Chapter 3

Gines P.O.V

"Pupunta ba si Ate dito mom?"pambungad na tanong ko dito.

"Maybe no ija kasi dumating ang mga magulang niya" tumango lang ako at kinuha ang mga gamit ko bago nagpaalam sa mga magulang ko na kanina pa nanunuod sa mga ginagawa ko.

Habang pababa ako ng hagdan panay din ang bati ko sa mga katulong na naglilinis ng maaga. Nagpahatid ako sa driver namin na mabilis ding magmaneho kaya mabilis din kaming umabot sa paaralan.

"Hi Gines!"

"Good morning Jayns" bati ng dalawa kung kaibigan na sina Arabella at LK.

"Good Morning din! Ang aga niyo ata ngayon" sabi ko at nakipag beso sa kanila.

"Naku mas maaga ka nga samin palagi. Ngayon lang kami sinipag kaya nauna kami sayo" ngumiti lang ako at sumabay sa kanila sa paglalakad papuntang room namin.

Agad akong umupo pagkapasok ko at binasa ang notes ko nang tumabi sakin ang boy bestfriend kong si Mark.

"Pakopya ako kapag may exam tayo mamaya ha"

Tinignan ko ito ng masama dahil di na naman niya sinunod ang bilin ko sa kanyang mag aral. Naintindihan naman niya ang mga tingin ko kaya agad itong nagpaliwanag.

"May family gathering kagabi kaya nakalimutan ko. Thank you!"Dagdag niya at pumunta na sa upuan nito.

Halos buong klase ko ngayong umaga ay nakikinig ang buo kong sistema sa tinuturo ng teacher namin. Ewan ko ba pero good mood ata ako ngayon parang may mangyayaring maganda.

Pagsapit ng lunch break ay niyaya ako nila LK at Arabella na pumunta sa malapit na resto at doon daw kami kakain.

Agad naman kaming binati ng crew sa resto pagkapasok namin. Tinignan ko ang paligid at nakita ko si Ate Joanna na may kasamang lalaki. Maybe boyfriend niya ata pero kung dito sila kumain malamang late na silang makakabalik sa school nila.

Pinasadahan ko naman sila ng tingin pero hindi pala sila naka uniporme malamang absent na naman siya.
I wanna be like her yung kahit anong gusto niya ay nakukuha niya unlike me na dapat sundin ko ang parents ko.

Nabalik lang ako sa wisyo nang magsalita si Arabella at hinatak ako.

"Gines halika na, may nakareserved na tayong table"tumango lang ako sa kanya at nagpatianod sa hila niya.

Nakaupo na kami at nakahanda na rin ang pagkain pero di ko parin maiwasang tignan ang pwesto nila Ate at aksidente namang napatingin siya sa gawi namin kaya tumayo ito at lumapit sa pwesto namin.

"Girls, pakabait kayo andito yung pinsan ko" bulong ko sa dalawa kong barkada.

"Yung model mong pinsan?Asan?"
eksaktong paglingon ni Arabella ay ang pagdating ng pinsan ko sa table namin.

"Hi girls" sabi nito nang nakangiti showing her white teeth. Ano kaya toothpaste niya?

"Hello din po Ms. Joanna/Hello po" sabay na bati nina Arabella at LK gamit ang pinakamagalang na boses nila.

"Kayo ba ang mga kaibigan ni Gines?"

"Yes po" si LK na ang sumagot dahil siya ang medyo komportable kaysa kay Arabella.

Ngumiti lang si Ate at tinignan ako.
"Jayns mamili ka mamaya ng gown na isusuot mo para sa welcome party ni Mom and Dad isama mo narin itong mga kaibigan mo"

"Uhm, invited rin po kami?" nahihiyang tanong ni Arabella.

"Ofcourse, see you tomorrow ladies balik na ako sa table namin"sabi nito at tinuro ang table kung saan naroroon ang lalaking kasama niya.

"Ate Joanna boyfriend niyo po ba yun?"tanong ni LK.

"Bestfriend ko lang yun at huwag ka ng mag ate sakin. Sige girls enjoy your lunch"sabi nito at tumango lang kami.

Pabalik na siya sa table nila pero ang mga titig namin ay di parin inaalis sa kanya. Titig na titig kami sa ginawa ng lalaking kasama niya pagbalik sa table nila.

Nakita namin kung paano siya hawakan sa kamay ng lalaki pagkatapat palang nito sa gilid ng pwesto nila at hindi siya binibitawan nito hanggang sa tumayo sila at ang lalaki rin ang nagdala ng sling bag ni Ate.

'Ang cute sana ako rin'

Pagka alis nila ay binilisan na namin ang pagkain dahil baka ma late pa kami at di kami makapasok sa gate.

"Sayang di natin nakita ang mukha ng guy pero I bet gwapo yun" saad ni Arabella at tumayo.

"Syempre naman gwapo yun lalo na at model ang kasama niya" sang ayon naman ni LK at inayos ang gamit niya.

