Chapter 30
Andrew's P.O.V
Kabado ako habang inuutusan ang assistant ko. Baka kasi hinda na pumayag ang dalawang representative ng S.E at hindi ko na talaga siya makita.
Pabalik balik ang tingin ko sa assistant ko at sa laptop. Lord sana naman pagbigyan niyo ko ngayon. Promise po talaga hindi ko na sasayangin.
"Sir babalik daw sila at didiretso dito sa opisina niyo."
Ngiting tagumpay ang nakapaskil sa aking mukha pagkatapos marinig ang sinabi ng aking assistant.
"Buy us some foods, please." Agad na umalis ang aking assistant para bumili at ako naman ay agad na nilapitan ang malaking salamin para ayusin ang aking damit.
Kung kanina ay wala akong pake sa itsura ko, ngayon ay dapat magmukha akong kagalang galang sa kanila para pumayag sila sa kondisyon ko. Alam ko na malaki ang oportunidad na mawawala sa amin kung sakaling hindi sila papayag sa kondisyon ko. Selfish na kung selfish pero handa akong bitiwan lahat..bumalik lang siya sakin.
Pagkatapos kong ayusin ang aking damit ay pumunta ako sa aking lamesa at inayos ang mga nakakalat na papel. Ayos lang naman kasi sakin kung makita ng mga kliyente na ganito ang ayos ng opisina ko pero iba kasi ang makakaharap ko kaya dapat maging malinis ito tignan. Pagkatapos kong linisin ang lahat ay umupo na ako at hinintay ang kanilang pagdating.
Third Person's P.O.V
Tahimik na naglalakad sa hallway ang dalawang matandang lalaki. Hindi na sila nag-aksaya pa ng panahon dahil gusto din nila na magkaroon ng panahon upang makapagliwaliw bukas sa Pilipinas bago sila tumulak pabalik sa US.
Pagpasok nila ay agad na nakita nila si Andrew na agad din namang tumayo pagkakita sa kanila. Nasa tabi naman nito ang assistant niya na may inihahandang mga papeles.
Magkatabi silang umupo sa dalawang malalaking sofa at kaharap nito ay si Andrew na pinipilit itago ang saya at kabang nararamdaman. Hindi alam ni Andrew na napansin iyon ng dalawang matatanda kaya napangisi ito.
Ilang minuto pa ay naglatag ng maiinom at pagkain ang assistant nito bago umalis. Agad namang uminom si Andrew pagkatapos ay nagsalita.
"I'm so sorry for wasting your time. Gusto ko lang sanang ipaalam sa inyo na tinatanggap namin ang offer niyong tulong sa kompanya namin pero..may isa akong kondisyon na sana ay pumayag kayo."
Kabado man pero nagawa niya paring magsalita ng maayos yun nga lang pagkatapos niyang magsalita ay uminom ulit ito.
Nakangisi ang dalawang matanda habang pinagmamasdan ang binatang kinakabahan kaya tinago nila ang tuwang nararamdaman nila at pinalitan ito ng serysong mukha.
"Bakit naman namin ipagkakatiwala ang super model namin sa inyo? Ano ba ang maibibigay niyo sa kanya?"
Dahil sa kaba ay hindi na nakapag-isip si Andrew kung ano ang tamang isasagot niya sa tanong. Basta nalang lumabas sa bibig niya ang nararamdaman niya.
"Aalagaan ko siya at ibibigay ko ang puso ko."
Nagulat ang dalawang matanda pati narin si Andrew na agad nabilaukan ng sariling laway.
"I mean...aalagaan po namin siya at ibibigay namin ang buong puso naming suporta sa kanya."
Tumango ang dalawang matanda pagkatapos ay tumawa ito at lalo namang kinabahan si Andrew dahil sa paraan ng pagtawa nito pero nawala ang lahat ng kaba pagkatapos marinig ang sinabi nito.
"Migs, tawagan mo ang manager ni Joanna at ipaalam mo sa kanya ang project ng alaga niya."
Tumango lang si Miguel pagkatapos ay nagpaalam bago umalis sa loob.
Tumayo na si Charles kaya napatayo din si Andrew. Naunang maglahad ng kamay si Charles na agad namang tinanggap ni Andrew.
"Expect our model to be her tomorrow or the day after tomorrow. Please take good care if her."
