Chapter 34

Joanna's P.O.V

Imbes na bumalik ako sa tabi ni Adi ay naisipan kong lapitan ang namamahala sa photoshoot na ito. May ipapaalam kasi ako dito. Hindi ko naman gustong maging photographer ang taong ayaw sakin.

Bumeso ako sa kanya at naglahad naman siya ng upuan kaya umupo ako dito.

"Ma'am I just want to suggest po sana  kung pwede yung photographer ko na lang po para mas komportable ako."
Tumango naman siya at tumingin sa photographer ko na nakatingin din pala samin.

Napailing nalang ako sa inasta ng photographer ko. I mean kanina pa siya nakatingin sa akin at palaging iniobserbahan ang lahat ng kilos ko.

"Sure ija..Pasensya kana kung napatagal ang shoot today ha. I'll tell them na lang sa change of plans para mainform sila." Tumango ako dito bago tumayo at nagpaalam na pupuntahan ko ang mga kasama ko.

"Did they hurt you? Should I tell Charles to cancel this project?" seryoso ang pagtatanong sakin ng manager ko.

"I'm fine Ta at sinabi ko na rin sa kanila na yung photographer na lang natin para mas madali tayong matapos." Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Hindi niya kasi inaasahan na sasabihin ko yun.

Ngayon lang kasi ako nagrequest na yung original photographer namin ang magiging photographer sa collaboration photoshoot ko. Kapag collaboration kasi ay hinahayaan namin na yung photographer sa kabilang panig ang kukunin para hindi mailang ang partner ko.

"Why? Asan yung baklitang yun? May sinabi ba siyang masama?" Agad akong umiling para itago ang totoo.

"Para na rin hindi mainip si Vince dyan oh" turo ko sa photographer namin na nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin. "Naiinip na yan.. Sabihin mo na lang sa kanya na sumunod sa kabilang tent para makapagsimula." Binalingan ko ulit si Vince ng tingin pero parin ang noo nito habang nakatingin sa akin.

Nagpaalam na ako na babalik sa kabilang tent para makapagsimula na.

"Asan na yung photographer? Namumula kana baka masira kutis mo." Agad na saad ni Adi at pinayongan ako. Sweet naman pala ang baklang toh.

"Yung photographer ko nalang ang gagamitin natin dahil mas komportable ako sa kanya." Halata sa mukha niya na hindi siya naniniwala sakin pero sumang-ayon lang siya sa sinabi ko.

"I know narinig mo ang sinabi ni Marsden kanina. Pasensya kana sadyang naiimpluwensyahan ang utak niya ni Jane." Ngumiti ako sa kanya para ipakitang ayos lang.

"Hindi ko naman pinapansin yun." Bahagya kong tinakpan ang braso ko gamit ang mga kamay ko. Tumingin ako sa dagat habang hinihintay ang papalapit na Vince.

Nakabikini parin ako at ramdam ko na ang init na nagmumula sa araw. Malapit naman sigurong matapos ito kaya naisipan kong mamaya na lang magbihis.

Nabigla naman ako dahil may robang tumakip sakin. Magpapasalamat na sana ako kay Adi pero hindi pala siya ang naglagay sakin dahil may hawak siyang payong.

"I understand the nature of your work pero sana naman ay alagaan mo ang kutis mo."

Nanatili ang magkabila niyang kamay sa balikat ko habang nakahawak sa roba.

"Sir! Pasensya na po kayo napatagal ang shoot today."

Tsk. Bakit humihingi ng pasensya si Adi sa taong toh? CEO lang naman siya..Hindi naman siya yung nabibilad sa araw.

"Ayos lang pero sa susunod ay sana hindi ko makitang naiinitan si Joanna. I don't want my--"

Hindi ko na hinintay na marinig ang sasabihin niya at hinila si Adi para pumunta sa dati naming spot. Mabuti na lang at sumenyas si Vince na papuntahin na kami.

Hawak ni Andrew ang robang nakatakip sa akin kanina at nakatingin lang ng seryoso sa akin.

