Chapter 47

7:00 P.M.

Andrew's P.O.V

"Is this Charles Mendez?"
Kabadong tanong ko sa kabilang linya.

Hindi ko kasi alam kung siya ba talaga 'to o baka ay hindi niya ako tulungan.

"Yes. Who is this?"

Hindi naman galit ang tono nito kaya nagpatuloy ako.

"James Andrew Dy"

Humalakhak ito na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"I didn't expect that you would call Mr. Dy"

"I'm sorry for wasting your time sir, but I need to ask some questions about Miss J"

Humalakhak ito na parang inaabangan niya ang sasabihin ko. Kinabahan ako sa tawa nito kasi parang anytime magagalit ito sakin at putulin ang tawag.

"Spill the beans" Nakahinga ako ng maluwag at agad sinabi ang pakay ko.

"Pwede po bang bigyan niyo ako ng info kung nasan si Joanna ngayon? I can explain po kung bakit ko siya hinahanap"

"No need to explain Mr. Dy, I already knew the connection between the two of you."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito at hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung magpapatuloy ba 'ko o ibaba ko na lang at magsisikap na lang akong hanapin si Joanna.

"May photoshoot and interview siya bukas at sa pagkakaalam ko ay exactly 7 yun magsisimula."

Nakangisi lang ako habang nakikinig sa mga pinagsasabi nito. Naririnig ko palang ang mga sinasabi nito ay may nabubuo na akong plano kung paano siya surpresahin.

"Anong oras po magsisimula ang interview?"

Plano ko kasing tignan lang siya sa malayo kapag photoshoot niya at kapag interview niya ay tsaka lang ako magpapakita.

"Around 7 or 8"

"Thank you so much sir. Hindi ko talaga inakalang tutulong kayo sakin."

Tumawa ito sakin kaya napatawa na rin ako kahit hindi ko alam kung matutuwa ba si Joanna kapag nakita ako.

"Always welcome at sana naman huwag mo na siyang saktan ha. May umabot saking balita na pinagsamantalahan mo ang super model ko"

Ang kaninang tawa ko ay biglang nawala. Unti-unting namumuo ang hiya sa aking katawan dahil sa sinabi nito. Nararamdaman ko na hindi ko ata deserve ang tulong niy at parang napakakapal ng mukha ko dahil sa ginawa ko.

"Pasensya na po sir. I know na dapat ay nasa rehas po ako ngayon dahil sa nagawa ko pero handa po akong itama lahat ng nagawa ko."

Hindi ito nagsalita kaya mas lalo akong kinabahan. Para kasing ipinapamukha niya sakin na napaka desperado kong tao dahil sa ginawa ko.

Inaamin ko naman na talagang nagawa ko yun dahil yun lang ang tanging paraan na naiisip ko para hindi ito lumayo sakin. Kung may nangyari samin ay handa ko itong panagutan at handa kong gawin ang lahat para maibalik ang pagmamahal niya sakin.

Bumuntong hininga muna ako bago ako nagpatuloy sa pagsasalita.

"Sobra po kasi akong kinain ng selos ko nang makita ko sila ni Jhon Rich. Hindi ko kasi kayang makita siyang nasa piling ng iba habang ako ay nagsisisi sa pag-iwan ko sa kanya."

Kasabay ng aking pagsasalita ay ang pagdaan ng kirot sa aking puso. Bumabalik na naman ang sakit na kanina ay nakalimutan ko kakaantay sa kanya.

"I promise I'll love her with all my heart sir. Hindi ko na po uulitin ang ginawa ko sa kanya. Just give me your trust."

Tumawa ito pero hindi lumuwag ang pakiramdam ko sa halip ay mas lalo pa akong kinabahan. Tumawa din kasi ito kanina bago naging seryoso.

"Talagang hindi mo na magagawa ulit yun dahil mas dumoble ang bantay niya kompara sa dati."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya dahil apat lang ang nakikita kong mga bantay nito. Hindi na lang ako nagkomento at hinintay na baka may sasabihin pa ito.

