Chapter 45
Joanna's P.O.V
Pagkarating namin ni JR sa airport ay agad naming tinahak ang daan papunta sa bahay nila. Isang oras na kaming late dahil na delay ang flight namin. Nagmamadali pa nga kaming makalabas ng eroplano kaya hindi ko alam kung may nakalimutan ba'ko.
Pagpasok namin sa village nila ay agad kong inayos ang itsura ko. Nandito kasi lahat ng pamilya ni JR pati ang pamilya ko.
"Kung bumili kaya muna tayo ng damit ko? You know my outfit is kinda weird"
Hindi talaga ako komportable sa suot ko. Ang buong akala ko kasi ay simpleng hapunan lang pero bigla akong sinabihan ni JR na magpaplano na pala para sa kasal namin.
"Love, don't be nervous para namang ngayon mo lang nakita ang mga magulang ko." Tumango lang ako sa sinabi niya.
Lumabas ito at pinagbuksan ako ng pinto. Tinignan ko naman ulit ang aking sarili sa salamin para kompirmahin na ayos na ang itsura ko.
Maganda ka Jo kaya ayos na yan.
Agad kaming binati ng mga kasambahay nila. Mabuti na lang at lahat ng kasambahay nila ay pinoy kaya hindi na kailangang mag-english.
Pagpasok namin sa kanilang bahay ay agad sumilay ang ngiti sa mukha ko. Hindi ko alam kong dahil ba ito sa saya o sa kaba pero isa lang ang alam ko at yun ay ang maging presentable sa kanilang lahat.
"Andito na pala ang mga bata"
Napatingin silang lahat matapos magsalita ang aking ama. Lumapit naman ako kaagad sa aking mga magulang at humalik sa kanila ganun din si JR.
"Kumusta ang project? I'm sure napagod ka ija" Lumapit ako sa mommy ni JR at bumeso bago sumagot sa tanong niya.
"Ayos naman po ang lahat at nakapagpahinga naman po ako kahapon kaya ayos na po ako." Ngumiti ito at tinawag ang katulong nila para ihain ang mga pagkain.
Nanatili akong nakatayo dahil hindi ko alam kung saan ako uupo. Napatingin naman ang daddy ni JR sakin at biglang ngumisi.
"Umupo kana sa tabi ng mapapangasawa mo ija. Sanayin mo na ang sarili mo na katabi yan."
"Thank you po tito." Tumayo si JR at pinaghila ako ng upuan. Nagpasalamat ako dito at tahimik na umupo.
"Ilang anak ba ang plano niyo? Kaninong kultura ba ang susundin natin?" Napainom kaagad ako ng tubig sa panimula ni Tita.
Grabe hindi man lang nag hinay-hinay. Hindi pa nga napag-uusapan ang kasal eh anak kaagad ang hanap nila.
"Mommy naman! Kasal muna tayo tsaka na yang anak anak na yan."
Tumawa naman si Mommy bago nagsalita.
"Kailan ang kasal niyo at magpapagawa kaagad ako ng imbitasyon ngayon para maipadala bukas"
Isa rin itong nanay ko. Hindi na ako magtataka kung bakit napakalapit nila ni Tita. Hindi ko na inabalang sumagot dahil napagplanohan na namin ito ni JR.
"Sa susunod na buwan po sana dahil yun lang po ang available sa sched naming dalawa." Tumango silang lahat at nag-isip ulit ng panibagong tanong.
"Ano ang gusto niyong tema sa kasal niyo?"
"We want a formal one." Mabuti na lang pala at mahilig magsalita si JR kaya hindi na ako kailangang magsalita.
"So, exact date?"
"21 because that's our anniversary"
Tumayo si mommy at nagpaalam na tatawagan daw muna niya ang gagawa ng invitation. Sunod namang tumayo si Tita at sinabing tatawagan daw niya ang event planner para sa venue.
Napailing nalang kaming mga naiwan sa lamesa dahil sa inasal nila. Parang mas excited pa silang dalawa sa amin.
"How's the trip?" Sa lahat ng tanong ngayong gabi, ito lang ata ang nangumusta sa amin.
"Ayos naman po tito." Ako na ang sumagot dahil mas komportable ako kay tito kaysa kay tita. Sikreto lang natin ha pero natatakot ako kay Tita kapag magkaharap kami.
"Still shy ija?"
Ngumiti lang ako dito at binalingan si Dad.
