Chapter 39
Joanna's P.O.V
"Paano ka nakapasok dito Drew?"
Ngumisi lang siya sa tanong ko at pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Natatakot man ay pilit kong inayos ang aking postura at sinuklian siya ng blangkong tingin.
"Hindi mo ba alam na pwedeng masira ang imahe mo sa publiko kung hindi ka aalis dito?" Tumawa siya na parang manyak habang papalapit sa akin.
"Pake ko sa sinasabi mo? Ang importante ay ang bumalik ka sa piling ko"
Umatras ako ng umatras hanggang sa naramdaman ko ang malamig na tiles sa likod ko.
"Drew, nag-aalala na ako sayo. Baka makasuhan ka dahil sa ginagawa mo. Pwede kong sabihin sa kanila na aksidente lang ang lahat kung aalis kana ngayon." Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at inilagay sa itaas ng ulo ko.
"Tapos ano? Hindi mo ulit ako papansinin? Sinubukan ko na ang lahat para bumalik tayo sa dati pero mas lalo lang lumalayo ang loob mo. I'm tired chasing you Jo!"
Tumulo ang luha ko hindi dahil sa naaawa ako sa kanya kundi dahil sa takot na nararamdaman ko. Hindi na siya ang Andrew na nakilala ko dati. Nagbago na ang Andrew na minahal ko.
"D-Drew please l-let me g-go" sinubukan kong maging matapang ang boses ko pero nanginginig talaga ako sa takot. Hindi ko na rin mapigilan ang mga luha ko.
Jhon please save me...
I need someone right now..
"I'm sorry baby, but I won't let you go" pagkatapos niyang sabihin ang lahat ng iyon ay agad niya akong sinugod ng halik...mga halik na magagaspang..
Ang isa niyang kamay ay nakahawak sa dalawa kong kamay na nasa taas ng ulo ko habang ang isa naman niyang kamay ay humahaplos sa beywang ko.
Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa. Panay iyak at hikbi lang ang ginagawa ko at nandidiri ako sa sarili ko. Simpleng bagay pero hindi ko nagawang depensahan ang sarili ko.
Patuloy lang siya sa ginagawa niya at nanghihina na rin ako kakaiyak. Nasasaktan na ako sa ginagawa niya pero hindi ko kayang lumaban. Kung ano man ang mangyari sakin dito..sana ay matulungan ako. Malabo man pero isa lang ang sigaw ng utak ko.
Save me Jhon..
At tuluyan ng pumikit ang mga mata ko.
Someone's P.O.V
Nag-aalala na ako sa kanya dahil sabi sakin ng empleyado ko ay hindi pa daw ito bumabalik. Kinakabahan ako na baka may nangyaring masama sa kanya lalo na't masyadong baliw si Andrew sa kanya.
"I need you to order that Sarmiento boy na puntahan si Joanna right now!"
Hindi ko na hinintay na sumagot ito sakin at basta-basta ko nalang pinatayan ng tawag.
Ibinalik ko ang tingin ko sa cctv ng hotel at agad kong zinoom ang parte kung nasaan nakatutok sa pintuan ng cr.
Hindi ko makita ang loob at tanging tunog lang ang naririnig ko.
"I'm sorry baby, but I won't let you go"
Nagtagis ang bagang ko ng marinig ang boses ni Andrew. Hindi talaga niya titigilan si Joanna at ngayon gusto niya pang gumawa ng krimen para lang makuha ito.
Tatawagan ko na sana ulit ang inutusan ko pero nahagilap ng mata ko si Sarmiento na nagmamadaling tumakbo papunta sa cr.
Save my future please...
Jhon Rich P.O.V
Pagkatapos kong marinig ang sinabi sakin ng manager kuno ng hotel ay agad kong pinuntahan ang cr. Nag-aaalala na din ako dahil hindi pa ito bumabalik. Nakasalubong ko naman ang pinsan ko na tila nagtataka kung bakit sumunod ako sa kanila.
"Asan si Joanna? Bakit mo siya iniwan!" Natatakot man ay nagawa niya paring sumagot sakin.
