Chapter 6

Gines P.O.V

Malaki ang ngiti ko habang papasok sa room namin. Hindi ko akalain na pupunta talaga siya dito para lang sa number ko. Baka nga totoo ang sabi ng mga kaibigan ko na mutual ang feelings namin.

"Ang haba ng hair mo Jayns. Akalain mong bumyahe pa para lang makuha ang number mo" bulong ni LK.

"Hindi naman baka makikipag kaibigan lang" sabi ko na pilit itinatago ang kilig.

"Kami pa lolokohin mo? Ang layo kaya ng paaralan nila para puntahan ka dahil lang sa numero" saad naman ni Arabella na panay ang hampas sakin.

"Kaya nga, sana may dumating din dito para hingin ang number ko" sabi ni LK at naghagikhikan silang dalawa.

Napangiti nalang ako dahil baka totoo nga na gusto niya rin ako. Hindi naman masyadong malayo ang edad namin and besides ideal man ko rin siya.

Naputol ang pag-iisip ko ng tumunog ang phone ko at may di nakarehistrong numero ang nag text pero sa isip ko gusto kong si Andrew ito.

"Hi Jayns! Nakabalik nako sa school. Take care always^_^"

Agad akong napangiti sa nabasa ko. Feeling close talaga ang isang toh.

"Sinong nag text at nakangiti ka?" bulong ng bestfriend kong lalaki na si Mark.

"Wala naman hehe. Sige na aral ka muna baka may quiz ulit tayo"
Binigyan niya muna ako ng mapanuring tingin na tila binabasa niya kung sino ang nag text sakin.

"Siguro crush mo yan. Ingat ka dyan ha"

Napangiti nalang ako sa pagiging protective ni Mark. Crush ko rin siya dati pero nawala din yun kasi mas pinahahalagahan ko ang pagkakaibigan namin at ganun din siya.

Kinuha ko nalang ang libro ko at nagsimulang magbasa habang hinihintay ang teacher namin ngayong hapon. Hindi pako natatapos sa isang pahina ng umilaw ulit ang phone ko.

Andrew: "Pupunta ako sa bahay ng pinsan mo baka lang naman gusto mong magpakita"

Ano naman kaya ang gagawin nila? Napaka close ata talaga nila ng pinsan ko.

Ako: "Sige susubukan kong pumunta bukas. Ano bang gagawin niyo?"

Hindi lumipas ang isang minuto ng mag reply ito. Nakikinig ba 'to sa klase?

Andrew: Babawi kasi ako sa pinsan mo, nagkaroon kami ng alitan kanina.

Napaka importante ba talaga ng pinsan ko sa buhay niya?

Hindi na ako nag reply dahil baka kunin pa ang cellphone ko sa teacher na kanina pa pala nakapasok. Mabuti nalang at sinenyasan ako ni Mark.

"See you on Monday! Enjoy your weekend" Pagkatapos kong marinig ang sinabi ng teacher ay agad akong nagpaalam sa mga kaibigan ko at lumabas ng room.

Pagkalabas ko ng gate namin ay agad akong pumara ng taxi at nagpahatid sa address ng opisina ni Mom. Hindi ko na inabalang tawagan ang driver namin at maghintay ng ilang oras para lang makapunta sa opisina. Magpapaalam akong mag overnight sa bahay ng pinsan ko at hindi ko na dapat itong patagalin.

Pagkarating ko ay agad akong nagbayad at tinungo ang elevator.

Ano kayang sasabihin ko kapag hindi ako pinayagan? Sabihin ko kayang magpapaturo ako sa assignments ko pero hindi sa pagmamayabang mas mataas naman ang grades ko.

Para akong tangang nakikipag-usap sa sarili ko habang papunta sa office ng mommy ko.

"Hey Mom!" agad na bati ko at humalik sa pisngi niya.

"Baby! Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sakin habang sinusuri ako.

"Mom magpapaalam sana akong mag overnight sa bahay nila Ate Joanna bukas" sabi ko habang nakapikit ang isang mata dahil sa baka hindi ako payagan.

"Nasabihan mo na ba si Joanna? Busy ata siya dahil sa prom nila" Dahil sa sinabing iyon ay nakaisip ako ng palusot para payagan ako.

"Kaya nga po ako pupunta dahil tutulungan ko siyang mamili ng isusuot niya."

"Anak, alam nating pareho na modelo ang pinsan mo and I'm sure may nakahanda ng gown yun.. alam mo naman yung tita mo" sabi ni Mom kaya napatango nalang ako at tinignan siya ng matang nagmamakaawa.

"Pero kung gusto mo talaga sige sasabihan ko ang tita mo tutal aalis kami ng Dad mo bukas" Agad naman akong napangiti sa narinig ko kaya kinurot ni Mommy ang ilong ko kaya napadaing ako ng wala sa oras.

"Huwag kang magiging pasaway sa pamilya nila ha. Limang buwan kaming mawawala anak kaya doon ka muna sa kanila ng limang buwan. Ayos lang ba?" tanong nito sakin kaya di ko na talaga napigilan ang sarili ko na yakapin siya.

"Ofcourse Mom dati nga isang taon akong nakitira doon diba"

"Sige na magempake kana para makapunta kana sa kanila"

"Kailan ba ang alis niyo?"

