Chapter 41

Andrew's P.O.V

Lumabas ako sa kwarto ko at diretsong naglakad pababa ng hagdan.

I need to chase her! Hindi pwedeng umalis na naman siya habang hindi pa kami bumabalik sa dati.

"Anak!" 

Nagulat ako sa biglang pagsigaw ng aking ina kaya napalingon ako dito. Agad niyang sinenyasan ang mga katulong na isarado ang pintuan.

No way!

Tumakbo ako palapit sa pintuan para pigilan ang gagawin nila. Babae ang nautusan kaya makakaya ko ang lakas nila pero biglang may bodyguards na humablot sakin kaya tuluyang naisarado ang pintuan na agad namang hinarangan ng limang bodyguards.

Nagpupumiglas ako sa hawak nila at pinagsisipa ang mga paa nila pero hindi parin ito natitinag.

Isang malakas na suntok ang naramdaman ko sa aking sikmura kaya agad akong napaluwa ng dugo.

"Líkāi, nǐ jiāng bù zài shì Dy!"( Umalis ka at hindi kana magiging Dy!) Galit na galit ito at pulang-pula ang kanyang mukha. Sa pagkakataong nagiging ganito si Dad masasabi kong seryoso ang banta niya.

Natigilan ako sa sinabi ng aking ama. Hindi nila naiintindihan ang sitwasyon ko. I need to be with her! I need her! I want her back!

Sinenyasan ng aking ina na bitawan ako kaya lumuwag ang pagkakakapit nila sa aking braso at bigla akong napaluhod. Hindi ako madalas makipag-away kaya para sakin masakit ang suntok ng aking ama at isa pa black belter ang ama ko kaya walang dudang napakadali lang sa kanyang bigyan ako ng suntok.

"Please Dad, I'm begging you please help me chase her" Inaamin kong masakit ang suntok pero hindi iyon naging sagabal para lumuhod ako sa kanyang harapan.

Panay ang iyak ng aking ina habang ang aking ama ay blangkong nakatingin sakin. Hindi gusto ni Dad ang magmakaawa lalo na kung ang dahilan ay isang babae.

"Shì nǐ de yúchǔn huǐle nǐ yǔ tā de guānxì." (Your stupidity ruined your relationship with her.)

Hindi na ako nasasaktan kapag may naririnig ko ang bagay na iyan dahil una sa lahat tanggap ko na ako ang may kasalanan kung bakit wala na siya sa piling ko at pangalawa tanggap ko na masyado akong naging bobo kaya nawala siya.

"Let me fix this mess Dad...P-please" Sinubukan kong hindi pumiyok pero nabigo parin ako. Lalong nagalit ang aking ama sa aking sinabi.

"Ràng tā zǒu! Tā bù ài nǐ, érzi."( Let her go! She doesn't love you son.")

Umiling agad ako sa kanyang sinabi.

No! Mahal parin ako ni Joanna at nararamdaman ko yun. Masyado lang siyang nasaktan kaya hindi niya gustong bumalik sakin. May pangako kami na walang iwanan at alam ko na hindi niya ako iiwan dahil mahal niya 'ko.

"She loves me Dad! I'll prove it if you'll let me go." Isang suntok na naman ang natamo ko pero hindi ko ininda ang sakit at agad bumalik sa pagkakaluhod sa harapan ng aking ama.

Lumapit si Mom sa kanya at agad naman itong kumalma bago umalis doon. Kinuha ko ang cellphone ko at akmang tatawagan si Adi pero kinuha iyon ng aking ina at agad inapakan.

"Mom! Anong ginawa mo?" Puno ng galit ang nararamdaman ko sa ginawa niya. Isa namang malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi kaya napangiwi ako dito.

"Anak gumising kana sa kahibangan mo. P-please, hindi na ikaw ang anak na pinalaki ko. I want the old you son." Agad akong napailing sa sinabi niya bago ko siya tinignan ng seryoso.

"Hindi ako nahihibang at kung gusto niyong bumalik ako sa dati hayaan niyo akong sundan siya sa US." Puno ng determinasyon ang boses ko at umaasang sana ay maiintindihan niya ang nararamdaman ko.

