Chapter 25
Third Person's P.O.V
Biglang napabangon sa kama si Andrew dahil sa malakas na tunog ng kanyang cellphone.
Kunot noo siya habang inaabot ang cellphone dahil naisturbo ang kanyang tulog pero agad din iyong nawala ng makita kung sino ang tumatawag.
"Hello? Bakit inaabala mo ang pagtulog ko?" Hindi galit ang tono niya sa halip ay nakangiti siya habang nakatingin sa kawalan.
"You didn't even miss your mom, moron! I need you here in our house! RIGHT NOW!" napangiti nalang siya sa inasta ng ina.
Alam niya na kaagad na malalaman ng ina ang mga pinaggagawa niya sa buhay dahil pinapasundan siya nito. Isa din iyon sa dahilan kung bakit hindi siya kailan man nagalit sa mga ito kahit na tatlong taon siyang hindi kinikibo. Alam niya sa sarili niya na kahit anong gawin niya ay mahal siya ng ina at hindi siya nito iiwan.
Napagdesisyunan niya na matulog ulit kahit sampung minuto bago pumunta sa bahay nila. Kasalukuyan kasi siyang nakatira sa isang condo ng kaibigan niyang si Jephen.
Ang kaninang sampung minuto ay nadagdagan nang tatlumpong minuto hanggang sa umabot nang isang oras at nadagdagan nang dalawang oras.
Napasarap ang kanyang tulog at hindi niya naramdaman ang pagpasok ng kanyang ina sa loob ng condo.
Naiinis ang ginang habang pinagmamasdan ang anak niya. Hindi kasi gusto ng ginang na pinaghihintay siya. Akala ng ina niya ay baka na traffic lang ito kaya naghintay siya pero dahil masyadong matagal ang paghihintay niya ay napagdesiyunan niya na puntahan nalang ito sa condo.
Kinuha niya ang dala niyang bottled water at walang pasabing inihagis sa mukha ng anak.
Andrew's P.O.V
"Hinding hindi na kita iiwan Jo."
Pinakatitigan ko ang mukha niya at dahan dahang inilapit ang mukha ko. Malapit na ayu-
"Holy sh*t" napabalikwas ako sa pagtulog dahil parang umulan sa mukha ko.
Wala naman atang tagas ang bubong ng condo ni Jephen pero bakit biglang nabasa ang mukha ko. Inis kong hinilamos ang mukha ko bago ako tumingin sa paligid. Kung sino mang hay--.
"Mom! What are you doing here?" Agad akong bumangon sa pagkakahiga at inayos ang sarili ko. Todo ngiti pa ako sa kanya kahit sinira niya ang panaginip ko.
"How dare you! Ilang oras mokong pinaghintay bata ka! Alam mo ba na kinancel ko pa ang meetings ko para lang iwelcome ka tapos ganyan ang bungad mo sakin?" Nakapameywang ito sakin at nakataas ang isang kilay. Kahit suplada si Mommy..hindi parin siya nagkulang iparamdam sakin kung gaano ako ka swerte sa kanya. Napangiti tuloy ako sa naiisip ko.
"Mukhang ayos ka naman at mukhang hindi mo na kailangan ang tulong ko..uuwi nalang ako para makapunta nako ng trabaho. Nice seeing you again, son." Tumalikod na ito sakin kaya bigla ko itong niyakap galing sa likod.
"I miss you so much Mom. Ilang beses kong plinano na umuwi sa bahay pero nahihiya ako sa mga nagawa ko. I'm so sorry kung sana lang ay nakinig ako sa inyo." Hindi ko na napigilan na umiyak. Kahit lalaki ako kapag nanay ko ang nasa harapan ko nagiging malambot ako. May hindi maipaliwanag na pakiramdam kapag si Mommy ang nagc-comfort sakin.
Takte nababakla naba ako?
Kinuha niya ang mga braso kong nakayakap sa kanya bago ako hinarap.
Tumingin siya sakin bago ngumiti at hinaplos ang pisngi ko.
"Mommy will always be here. Hindi mo na maibabalik ang lahat anak. Nasa huli ang pagsisisi." Ewan ko pero pakiramdam ko hindi ako kinocomfort ng ina ko. Parang pinapamukha niya talaga sakin kung gaano ako ka tanga sa nagawa ko.
"Mom I'm sad.. di ba pwedeng icomfort mo muna ako bago mo ipamukha sakin kung gaano kalaki ang pagkakamali ko."
Agad itong umiling bago ako tinapunan ng tingin at umupo sa laylayan ng kama.
"For what ijo? Kahit anong gawin kong pagpapagaan ng loob mo hindi parin mababago ang katotohanang wala na si Joanna sa piling mo."
Simple lang ang pagkakasabi niya pero ang laki ng naging epekto nito sakin. Hindi ko alam kung sinasaktan bako ng nanay ko o sinasanay niya akong maging manhid.
Wala akong masabi kaya binigyan ko nalang ito ng isang tingin na nagpapahiwatig kung gaano ako nasasaktan ngayon. Walang mababakas na emosyon sa mukha niya. Siguro isang bagay ang hindi ko namana sa nanay ko. Iyon ay ang pagiging matalino sa pagdedesisyon.
"Upo ka..Gusto ko pang saktan ka." Hindi ko talaga alam kung bakit ganito ka harsh ang nanay ko sakin. Dati naman ay napakabait niya sakin. Halos lahat nga ng gusto ko ay ibinibigay niya pero ngayon kahit comfort di man lang ako binigyan.
Wala akong nagawa kundi ang umupo at tumingin sa sahig. Wala akong lakas na makipagtitigan sa nanay ko dahil nahihiya parin ako sa kamaliang nagawa ko.
