?"

"Wala eh pero mamaya dadaan ako at tatanongin ko. Okay?"
tumango naman ako at ngumiti sa kanila. Bigla naman silang natahimik dahil hindi nila alam kung paano pa gagaanin ang paligid.

"I know how to make you smile Jo!" masiglang saad ni Marinel kaya napatingin kami sa kanya nang naka kunot ang noo.

"Duh! simple lang naman. Mag shopping kaya tayo para sa prom bukas diba? at para narin makapag bonding tayo at mawala ang stress"
sinabayan pa niya ng pagpaypay sa sarili. Napangiti na lang ako sa kaartehan niya.

"By pair tayo para marami tayong mabili. Ako at si Joanna, Marinel at Angelie" suhestisyon ni Loraine na agad pinatahimik ni Denelyn. Minsan talaga naiisip ko na hindi marunong magsalita si Denelyn kasi kanina pa sya tahimik at panay lang ang drawing niya sa phone.

"Saan ako sasama? So ano loner ang role ko ngayon?" mataray na tanong nito at tumaas pa ang isang kilay.

"Edi samin ka sasama! Kaloka ka isip-isip din kasi huwag puro drawing" inirapan na lang ni Denelyn si Marinel.

Napaka cute nilang mag asaran. Ganito kami dati eh kaso pakiramdam ko unti unti na siyang naiirita sakin. Hindi na ako magtataka kung isang araw ay mapuputol ang pagkakaibigan namin dahil lang sa isang babae.

"What's wrong Jo?" agad na tanong ni Loraine nang makalayo na kami sa grupo. Agad akong umiling at ngumiti para ipakitang ayos lang ako.

"You can talk to me Jo. I'm still your big sis after all" Napangiti naman ako sa sinabi niya. Bigla ko tuloy naalala kung paano ko siya tawaging Ate dati dahil sa height niya. Matangkad si Loraine at skinny kaya mature siyang tignan.

"May bumabagabag lang sakin Lor pero I'm sure mawawala din ito." binigyan ko siya ng malaking ngiti bago kinuha ang pares ng damit na nakita ko. Hindi ko naman talaga type ang damit kaya lang wala akong ibang choice para takasan siya dahil magtatanong lang naman yun panigurado.

Ibinigay ko kaagad sa counter ang damit na napili ko at nang nakita ko siya ay isinama ko na rin ang sa kanya. Nang una ay ayaw niyang tanggapin na libre ko na pero sinabi ko na lang na pasasalamat ko tutal hindi din naman ako magbabayad ng mga pinamili namin.

Samin kaya itong mall!

"Asan na sila Lor? Ang tagal ata nilang mamili" Tinignan ko siya at hindi nakatakas sa aking paningin ang pagkabahala niya.

"Anong nangyayari?" tanong ko ulit dito.

'Tumingin ka sakin Lor'

"Kasi sinabihan ko sila na mamaya na babalik. I just want to comfort you baby girl. I don't wanna see you sad."
May humaplos sa aking puso dahil sa ipinaparamdam niyang concern sakin. All this time akala ko si Andrew lang ang makakaintindi sakin pero ngayon napatunayan ko na masaya ako sa grupo nila kahit na wala si Andrew.

Yumakap na lang ako sa kanya at naramdaman ko naman ang paghaplos niya sa aking ulo.

"Kung nababahala ka na baka may babae nga si Andrew wala namang kayo kaya wag mo ng dibdibin dahil wala ka ring dibdib."

Imbes na pagaanin ang loob ko ay inasar pa talaga ako. Tinignan ko ito ng masama bago humiwalay sa yakap.

"Napaka ano mo! Pag lumaki talaga dibdib ko who you ka sakin!" pagtatampo ko dito. I'm so comfortable with her and I like it.

"Hindi yan lalaki maliban na lang kung may lalaki kang taga ano diyan" hagikhik nito at pagkatapos ay tinignan ako ng seryoso.

"Kanina napaka mapang-asar mo tapos ngayon ang seryoso mo. May dalaw ka?" pabiro kong sabi pero seryoso pa rin siyang nakatingin sakin.

Napaka moody niya ata.
Baka naman hindi ito nakakain ng maayos at lumuwag ang tornilyo sa utak.

"Bukas na ang prom anong plano mo?"

"Wala naman. The usual prom yung magsasayaw, kakain tapos uuwi."

"Diba may bumabagabag sayo. Makikipag partner ka parin ba sa kanya? I can talk to our teacher kung di mo gusto" I saw concern in her eyes but then again I said no.

"Hindi ko ito tatakasan. I can pretend naman."

"Why don't you ask him? Kayo naman ang partner diba?"

Dahil sa sinabi niyang iyon ay nakaisip ako ng ideya.

Maganda naman ang suhestisyon niya pero handa ba ulit akong masaktan kapag nalaman ko ang totoo?

"Hindi ko alam kung kaya ko ba."
Pinipigilan kong tumulo ang luha ko.

Be strong Jo, hindi yan first time!

"Don't tell me sa lahat ng babae ni Andrew sa babaeng di natin kilala ay mababahala ka?"

Agad akong umiling bago sumagot sa kanya. "May naiisip akong babae at hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nalaman ko ang totoo"

This can't be Gines!
She won't betray me!

"Kilala ko ba? Gusto mo tanongin ko?" Agad akong umiling sa huling sinabi niya.

"Isang babae lang naman ang binabanggit niya sa harapan ko pero hindi ako sigurado.. baka na papraning ako"

Tama praning lang ata talaga ako!
Baka yung kwintas ay para sa magulang niya.

