Chapter 44

Third Person's P.O.V

Naabutan ni Joanna si JR na nag-aayos ng mga gamit nila. Agad siyang lumapit dito at yumakap. Napatigil naman si JR sa ginagawa nito at humarap sa kanya bago hinalikan ang ulo nito.

"Don't worry love, I'm here"

Iniangat ni JR ang mukha ni Joanna at hinalikan ang noo nito. Napapikit naman si Joanna bago ngumiti dito.

"Inayos ko na ang mga gamit mo kasi hindi na ako nakatulog." Nilapitan ni JR ang huling damit na ilalagay niya sa maleta.

"Anong oras ang flight natin?" Kaswal na tanong ni Joanna at umupo sa gilid ng higaan.

"5 ang napili ko para makarating na tayo sa US mamayang 6"
Kumunot naman ang noo ni Joanna. Para kasing may lakad ang nobyo niya na kailangan daluhan.

Napansin naman kaagad ito ni JR kaya hinarap siya nito.

"May dinner tayo sa bahay namin kaya kailangan nating makaabot pero pwede namang sabihin ko sa kanila na mag--"

"No, nakakahiya kina Tita. Ayos lang naman." Tumango lang sa kanya ang binata bago lumabas sa kwarto nila habang dala ang mga maleta.

"Sa labas na ako maghihintay. Maraming lalaki ang lilingon sayo kapag pantulog ang suot mo kaya magbihis ka muna." Napatawa na lang siya sa saad ng nobyo bago pumasok sa banyo.

Sa kabilang banda naman ay ang naaawang mga magulang. Naabutan kasi nila si Andrew sa opisina nito na nangangamoy alak.

Alas tres ng maalimpungatan ang ina niya kaya napagdesisyunan nitong tignan ang kalagayan ng anak. Nagpanic ito nang makitang wala ang anak sa sariling kwarto pero agad din itong kumalma pagkatapos mabasa ang sulat.

Ilang minuto pa ay may tumawag sa ginang at ang kaibigan lang palang si Adrian para sabihing nasa maayos na kalagayan ang anak nila at nagpapahinga lang sa opisina. Hindi inaakala ng ina niya na ito ang makikita niya. Ang buong akala niya kasi ay nagtatrabaho lang ito kaya pumunta sa opisina pero ang nakita niya ay ang nangangamoy na anak.

"Bakit ka ba nagkakaganito anak?" saad ng ginang sabay haplos sa mukha ng anak. Hindi niya kayang maging malambot sa anak kapag gising ito dahil gusto niyang malaman ng anak na dapat maging matapang at malakas ito.

"Saan ako nagkulang sayo para maging miserable ang buhay mo?"

Hinawakan naman ng ama ni Andrew ang balikat ng kanyang ina para patahanin ito.

"That's the power of love Hon"
Ngumiti ang ina nito at tinitigan ang anak.

Agad na tumayo ang ina ni Andrew nang bumuka ang mata ng anak. Naging seryoso bigla ang mukha ng dalawa.

"M-Mom! D-Dad!" Naaawa silang dalawa sa anak pero kailangan nilang maging matigas sa harapan nito.

"Bumangon kana diyan at nakahanda na ang flight mo." Hindi iyon napansin ni Andrew dahil sa biglang pagsakit ng ulo nito.

Agad naman itong binigyan ng tubig ng kanyang ina at tinulungang umupo.

"Ayos ka lang ba? Kung hindi mo kayang tumayo ay magpahinga ka muna." Umiling ang binata bago hinarap ang ina.

"I'm fine...Siguro dahil ito sa alak na nainom ko kagabi. Ano nga po ulit ang sinabi niyo?" Ngumiti ang ina sa kanya bago inutusan ang asawang kunin ang plane ticket nito.

"9 A.M ang flight mo kaya dapat mag-ayos kana."

Kumunot naman kaagad ang noo ni Andrew dahil sa sinabi ng ina.

"Saan ako pupunta? Sinong maiiwan sa kompanya?"

"I'll handle the company" seryoso ang mukha ng ama nito habang sumasagot pero halata sa mata nito ang saya.

"Susundan mo si Joanna diba? Tawagan mo nalang ako kapag nakarating kana doon at ibibigay ko ang exact location nila." Niyakap niya kaagad ang ina niya at ngumiti ng malapad.

