Chapter 37
Joanna's P.O.V.
Buong umaga ay hindi ko nakita at nakasama si JR kasi may iniutos ang manager ko sa kanya. Hindi ko naman nakita kaninang umaga si Andrew kaya komportable ako at hindi kami gaanong natagalan. Ang naging photographer namin kanina ay ang photographer ko dahil sabi ni Adi ay nagpaassign daw ang kanilang photographer sa ibang model.
Sayang nga eh gusto ko pa sanang humingi ng tawad pero hindi ko na pala makikita.
Kasalukuyan akong nakaupo at nakaharap sa salamin habang inaayusan. Huling photoshoot na ang gagawin namin at gusto nilang gabi ito para daw maiba naman.
Pormal ang suot ko ngayon kumpara sa isinuot ko kahapon na bikini lang.
"Miss J..please get ready ikaw na daw ang mags-solo shot." Napatingin ako kay Tes at agad na tumango. Ilang minuto pa ay natapos na akong iretouch kaya lumabas na ako para matapos na.
"The ace of S.E is truly gorgeous" Ngumiti ako sa manager ni Adi at nagpasalamat sa sinabi niya.
Pumwesto na ako at nagsimulang magpose. Hindi nila ako binigyan ng eksaktong pose na gagawin kaya lahat ng pose ay ko ay galing mismo sa akin.
"Vince, can you use my instax?" Ibinigay naman ni Tes ang instax ko sa kanya at pumwesto naman ako paharap sa camera at ngumisi.
"Thank you Vince..awesome as ever" Pagpapasalamat ko dito na agad naman niyang ikinapula.
Dala-dala ko ang litrato habang pabalik sa tent para kunin ang ibang gamit ko. Napatigil ako dahil tinawag ako ng manager. Akala ko pa naman tapos na kami.
"Bakit po?"
"Magbihis ka ng puti dun at may last picture pa..Dress ha huwag mong kalimutan." Pumalakpak pa ito at nagmamadaling umalis sa harap ko.
Pagod na ako pero wala naman akong magagawa kundi ang sumunod sa sinabi niya
Agad kong tinahak ang daan papunta sa tent at hinanap ang sinasabing puting damit. Lahat naman ng damit na nakikita ko ay hindi puti.
Sure ba talaga silang puti ang isusuot ko? Mas hot kaya tignan kapag nakaitim ako.
"Miss J anong hinahanap mo?"
Napatingin ako sa kapapasok na Tes at agad na hinili ito palapit sa pwesto ng mga damit.
"Wala akong puting damit at yun daw ang kailangan" puno ng problema ang boses ko dahil totoong problemado ako sa lintik na puting damit.
Kumunot ang noo niya sakin at tawa-tawang lumabas.
Ahhh iniwan niya ako kasi hindi din niya alam ang gagawin. Kung babalik naman siya sa hotel ay matatagalan siya dahil VIP class ang kwarto ko at nasa 49th floor pa yun.
Lalabas na sana ako para sabihin ang problema ko pero napatigil ako dahil eksakto namang pumasok si Tes na may dalang puting sweater kaya napataas ang kilay ko sa kanya.
Hinila niya naman ako papasok sa mini fitting room bago nagsalita.
"Huwag mong ibigay sakin ang kilay mo na yan at baka hablutin ko yan."
Hindi ako sumagot sa kanya at nakatingin lang sa sweater na dala niya.
Hindi sa nag-iinarte pero dress ang sinabi ni tata. Baka magalit yun kapag nagsweater lang ako.
"Nakausap ko na si tata at sinabi niya ayos lang daw ang sweater na ito kaya magbihis kana at aayusan pa kita."
Hindi ko na nagawang magreklamo dahil itinulak niya na ako bago isinara ang pinto.
Well hindi naman siguro yun magagalit kasi nakausap na ni Tes. Tinanggal ko na ang pormal kong suot at isinuot ang puting sweater. Mabuti na lang at nakashort ako kundi masisilipan ako sa iksi nito.
Malditang bata talaga yun kahit kailan.
Nag-eenjoy pa sana ako kakatitig sa sarili ko sa salamin pero nagulat ako sa biglang pagbukas nito. Tumambad sakin ang naiinip na mukha ni Tes.
"Ano matagal kapa? Naghihintay na si kuya sa labas Miss J." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at ako na mismo ang nagmamadaling lumabas para makita si JR.
Lahat sila ay nakatingin sakin paglabas ko. May ibang katrabaho ni Adi ang sumipol pero ang nakaagaw ng atensyon ko ay si JR na nakaputi at seryosong nakatingin sakin. Pinasadahan niya muna ako ng tingin bago ito lumapit sakin at hinawakan ang beywang ko.
