Chapter 49
Joanna's P.O.V
"Did you know that the man sitting beside you is your 3rd degree cousin?"
Lahat ng tao sa loob ng silid na iyon ay hindi nakapagsalita pati na si Andrew. Tahimik lang itong nakikinig sa mga pinagsasabi ng ina. Gusto man niyang pigilan ito pero hindi niya magawa dahil may parte din sa kanya na gustong marinig ang sasabihin ng ina.
"What are you talking about tita? If you hate me for hurting your son then you can tell me directly and please stop making stories."
Naiinis na si Joanna sa ginang. Hindi siya naniniwala sa mga pinagsasabi nito dahil kahit kailan ay hindi niya nakita si JR sa family reunion.
"I'm not making stories ija, Did you ever wonder what is the middle name of your boyfriend?"
Natahimik ang dalaga sa sinabi nito. Kahit kailan ay hindi siya nagtanong sa nobyo tungkol sa bagay na iyon.
"What is your middle name?"
Kasabay ng pagbulong niya kay JR ay ang pagbabakasakali niya nna sana ay hindi sila magkadugo.
"Lim"
Agad gumuho ang pag-asang namumuo sa puso ng dalaga. Sa side ng ina niya ang mga Lim kaya naging daan yun para maikasal sila ng ama nito. Nakagawian kasi sa pamilya ng mga ninuno niya na chinese is for chinese.
"Paanong? Mom didn't t---"
Hindi na natapos ng dalaga ang sasabihin niya dahil nagsalita ulit si Jethsel.
"Ofcourse she won't tell you because it's their plan. It's your mom who made this war between our family ija."
Imbes na sumagot si Joanna dito ay inutusan niya ang mga bodyguards na palabasin ang media. Hindi niya gustong kumalat ang nakakahiyang pangyayari sa buhay niya.
Pagkalabas ng media ay namataan niya si Andrew na tahimik lang at seryosong nakamasid sa kanila. Lumapit naman ang ina nito sa dalaga kaya dito napunta ang atensyon nito.
"Plano ng ina mo na ipakasal ka sa pamilya niyo para ang yaman ng pamilya niyo ay mananatiling inyo."
Hindi niya maintindihan ang lahat ng pinagsasabi ng ginang. Hindi niya kasi kailan man inisip na gahaman ang kanyang ina pagdating sa kayamanan.
Tinignan niya si JR at seryoso lang itong nakikinig sa ginang.
"Paanong nangyari yun? Ang ibig niyong sabihin ay planado ang lahat mula sa pag-iwan sakin ni Andrew?"
Tumango ito sa kanya bago nagpatuloy.
"Alam ng ina mo na madaling maakit ang anak ko sa mga inosenteng babae kaya gumawa siya ng paraan para magkakilala ang pinsan mo at ang anak ko. Inutusan ng ina mo si Gines upang paibigin ang anak ko at hindi naman ito nabigo. Nasaktan ka ng sobra kaya bumalik ka sa dating ikaw at nakilala mo si JR." Bumaling ito kay JR na kalmadong nakatingin.
"Kinausap ng mga magulang niyo ang mag-asawang Sweet upang hilingin na kayo ang maging pares sa lahat ng proyekto at hindi naman sila nabigo sa plano nila. Tutol ang mga ama ninyo pero hindi maaaring magreklamo sa mga ina ninyo dahil mahal nila ito."
Pareho silang hindi makasagot ang hinahanap ang tamang sasabihin nila. Hindi parin kasi pumapasok sa utak nila na magkadugo sila at muntik pa nilang pakasalan ang isa't isa.
Ayos lang naman kung magpakasal ang magpinsan pero hindi kasi nila masikmura na kadugo nila ang mapapangasawa nila.
"Paano po kayo nakakasiguro sa bagay na ito Tita? Sino po ang may pakana nito?" Tanong ni JR kay Jethsel at sinagot naman siya nito nang walang kahirap-hirap.
"Your Mom"
Natahimik si JR at tumungo. Nahihiya kasi siya kay Joanna. Hindi niya alam kung paano ito pakikitungohan.
"Alam ba nina Mommy ang ginagawa niyo ngayon Tita?"
Tumango si Jethsel at tumingin sa relos nito.
"Sa tantya ko ay malapit na sila dito." Agad na tumayo si Joanna at nagmamadaling umalis sa silid na iyon. Hinawakan naman kaagad ni Andrew ang braso nito para pigilang lumabas.
"How are you Jo?" nag-aalalang tanong ni Andrew kay Joanna na agad namang sinuklian ng ngiti.
"I'm beautifully broken, a beautiful disaster"
Mapait ang tono nito kaya mas lalong naawa si Andrew. Gusto niyang yakapin ang dalaga pero hindi niya magawa.
Kinuha ng dalaga ang braso nito at hinaplos ang mukha ni Andrew para pakalmahin ito.
"I'll be back. I promise" at tuluyan nga itong lumabas sa silid.
Nakatingin lang sila sa pinto kung saan lumabas ang dalaga. Ang buong akala nila ay makikita pa nila ito pero hindi nila alam na nagpaplano itong magpakalayo-layo.
Ilang minuto pa ang lumipas at biglang bumukas ang pinto at iniluwa doon ang mga magulang ni Joanna at JR na halatang nagmamadali.
"Where is my daughter?" seryosong tanong ng ama ni Joanna kay JR.
"Umalis po siya pero sabi niya ay babalik din po siya." Tumango lang ang ama nito at tahimik na tumingin sa labas ng building. Pinipigilan niya ang sariling mag-alala sa sitwasyon ng anak.
"Anong ginawa mo Jethsel! Pinagkatiwalaan kita pero anong ginagawa mo? Sinaktan mo ang anak ko!" Lahat ay naalarma sa biglang pagsigaw ng ina ni Joanna at sa malakas na sampal na narinig nila.
Agad namang dinaluhan ni Andrew ang ina nito at inilayo kay Joan. Bago pa tuluyang mailayo ni Andrew ang ina ay sinampal nito si Joan.
"Huwag mo akong pagbintangan sa kahangalan niyo dahil hindi ako nagplano ng lahat. Pinigilan ko lang na mas lalong masaktan si Joanna dahil sa pagiging gahaman ng kanyang ina!"
"Kung sana ay hinintay mo na sabihin at ipaintindi ko sa kanya ang lahat edi sana maayos ang lahat!"
Tumawa ng peke ang ina ni Andrew bago sumagot dito.
"Talaga bang may plano kang sabihin sa kanya ang lahat kung nagpaplano na nga kayo ng kasal."
Itinaas ni Joan ang kamay nito at dinuro si Jethsel.
"Sa oras na may mangyaring masama sa anak ko, ikaw ang unang mananagot Jeth at patawarin ako ng panginoon sa maaari kong magawa sayo."
"Diba dapat humingi ka muna ng kapatawaran sa nagawa mong kasalanan sa anak mo bago ang plano mo para sakin? Huwag mong sabihin na hindi mo tanggap na nasaktan mo ang anak mo?"
Lalong nainis si Joan dito kaya sinubukan niyang abutin si Jethsel para hilahin ang buhok nito pero hindi natuloy dahil pinigilan ito ng ama ni Joanna.
"Umalis na muna kayo Drew para hindi na lumaki ang gulo."
Tumango lang si Andrew dito bago inilabas ang ina na hindi naman nagreklamo.
Naiwan ang pamilyang Sarmiento at Sy na nag-aalala kay Joanna. Iba kasi ang kutob nila sa pag-alis nito at baka may mangyaring masama dito lalo na't gabi na.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top