"Thank you Mom! Thank you Dad!" Hinalikan siya ng ina sa kanyang noo habang tinapik naman siya ng kanyang ama

Matapos ibigay ang ticket ay nagpaalam ang mga magulang niya dahil may business trip ang mga ito.

Abot langit ang ngiti ni Andrew habang papunta sa CR para mag-ayos.

"Sa tingin mo babalik kaya siya sa dati?" Tanong ni Jethsel sa asawa.

"Maybe, I don't know. Let's just wait for the result"

Tinungo ng mag-asawa ang daan papuntang airport. Hindi alam ni Andrew na mauuna ang mga magulang niya sa US. Plano kasi ng mag-asawa na bantayan ang anak nila kung sakaling may gawin itong kalokohan.

Andrew's P.O.V

Hindi gaanong madami ang inampake kong gamit dahil plano kong madaliin ang dapat kong gawin.

Pagkatapos kong mag-empake ay agad kong dinala ang maliit na maletang dala ko at tinungo ang opisina ko.

Itinuro ng assistant ko si Adi na prenteng naka-upo sa upuan ko habang nakapatong ang mga paa sa lamesa ko at nakasuot din ito ng shades. Ano kayang trip ng taong 'to at dito pa talaga napiling magrelax.

Inilagay ko muna sa gilid ang mga gamit ko bago ito nilapitan at marahang tinapik ang balikat. Nakakatatlong tapik na ako sa kanya pero hindi parin ito gumagalaw kaya naisipan kong kunin ang shades sa mata nito at tumambad sakin ang itim nitong nangingitim.

"Hoy Adrian gumising ka!" Itinulak ko ito at nahulog siya kaya dumaing ito bago ako tinignan ng masama habang hawak ang parte ng likod niyang masakit.

"G*go ka talaga Drew! Natutulog ako damuho ka!"

Dumadaing ito sa sakit ng likod niya. Minsan naiisip ko kung bakla ba tong kaibigan ko at napakadali niyang masaktan.

"Bakit ba kasi dito ka natutulog? May bahay ka hoy!" Tumayo ito at tinignan ako ng diretso.

"Bakit di mo itanong sa sarili mo kung bakit ako nandito? Sino bang damuho ang tatawag sakin dis oras ng gabi para magpasamang uminom?"

Napakamot naman ako sa ulo ko dahil sa sinabi niya.

"Pasensya kana dude..Ikaw pala yun? Akala ko si Joanna yung kasama ko kagabi."

"G*go ka! Ako rin nagdala ng Joanna mo sa bar para magkausap kayo tapos hindi mo man lang naalala yun? Naku pare hindi na talaga kita tutulungan."

Nilapitan ko ito at tinapik dahil alangan namang yakapin ko ito edi nasabigan pa akong bakla ng taong 'to.

"Oo na salamat na. Nakalimutan ko lang talaga pero sobra akong nagpapasalamat sa ginawa mo pre."

Napatingin ito sa gilid at nakita niya ang maleta ko. Kumunot ang noo nito at tinignan ako ng mapanuring mga tingin.

"Saan ka naman maglalayas? Tambak daw ang trabaho mo." Napangiti ako dito at umupo sa upuan ko.

"Kina Joanna."

"Wala na siya dito sa Pilipinas dre."

Tumingin ako dito at ngumisi.

"Alam ko kaya nga pupuntahan ko siya sa US."
Lumapit ito sakin at mas lalo pang nang-usisa.

"Alam mo ba lokasyon niya? Baka naman may gawin ka na namang masama sa kanya dre. Pinapaalala ko lang sayo na hindi ako makakatulong sayo kapag nagkaproblema ka ulit."

Tinignan ko ang relos ko at tumayo.

"Magiging matino na ako ngayon at magbakasyon ka muna tutal wala ka pa namang bagong project. Ingat ka dito." Tinapik ko ang balikat niya at nagpaalam na aalis na.

Bago ko pinihit ay may ibinilin ito sakin.

"Kahit anong mangyari sa lakad mo sana ay maging masaya ka dude"

Napangiti na lang ako sa inasal niya. Sisiguraduhin ko na sasaya kami pareho.

"I'm happy when she's with me"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top