Chapter 23
Andrew's P.O.V
Matapos kong tignan ang cellphone ko ay ibinalik ko na ulit ito sa bulsa ko. Kanina pa hindi bumabalik si Gines kaya napatingin ako sa paligid. Ang sabi niya lang naman kasi ay bibili daw siya ng paborito ko. Hindi ko naman hinihingi sa kanya yun dahil habang tumatagal kami nararamdaman ko na may kulang sakin. Nahihiya lang akong aminin sa kanya dahil hindi ko naman gustong saktan ito. Mabait si Gines at alam ko na malayo ang mararating niya at alam ko rin na madami pa siyang makakasalamuhang lalaki maliban sakin.
Hapon na ngayon kaya dapat mahanap ko na si Gines dahil ihahatid ko pa siya sa kanila at may gagawin pako pagkatapos. I need to take back what's mine.
Bigla naman akong napakuha ng cellphone dahil bigla itong nagvibrate.
Shine calling.....
"Hello Jayns!"hinilot ko ang sintido ko dahil kanina pa talaga ako nag-aalala sa kanya. Hindi ko nga napansin na hindi ko siya tinawag gamit ang endearment namin.
"Ano itong sinasabi samin ni Gines ha? Aba Drew tatlong taon kayong nagsasama tapos sasaktan mo lang siya ng ganito?"
"Ano ba ang pinagsasabi niyo? Asan siya ngayon?"
"Pumunta ka dito sa bahay nila at ng malaman mo ang ginawa mo"
Pinatayan niya ako ng tawag kaya dali dali akong pumunta sa parking lot para puntahan siya
Malaki ang kasalanan ko kapag may nangyaring masama sa kanya. Hindi alam ng mga magulang niya ang tungkol sa amin at masasabi ko na mas mabuti yun para hindi lumaki ang gulo.
Pagpasok na pagpasok ko ay agad akong sinalubong ng isang malakas na sampal. Nagtagis ang bagang ko at pilit na pinipigilan ang galit na nararamdaman ko. Sa buong buhay ko tanging dalawang babae lang ang pinapayagan kong sampalin ako.
Napatingin ako sa mga kaibigan niya na nanampal sa akin. Kung hindi lang ito babae baka kanina pa siya nakahandusay.
Pinakalma ko muna ang sarili ko bago nagsalita.
"Asan si Gines?"
Siguraduhin mo lang na maayos ang isasagot mo.
"Diba kayo ang magkasama?"
"Bakit niyo ako pinapunta dito kung wala naman pala siya!"
Sasampalin niya na sana ulit ako ng mahawakan ko ito. Hindi ko alam kung bakit bigla ko itong hinigpitan at napadaing naman siya.
Tinignan ko ito ng blangko bago nagsalita na naging dahilan ng pagkatulala niya.
"Don't mess up with me miss dahil kahit kaibigan ka pa ni Gines ay wala kang karapatan na sampalin ako"
Hinila ito ng isang babae at itinago sa likod tsaka ako binalingan. Nanlilisik ang mga mata niya pero hindi parin mawawala ang galit ko.
"Huwag mong subukang saktan ang mga kaibigan ko Andrew dahil mula umpisa ikaw na ang nagloko"
Tinignan ko ito bago ngumisi. "Ako pa talaga? Bakit hindi niyo tanongin sa kaibigan niyo kung bakit nagiging ganito ang pakikitungo ko sa kanya." Hinilot ko ang sintido ko bago nagpatuloy. "Isinakripisyo ko ang taong katuwang ko sa buhay para sa kanya tapos ang isusukli niya ay isang panloloko? Huwag niyo akong husgahan dahil hindi niyo alam ang totoo"
Iba't ibang emosyon ang makikita sa kanilang mga mata.
So hindi alam ng mga ito ang ginawa ng pinaka inosente nilang kaibigan? Tsk.. akala ko pa naman na mas mabuting mahulog sa isang inosente pero mali pala ako.
"A-Anong ibig mong sabihin? Hindi ka magagawang lokohin ni Gines at alam mo yan Drew!"
Kinuha ko naman ang cellphone ko at may pinindot doon.
"Kung hindi panloloko ang tawag dito eh ano?" iminuwestra ko sa kanilang mukha ang video kung saan magkasama silang tatlo habang may kani-kaniyang lalaki sa tabi. Ilang segundo matapos ang pag-uusap nila ay isa-isa nila itong hinalikan.
"Dare lang ang lahat ng iyan Drew! Hindi ka ba nagtitiwala kay Gines?"
