Chapter 29

Third Person's P.O.V

Pagpasok ni Andrew sa meeting room ay agad niyang namataan ang dalawang matatandang nakaupo sa nakalaang upuan para sa bisita.

Agad niyang napagtanto na ito ang dalawang ipinadala ng Sweet Entertainment para sa plano nilang collaboration. Lumapit siya dito at personal na nagpakilala sa dalawa.

"Good Morning Sir, I'm James Andrew Dy the CEO of Hope Entertainment. Nice to meet you." inilahad niya ang kamay niya at agad naman itong tinanggap ng dalawa at nagpakilala sa kanya.

"I'm Charles Mendez and this is my assistant Miguel Suarez." Nabigla siya sa narinig na apelyido. Hindi niya kasi inakala na ang mga apelyido nito ay pinoy. Ang sabi ng secretary niya na ang pangalan daw ng may-ari ng S.E ay nagngangalang Alexis Sweet pero iba ang nasa harapan niya. Mukha namang nahalata ng dalawa kaya tumawa ito tsaka nagsalita.

"We are both half filipino at kami ang ipinadala ni Ms. Alexis dahil mas nakakaintindi kami ng tagalog." Tumango siya bago nagpaalam pagkatapos ay umupo sa upuang nakalaan para sa kanya.

Ilang minuto pa ay nagsimula na ang nasabing meeting. Nagpakilala muna ang dalawang bisita sa lahat bago ito nagsalita.

"Ang S.E ay naglalayong palaguin ang aming koneksyon dito sa Asya. Napili namin ang inyong kompanya dahil alam namin na iisa ang ating pangarap  at ito ay ang lumago at makatulong sa iba."  Ang nagsasalita ay si Charles habang ang kasama naman nito na si Miguel ang nakaassign sa presentation. Hinintay ng dalawa na may magreklamo bago nagpatuloy.

"Ang S.E ay itinayo para sa mga taong nawawalan ng pag-asa at ang kanilang buhay ay nababalot ng pait. Ang S.E ay pagmamay-ari ng pamilyang Sweet at sa loob ng 16years na pagpapatakbo ng kompanyang ito nakaranas na din ito ng muntikang pagkalubog pero agad din namang nakabawi at makikita niyo ngayon na sikat ito sa buong mundo."

May isang babae ang nagtaas ng kamay dahil sa sinabi nito.

"Sabi niyo muntikan na itong lumubog kaya paano kayo nakakasiguro na hindi na ito mauulit?" Ngumiti muna si Charles bago ito sinagot.

"As you can, ang S.E ang nanguguna sa modelling agency sa buong mundo at nakakasiguro kami na ang plano ng aming kompanya para sa aming mga modelo ay makakatulong hindi lang sa kanila kundi pati narin sa nasabing kompanya." Hindi pa nakontento ang babae at nagtanong ulit ito.

"Bakit ang kompanyang ito ang napili niyong makapartner kung may mas sikat na kompanya kaysa sa amin?"

"Nasabi ko na kanina na kayo ang napili namin dahil naniniwala kami na iisa tayo ng pangarap na makatulong at umunlad ang kanya kanyang kompanya. Bukod sa aming pinaniniwalaan, nalaman namin na ang Hope Entertainment ang nangunguna dito sa Asya kaya agad namin kayong pinili." Magsasalita na sana ulit ang babae pero itinaas ang ni Andrew ang kamay niya at sinenyasan si Charles na magpatuloy.

"Kung may duda kayo sa aming mga modelo pwede niyong isearch ang Sweet Entertainment at agad niyong makikita ang kanilang mga pangalan. Ang aming mga sikat na modelo ay hindi inilagay sa aming website para magbigay daan sa mga modelong hindi pa gaanong sumisikat."

Tumango ang nandun at inilabas ang kanilang cellphone para sundin ang sinabi nito. Ginawa na din ni Andrew ang sinabi nito at buong pusong inilagay ang pangalan ni Joanna kahit hindi siya sigurado kung ito ba ang kompanyang kinabibilangan nito.

Sinubukan niyang ilagay ang lahat ng alam niyang magiging pangalan ni Joanna pero walang lumabas.

'Siguro wala siya sa ahensiyang ito.' Iyan ang palaging naiisip ng binata kapag bigo siyang mahanap ang dalaga.

"Magaganda ang inyong mga modelo pero alin sa mga ito ang ipapadala niyo sa amin kung sakali mang tanggapin namin ang inyong proposal? Alam niyo naman na kami ang nangungunang ahensiya sa Asya at hindi namin gustong mawala ang titulo namin."

Agad na napatawa si Charles sa sinabi ng ginang. Napataas naman ito ng kilay sa kanya at ang iba ay nakatingin nang seryoso. Hindi din maiwasan ni Andrew na hindi tumingin sa babaeng nagsasalita.

"Ang sagot kong ito ay hindi sa wala akong respeto pero ipinagtatanggol ko lang ang kompanya namin. Alam namin na takot kayong mawala ang kasikatan ng kompanya niyo pero nakakalimutan mo ata kung sino ang nangunguna sa buong mundo." Ginawaran ito ni Charles ng isang matamis na ngiti na lalong naging dahilan upang magalit ito ng husto.

"Hindi namin kayo pipilitin na tanggapin ang alok namin dahil sa huli hindi naman kami ang mawawalan. We can freely choose other company and help them to be on top." dagdag naman ni Miguel na ikinatahimik ng lahat.

"Para naman atang mataas ang kompyansa niyo sa in--"

"Ms. Velasquez I need you to keep quiet." Hindi na natuloy ng babae ang sasabihin niya dahil seryoso ang bawat pagbigkas ni Andrew sa kanyang mga salita.

