Chapter 4

Joanna's P.O.V

"Manang pakilagay dito yan!"

"Tawagin niyo ang iba para mapadali ito!"

"Please, bilisan niyo!"

"Calm down wife, mamaya pang gabi ang party"

"I know, I just want it to be perfect"

"It will always be perfect dahil kasama mo 'ko"

"Balik kana nga sa ginagawa mo I need to finish this"

Kahit nasa kwarto ako ay naririnig ko parin ang mga boses nila, pano ba naman kasi nagsisigawan.

Lahat ng tao dito sa bahay ay may trabaho at gustuhin ko mang tumulong ay hindi ako pinapayagan. Mom is really over protective and sometimes I hate it.

"Baby! Andito si Andrew labas muna kayo!" sigaw ni mommy galing sa sala

Hindi na ako nag abalang mag ayos at bumaba kaagad.

"Sup?" Bungad nito sakin at lumapit para yumakap. Pinasadahan niya naman ang suot ko at biglang tumango.

"Anong sadya mo dito?" imbes na maging mabait ako ay tinarayan ko kaagad ito. Gusto ko siya pero naiirita ako sa kanya.

"Grabe ka naman sakin. Sinabihan ako ni Mom na sunduin ka dahil gusto ka daw niya makita"

"Give me five minutes" paalam ko at bumalik sa kwarto para magbihis.

Tita is very formal kaya naisipan kong isuot ang isang floral dress at pinaresan ng gladiator. Pagbaba ko ay nagpaalam na agad ako sa magulang ko at sumunod kay Andrew.

Pagdating namin sa bahay nila ay kaagad lumapit sakin si Tita na may ngiti at niyakap ako.

"I miss you so much ija! Hindi namin kayo nahanap ng anak ko kahapon."
Nahanap? So sinusundan kami kahapon? Hindi ko man lang napansin yun.

"I miss you to Tita, ay wait nga po sino po ang kasama niyo kahapon?"

"Ah wala yun nevermind. Halika na pasok ka dali dahil may ipapakita ako" sumunod na lang ako sa kanya  hanggang sa pumasok kami sa workplace niya dito sa bahay nila.

Binigay niya sakin ang isang magazine na may iba't ibang design ng furniture.

"So asan ang bet mo diyan?"tanong niya sakin sa likuran

"Maganda naman po lahat nahihirapan ako"

Talaga namang maganda ang mga design. Tita is one of the famous furniture designer in Asia kaya hindi maipagkakailang lahat ng gawa niya ay mabenta. May multimedia company din sila pero hindi sila nakafocus doon.

Panay tingin lang ako at siya naman ay nagtitipa sa computer niya nang pumasok si Andrew.

"Hey Mom"sabi nito at humalik sa pisngi ni Tita

Ako rin Drew pa kiss~

"Pwede ko na bang isuli si Joanna sa kanila?"

"Kapapasok lang namin dito and I want to know her opinion kung alin sa mga designs ko ang bet niya."

"Mom nakalimutan mo bang may party mamaya? You need to have a beauty rest"

Dahil sa sinabing iyon ni Andrew ay agad lumapit sakin si Tita at nagpaalam na may pupuntahan pa siyang salon.

Napailing nalang si Andrew at inaya akong ihahatid sa bahay. Wala naman akong choice kung hindi sumama at isa pa libreng chansing narin.

"So see you tonight?" patanong na sabi nito na nakasandal sa pintuan ng kotse.

"Depende kung pupunta ka" pamimilosopo ko dito.

"I will. Kailan ba ako hindi umattend sa party ng pamilya mo?"saad niya ng nakangisi.

"Oo nga pagkain pala habol mo. Sige na alis kana at samahan mo si Tita" sabi ko at tinapik ang balikat niya.

"Bye Jo" sabi nito at hinalikan ang pisngi ko bago paandarin ang kotse at umalis.

Napailing nalang ako sa ginawa niya. Kung hindi ko lang siya kilala aakalain ko na may gusto talaga siya sakin dahil sa mga ipinapakita niya.

Pagpasok ko sa loob ay agad tumambad sakin ang maraming box mula sa iba't ibang designer ang nakahilera sa hagdan.

"Mom! Dad! Ba't may box dito sa daraanan?!" Pasigaw na tanong ko eh sa di ako maka daan.