"Sinabihan ko naman siya na sumigaw kung may problema at wala naman akong narinig kaya siguro marami lang ang gumamit ng cr kaya natagalan siya." Hinilamos ko nalang ang mukha ko para iwasang magalit kay Tes.
Ngayong lang ako naging pabaya kung kailan nasa Pilipinas kami. May duda ako na baka may ginawang masama si Andrew sa kanya.
Subukan mo lang siyang saktan at ako mismo ang papatay sayo Drew!
Isang malakas na sipa ang ginawa ko sa pintuan ng cr kaya agad itong bumukas. Ako ang naunang pumasok at tumambad sakin ang walang malay na Joanna at walang pang-itaas na Andrew.
Agad ko itong sinugod at binigyan ng isang malakas na suntok. Hindi ito nakailag kaya napaupo ito. Hindi pa rin ako nakokontento at sinipa ko ang sikmura niya. Susuntukin ko na sana siya pero may umawat na bodyguard sa amin.
Mabuti na lang at walang nakakita sa nangyari dito at baka maapektuhan pa ang reputasyon ni Joanna. Kinuha ng mga bodyguard si Andrew kaya agad ko rin nilapitan si Joanna na halos wala ng pang-itaas. Hinubad ko ang suot kong damit at ibinalot sa kanya.
Binuhat ko ito at eksaktong paglabas namin sa cr ay ang pagdating din pala ng mga kasamahan namin. Nanlaki ang mata nila habang nakatingin sa babaeng dala ko. Humingi ako ng madaanan para iakyat siya sa kwarto niya. Kailangan niya munang magpahinga dahil malaking trauma ang maaaring epekto nito sa kanya.
Panay ang tingin ng mga tao sa amin pero hindi ko nalang iyon pinansin dahil alam ko naman na ang pinsan ko na ang bahala sa kanila.
"Ano ba ang nangyari kanina Jhon?" Agad na tanong ng manager niya pagkatapos ko itong kumotan. Masasabi kong seryoso na ito dahil totoong pangalan ko na ang gamit niya.
"Muntik na siyang magahasa ni Andrew." Napasinghap silang dalawa ni Tes sa naging sagot ko.
"Andrew? As in kuya yung nanakit kay ate?" Tumango lang ako at ibinalik ang atensyon kay Joanna. May mga pasa din ito pero nagamot na rin.
"We need to go back to US as soon as possible. Ayusin mo ang mga gamit niya pagkagising niya ay aalis na tayo."
Narinig ko ang utos ng manager ni Joanna kay Tes.
Third Person's P.O.V
Umuwi na din ang grupo ni Adi pagkatapos malaman ang nangyari. Hindi sila makapaniwala na si Andrew ang may gawa ng lahat. Hindi na nagfile ng reklamo ang panig ni Joanna para wala ng problema.
"Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sayo." bungad ng ina ni Andrew sa kanya pagkarating niya ng bahay.
Hindi ito pinansin ni Andrew at paika-ikang naglakad papunta sa kanyang kwarto. Mabuti na lang at wala ang kanyang ama dahil baka mapatay siya kapag nalaman nito ang ginawa niya.
"I didn't raise you to be a rapist son" natigilan siya pero pumasok din ito sa kwarto at humiga.
Andrew's P.O.V
Hindi ko talaga alam kung ano ang pumasok sa isipan ko at nagawa ko iyon sa kanya. Ang plano ko lang naman ay kausapin siya ng maayos pero nang makita ko na siya ay agad nag-iba ang takbo ng utak ko.
Alam kong galit sila sakin at mas lalong lalayo ang loob nito sakin kapag nagkita ulit kami. Sana lang ay patawarin niya ako sa nagawa ko. Hihingi kaagad ako ng kapatawaran bukas para madali niya akong mapatawad. Kahit sa pagtulog ko ay iisa lang ang nasa isipan ko.
Sana lang talaga ay mapatawad niya ako. Mahal ko lang naman siya kaya ko nagawa iyon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top