Napangisi ako dahil sa sagot niya.
Tiwala? Paano ako magtitiwala gayong alam ko kung sino itong lalaking kahalikan niya.
"Sino nga ito ulit? Mark? Mark Taniedo?"
Hindi sila makapagsalita kaya nagpatuloy ako.
"Mark is a family friend at nagkita kami sa isang event. Nang gabing iyon, sinabi sakin ni Gines na may exam daw kayo kinabukasan kaya matutulog daw siya ng maaga. Wala akong nagawa kundi ang pumunta and to my surprise I saw Gines. Nakangiti siya at bakas sa mukha niya ang kasiyahan." Tumingin ako sa cellphone ko at hinay hinay na binubura ang picture naming dalawa.
"Lalapitan ko na sana siya pero nilapitan siya ni Mark at dinig na dinig ko kung paano siya ipinakilala ng taong ito sa mga magulang niya. Buong akala ko ay aangal si Gines pero sumang-ayon pa ito. Now tell me ako ba ang unang nanakit sa kaibigan niyo?"
Hindi sila sumagot kaya tumayo nako tutal wala din naman akong mapapala dito.
Isa lang ang dapat na gawin ko bago ako umuwi.
I need to get Joanna. I need my gem.
Nasa gate palang ako ng bahay ay nakarinig ako ng sigawan kaya dali-dali akong bumaba. Pagkapasok ko ay nasa labas ang mga kasambahay pati narin ang ibang driver.
"Ano ang nangyayari dito Manong?"
"Yung pinsan niya po kasi sumugod bigla at pinagbabasag ang mga gamit ng mansyon." Kabado ang boses nito pero mabuti nalang ay nakasagot ito ng maayos.
"Paano na yan? Kahit mahinhin si Ma'am Gines ay hindi parin maipagkakaila na mas magaling siyang makipag-away kay Ma'am Joanna"
Nilapitan ko ang dalawang kasambahay at sa nakikita ko ay totoo ang sinasabi nito.
All this time hindi siya gaanong mahinhin. Pagpapanggap lang ang lahat ng iyon!
Nakarinig kami ng pagkabasag kaya agad kong hinawakan ang door knob pero nakalock ito.
Binalingan ko ang medyo kaedad namin na kasambahay.
"Asan ang susi nito?"
"Na kay Ma'am Joanna po"
Tila nabagsakan naman ako ng langit dahil sa narinig ko.
Nag-aalala ako dahil baka mapano silang dalawa. Magpinsan parin naman silang dalawa kahit anong mangyari.
"Asan na ba kasi si sir JR? Siya lang ang may susi ngayon!" nagpapanic na ang mga kasambahay at kasabay nito ay ang sunod sunod na pagkabasag ng mga gamit sa loob.
Nakatira na pala dito ang hayop na yun.
Ano kaya ang pumasok sa utak ni Joanna at pinatira niya dito.
Pilit kong kinakalampag ang pinto ng may tumulak sakin. Susuntukin ko na sana ang tao pero nabuksan niya na ang pintuan.
Agad niyang nilapitan si Joanna na may pasa at hinang hina. May mga parte din ng kanyang katawan ang dumudugo.
My Joanna. I'm so sorry.
Hahawakan ko na sana siya pero agad siyang umiwas sakin at nagtago sa likod ni JR.
"Ibigay mo ang bestfriend ko Jhon!"
Ngumisi ito sakin na ikinainis ko kaya nasuntok ko siya bigla.
Isang malakas na sampal ang naramdaman ko galing sa bestfriend ko.
Go on Jo sampalin mo pako.
"Hindi ko na kayo ginugulo Drew at sana naman huwag na kayong mang gulo sakin. Ayos nako!"
"Jo listen" ginagap ko ang kanyang mga kamay kahit na nagpupumiglas ito. "I'm sorry kung iniwan kita dati. I promise Jo na aayusin ko ang gulong ito." Hindi siya nagsalita kaya napilitan akong bitawan siya at lingunin si Gines na umiiyak. Hindi ko sana ito lalapitan kaso nagsalita si JR.
"Kung gusto mong patawarin ka ni Joanna..tulungan mo ang pinsan niya at huwag ka ng magpakita sa amin."
Pinakatitigan ko si JR pero hindi ito man lang nag-iba ang ekspresyon niya.
Nilapitan ko si Gines pero bago ko siya binuhat ay may ibinulong ako dito.
"Let's have our final talk" at nilisan namin ang bahay nang mga Sy.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top