Chapter 22
3 YEARS LATER>>>>>>
Nakangiti ang lahat habang ang iba naman ay nag-iiyakan. May ibang todo ang picture at ang iba naman ay sinusulit ang oras dahil hindi nila alam kung kailan sila ulit magkikita.
Sa isang sulok nakangiti si Joanna habang kinukuhanan siya ng litrato ni JR. Hindi niya lubos akalain na malalagpasan niya ang pangyayaring iyon. Sinunod niya ang plano niyang kuhanin ang STEM strand para narin makaiwas kay Andrew.
Tatlong taon na ang nakakalipas simula ng mangyari ang hidwaan sa kanila ni Andrew. Minsan ay nanghihinayang siya sa pagkakaibigan pero kapag nakikita niya si JR ay agad din itong napapalitan ng saya.
Noong debut ni Joanna ay ito ang kinuha niyang ika 18th rose. Hindi parin alam ng mga magulang ni Joanna ang tungkol sa kanila dahil tulad ng ina ni Andrew hindi ito papayag na mapunta siya sa iba.
Joanna's P.O.V
Kanina pa ako nakangiti habang tinatahak namin ang daan pauwi ng bahay. Naisip ko lang na dahil tapos na din akong mag-aral dito ay tuluyan na talaga akong aalis sa Pilipinas tulad ng ipinangako ko sa sarili ko.
"You look so happy love."
Tinignan ko ito at hinawakan naman niya ang kamay ko.
"Ofcourse sino ba naman ang hindi. Makakaalis na din ako at babalik na din ako sa pagmomodelo."
Tinignan ko ang labas ng kotse. I'll miss this place.
"Thank you for coming love" ipinatong ko naman ang isa kong kamay sa magkahawak naming kamay.
"No problem at pambawi ko narin iyon dahil pumunta ka din sa graduation ko." Seryoso siya habang nagmamaneho. Bigla ko tuloy naisip kong gaano ako ka swerteng makilala siya. Hindi na kasi ako naniniwala na may tao pang mananatili sa tabi ko. Walong taon nga na pagkakaibigan iniwan ako paano pa kaya kung yung samin ni JR na tatlong taon lang.
Pagkarating namin sa bahay ay napatulala ako sa nakita ko.
Hindi ko inaakala na may maliit na handaan palang naghihintay sakin. Buong akala ko ay wala silang pake sa araw na ito. Hindi din nakauwi ang mga magulang ko pero tumawag naman sila kanina at sinabing nagpadala sila ng mga regalo.
"Thank you po sa inyong lahat! Hindi ko po talaga alam na may hinanda kayo sakin" isa-isa nila akong niyakap at medyo napaluha ako sa ginawa nila.
"Congratulations Ma'am Joanna! Ma mimiss ka naming lahat." Saad ni Manang Iska bago ako binigyan ng mahigpit na yakap.
"Kumain na po kayo" Tumango sila at kumuha ng tig-iisang plato at ako naman ay magbibihis dahil sabi ni JR may lakad daw kami ngayon.
Hindi na ako nag-abalang mamili dahil kahit ano naman ang isuot ko ay walang pakealam si JR as long as I'm comfortable with my outfit.
Lahat sila ay nakatingin sa akin habang pababa ng hagdan. I'm wearing a black dress na hindi aabot sa tuhod ko.
Nasa huling baitang na ako ng hagdan ng kunin ni JR ang kamay ko bago ako sinuri mula ulo hanggang paa.
"You look like my wife" bigla tuloy akong namula at nahampas siya.
"May lakad po kayo Ma'am? Hindi po ba kayo kakain?"
Umiling ako sa kasambahay at humingi ng paumanhin dahil hindi ko sila masasamahan pero sinabihan ko naman sila na sabay sabay kaming kakain ng dinner mamaya na agad naman nilang ikinatuwa.
Ipinylupot ni JR ang kamay ko sa kanyang braso bago humarap sakin.
"Shall we go my woman?"
