Chapter 35
Joanna's P.O.V
"Can you please leave Mr. Adrian? I need to talk to Miss J"
Akmang hahawakan ko si Adi pero wala na ito sa tabi ko. Hindi niya man lang napansin na hindi ako komportable sa lalaking 'to
"Sure sir" ngumiti ito sakin na agad ko namang inirapan.
Pagkaalis na pagkaalis ni Adi ay inusog ko ang upuan na katabi ng inuupuan ni Adi kanina. Halata naman kasi na dun din siya uupo.
Hindi nga ako nagkamali at umupo siya dun at pinasadahan ng tingin ang buong katawan ko kaya inayos ko ito para wala siyang maipuna sakin. Huling kita pa naman namin nasabihan akong 'slut' dahil sa maikli kong damit.
"Relax hindi ko na ulit sasaktan ang damdamin mo."
Napangisi ako sa narinig ko at tinignan siya.
"Seryoso? Expert ka kaya pagdating sa pananakit diba" Hindi naman siguro halata sa boses ko na bitter ako sa lalaking 'to diba?
"Hindi ako nananakit kapag walang atraso sakin." Tumingin siya sa labas pero ang atensyon niya ay nasa akin.
"Kabaliktaran ata ang mga ginagawa mo. Nakalimutan mo naba ang ginawa mo sakin 8 years ago? Ginawa mong horror ang prom ko..tsk" Umiling pa ako para ipakitang nasaktan ako sa ginawa niya.
Sino ba naman ang makakalimot sa ginawa niya. Buong akala ko pa naman masaya ang magiging first prom ko pero naging horror pa 'to sa buhay ko. Ikaw ba naman ang dalhin sa gitna ng dance floor at iwan ng partner mo. Tignan lang natin kung hindi ka ba mahihiya at mat-trauma na baka maulit.
"I'm sorry Jo. Alam ko na naging bobo ako dahil iniwan kita. Alam mo naman na madali akong mahulog sa babaeng pasado sa ideal type ko." puno ng pagsusumano ang boses niya. Halatang-halata sa boses niya na pinagsisihan niya ang ginawa niya.
Akala niya siguro ay marupok ako sa kanya..siguro dati pero ngayon hindi na. Nasanay na akong walang itinuturing na bestfriend sa buhay ko.
"Tapos natatandaan moba? sinabi mo sakin na mahal moko pero nakita mo lang ang pinsan ko ayun nawala ang dapat ay sakin. Nice joke Drew haha." peke ang ginawang tawa ko dahil pinipigilan ko ang magalit sa kanya.
Hanggang ngayon ay may galit parin ako sa kanya. Siya kasi ang unang taong pinagkatiwalaan at minahal ko pero ang isinukli niya lang sakit ay puro sakit. Ang kapal din naman ata ng mukha niya para kausapin ako.
"Mahal kita Jo mula pa noon...pero hindi ko gustong tanggapin yun kaya hinayaan kong mahulog ang sarili ko sa pinsan mo." Nakatingin siya sakin na para bang sinasabi sakin na maniwala ako.
"Ganun ba talaga ako ka baba? Hindi ko ba naabot ang standards mo at hindi mo kayang tanggapin sa sarili mo na may gusto ka sakin? Ano ba dapat ang ginawa ko Drew para pumasa sa standards mo!" hindi ko na napigilan ang umiyak sa harapan niya. For the past 8 years ngayon ko lang ulit 'to nailabas at hindi ko inaasahang sa harapan niya pa talaga.
Sinubukan niyang abutin ang balikat ko para patahanin pero itinaas ko ang kamay ko para sabihing hindi niya ako pwedeng hawakan.
"Kahit man lang yung pagkakaibigan natin ang pinahalagahan mo pero wala eh..madali mo lang itinapon lahat dahil sa pinsan ko. Imagine? 8years akong nasa tabi mo pero wala parin pala yung kwenta. Walong taon ang sinayang ko sa buhay ko para lang makasama ka at hindi ko inakalang madali mo lang pala yung kalimutan."
Hindi ako makatingin sa mata niya dahil baka may masabi pa'ko. Nakatingin lang ako sa sahig habang pinupunasan ang mga luha ko.