Pero hindi naman ugali ng magulang niya na magsuot ng couple stuffs!

"Pinsan mo?"

Napatingin ako dito ng nagtataka na agad naman niyang nakuha.
Inayos na muna niya ang damit niyang medyo nagusot bago nagsalita.

"You know Angelie diba. Magaling kumuha ng impormasyon at minsan aksidente naming naririnig ang pinag uusapan niyo." tumango lang ako at sinu-bukang mag-isip.

"Jo, hindi naman first time na may natitipohang babae si Andrew. Sa likaw ng bituka niya alam nating lahat na madali siyang mahulog sa inosente at mahinhing babae tsaka hindi mo kasi sinabi sa bestfriend mo na gusto mo siya kaya maybe akala niya na wala siyang chance sayo" dagdag pa niya kaya napatingin ako dito bago napatawa.

"Lor, hindi ako pasado sa ideal type niya. Hindi ako mahinhin kumilos at hindi rin ako inosente at paano ang friendship namin kapag sinabi ko sa kanya ang totoo"
Mukha naman itong na stress sa pakikinig sakin.

"Ano bang usapan niyo kapag may nagkagusto? Friendship over ba? Kitang-kita namin Jo kung paano ka niya landiin. Napakatanga naman siguro niya kung iisipin niyang di ka magkakagusto sa kanya." may bahid ng pagkairita ang boses niya at tila ba naiinis siya kay Andrew.

"May lalayo kapag may nagkagusto Lor. Hindi ko kayang lumayo siya sakin. Paano nalang ako kapag iniwan ako ng bestfriend ko. Hindi ko kaya Lor." Pinunasan ko ang maliit na butil ng luha sa aking mata na kanina ko pa pinipigilan.

"Andito naman kami Jo, welcome ka sa grupo namin at kung yan ang desisyon mo isipin mo lang kung paano mo kinaya dati" ngiti nito sakin bago tumayo. "Ayusin mo ang mukha mo. Andito na sila"

Agad ko namang sinunod ang sinabi niya bago sumunod sa kanila.

Dahil sa sinabi niya kanina napagdesiyonan ko na sasabihin na lang sa kaniya. Kung ano man ang mangyayari alam ko na kakayanin ko.

Kakayanin ko ba talaga?

"Jo alam ko na kung ano ang design. Isa iyong araw tapos may nakaukit daw na Sun sa isa at shine naman sa isa. Baka sayo niya ibibigay"
Saad ni Angelie pagkalabas namin ng mall.

"Baka nga. Praning lang talaga ako. "sinabayan ko pa ng halakhak para maging makatotohanan.

"Sige na girls ha andito na sundo ko. Ingat kayo sa pag uwi" sabi ni Angelie bago siya nakipag beso sa amin.

Sunod sunod naman silang umalis dahil pagabi na rin hanggang sa naiwan ako kaya umuwi na rin ako tutal hindi na din naman babalik si Andrew dito.

Pagdating ko sa bahay, isang nakangiting Gines ang naabutan ko sa sala habang may kausap sa cellphone niya pero nang makita niya ako ay agad nawala ang ngiti niya at agad ibinaba ang cellphone.

Kalma Jo, hindi si Andrew ang kausap niya.'

"Ate kumain ka na ba? Sasabihan ko ang katulong na ipaghanda ka." Lumapit ito sakin at kinuha ang mga pinamili ko. "Ako nang mag-aakyat sa kwarto mo" Tumango lang ako at naalala ko ang kwintas kaya hinawakan ko ang braso niya para humarap sakin.

'Isa iyong araw tapos may nakaukit daw na Sun sa isa at shine naman sa isa'

May kwintas siya at pagharap niya sakin kita sa mukha niya ang pagkalito.

'So siya nga ang binigyan ni Andrew'

"Ang ganda naman ng kwintas mo Jayns. Sino nagbigay?"

"Kaibigan ko lang naman. Sige na ate akyat ko na pinamili mo kumain ka na lang." tumango lang ako dito bago nagpatuloy sa kusina.

'Kaibigan Jayns ha'

Halata sa boses niya na nagmamadali siya kanina matapos kong tanongin siya at halata din na kinakabahan siya.

'Bakit ako pa ang napili mong agawan Jayns? Sa lahat pa ng tao ako pa na pinsan mo!'

Imbes na kumain ay kumuha ako ng alak at inilagay sa isang tray at tinakpan iyon ng itim na tela bago pinaibabawan ng mga prutas upang hindi malaman ng mga katulong.
Hindi ako sasama sa kwarto niya ngayon. Bakit ako sasama kung may kwarto ako dito? PAMAMAHAY KO ITO!

Pagpasok ko ay agad kong tinunga ang isang bote ng alak at hinayaang umagos ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

Ang sakit lang kasi wala akong karapatang sabihin sa kanya na nagseselos ako at wala rin akong karapatang sabihin sa pinsan ko na wag niyang kukunin si Andrew dahil hindi naman siya sa akin.

'You are a Sy anak at hindi sumusuko ang isang Sy!'

Bumalik sa isipan ko ang sinabi ni Mom. Agad naman akong natigilan sa pag-inom bago hinarapa ang salamin.

Tama! I'm a Sy at bukas ko sasabihin sa kanya ang lahat. Bahala na kung anong mangyari basta alam niya pero sa ngayon kakalimutan ko muna ang lahat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top