"Ngayong gabi. Balak ko sanang sabihin sayo pag uwi ko pero pumunta kana dito kaya nasabi ko"
Agad akong tumango at humalik sa pisngi niya bago magpaalam.

Abot langit ang ngiti ko habang iniisip na magkikita kami at baka nga pumunta siya mamayang gabi sa bahay ng pinsan ko. Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa bahay namin na di naman masyadong kalayuan kaya dumating kaagad ako.

Pagpasok ko sa bahay ay dinial ko ang numero ng pinsan ko na agad naman niyang sinagot.

"Hello Jayns?"

"Hi ate pwede ba akong diyan tumira ng limang buwan?"

"Ofcourse, nasabi na rin sakin ni Tita"

Baka magkasama sila ni Andrew. Hmm makapunta nga kung nasan man siya.

"Asan ka po ngayon?"

"Andito sa bahay may mga kaklase akong nandito. Pumunta ka nalang dito kapag tapos kana"

"Sige ate see you"

Pagkatapos ay pinatay ang tawag. Si Andrew kaya tawagan ko pero baka sabihin niya na pinapapunta ko siya doon pero sabi ng pinsan ko may mga kaklase siya. Yay! baka nandun si Andrew.

Dahil sa naiisip ko ay agad kong kinuha ang mga damit na dadalhin ko sa bahay nila. Hindi naman maraming gamit ang dinala ko dahil may mga damit naman ako sa bahay nila.

"Bye manang ingat po kayo" paalam ko sa mga yaya sa bahay at nagpahatid sa driver namin.

Pagpasok ko sa bahay may mga lalaking boses akong naririnig.
Marami bang lalaking kaibigan ang pinsan ko?

Pinasadahan ko ng tingin ang mga ito at tatlo ang chinito isa na dun si Andrew at dalawa ang mukhang pinoy.

Hindi ata nila ako napansin kaya pinagmasdan ko muna ang pinsan kong sinusuyo ni Andrew.

"Samahan mo na kasi ako bukas" pagmamakaawa ni Andrew. Ang cute niya talaga habang nagmamakaawa.

"Pizza na naman Drew. Papatabain mo ba ko ha?" pagtataray naman ang pinsan ko habang nag c-cellphone.

"Kahit naman tumaba ka mahal parin kita" Pagkarinig ko sa sinabi ni Andrew ay tila may sakit akong naramdaman sa puso ko. So crush niya lang ako at ang pinsan ko ang mahal niya.

"Ang tagal niyo ng magbestfriend dude. Ligawan mo na kaya" kantyaw ng isang chinitong may blonde na buhok.

"Hindi ako mahal pre"

"You're a Dy sino bang hindi papatol sayo?" usal naman ng isang chinitong naka clean cut.

"Ako" sabi ng pinsan ko at napatingin sa direksyon ko kaya nakita niya ako.

"Jayns! Kanina ka pa ba diyan?" tanong nito sakin at nilapitan ako para kunin ang mga gamit.

Napatingin naman ang limang lalaki sakin at agad ngumiti sa pinsan ko.
Mukha silang playboy lahat.

"Bata pa kaya umalis na kayo sa pamamahay ko" pagtataray ulit ng pinsan ko habang pinapatayo ang apat na lalaki at iniwan si Andrew sa pwesto nila kanina.

"Fine alis na kami"sabi ng isang maskuladong pinoy bago bumaling kay Andrew. "Di mo ba iiwan jowa mo pre? Walang kukuha kay Joanna" at ngumisi pa.

"Gago, sige na alis na kayo sunod ako sa inyo ha" na agad tumayo at pinagtatabuyan ang mga kaibigan nito sa pintuan.

"Akyat ka muna Jayns may pag uusapan lang kami. Ako ng bahala sa gamit mo" sabi nito kaya napatango nalang ako at pumunta sa kwarto ko na hindi binibigyan ng tingin si Andrew na ramdam kong kanina pa nakatingin sakin.

"Manang! paki akyat nalang po ng mga gamit niya. Thank you po"rinig kong sabi nito sa isang katulong niya na sumunod naman kaagad sakin.

Imbes na magpahinga ay sumilip ako sa nangyayari sa baba.

Kita ko dito kung gaano sila ka lapit sa isa't isa. Klaro sa mata ni Andrew na gusto niya ang pinsan ko at ganun rin ito sa kanya. Mali ata ang napasok ko dito.

Nakasilip lang ako habang tinitignan kung gaano kahigpit ang yakap ni Andrew sa kanya at humalik sa noo bago umalis sa bahay nila.

Napagdesisyonan kong humiga sa kama at magpahinga nalang. Kakapikit ko palang pero may kumatok sa pinto kaya bumangon ulit ako at binuksan ito.

"Sinabihan kami ng pinsan niyo na mamaya pong alas otso at maghahapunan po kayo"agad akong tumango at bumalik sa kama ko para magpahinga.

Sana talaga pag gising ko mamaya mawala na rin ang nararamdaman ko para kay Andrew. Hindi ko naman gustong masira ang relasyon naming dalawa ng pinsan ko dahil lang sa isang lalaki kaya mabuti ng ako ang mag paraya tutal hindi naman gaanong malalim ang pagkaka kilala ko kay Andrew.








Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top