Sabay kaming lumapit sa mga kasamahan ko na kasalukuyang nakikipag-usap sa mga kasamahan ni Adi.
"Andito na pala ang perfect couple na sinasabi ko." Lahat ng mga kasamahan ni Adi pati siya ay napalingon sa gawi namin.
Isang paghanga sa kanyang mga mata ang nakita ko. Agad naman itong tumayo at nakipagkamay ni JR.
"I'm Adrian and I'm the current partner of Joanna.. Nice to meet you." Tinanggap naman ni JR ang kamay nito pero seryoso parin ang mukha niya.
"Sa photoshoot lang."
Napalunok naman si Adi at tila natatakot sa malamig na boses ni JR kaya siniko ko ito. Ganyan talaga siya kapag nagseselos..lahat kalaban niya.
"Sige po balik na ako sa pwesto ko."
Mabilis na umupo si Adi sa upuan niya kanina na naging dahilan para tumawa ako.
"He can make you laugh love and I'm jealous" Napatigil naman ako sa pagtawa at agad na humawak sa braso ni JR.
"Don't be..sayo naman ako diba at syempre natatawa ako dahil tinakot mo siya."
Hindi na siya nakasagot sakin dahil nagsalita ang manager ko.
"Richy boy at Joanna pumwesto kayo sa itim na background doon ha."
Agad namin siyang sinunod at nang magsignal na ito na simulan na ang pagpose ay agad din kaming nagpose.
Komportableng-komportable ako habang kasama si JR kaya halos lahat ng kuhang litrato ay masyado kaming malapit sa isa't isa. May ilang pose pa nga na magkadikit ang ilong namin at ang iba ay nakadampi ang labi niya sa pisngi ko.
"Done!! As always from the great couple." Pumalakpak ang manager ko na sinundan naman ng iba.
Humiwalay muna ako kay JR para bumalik sa tent upang magbihis dahil nagsisimula na akong ginawin.
Nagsuot lang ako ng jogger para hindi lamigin ang binti ko. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako sa tent at eksakto namang pagtayo ni Adi.
"Nagpaalam na ako sa boyfriend mo at pumayag naman siyang makausap ka."
Tumango ako dito at sabay kaming naglakad pabalik sa mga kasamahan namin.
"Pasensya kana sa pagiging seloso niya kanina. Mabait naman yun sadyang may sayad siya minsan."
Kumamot ito sa ulo niya bago sumagot sakin.
"Ayos lang yun..naiintindihan ko naman siya. Alam mo? sobrang ganda niyo tignan kanina. Halatang mahal niyo ang isa't isa. Akala ko nga pre-wedding photoshoot yun."
Manghang mangha ang boses niya at nagustuhan ko yun. Yung tipong mapapangiti ka dahil may taong proud sa ginawa mo.
"Thank you..huwag kang mag-alala isasali kita sa susunod na photoshoot ko."
Nanlaki ang mata niya na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"Hindi naman lifetime ang project na ito kaya hindi mangyayari yun."
Halata namang gusto niya pero hindi niya gustong maniwala na mangyayari ang sinabi ko.
"Akong bahala sayo." Ngumiti ito sakin at tumango na lang dahil nakatingin sa amin si JR.
"Sige na puntahan mo na yang boyfriend mo at baka masapak pa ako. May last photoshoot pa naman bukas." Tumango lang ako dito habang pinipigilan ang tawa bago pumunta sa pwesto ni JR.
Humalik muna ako sa pisngi niya para mawala ang selos niya bago umupo sa tabi niya at nakinig sa biruan ng lahat.
Third Person's P.O.V
Masaya ang grupo nina Adi at Joanna habang nagkukwentuhan. Hindi nila napansin ang papalayong bulto ni Andrew na nakatingin lang sa kanila kanina pa.
Hindi nagawang lumapit ni Andrew dahil hindi niya gustong mawala ang ngiti sa labi ng dalaga at nasasaktan din siya habang nakatingin kung paano maglambingan ang dalawa. Naalala niya kasi na ganun din sa kanya ang dalaga dati at minsan pa ay siya ang nagnanakaw ng halik dito.
Ngayon lang naalala ni Andrew na hindi pala si Gines ang first kiss niya kundi ang babaeng sinaktan niya.
Magpapahinga lang ako Jo pero hindi ako titigil.
Tuluyan ng umalis ang binata at iniwan sila dun.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top