"Hindi mo man lang ba kukumustahin ang prinsesa mo?"
Napatawa naman si Tito sa tanong ko at kinantyawan si Dad.
"Alam ko naman na inaalagaan ka ni JR ng maayos at hindi ka kaya tumawag sa amin." Nagtatampo ang boses nito na agad kong ikinangiti. My father will always be a childish father.
"Nagtatampo yang daddy mo at panay ang tawag sakin na pauwiin ka na raw ija. Alam naman niyang wala akong laban sa asawa ko."
Humalakhak si Dad sa huling sinabi ni Tito.
"Mabuti pa 'ko ako ang pinuno sa bahay namin." Sasagot na sana si Tito pero natahimik siya dahil nasa likuran ni Dad si Mom.
"Kailan ka naging pinuno sa bahay? Sino ang pinuno?" Napalingon naman si Dad kay Mom na nakataas ang kilay at naghihintay ng sagot.
"Siyempre ikaw tapos ako ang substitute mo kapag busy ka." Ngumiti si Mom dito at umupo sa pwesto niya kanina.
"So Richy hindi ka pala under sa asawa mo?" Taas noong sumagot si Tito sa tanong ni Mom.
"Yes! I was born to be a leader at wala pang babae ang nakakapagpatiklop sa akin." Napatawa naman ako dito na agad namang sinegundahan nilang lahat
Hindi kasi alam ni Tito na nasa likod niya si Tita at kanina pa nakikinig sa mga pinagsasabi niya.
"A-aaaarayyyy!! Sh*t ang sakittt!" Piningot kasi ni Tita ang tenga nito kaya napadaing ito sa sakit.
Binitiwan naman niya kaagad ito nang magsimulang mamula ang mukha ng asawa niya.
"I love you wife at ikaw lang ang pinuno sa bahay na ito." Napatawa kaming lahat sa pambobola ni Tito para lang hindi ito magalit.
Ilang minuto pa ay inihain na ang mga pagkain at sabay sabay kaming kumain. Nakaugalian na naming hindi gumawa ng tunog kapag kumakain para magbigay respeto sa pagkain at para na rin mas madaling matapos ang pagkain.
Tapos na kaming kumain at kaming lahat ay nasa veranda nila para ipagpatuloy ang plano.
"Ako na ang bahala sa isusuot ng mga bata at ikaw naman ang bahala sa isusuot natin." saad ni mommy habang nakatingin kay tita. Sumang-ayon naman kaagad ito.
"Next week ay dadating dito ang designer at sa susunod na araw ay may nakaschedule kayong photoshoot at interview para sa kasal niyo."
Panay tango lang ang ginawa namin ni JR ay hinayaan ang dalawang ginang na magplano. Tahimik lang din sina Dad dahil hindi naman daw sila maalam sa mga bagay na ito.
"Ano pa ba ang kulang?" Sabay na napaisip ang dalawa sa tanong ni JR.
Napailing nalang ako at humikab. Inaantok na kasi ako dahil napagod ako sa byahe. Napatingin naman kaagad si JR sakin bago ibinalik ang tingin sa mga magulang namin at nagsalita
"Excuse us po pero gusto ko po sanang pagpahingahin si Joanna dahil napagod po siya sa byahe." Nahiya naman ako sa sinabi niya. Baka isipin ni Tita na napakabastos ko kung aalis ako gayong nagpaplano sila para sa kasal namin.
"Sa kwarto mo na siya patulugin tutal may tiwala namin kaming lahat sayo." Namula ako sa sinabi ng ina niya. Bumeso ito sakin bago ibinalik ang atensyon sa laptop niya.
Lumapit si Mom sakin at hinalikan ang noo ko.
"Good night princess."
"Uuwi po ba kayo? Pwede naman pong sumabay ako sa inyo." Umiling si Mom sakin.
"Mananatili kami dito hanggang nandito ka kaya huwag kang mag-alala." Hinaplos nito ang pisngi ko at bumalik sa tabi ni Tita.
Lumapit naman ako kina Dad para magpaalam at agad naman nila kaming kinantyawan kaya napailing nalang ako.
Pagkapasok ko sa kwarto ay agad akong humiga dahil hindi ko na talaga mapigilan ang antok.
"Goodnight my love"
Isang halik sa noo ang naramdaman ko bago ako tuluyang sinakop ng antok.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top