"I will sir"
Pagkatapos ng sandaling iyon ay lumabas na ito at naiwan si Andrew na hindi alam kung ano ang unang gagawin kapag nakita niya ang dalaga. Malaki ang ngiti niya habang tinititigan ang larawan ng dalaga sa kanyang lamesa.
Sa kabilang dako naman ay ang naisturbong Joanna. Mahimbing ang tulog niya pero dahil sa tawag ng manager niya ay agad siyang nagising.
Madaling araw pa pero pinapapunta na siya sa opisina dahil may meeting daw sila.
"Hindi ko tatanggapin ang project na iyan."matigas ang pagkakasabi ni Joanna at halatang hindi niya talaga gustong kunin ang proyekto.
"Anak, 3 to 4days lang naman at babalik din tayo agad dito."
Tumaas ang kilay niya sa sinabi ng manager.Ang manager na ito ay Pinoy na may pusong pinay kaya ang turingan nila ay hindi masyadong pormal. Ito ang manager na tumanggap sa kanya noong bumalik siya sa pagmomodelo at hanggang ngayon ay hindi parin siya iniiwan nito.
"Kahit na isang araw pa yan ay hindi ako pupuntang Pilipinas ta!" Halata sa bawat sagot nito ang katigasan ng ulo at kaserysohan.
Hinawakan siya ng manager niya sa magkabilang balikat at iniharap bago nagsalita.
"Anak, kailangan mo ito para mas makilala ka at mas makakatulong ka sa kompanya para lumawak ang ahensya natin."
Kahit anong sabihin ng manager ay hindi parin talaga pumapayag si Joanna. Akmang lalabas na ito pero napatigil ito pagkatapos magsalita ng manager niya.
"Sasabihin ko kay Charles na hindi ka papayag." sumilay ang ngiti sa dalaga at binalingan ang manager.
"Close kami ni tito Charles at ako ang paborito niya kaya kahit anong sabihin ko ay papayag siya." Umiling ang manager pagkatapos ay nilapitan siya.
"Pumirma na si Charles ng kontrata kaya hindi pwedeng hindi ka pumayag kaya umuwi kana at mag-empake dahil after 2hrs ay ang flight natin papuntang Pilipinas." Naiwan si Joanna na nakatulala at hindi makapaniwala sa sinabi.
Pagkauwi niya ay naabutan niya ang mga magulang at si JR na masayang nagkukwentuhan kaya napagdesiyunan niyang lumapit dito.
Isa isa niyang hinalikan ang mga ito sa pisngi bago tumabi kay JR.
"Goodluck sa bago mong project anak. I'm sure mas lalo ka pang sisikat."
Ngumiti lang siya nang peke sa mga ito bago inihilig ang ulo sa balikat ng nobyo.
"Pasensya kana ha at hindi makakasama sayo si Andrew. May kailangan kasi siyang tapusin agad."
Tumango siya ulit bago nagpaalam na pumasok sa kwarto para mag-empake na agad namag sinundan ni JR.
Pagpasok ni Joanna sa kwarto ay nakita niya kaagad ang mga nakaempakeng gamit. Umupo siya sa gilid ng kama na agad namang sinundan ni JR.
"Excited talaga kayong paalisin ako noh?" bahagyang tumawa ang binata bago inihilig ang ulo ng dalaga sa kanyang balikat at niyakap ang beywang nito.
"Kung pwede lang na sumama ako sayo ay gagawin ko. "
"Edi sumama ka. Maiintindihan naman nila iyon dahil palagi naman silang boto sa atin."Umiling ang binata bago hinaplos ang buhok mg nobya.
"Love, I know kaya mong mawalay sakin kahit saglit lang..kaya bakit pako magpupumilit sumama sayo?Trabaho ang pupuntahan mo kaya ayos lang sakin."
"Paano kung magkagusto ako sa kanya at iwan kita?" ngumiti lang ang binata bago sumagot sa kanya.
"May tiwala ako sayo at kahit bantay sarado kita kung magkakagusto ka sa kanya ay wala akong magagawa. May tiwala ako sayo at ako na ang bahalang maniwala sa sarili ko."
"I love you, Love" yumakap lang si Joanna sa nobyo at sinusulit ang oras na magkasama sila dahil ilang oras nalang ay mawawalay na sila sa isa't isa.
"I love you more kaya galingan mo para makauwi ka kaagad dito."
"May tiwala din ako sa sarili ko na wala na akong nararamdaman sa taong iyon." yan ang nasa isip ni Joanna bago ipinikit ang mga mata.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top