"Baka pagalitan tayo ni Sir dahil sa ginawa mo Miss J. Lagot ako ako baka paalisin niya ako sa agency namin."
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

"Edi sabihin mo sakin at sasabihin ko sa CEO namin na kunin ka." Ngumiti naman siya at nagpatianod sa hila ko.

Pagkarating naming dalawa sa spot kanina ay agad kaming pumwesto. Naging komportable na siya sakin kaya hindi kami gaanong nahirapahan sa mga gagawing pose.

"Mr. Adi, I can't believe you can do better than what you did awhile ago." Ngumiti si Adi dito at nagpasalamat.

Lumapit naman sakin si Tes at ibinigay sakin ang sarili kong roba. Pinasama ko si Adi sa tent namin para ipakilala sa mga kasamahan ko.

Tinawag ko ang atensyon nilang lahat at lahat naman sila ay seryosong nakikinig habang ang ibang babae ay nakataas ang kilay.

"They look so scarry Miss J." napatawa na lang ako bago nagsalita.

"Guys this is Adrian but you can call him Adi. Please be good to him okay. " Tumango lang sila at bumalik sa dati nilang ginagawa.

"I think they don't like me." Napatingin ako kay Adi at tinapik ang balikat niya.

"Wǒ huì gàosù chá'ěrsī nǐ bù lǐ wǒ de yāoqiú!"( Sasabihin ko kay Charles na hindi niyo pinapansin ang request ko!")

Lahat naman sila ay humarap ulit sakin at sabay-sabay na tumayo at bumati kay Adi.

"We are honored to meet you Mr. Adrian. Please take good care of our Miss J."

Nagtataka man ay ngumiti si Adi at sinabihan sila na umupo na at baka naabala sila.

"Ta..dun muna ako sa tent nila ha." Tumango lang ang manager ko sa hiling ko.

"Ano yung sinabi mo sa mga kasama mo? Marunong ka palang mag-chinese."

Napatawa naman ako kay Adi habang nagtatanong. Hindi ko alam pero pakiramdam ko bakala talaga ang isang toh.

"Wala naman.. sinabi ko lang na iwelcome ka at syempre half chinese ako." Eksaktong pagsagot ko sa kanya ay ang pagpasok namin sa tent niya kaya ikinuha niya muna ako ng upuan bago sumagot.

"Ang hot mo tignan kapag nagsasalita ng Chinese." nakatingin siya sakin at halata sa mukha niya ang pagkamangha.

"I know that I'm hot no need state the obvious." iminuwestra ko pa ang kamay ko at nag-acting na nagtataray.

"Hindi bagay sayo ang pagiging maldita dahil napakaamo ng mukha mo."  Hindi ko alam kung bakit napatawa ako sa sinabi niya. Never in my whole life na may nagsabi sakin na maamo ang mukha ko. Lagi akong sinasabihan na mas bagay sakin ang pagiging maldita kaysa sa pagiging inosente.

"Nah Adi....I think you need to check your eyes." Umiling siya na tila hindi sang-ayon sa sinabi ko.

"Maayos ang mga mata ko...totoo naman na maamo ang mukha mo sadyang ang mga mata mo lang ang ang maldita." Tumawa ito ng malakas kaya sinamaan ko ito ng tingin pero mas lalo pa siyang natawa.

Sasapakin ko na sana pero naging seryoso bigla ang mukha nito kaya napatigil ako.

"Totoo ba talaga na boyfriend mo si JR?"

"Yes" simple lang ang isinagot ko dahil hindi ako yumg tipong mag-eexplain kung hindi naman kailangan.

"Ilang taon na pala kayo?"

Inayos ko muna ang roba ko bago sumagot.

"5years and 11 months"

Pumalakpak siya sa sagot ko at kakikitaan ng pagkamangha ang mga mata niya.

"Road to wedding naba?"

"Siguro kung aabot ng 6years." hindi ko na napigilan ang mapangiti sa sinagot ko.

"Wow naman...sana invited ako"

"Ofcourse...ipapadala ko ang invitation once magpapakasal na kami."

Magsasalita na sana si Adi pero hindi natuloy dahil biglang pumasok ang isang damuho.

"Can you please leave Mr. Adrian? I need to talk to Miss J."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top