"I'm sorry Jo. Oo ako yung gago at walang kwenta sa pagkakaibigan natin pero nagsisisi na'ko at sana ay bigyan mo'ko ng huling pagkakataon." Hinawakan niya ang kamay ko bago nagpatuloy. "I want you back Jo. Hindi ko kayang mabuhay na wala ka. I-I need my bestfriend and my precious g-gem. "
Dahil sa sinabi niya ay napatingin ako sa mukha niya. Hindi ko inakalang marunong palang umiyak ang damuhong 'to. Kinuha ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Nandidiri ako sa kanya at hindi ko gustong ipahalata sa kanya yun pero hindi ko rin gustong hawakan niya ako.
"Really? Sa tingin mo madaling ibigay yun? Sa lahat ng sinabi mo sakin? Alam mo ba kung ano ang mga katangahang ginawa ko para lang bumalik ka? Siguro kung dati mo hiningi ang pangalawang pagkakataon ay walang dudang ibibigay ko agad sayo pero ngayon? Hindi ko na alam eh. Masyado mokong nasaktan sa nagawa mo."
Ang kaninang matatag na Andrew ay napalitan ng malambot na Andrew. Nakatungo siya at nilalaro ang kamay niya. May mga luhang pumapatak sa sahig dahil sa pag-iyak niya.
"I miss you so much Jo..sinubukan kong humingi ng tawad sayo pero pagbalik ko sa bahay niyo ay nakaalis kana."
Imbes na maawa ako ay mas lalo akong nagalit sa sinabi niya. Kailan kaya 'to mawawalan ng rason.
"Nǐ shènzhì dōu méiyǒu qù zhuī wǒ"( Hindi mo man lang ako hinabol.)
Nag-angat siya ng tingin dahil sa sinabi ko. Totoo naman..kung gusto niya talagang makita ako ay hahabol siya sakin. Pwede naman siyang magtanong sa mga magulang ko o di kaya ay sa mga magulang niya kung ano ang address ko.
"Wǒ bù zhīdào nín de zhùzhǐ, nín de mǔqīn gàosù wǒ nín tǎoyàn wǒ, suǒyǐ wǒ rènwéi nín xūyào yīxiē kōngjiān." ( Hindi ko alam ang address mo at sinabi sakin ni tita na galit ka sakin kaya binigyan muna kita ng space.)
Hindi ko alam kung nakakapag-isip paba siya ng tama sa sinabi niya. Malamang magagalit ako sa ginawa niya..alangan naman maging masaya ako dahil iniwan ako.
"Nǐ shǎ ma wǒ dāngrán huì hèn nǐ, yīnwèi nǐ líkāile wǒ. Wǒ ài nǐ, dàn nǐ zhǐshì shānghàile wǒ āndélǔ." (Bobo kaba? Syempre magagalit ako dahil iniwan moko. Andrew, minahal kita pero sinaktan mo lang ako.)
Pagkatapos kong sabihin ang lahat ng yun ay tumayo na ako..hindi dahil gusto kong takasan siya pero nagugutom na ako at kakain pako ng lunch.
Hinawakan niya ang kamay ko at tumayo sa harapan ko.
"Wǒ huì rènzhēn dì xiàng nǐ qiú'ài de qiáo ānnà."( Liligawan kita Joanna. Seryoso ako.)
Binawi ako ang kamay ko at seryoso siyang hinarap.
"Wǒ yǒu wèihūnfū, wǒmen dǎsuàn jiéhūn. Tuì hòu!" ( May fiance na ako at nagpaplano na kaming magpakasal. Back off!")
Hindi siya sumagot sa sinabi ko kaya umalis na ako sa tent.
Feeling ko nasayang ang oras ko at imbes na makapagpahinga ako ay mas lalo akong napagod.
Nilapitan ko ang manager ko at inaya silang bumalik na sa hotel dahil gutom na ako. Hindi naman sila nagtaka kung ano ang nangyari sakin. Mabuti na lang at hindi halata na umiyak ako.
You need to be strong Jo! May tatlong araw pa.
Third Person's P.O.V
Tahimik si Andrew habang palabas ng tent. Nakatingin lang sa kanya ang mga empleyado niya habang pasakay siya sa kotse niya.
"I'll win you back Joanna at walang makakapigil sa plano ko kahit na ang fiance mo."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top