Chapter 26
Andrew's P.O.V
I need to win her back!
Pagkaalis ni Mom ay agad kong tinungo ang banyo at mabilisang naligo.
Pagkatapong kung maligo ay agad akong nag-empake ng mga gamit ko at tinawagan si Jephen. Nakakailang ring ito bago sumagot.
"Dude! Thank you for everything and I hope to see you soon!"
"Always welcome. I need to hang up dude."
Hindi man lang ako kinamusta ng taong yun. Napakabusy niya na ata ngayon. Hindi ko na kasi alam kung ano ang ginagawa niya dahil after namin sa grade 10 ay bigla itong nawala. Ang sabi niya sa states na daw sila maninirahan kaya mula noon wala na talaga akong balita sa buhay niya.
Isinarado ko muna ang condo bago tinahak ang daan papunta sa bahay.
Sa wakas ay makakauwi na din ako sa bahay. Mahigit tatlong taon din akong nawala at sigurado ako na miss na din ako ng mga kasambahay namin.
Jethsel P.O.V(Andrew's Mom)
Hindi ko napigilan ang sarili kong magalit sa anak ko. I miss my son but I won't tolerate his stupidity. Harsh ba? Mas mabuti na rin na ganito kaysa makipag plastikan ako sa anak ko.
Hindi naman kasi aabot lahat sa ganito kung nag-isip siya ng tama. Hindi yung basta-basta na lang mahuhulog sa isang babaeng hindi niya lubusang kilala. Hindi naman ako tutol nung una pero nung nalaman ko na sinaktan ng anak ko ang damdamin ni Joanna para sa ikasasaya ng babae ay hindi ko napigilan ang sarili kong ipamukha sa kanila na hindi ko sila suportado.
Pagkalabas ko sa condo ay agad kong tinahak ang daan papunta sa bahay ng mga Sy. Magkasama kami ng mga magulang ni Joanna sa US at magkasama din kaming umuwi dito para ayusin ang gulong ito.
"Jeth! What are you douing here?" Kahit kailan talaga ay napakahyper ni Joan. Binuksan ng guard nila kaya dirediretso ako sa pagpasok.
"I'm visiting you and Joanna." kaswal na sabi ko at napatawa naman siya. Nilingon ko ito ng buong pagtataka.
"You're late my friend. Nakaalis na ang anak ko kagabi right after your son's girlfriend barge in our house."
Puno ng pagkalito ang nasa utak ko. Hindi nasabi ng anak ko ang kahihiyang ito.
"I'm sorry but I didn't know about that."
"You don't need to be sorry Jeth." Umupo siya sa kabilang side ng sofa kaya sumunod na din ako sa kanya.
"Nagpapasalamat nga ako sa nangyari kagabi kasi dahil dun ay napadali ang pagbalik ng anak ko sa US." Masaya niyang turan na naging dahilan para mawalan ako ng pag-asang magkatuluyan ang anak namin.
"Hindi ka ba nag-aalala kay Joanna? You know I can send my son to watch he--"
"No need.. Malaki ang tiwala ko kay Jhon Rich na iingatan niya ang anak ko." Teka Sarmiento ba ang taong ito?
"Jhon Rich Sarmiento?" napatingin ito sakin at pumalakpak pa.
"Oh my! Kilala mo siya? Diba ang bait bait niya at talagang maaasahan. Diba? Diba?" Hindi ba niya alam na hindi sila pwede? O baka naman alam niya pero wala siyang pake dito.
"Joan, alam mo naman na ma--"
"Oopss I know pero hindi naman gaanong malapit diba.. I mean napakalayo na tapos nagpaalam na din ako kaya ayos na ang lahat." mahihimigan sa boses nito ang saya habang nagkukwento sa nangyayari.
Hindi ako makakapayag na hindi sila magkakatuluyan. My son needs Joanna at lahat ay gagawin ko para mapasakanya si Joanna. Sorry Joan but I don't have any choice.
"Kumusta na nga pala yung anak mo? Sabi kasi ni Joanna sakin kagabi nagpunta daw siya dito para kunin ang future daughter-in-law mo." Napangiwi naman ako sa narinig ko. Hindi ko kailan man inisip na isali si Gines sa pamilya ko.
"Sigurado ka ba talagang papayag ako na maging parte siya pamilya ko?"
Joan's P.O.V
Nakataas ang kilay niya habang nakikipag-usap sakin. Ganyan nga Jeth magalit at mairita ka tutal ang anak mo naman ang may gawa ng lahat ng ito.