"Sabay na tayong bumili mamaya ng isusuot para sa party bukas"sabi ko at pinunasan na rin ang bibig dahil ako ang pinaka matagal kumain sa aming tatlo.

Dumiretso na kaagad kami sa school namin at mabuti nalang may sampung minuto para sa next class.

"Pumunta pala yung pinsan mo dito kanina hinahanap ka" pabulong na sabi ng katabi ko. Tinangoan ko lang ito at nginitian

"Everyone kumuha ng isang kapat ng papel at may quiz tayo ngayon tulad ng napagusapan kahapon" saad ng teacher namin.

Private school kami pero ang mga studyante dito ay di tulad ng ibang paaralan na hindi sumusunod sa teacher. May respeto pa rin naman kami kahit papaano.

Dalawang oras din ata ang itinagal ng exam dahil ang iba ay hindi nakapag aral at kasama na rin si Mark na panay ang taas ng leeg kanina. Mabuti nalang talaga at kaibigan ko 'to kung hindi bahala siyang bumagsak.

Ipinasa na ang aming papel at agad ding isinauli dahil kami din ang titingin sa mali namin.

"Bagsak ata ako"

"Kahit makapasa lang"

Pagkatapos ng pagkuha namin sa aming score, isang galit na ekspresyon ang ibinigay ng teacher namin bago ito nagsalita.

"Section Pascal, next year G10 na kayo at sana naman simulan niyo ng pagbutihin ang pag-aaral niyo. Bukas na lang ulit tayo magkita dahil umiinit ang ulo ko sa inyo!" Pagkatapos ay lumabas at iniwan kaming tahimik.

Ano kayang feeling kapag G10 kana? Siguro masaya dahil masaya naman yung pinsan ko.

"Guys, tapos na ang klase natin ngayon. May meeting ang lahat ng teachers at staff. Ingat kayo sa pag- uwi" saad ng President namin.

Sabay kaming tumayo nila Arabella at LK at lumabas ng diretso sa room.
Nakalabas na kami ng gate at papara na sana ako ng sasakyan ng huminto ang sasakyan ni Mark. Mark is a rich kid kaya nagagawa nito ang gusto nito kahit bata pa. Hindi naman sa mahirap ako pero hindi ako spoiled katulad niya.

"Sabay na kayo sakin, invited din naman ako sa party" Sinang-ayunan na lang namin ito at pumasok na sa kotse at dahil ayaw akong bigyan ng lugar sa likod ay napilitan akong umupo sa tabi ni Mark.

"Saang mall kayo?" tanong nito at binuhay ang makina.

"Sa pinsan ko nalang para malapit" sabi ko at ipinikit ang mata. Na drain ata ako sa test kanina, hindi dahil sa hindi ako nag-aral kundi sa mga sentence na kay haba-haba.

Tahimik ang naging byahe dahil kanya kanya kaming kalikot sa aming cellphone.  Ang katabi ko naman ay naka focus lang sa daan.

Ilang minuto pa ay narinig kong sinabi niya na andito na daw kami kaya lumabas na kami at nagpasalamat dahil akala namin ay uuwi na ito pero sasama din pala siya samin.

Binati kami ng guwardya pagkapasok at namataan ko naman si Tita Joan kasama ang isang may katandaan din na ginang.

Siguro bibili sila ng mga gamit para sa party bukas.

Panay tingin lang ako sa mga gowns pagkapasok ko dahil wala pang nakakuha ng atensyon ko. Palinga-linga lang ako at nahagip ng mata ko ang isang color silver na gown na napapalibutan ng small diamonds. Paglapit ko ay ang paglapit din ng ginang na kasama ni Tita Joan.

"Joan bagay kay Joanna ito. Dalaga na siya at maganda ang katawan" saad nito. I really like the gown pero nakakahiya naman kung makikipag agawan ako kay Tita.

"Gines ija! You like that gown? You can have it" sabi ni tita sa likod ko kaya napalingon ako and she is smiling.

"It's okay Tita maghahanap nalang po ako and I think mas bagay kay Ate Joanna" aalis na sana ako ng marinig ko ang sinabi niya.

"Miss give this gown to her. Libre na yan kaya huwag mo siyang singilin." sabi niya kaya napangiti nalang ako. Tita Joan is really nice at kahit na hindi kami magkadugo she always treat me differently. My cousin is really lucky to have her as her mom.

"Let's go na balae at hanapin natin ang mga anak natin" sabi ng ginang na kasama nito at naghagikhikan silang dalawa.

After umalis nila Tita ay sinukat ko agad ito bago hinanap ang mga kasama ko na kanina pa pala nakabili.
Papauwi na kami at nagpresinta si Mark na ihatid kami pero sa huli ako na lang ang nagpahatid dahil nagpasundo ang ang mga kaibigan ko. Alam ko ang plano nilang dalawa pero wala akong choice dahil gabi na.

Pagkatapos kong magpasalamat kay Mark ay pumasok ako agad sa aking kwarto at inayos ang mga binili ko at natulog.

God na drain ako ngayong araw!

----------

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top