Chapter 33
Joanna's P.O.V
Maraming tao ang nakatingin sa amin at balita ko may ibang tao na nagpupumilit makalapit sa amin.
Nakatayo kami ngayon ni Adi habang hinihintay ang susunod na gagawin namin. Hindi naman kasi ako na inform na may kasama pala ako ngayon at take note nahihiya daw siyang hawakan ako. Wala naman akong magagawa kung nahihiya siya..alangan naman pilitin ko eh baka akalain niya type ko siya.
Mas hot pa kaya si JR sa kanya duhh!
Bigla tuloy akong napangisi sa pagiging maldita ko. This past few days lumalala na pagiging maldita ko at pinipilit ko din itong itago.
Uupo na sana ako dahil nangangawit na ang paa ko kakatayo pero nagsalita ang photographer namin. Kung sana ay hindi niya pinapairal ang hiya niya edi sana kanina pa kami tapos. Biruin niyo alas syete kami nagsimula at ngayon ay alas nwebe na pero dalawa pa lang ang nakukuhang litrato at sa bawat litrato ay palaging magkatalikod yung parang sa mga spy na movie.
Hindi naman ako makapagreklamo dahil photographer nila ang ginamit nila para daw madagdagan ang popularity nito. Ang photographer ko naman ay nakatingin lang sa amin kasama ang mga kasamahan ko sa entertainment.
"Humarap kayo sa isa't isa at Adi ipatong mo ang dalawa mong kamay sa magkabila niyang bewang habang ikaw naman Miss J ipatong mo ang right hand mo sa dibdib niya habang ang left ay nasa leeg niya."
Sinunod ko kaagad ang sinabi nito pero nakukulangan pa rin ako sa magiging resulta nito kaya ginamit ko ang kamay ko na nasa leeg niya para ilapit ang mukha niya sakin.
Kitang kita ko naman kung paano nanlaki ang mata niya pero agad din namang nakabawi. Kanina nga napapaisip ako kung lalaki ba talaga siya o sadyang hindi pa niya alam kung ano talaga siya.
*click*
*click*
*click*
"As expected from a super model. Hindi ko inaakala na ikaw mismo ang mag-aadjust kanina." Ngumiti ako dito at nagpaalam na magpapahinga muna.
Pumayag naman sila kaya lumapit ako sa mga kasamahan ko na agad namang nagset-up para sa solo photoshoot ko.
Ito nga pala ang sinasabi kong pahinga. Pahinga sa mga taong hindi ako komportable. Hinubad ko ang short na suot ko kaina para mas lalong mailantad ang suot kong bikini.
Narinig ko naman ang singhap ng mga tao pagkatapos kong gawin iyon. Napangisi na lang ako pati na rin ang mga kasamahan ko.
Pumunta na ako sa dagat at sinimulang gawin ang dapat kong gawin.
*Click*
*Click*
Pagkatapos ko sa dagat ay sinunod kong lapitan ang isang puno ng niyog at doon naman nagsimulang magpose.
Lahat ng larawan ko ay hindi kakikitaan ng ngiti dahil ito talaga ang nakasanayan ko. Mabibilang lang ang mga pictures ko na nakangiti. Feel ko kasi ang ganda tignan kapag nakapoker face lang ako at sabi din naman ng manager ko na mas bagay daw sakin ang hindi ngumingiti sa camera.
After a few shots ay nilapitan ni Tes ang photographer para patigilin ito at para pagpahingahin talaga ako. Isa din ito kung bakit gusto kong palagi siyang sumasama sa lahat ng projects na gagawin ko dahil alam niya kung kailan ako patitigilin. Kahit mas bata siya sakin eh mas strikto siya sa oras at sa katawan ko. She looks like my old sister sa inaasta niya.
"Upo ka nga muna dun at baka pumula ang kutis mo at mas lalo pang matakot sayo si Adi." tinignan ko ito ng masama pero tumawa lang siya.
"Duh! sabi niya nahihiya daw siya hindi natatakot." pagtatanggol ko naman sa sarili ko pero tinawanan niya muna ako bago sinagot.
"Takot yan. Ganun din kaya ang itsura ng pinsa ko kapag natatakot siya sayo." Lumakas ang tawa niya kaya napalingon ang iba sa amin. Mahina ko siyang kinurot sa tagiliran para sana tumigil sa kakatawa pero mas lalo pa itong nagpatuloy.
"Excuse me ha, never ko kayang tinakot ang pinsan mo." Umirap ako dito bago umupo sa upuan. Nagtawag muna siya ng hairstylist ko bago umupo sa tabi ko.
"Sabi sakin ni Kuya kapag nagagalit ka para ka daw mangangain ng tao." Sinubukan niyang hindi tumawa pero kita ko ang tuwa sa kanyang mga mata. Gustong gusto niya talaga kapag napipikon ako. Madali kasi talaga akong napipikon sa mga bata at hindi ko alam kung bakit.
