Chapter 42

Third Person's P.O.V

Hating-gabi na at tulog ang lahat sa mansiyon ng mga Dy nang mapagpasyahan ni Andrew na umalis. Nag-iwan lang siya ng sulat para ipaalam na nasa opisina lang siya kung hahanapin siya ng mga magulang niya. Walang nakapansin sa kanya dahil sa bintana siya dumaan.

Agad niyang dinial ang numero ni Adrian nang makalayo na siya sa bahay nila. Tatlong ring at sumagot agad ito.

"Ngayon na nga lang ako nakatulog ng maayos sinira mo po." Halata sa boses nito ang pagkairita.

"I'm sorry dude pero kailangan ko ang tulong mo."

Hinintay niyang may magsalita pero tahimik lang ang kabilang linya.

"Kung naririnig mo 'to pumunta ka sa Sheeks Bar" Napabuntong hininga na lang siya at ibinaba ang tawag.

Mabuti na lang at may dumadaan pang mga taxi kaya hindi siya nahirapang pumunta sa nasabing lugar. Mukha ngang takot ang taxi driver sa kanya dahil sa suot niya. Itim ang kulay ng suot niya at may itim na takip sa mukha. Mabuti na lang at hindi siya pinababa nito.

Malakas na musika at hiyawan ang naririnig niya sa labas at iyon ang gusto niya. Agad siyang pumasok at kumuha ng VIP room at nag-order ng maraming alak. Gusto niyang magpakalasing at makalimutan ang sakit na nararamdaman niya kahit sandali.

Tahimik ang loob ng VIP room dahil naka soundproof ang loob nito. Pagkalapag na pagkalapag ng mga alak ay agad niya itong ininom.

Nakakailang bote na siya nang pumasok si Adi at agad siyang nilapitan at nilayo ang mga bote ng alak sa kanya. Mas matanda siya kay Adi ng tatlong taon pero sa oras na ito si Adi ang naging mature sa kanila.

"Nahihibang kana ba Drew at talagang eesti piiritus pa ang nilaklak mo!"

Maraming alak ang nakahain sa lamesa nito pero mas pinili ni Andrew ang pinakamatapang dahil gusto niyang malasing kaagad at mailabas ang lahat ng nararamdaman niya.

Tumawa lang si Andrew sa sinabi ng kaibigan. Sinubukan niya pa itong kunin pero hindi siya nagtagumpay dala na rin ng kalasingan niya.

"G-gwev it bwack"

Nagpupumilit siyang kunin ulit ito pero nang hindi niya nakuha ay tumigil na lang siya at ipinikit ang mga mata.

"Bakit ka ba nagkakaganito dude? Muntik mo na siyang gahasain dahil sa kabaliwan mo!" Nakapikit parin siya at nakikinig lang sa sinabi ng kaibigan.

Naaawa si Adi sa kanya pero kailangan niyang magising sa katotohanan.

Adrian's P.O.V

"Mabait si Joanna, Drew at alam ko na napatawad kana niya pero sana naman ayusin mo ang buhay mo ngayon. Paano siya babalik kong ganito ang itsura mo?"

Alam kong mapapatawad siya ni Joanna dahil nakikita ko parin sa mata niya ang pag-aalala sa kaibigan ko pero itong kaibigan ko naman ang pilit gumagawa ng paraan para mas lalong lumayo ang loob ni Joanna.

"Masaya siya dude kaya sana naman maging masaya ka para sa kanya at hindi na kayo bata para saktan ang isa't isa"

Isang hikbi ang narinig ko at may mga luhang lumalabas sa mata niya kahit nakapikit ito. Ngayon ko lang nakitang umiyak ang taong 'to at hindi ako makapaniwalang babae ang dahilan.

"I love her dude at hindi ko kakayaning mapunta siya sa iba lalong lalo na sa bestfriend ko." Naging tuwid ang pagsasalita nito na parang hindi naka inom.

Hindi ako sumagot at piniling makinig na lang sa mga sasabihin niya dahil yun ang dapat gawin ng isang kaibigan.

"Paano ko siya makakalimutan kong sa bawat pagpikit ko ay mukha niya ang nakikita ko. Bumabalik sakin ang mga ala-alang hindi na mauulit at yun ang pinakamasakit."

Hindi ko alam na ganito siya kahina pagdating sa babae. Sa pagkakakilala ko sa kanya ay malakas at hindi kailan man sumusuko pero ang Andrew palang yun ay ang pekeng Andrew dahil ang totoong Andrew na nakilala ko ay ang taong nasa harapan ko.

"Gusto ko na siyang palayain para makalaya na rin ako sa lahat pero hindi ko kayang mawala siya ng tuluyan sakin."

Hindi ko na kayang magmatigas sa harapan niya. Kailangan ko siyang tulungan para bumalik na siya sa dati.

"Dito ka lang at huwag kang aalis dito"

Hindi ko na hinintay ang sagot nito at agad na lumabas. Pinabantayan ko narin siya para hindi talaga siya umalis.

Agad kong tinungo ang sasakyan ko at pinuntahan ang hotel na tinutuluyan ni Joanna. Napag-alaman ko kasi na hindi sila tumuloy ni Jhon Rich dahil may nakalimutan itong gawin.

Hindi kalayuan ang hotel na tinutuluyan nila kaya agad akong nakarating.

"Open this door please"

Isang gulat na ekspresyon ang sumalubong sa akin. Sino ba naman ang hindi magugulat kong may kakatok sa ganitong oras.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Joanna sakin habang nasa likod niya naman si JR.

"I need you Miss J kahit sandali lang. Kailangan ka ni Andrew ngayon at wala na akong makitang ibang paraan para kumalma siya ngayon." Nag-aalala  ang mukha niya pero baliktad ang sagot niya.

"Ayoko na siyang makita. Hindi ako--" Napatigil siya nang hinawakan ni JR ang balikat niya. Napatingin kaming dalawa sa nobyo niya.

"You need to go Jo. Kilala ko si Andrew at hindi yun titigil kapag hindi niya nakikita ang gusto niyang makita."

"Paano ka? No! Hindi ako sasa--"

"Love, listen to me okay. Pagbigyan mo na si Andrew tutal huli na naman 'to. Importante parin siya sakin Jo kaya sana ay puntahan mo siya. I'll be fine."

Ngumiti ito at hinalikan ang pisngi ni Joanna. Bumaling naman kaagad sakin si Joanna bago nagsalita.

"Huli na 'to Adi at hindi ko na gustong maulit 'to" Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Nauna siyang maglakad sakin kaya nagkaroon pa ako ng pagkakataong magpasalamat sa nobyo niya.

Seryoso ang mukha nito pero halata sa mata niya na may tiwala siya sakin. Alam ko na kahit hindi na sila nagpapansinan ngayon ay may halaga parin si Andrew sa buhay nito.

"Ibalik mo yan dito kung hindi ako ang makakalaban mo." Tumango ako dito at agad sinundan si Joanna. Mabuti na lang at hindi ito nag-abalang nagbihis dahil baka matagalan pa kami.

"Gosh! Mapapahiya ako sa suot ko." Tumawa lang ako bago binuksan ang pinto ng kotse.

"Pasensya kana talaga Jo"

"Ano? Magdadrama ka dito? Bilisan mo na lang para makauwi kaagad ako" Masungit siya pero naniniwala ako na may halaga parin si Andrew sa kanya.

Ayusin mo sana tol dahil hindi ko na ulit gagawin 'to.

Sinimulan ko ng paandarin ang sasakyan at tinungo ang bar.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top