"As much as I want to comfort you ijo at sabihin sayo na mapapatawad ka ni Joanna hindi ko gagawin." Patuloy lang ako sa pakikinig sa kanya habang iniisip kung gaano ko nasaktan si Joanna.
Kung sana hindi ako nagpadala sa kalandian ko edi sana masaya kami ngayon ay sabay naming binubuo ang mga pangarap namin.
Kung sana ay hindi ako nagpadala sa emosyon ko edi sana nasa tabi ko siya at nayayakap.
"Alam ko na alam mo anak na hindi ko nagustuhan ang nagawa mo...Maayos kitang pinalaki para hindi ka makasakit ng kapwa pero ano toh? Sinaktan mo ang taong sinamahan ka sa hirap at ginhawa. Sinayang mo ang lahat ng pinagsamahan niyo dahil sa kalandian mong bata ka." Naiinis ang tono niya pero pinipigilan niya ang magalit sakin.
Tama nga ang mommy ko, sinaktan ko siya kahit ang tanging ibinigay niya sakin ay kasiyahan.
"God knows how thankful I am noong dumating si Joanna sa buhay mo kasi nakikita ko na magiging masaya at malayo ang mararating niyo. Ayos na sana anak..kaso sinira mo lahat. Ipinagpalit mo siya sa isang babaeng may tinatagong kulo!"
Napatingin ako dito ng biglaan. "Alam kong ayaw niyo kay Gines pero hindi naman siguro tamang sabihin niyo ang bagay na iyan."
Kumunot ang noo nito at hindi na napigilan ang galit na kanina ay kinikimkim niya.
"Pagkatapos ng lahat kinakampihan mo parin ang babaeng yun? Aminin mo nga sakin ngayon kung nagsisisi kaba talaga sa nagawa mo?"
Tila nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Hindi ba halata kung gaano ako nagsisisi ngayon?
"Hindi ko siya kinakampihan ang sakin lang huwag na natin siyang idamay dito. Hindi ba halatang nahihirapan ako ngayon?" Pinilit kong pakalmahin ang tono ko habang nagsasalita dahil baka masampal ako ng wala sa oras.
"Kung ako ang tatanongin anak..Hindi halatang nagsisisi at nasasaktan ka. Alam mo para ka lang nagkulang sa tulog sa itsura mo." Puno ng disappointment ang boses niya. Hindi ko naman siya masisisi dahil hindi naman ako katulad ng ibang taong nasasaktan na magpapakalunod sa alak o di kaya ay magmumukmok sa kwarto habang iniisip ang magpakamatay.
"Hindi mo ba alam ang nangyari kay Joanna after that party?" Puno ng kaseryosohan ang boses nito kaya napatitig ako sa kanya.
"Nagpakalasing siya at isang linggo siyang nagpapanggap na masaya. I was there in every photoshoot she had dahil humingi ng pabor sakin ang tita mo. Napapaisip nga ako kung bakit malungkot ang boses ng tita mo noon."Umiling iling ito bago nagpatuloy.
Kaya pala isang linggo ko siyang hindi nakita noon at nang bumalik siya ay nag-iba ang estilo niya. Ang estilong hindi ko kailanman magugustuhan.
" Nakangiti siya kapag nakatutok sa kanya ang camera pero kapag nasa backstage siya maririnig mo ang mga hikbi niya." Malungkot at mata niya pero agad din iyong napalitan ng saya bago nagsalita.
"Mabuti nalang at dumating si JR."Ngumiti siya na para bang inaalala niya ang nakita niya.
"Ginawa ko ang lahat para hindi sila maging malapit sa isa't isa dahil gusto ko na maging kayo ni Joanna. Nagtataka ako kung ano ba talaga ang nangyayari sa inyong dalawa kaya pinaimbestigahan kita at doon ko nalaman kung gaano ka naging hangal sa pinili mo." Tumingin muna siya sa itaas habang pinipigilan ang sarili niyang maiyak.
May kung anong sakit ang naramdaman ko sa sarili ko.Hindi ko alam na malaki ang naging epekto nito sa kanya.
"Sabi ng dad mo ayos lang dahil bata pa kayo kaya pumayag ako pero hindi ko na talaga nagawang pumayag ng umabot sakin ang balitang ikaw ang naging dahilan kung bakit bumabalik sa dati si Joanna."
Hinawakan niya ako sa balikat bago iniharap sa kanya.
"Tell me honestly anak..Sino ang palaging nandyan kapag sinasaktan ka ng mga babaeng nakakasama mo?"
"Joanna"
"Sino ang taong palaging umiintindi sayo?"
"Joanna"
"Sino ang taong handang mapuyat kakaluto ng pizza mo?"
"Joanna"
"Sino ang taong bumuo ulit sayo pagkatapos kang wasakin ni Gines?"
"Joanna"
"But why did you choose to hurt the angel beside you! Anak kita pero hinding hindi ako sasang-ayon sa mga katangahan mo! Huwag kang magmukmok dito na parang ikaw yung nasaktan dahil kung titignang mabuti ikaw ang may kasalanan ng problema mo ngayon!"
Hindi ako nakapagsalita dahil sa gulat ng kanyang reaksyon. Alam ko naman na nagtitimpi siya pero hindi ko alam na ganito pala kalaki ang galit ng aking ina sakin.
Tumayo siya at inayos ang sarili.
"Umuwi ka sa bahay kung gusto mong makuha ang tulong ko pero kung gusto mong mawala na nang tuloyan si Joanna huwag kang magpapakita sa bahay hanggat hindi ko sinasabi."
Agad niyang nilisan ang kwarto ko habang iniwan akong nakatulala dahil sa nangyari.
I need to win her back!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top