"Sa totoo lang ay hindi ko gustong magkatuluyan kayo pero if ever na ikaw ang piliin niya sana naman ay pahalagahan mo na ito dahil hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sayo."

Imbes na matakot ako sa banta nito ay mas lalong naging panatag ang loob ko. Alam ko na kasi na hindi nila pinapabayaan si Joanna at itinuturing siya nito bilang isang pamilya.

"Noted sir! Pasensya na po talaga sa abala."

Humanap ako ng mauupuan para maupo muna dahil mukhang mangangalay ang binti ko kapag hindi ako uupo.

"Who is the CEO now?"

"Still me sir pero si Dad na muna ang bahala habang nandito ako sa US"

"US? Pwede bang magset ng meeting? May iddiscuss ako sayong new project"

Lumiwanag ang mukha ko dahil sa narinig. Hindi ko pwedeng tanggihan ito dahil mas tumaas ang ratings namin after ng pre-release sa magazine.

"Ofcourse sir. Alam niyo naman na kailangan namin ng fame para lumago kami." at kailangan ko din si Joanna para umunlad ang buhay ko.

"Just call me anytime. I need to go dahil aasikasuhin ko pa ang interview ni Joanna bukas."

"Thank you po ulit."

Ibinaba ko na ang tawag at agad tinungo ang parking lot dahil plano kong mamili ng mga damit. Nakalimutan ko kasing kumuha ng damit kagabi at ang tangi ko lang kinuha sa bahay ay itong kotse. Malayo na kasi kapag uuwi pa ako ngayon para lang kumuha ng gamit at sayang din ang gasolina mabuti sana kong kasama ko siya para naman may inspirasyon ako habang nagmamaneho.

Naging madali lang ang byahe ko dahil walang traffic sa US at hindi din ito kalayuan sa hotel.

Pagpasok ko ay may mga babaeng tumitingin sa akin at ngumingiti. Nginitian ko lang din ito bago pumasok sa isang designers shop.

"Good Morning sir! Welcome to El Duche Fashion Club"

Nakangiting bati nito sakin kaya nginitian ko na lang pabalik. Lumapit ako sa mga nakahilerang damit at tinignan ang mga nakadisplay. Sa oras na ito ay hindi ko alam ang bibilhin ko dahil sa tuwing bibili ako ay kasama ko si Joanna at noong wala si Joanna ay ang ina ko naman ang palaging bumibili para sakin dahil nagiging busy ako sa trabaho.

"I can choose a perfect shirt for you sir."
Tumango ako dito at sinimulan niya ng maghanap. Umupo na muna ako at inilibot ang paningin ko. Naputol lang naman yun dahil may tumawag sakin.

"Yes mom?"

"I'll be in US tomorrow kaya sunduin mo kami sa bahay natin bukas."

"Anong oras?"

"6 in the evening"

Kung susunduin ko sila ay aabot yun ng dalawang oras papunta at pabalik sa hotel na kinalalagyan ko at kalahating oras para makarating sa lokasyon ni Joanna.

"Mom di ba pwedeng agahan niyo? May lakad kasi ako."

"Sinong importante? Pamilya o yang lakad mo?"

Napabuntomg hininga na lang ako dahil kahit kailan ay wala akong laban sa ina ko.

"Fine, see you tomorrow. Love you"

Biglang nawala ang gana ko matapos ang tawag. Nilapitan ko na lang ang babae at inutusan kong ibalot lahat dahil kukunin ko ito. Hindi na rin ako nag-aksayang mamili pa ng iba dahil talagang wala na akong gana.

Gabi na rin naman kaya napagpasyahan ko na umuwi na lang at planohin kung ano ang dapat kung gawin at sabihin sa kanya kapag nagkaharap kami bukas.

'Sana talaga maging maayos na kami'

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top