"S-Sorry p-po Ms. Joanna sabi kasi ng mommy niyo na diyan ilagay para makita niyo" Natakot ko ata itong yaya. Medyo bata pa naman sakin.

"Ayos lang asan sila?" pagpapagaan ko sa tensyon.

Bago pa makasagot ang yaya ay lumabas si mommy at lumapit sakin na may malaking ngiti.

"Choose one ija at yun ang isusuot mo mamaya" tila nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Hell, halfday ata akong magsusukat sa dami nito.

"Mom, don't be exagerated party mo yun kaya ikaw dapat ang mamili"

"No no pumili ka na diyan"

Hindi na ako nag abalang tignan lahat at basta na lang kinuha ang pinakagitnang box. Ito kasi ang nakaakit sa atensyon ko dahil parang kumakaway sakin.

"This" pakita ko sa kanila ng box " at hindi ko na bubuksan ang iba dahil alam ko na magaganda lahat."

"Ofcourse, sige na matulog ka muna dahil after lunch dadating ang mag-aayos sayo" hinalikan ko lang ang pisngi nila at dumiretso sa kwarto.

I didn't bother my self to open the box para may thrill. Mamaya sisiguraduhin ko na maakit si Andrew sakin at magugustuhan niya rin ako. Dahil sa pag-iisip ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

----------------
Nagising ako sa isang katok mula sa labas kaya binuksan ko ito at tumambad sakin ang tatlong bakla na mag-aayos daw sakin.

Tinignan ko muna ang orasan bago pumunta sa banyo para maghilamos at dumiretso sa guest room kung saan nakatambay ang mga bakla.
Umupo kaagad ako at sinimulan naman nila ang dapat nilang gawin.

"Ang ganda ng hair mo girl ha"
Napangiti nalang ako dahil naiilang ako.

Ang gwapo kasi ng bakla kaya medyo naiilang ako.

"Ilang taon ka ba ija?" tanong ng medyo blonde na bakla.

"16 po"

"Para kanang mature tignan"

Magsasalita pa sana ang bakla ng sumingit ang kasama niya at sinabihan siya na magmadali dahil may aayusan pa daw sila.

-----------------------------------

Mahigit limang oras akong nakatambay dito sa guest room dahil hindi pa daw ako pwedeng palabasin hanggang di pa nagsisimula dahil baka masira ang ayos ko.

"Joanna are you inside?" tanong ng isang boses at sa pagkakaalam ko ay kay Andrew ito.

Ano na naman kaya ang ginagawa nito? Ang aga naman ata niya, sabagay lalaki di na kailangan ng make up.

"Yes, come in" agad naman itong pumasok at humiga sa kama bago pumikit. Naka suot siya ng formal na pants at nakasuot ng puti habang nasa braso niya ang tuxedo.

"You look hot with that red gown"
imbes na sumagot ay inasar ko ito

"Ang aga mo atang pumunta dito?Mamaya pa iseserved ang pagkain"
Iminulat niya ang mata niya at tumingin sakin na parang nasasaktan.

"Grabe ka naman sakin. Ako ang escort mo pababa kaya natural na maaga ako"sabi nito at pumikit uli.

"Bak-"

"Ma'am bumaba na ho kayo magsisimula na po ang party" pagkarinig niya ay agad siyang tumayo at inilalayan akong lumabas. Nakahawak ako sa braso niya pababa sa hagdan at panay ang bulongan at ngitian ng mga tao.

"Everyone this is our daughter, Joanna Naiah Sy and her friend James Andrew Dy" pagkasabi ni mom ay agad nagpalakpakan ang mga tao.

Nakasunod lang sakin si Andrew habang pinapakilala ako. Mukhang pinanindigan ang pagiging escort ngayong gabi. Napailing nalang ako sa naiisip ko kaya napalingon sakin si Mom.

"If you're bored pasama ka kay Andrew at puntahan niyo ang pinsan mo"

Dahil nga sa sinabi ni Mom ay pinuntahan ko ang pinsan ko na halatang bored pati na rin ang mga kaibigan nito.

"Kumain naba kayo?" tanong ko pagdating ko sa table nila.

"Done"

"Bored na ba kayo?" tinanong ko pa talaga ang obvious.

"Kanina pa kami bored dito Ate. Wala bang sasayaw sa dance floor?" tanong nito bago ininom ang wine at lumapit sakin bago bumulong.