"Sige pa awayin mo pako at isusumbong kita sa pinsan mo."Ngumisi ako sa sinabi ko. Takot kasi siya sa pinsan niya dahil mas pinapaboran ako ng pinsan niya kaysa sa kanya.
"Oo na sorry na. Punta kana dun at sabihan mo silang magsimula na kayo" Nakangiti ako habang papalakad pabalik sa team nila Adi. Akala niya siguro ay maiinis niya ako ng tuluyan pero hindi niya alam na reyna ako ng kamalditahan.
Umupo ako sa katabing upuan ni Adi at ngumiti naman siya sakin.
Better.
Siguro ay nakaadjust na siya sa presensya ko kaya hindi na siya naiilang. Sana naman ay hindi na siya mahiya o matakot man sakin dahil hindi ko naman siya kakainin.
"Pupunta dito si sir? Bakit kamo? "
"Hindi pa kami natatapos eh"
"Hindi marunong magpose ang ka partner ni Adi kaya natagalan kami" Napatingin naman ako baklang photographer nila. The heck? Ako pa talaga ang hindi marunong eh itong alaga nga nila ang napaka choosy. Ano bang gusto nilang gawin ko yumakap talaga ng mahigpit o baka naman gusto nila yung masydong kita lahat.
"You look so hot in your bikini." napalingon naman ako kay Adi dahil sa pagsasalita nito.
"Thank you for the compliment." Ngumiti lang ako dito bago tumayo para lapitan ang baklang kanina pa ako sinisiraan. Hindi naman niya napansin na nasa likod niya ako dahil nakatalikod siya sakin.
"Hindi siya kagandahan Ma'am Jane. Mas maganda pa yung model natin. Siguro nadala lang ang popularity niya sa mga connections niya."
Eh kung ipakita ko lahat ang pictures ko sayo simula pagkabata at ng malaman mo na dahil lang sa koneksiyon ang kasikatan ko.
"I agree with you kaya nga napapaisip din ako kung bakit tinanggap ni sir ang tulong ng kompanya nila eh mas magaganda naman ang models natin."
Hindi ko na napigilan ang magsalita dahil pinakaayaw ko sa lahat ay ang sinisiraan ang kompanyang kinabibilangan ko. I love my company at marami silang naitulong sakin. Kung sino mang Jane na yan sana lang ay mas angat siya sakin dahil kapag hindi lagot talaga siya sakin.
"Excuse me? Pwede namang itigil ang project na ito tutal naabala din ako. Mas inuna ko pa nga ito kaysa sa mga high end project dahil akala ko makakatulong kami pero sinisiraan niyo ang entertainment namin? Sige..I'll tell my team to leave this cheap project." Mabuti na lang at medyo malayo kami sa mga tao kaya walang nakakarinig sa pinag-uusapan namin.
"I'm sorry Miss J kung nasaktan ko ang feelings mo as a model pero hindi kasi ako sang-ayon sa desisyun ng CEO namin na tanggapin ang tulong kuno ninyo dahil halata namang kayo ang may kailangan ng tulong namin."
Tumaas ang kilay ko sa sinabi ng baklang toh. Hindi siya sang-ayon? Ako din naman ah.. Hindi ko nga alam kung bakit sa dinami dami ng pwedeng tulungan namin eh sa kompanyang ito pa. Lahat ata sila ay matataas ang tingin sa sarili.
"Hindi niyo gusto? Sige iharap mo sakin ang CEO niyo at ako ang kakausap na itigil ang project na ito pero ipapaalala ko lang sa iyo na once nireject ng kompanya namin ang project na ito ay may malaking oportunidad ang mawawala sa inyo and abouth the damages..we can pay thrice of the original price."
Magsasalita na sana ang bakla ng may magsalita sa likod ko. Isang boses na matagal ko ng pilit kinakalimutan.
"Sure ka Joanna? Paano mo mababayaran ang damage na nagawa mo sa puso at utak ko."
Narinig ko naman ang singhap ng baklang photographer sa likod ko. Another issue na naman ito panigurado.
Napalingon ako sa kanya at ngumiti ng malagkit. Nanlaki ang mga niya at hindi makapaniwala sa ginawa ko. Akala niya siguro ay magugulat ako at hindi makakagalaw.
"Diba dapat ako ang nagtatanong sayo niyan....pero di bale na lang para namang hindi kita naging bestfriend dati.."
Ngumiti siya at inayos ang buhok niya. Akala niya siguro magiging gwapo siya kapag ginawa niya yun.
"Hindi ka pa nakakamove on Jo? Pwede naman nating ibalik ang lahat kung gusto mo. You know I still want you." Lumapit ako sa kanya at bumulong.
"Sorry I don't want you..at sino ba ang nagpapunta sakin dito..diba ikaw naman ex bestfriend?"
Lumayo ako sa tenga niya at dinampian ng halik ang pisngi niya.Klarong-klaro ang pulang lipstick na ginamit ko sa aking labi.
"See you around CEO" ngumiti ako dito at diretsong naglakad pabalik sa tabi ni Adi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top