"Haha don't be a b*tch Jeth.. Wala kang magagawa kung mahal nila ang isa't isa." Kumunot ang noo nito at tinignan ako ng matalim.
As if naman na matatakot ako. A Sy never concedes defeat kahit kanino.
"I don't like that girl for my son Joan. You know Joanna is the best for my son so please stop mentioning someone." Imbes na tumigil ako ay pinagpatuloy ko ang sinasabi ko.
Gusto ko lang naman patunayan sa sarili ko na tama ang hinala ko sa pagpunta niya sa bahay ko. Dahil sa nangyari kagabi ay agad kong pinauwi si Joanna sa US at kami ang bumalik dito para harapin ang pamilya nila. Hindi ko kailan man pinalaki ang anak ko para lang saktan nila at pagkatapos ay babalikan na parang walang nangyari. Wala akong pake kung kaibigan ko ang makakalaban ko basta pagdating sa anak ko kalaban ko ang lahat.
"Napaka nega mo naman. Ayaw mo nun iisang bagsakan nalang? Please, just today..pag-usapan natin ang tungkol sa anak mo at kay Gines."
Naiirita siyang sumang-ayon sakin na naging dahilan para matuwa ako.
"So ilang taon na pala sila?" agad kong sinimulan ang pagtatanong dahil baka mag-bago ang isip ng babaeng ito.
Gusto ko lang talagang malaman kung gaano katagal sinaktan ni Andrew ang damdamin ng anak ko.
"I think three years kasi yun ang sinabinng investigator ko."
Tumango ako sa kanya at nag-isip ng bagong tanong.
3 years.. fine ibabalik ko sayo ng doble Drew.
"Sila parin ba hanggang ngayon? After what happened last night baka mas lalong tumatag ang pagsasama nila."
I tried my best to act cool habang nag-iisip na naman kung ano ang isusunod ko
"Base on my observations sa ikinikilos ng anak ko masasabi kong wala na sila."
"Seryoso? Bakit naman? 3years din ang pinagsamahan nila ha. Sayang naman." Hindi ko alam kung masyado bang oa ang reaction ko pero sinadya ko talaga yun para ipakita na concern ako sa dalawa.
"Nakikita ko kung gaano kasaya ang pamangkin ko base sa kwento ng anak ko." Hindi ako galit kay Gines dahil babae lang din naman siya. Madaling maakit ang babae kapag ang lalaki ay nagpakita ng motibo kaya hindi ko siya masisisi.
"The hell Joan! Mas mabuti na nga yun para maipagpatuloy ng mga anak natin ang nasimulan nila at mas mapapanatag ang kalooban ko kapag si Joanna ang kasama niya." ngumiti ito sakin kaya ginatihan ko ito ng plastik na ngiti.
Akala mo siguro basta basta ko nalang ipagkakatiwala ang anak ko sa anak mo. Siguro dati gustong gusto ko ang anak mo para sa anak ko pero ngayon? Kahit ma link sila ay hindi ako makakapayag.
"Paano yan? My daughter is inlove with someone else and I don't want to take away her happiness."just like what your son did to my precious baby.
"Madali lang naman yan. Pauwiin mo ang anak mo dito para mapag-usapan nila ang lahat at pagkatapos pwede natin silang patirahin sa iisang bubong para mas magkapalagayan sila ng loob."
Literal na desperada ang naging tingin ko sa kanila. The act is over I need to be serious.
"Hindi ko gusto ang anak mo para sa anak ko. Hindi ko maintindihan kung bakit mas pinili niyang saktan ang anak ko para sa ikaliligaya niya. Hindi mo alam kung gaano kasakit magpanggap na walang alam at walang pake sa nangyayari sa anak mo. Natatakot ako na baka isang araw at tuluyan na niyang taposin ang buhay niya dahil sa isang g*gong lalaki."
Hindi ako umiyak dahil hindi ko gusto kapag nagiging mahina ako.
"Joan, we can still fix this. I'm sure may paraan pa para maibalik natin sa dati ang lahat."
Napangisi ako sa sinabi niya. Fine! kung gusto niyang maayos ito? Pagbibigyan ko pero hindi ko parin ibibigay ang anak ko.
"Gusto mo? Pwes papuntahin mo ang anak mo at kakausapin ko siya." Tumayo ako at tinalikuran siya. Iilang dipa palang ako ng marinig ko ang pagtawag niya sa anak niya.
"You need to be in Sy's residence right now!"
I guess sisimulan ko na ang plano ko. Goodluck Andrew.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top