"Mr. Suarez and Mr. Mendez, I would like to apologize about her attitude." Tumayo siya at yumuko sa harapan nito. Kahit bali baliktarin kasi ang mundo mas matanda ang dalawang kaharap niya at mas maraming tao ang rumerespeto dito kaysa sa kanya.

"Ayos lang yun. Naiintindihan ko naman siya pero gusto ko lang sanang ipaalala sa mga naririto na ang kompanya niyo ang may kailangan sa amin kaya sana ay matuto silang gumalang." Nakangiti ito pero mahihimigan sa boses nito ang inis at kaseryosohan sa bawat salitang binibitawan.

Tumingin si Andrew sa kaharap niya at agad sinabi ang naiisip niyang solusyon sa maliit na sagutan ngayon.

"Kung maari po sana ay pwede ba nating pag-usapan ito ulit kapag mahinahon na tayo?"
Tinapik siya nito bago nagsalita.

"Bukas ang huli naming araw sa Pilipinas at sana makakuha na kami ng desisyon mula sa kompanya ninyo."

Lumabas ang dalawang lalaki at naiwan silang na nakayuko. Alam kasi ng mga ito na pagagalitan sila ni Andrew.

"Ms. Velasquez hindi ko nagustuhan ang inasal mo kanina. Hindi mo ba alam na napakalaki ng mawawala sa atin kapag hindi natin nakuha ang suporta nila?" Bumalik siya sa pwesto niya pero nanatili parin siyang nakatayo. Niluwagan niya ang neck tie bago nagpatuloy sa pagsasalita.

"Sino pa sa inyo ang tutol sa desisyon ko?" Walang sumagot ni isa kaya inulit niya ito.

"SINO.SA.INYO.ANG.TUTOL.SA.DESISYON.KO?" Tinaponan niya isa isa ang mga nandun ng isang blangkong tingin.

"None sir!" sigaw ng lahat maliban kay Ms.Velasquez.

"Lumabas na kayong lahat maliban kay Ms. Velasquez."

Agad namang nagsitayuan ang mga tao at nag-uunahang makalabas sa lugar na iyon. Lahat sila ay takot na mapagalitan nito dahil pagkatapos mong mapagalitan ay agad kang mawawalan ng trabaho.

"Hindi ko gusto ang inasal mo kanina Jane. Pinakaayaw ko sa lahat ay ang pinapakealaman ang plano ko para sa kompanya."

Tumingin ang babae sa kanya bago nagsalita.

"Bakit Drew? Hinahanap mo parin ba yung babaeng yun? Andito naman ako. Limang taon kong inialay ang buhay ko sa kompanyang ito para lang mapansin mo." Lumapit ang babae sa harap niya at hinawakan ang braso niya na agad naman niyang inalis.

"Kahit anong gawin mo Jane hinding hindi mo siya mapapantayan sa puso ko kaya sana tumigil kana."
Umiling ang babae sa sinabi ni Andrew at hinawakan ang mukha niya.

"Ano bang nakita mo sa babaeng yun at hindi mo siya makalimutan? Magaling ba siyang humalik?" Agad na hinalikan ni Jane si Andrew kaya naitulak niya ito ng wala sa oras na naging dahilan ng pagkatumba nito.

Pinunasan niya ang labi niya bago binalingan ang babaeng nakadapa sa harapan niya.

"Huwag mong ipilit ang sarili mo sakin dahil wala kang mapalala." at iniwan niya ito sa loob.

Pagkalabas naman niya ay agad siyang dumiretso sa opisina niya at naabutan niya ang assistant niya na nanunuod. Sasawayin na sana niya ito ng marinig niya ang pangalang matagal niya ng hinahanap.

"You look so sweet together Miss Joanna. Are you planning to marry him?"

Hindi niya napigilan ang sariling lumapit sa assistant niya at basta nalang kunin ang cellphone nito.
Nanlaki ang mata niya at biglang lumakas ang tibok ng puso niya dahil sa nakita.

My Joanna.

"Ay sir pasensya po. Wala po kasi akong magawa habang naghihintay sa inyo kaya naisipan kong manuod." Hiningi ng assistant niya ang cellphone nito at wala naman siyang naisip na palusot para hindi ito ibigay.

Tumalikod siya dito bago umupo sa upuan niya at binuksan ang laptop.

"Saang entertainment siya nabibilang?" biglang tanong niya sa assistant niya.

"Sino po?"

"Yung si Miss Joanna. Mukha kasing sikat siya pero hindi ko pa naririnig at nakikita ang pangalan niya sa internet."

"Ay naku sir may patakaran kasi sila sa kompanya nila at tsaka ka meeting niyo po ang kompanyang kinabibilangan niya."

Agad na nanlaki ang mata niya sa narinig at agad naman siyang napatingin sa assitant niya.

"Sweet Entertainment po siya nabibilang sir. Akala ko nga makikita ko na siya sa personal pero hindi pa pala. Hays, sayang naman." Nanlulumo ang boses nito bago pinatay ang cellphone.

"I need you to call the representatives of S.E at sabihin mo sa kanila na tinatanggap natin ang offer nila pero sa isang kondisyon..sabihin mo na si Miss Joanna ang dapat na ipadala nilang modelo." Lumiwanag ang mukha nito sa sinabi niya bago sumunod sa ipinag-uutos niya.

Napaisip naman si Andrew habang tinitignan ang wallpaper niya sa laptop.

"I'll see you soon My Joanna."












Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top