"Boyfriend mo ba yang kasama mo ate? Kanina pa ata sunod ng sunod sayo"

Napangiti naman ako sa unang katagang lumabas sa bibig ng pinsan ko.

Sana nga boyfriend

Dahil sa sinabi ng pinsan ko ay hinigit ko si Andrew papunta sa aking harapan na kaagad namang nagtaka.

"Girls, this is Andrew bestfriend ko" baling ko sa mga kaibigan ni Gines. "Andrew this is Joanna pinsan ko at mga kaibigan niya" baling ko naman kay Andrew.

"Hi girls" sabi nito at isa-isang nakipagkamay at binigyan ng kindat.
Playboy mode na naman siya.

"Ang sweet niyo naman pong dalawa ng bestfriend mo Ate Joanna" wala akong naisagot sa sinabi ni LK kaya si Andrew nalang ang sumagot.

"She is precious to me kaya dapat palagi siyang ngumingiti "

Hayop ka Drew napaka paasa mo!!

"Bagay po kayo! Sure po ba na magbestfriend lang talaga kayo?" tanong ng kasama ni LK na si Arabella.

Kailan ba kayo tatahimik?

"Promise namin sa isa't isa na walang magbabago at mas magtatagal kami kung magbestfriend"

May sasabihin pa sana si Arabella ng lumapit samin si Mom.

"Let me borrow my daughter for a while ladies si Andrew muna ang mag e-entertain sa inyo"
Tumango nalang sila at naiwan nga si Andrew.

Habang nakikipag usap si mommy sa isa niyang kaibigan, di ko maiwasang lingunin ang pwesto nila Andrew na busy sa pagtatawanan.

Baka may magustuhan siya diyan.

Kalma Joanna walang kayo! Mag bestfriend lang kayo!

Umiling nalang ako sa naiisip ko at tinignan ang paligid. Hindi ko ata nakita si Jephen ngayon. Sinabihan ko pa naman siya na si mommy ang nag-imbita sa kanya.

The party was going on at ang iba naman ay umalis na maybe busy sila at may gagawin pa kinabukasan.

Nagpaalam naman ako sa mommy ko tutal wala naman akong ambag sa usapan nila. Pabalik na sana ako sa pwesto ko kanina pero lumapit sakin ang parents ni Andrew.

"Ija thank you sa invitation but we need to go na kasi pupunta kaming Macau bukas ng dad niya" saad ni Tita Jethsel.

"Our pleasure tita kasi kahit busy kayo ay pumunta kayo dito"

"No problem basta kayo"  tinignan nito ang relo "We need to go na talaga ija and we need to bring our son dahil lasing na rin ang dad niya"

"Sure tita sabihan ko na lang si Andrew" sabi ko at pumunta sa pwesto ni Andrew.

"HAHAHA hindi naman sa ganun. Gusto ko lang talaga mag-aral but I'm not a nerd"saad ni Gines.

"Excuse me for awhile" sabi ko bago bumaling kay Andrew.

"Tita wants you to go home because tito is drunk"agad naman itong tumango.

"Bye girls, see you" paalam nito sa grupo ng pinsan ko bago sumama sakin.

"I had fun talking to them" biglang saad nito at ngumiti ng malaki.

"Sige simula bukas sila na palagi mong kasama tutal magaling pala sa daldalan" sabi ko at naunang tinungo ang gate.

Kalma Jo, huwag mo naman ipahalata na nagseselos ka.

Naramdaman ko naman na may malaking kamay na pumulupot sa bewang ko

"You will always be special to me Jo so don't be jealous"

Yeah Jo, special, special friend!

"Son bukas kana maglandi ihatid mo muna kami" agad naman akong napatingin sa mommy ni Andrew na kanina pa pala nakatingin samin bago pumasok sa kotse.

"Bye Jo. Goodnight" sabi nito at hinalikan ako sa pisngi.

Hinintay ko munang makaalis ang sasakyan nila bago pumasok sa loob at hinanap si mommy.

"Mom I need to sleep na dahil may klase pa ako bukas"sabi ko at humalik sa pisngi niya.

Pagpasok ko sa kwarto ay agad kung inayos ang sarili ko at hinayaan na kainin ako ng antok.

Goodnight Andrew.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top