"Sa tingin mo ay tatanggapin kapa ng pamilyang Sy matapos ang ginawa mo sa prinsesa nila? Alam mo ba kung gaano kaimportante sa kanila si Joanna?" Hinawakan ko ang kamay ng aking ina at tumingin ng diretso sa kanya gamit ang nagmamakaawang mga mata.

"Mom, tulungan mo akong magmakaawa sa kanila. I'm sure maaawa sakin si Tita kapag lumuhod ako sa harap niya."

Isang iling ang natanggap ko dito at hinaplos ang aking mukha bago ito nagsalita.

"Wala na tayong lugar sa pamilya nila anak. Makinig ka naman sakin. Hindi na ito gaya ng dati. Tanggapin mo na lang na tapos na ang lahat sa inyo ni Joanna. Bukas na bukas ay ihahanap kaagad kita ng ba---"

Lumayo ako sa kanya at tumingin sa kanya ng blangko. I don't want to hurt my mom pero hindi nila maintindihan ang nararamdaman ko. Hindi ba halatang siya lang ang gusto ko? Joanna will always be my gem.

"Sa tingin mo makakalimutan ko siya? Bakit ba hindi niyo 'ko subukang intindihin. Madali lang naman ang gusto at hiling ko kung susubukan niyong tignan ang sitwasyon ko." Tumigil ako sa pagsasalita para pigilan ang namumuong luha sa aking mata.

"I-I l-love her m-mom at h-hindi ko k-kayang mapunta s-siya sa iba." Hindi ko na napigilan ang mga luhang kanina pa gustong tumulo.

Lumapit ito sakin at niyakap ako. Ang yakap ang naging dahilan kung bakit mas lalong tumulo ang aking luha. Hinang- hina na ako at ang taong gusto kong sandalan ngayon ay ang taong iniwan ko.

"K-kung hindi lang s-sana ako naging gago edi sana m-masaya siya ngayon sa piling k-ko." Tahimik lang itong humahaplos sa aking ulo. Kailangan kong pigilan ang luha ko dahil lalaki ako. Paano ko siya ipaglalaban kong mahina ako?

"Son, nagkakamali tayong lahat at hindi lahat ng mali ay maitatama natin.  Nasaktan mo siya at kapag nagpakita ka sa kanya mas lalo mo lang siyang masasaktan." Lumayo ako sa aking ina at pilit na pinapantayan ang malulungkot niyang titig sakin.

"Hindi ko siya sasaktan Mom. I'll treat her like a queen. She will be the happiest girl in the world" ngumiti pa ako sa kanya para kumbinsihin siya sa sinabi ko. Kung bibigyan ako ng pangalawang pagkakataon ay sisiguraduhin kong maibabalik ko sa dati ang lahat.

Hinaplos niya ang aking mukha bago ngumiti sakin at nagsalita.

"If you really love her, you must let her go." Umiling ako sa sinabi niya. No! Hindi siya sasaya kapag iniwan ko ulit siya. Hinihintay niyang bumalik ako sadyang hindi pa siya handa kaya nagawa niya yun.

Hinawakan nito ang mukha ko at iniharap sa kanya.

"Makinig ka sakin.. Kailangan mo na siyang bitawan kapag nag-iba na ang pagtingin niya sayo,kapag wala na siyang pake sayo at lalong lalo na kapag may mahal na siyang iba."

Unti-unting gumuho ang mundo ko pagkatapos marinig ang huling katagang sinabi ng aking ina.

May mahal na siyang iba.

"Embrace the memories but always remember to turn to the future at the same time." Tahimik lang ito habang nakayakap sakin. Lumayo ako ng konti bago inayos ang sarili ko.

"I need to sleep mom." Nag-aalala ang mukha nito pero hindi na ito nagsalita at hinayaan ako.

Kailangan kong kumuha ng lakas para sa lakad ko mamaya. Today, I promise to stop myself from chasing her kung yun ang ikasasaya niya but I won't promise to forget her.

“I only exist in two places, here and where you are.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top