Tumango ako at agad na nagpatianod sa hila niya.
Gines P.O.V
Nandito ako ngayon sa paaralan ni Andrew dahil sa graduation niya. Hindi ko alam pero kahit na tatlong taon na kaming nagsasama ay kinakabahan parin ako sa tuwing nasa paligid ang pinsan ko. Hindi naman siya nang gugulo sa amin at madalang ko narin siyang nakikita sa mga family events.
"Congratulations Sun!" masiglang bati ko sa papalapit na Andrew. Agad naman niyang ipinulupot ang kamay niya sa bewang ko.
"Thank you sa pagpunta shine."Hinalikan niya ang noo ko bago ulit ako tinignan. Ang kaninang masisiglang mata ay napalitan ng lungkot.
"Siguro kung wala ka ay mag-isa na ako ngayon." Hindi siya umiiyak pero mararamdaman mo sa bawat bigkas niya ng salita na malungkot siya at pinipigilan niya lang na maiyak.
"May rason naman ata ang magulang mo kung bakit hindi sila makakadalo sa graduation mo." Hindi pa rin nagbabago ang emosyon sa mata niya at yun ang kinaiinisan ko dahil sa tatlong taon naming pagsasama ay hindi ko parin alam kung paano pababalikin ang masisigla niyang mga mata kapag malungkot ito.
"Hindi nga nila ako binati." ngumisi ito bago tumayo ng maayos at kinuha ang kamay ko.
"Let's celebrate this together"
Nagpatianod ako sa hila niya. Nakatingin lang ako sa likod niya habang iniisip ko kung paano siya pasasayahin. Hindi niya man sinasabi sakin pero alam ko na hindi parin siya lubusang masaya. Masakit mang isipin pero pakiramdam ko ay may kulang pa sa kanya at alam ko na hindi ako yun.
Sa tatlong taon din na magkasama kami ay tila nawalan siya ng magulang. Nalaman ko na ang sekretarya ng pamilya nila ang nagbibigay ng pera para makapag-aral siya. Hindi naman daw sinabi ng magulang niya na itinatakwil siya pero sa paraan ng pagtrato nila dito ay parang hindi anak.
"Let's go to my cousins mall sun"
Bigla itong napatigil sa paglalakad na tila ba may nasabi akong mali. Minsan naiisip ko na baka bumalik ang nararamdaman niya sa pinsa ko lalo na at matagal din ang naging pagkakaibigan nila.
"S-sure"
Pinagbuksan niya ako ng pinto bago siya umikot sa drivers seat.
"Put on your seatbelt shine"
Tumango ako at sinimulan na naming tahakin ang daan papuntang mall.
Third Person's P.O.V
Masaya sina JR at Joanna habang tinitikman ang mga pagkaing madadaanan nila. Anak si Joanna ng may ari ng mall pero ang mga kinakain nila ay ang mga free taste.
May iilang tao ang nakakakilala sa kanila lalo na ang mga kabataang mahilig sa modelling kaya minsan ay nagpapapicture ito sa kanila.
"I never imagine myself being full because of those free taste foods" saad ni JR habang umiinom ng shake na galing din sa free taste. Nakatingin ang binata sa mga taong dumadaan sa harap nila.
Natawa naman siya sa saad ng kasama.
"I think they are watching us"
Dahil sa sinabi ng dalaga ay agad itong napatingin sa kanya bago sinundan ang tingin ng dalaga. Nakita niya ang iilang babaeng panay ang kuha ng picture sa kanilang dalawa. Nakaisip naman ng ideya si JR.
Kukunin na sana ng binata ang kamay ng dalaga pero tumayo ito at naglakad palayo sa kanya. Nakakunot ang noo niya habang sinusundan ang dalaga.
"Saan tayo pupunta?" malumanay na tanong niya dito..
"Bibisitahin ko lang ang playroom dito"
Tahimik na nakasunod si JR kay Joanna habang ang dalaga naman ay blangko ang ekspresyon.
Naiinis kasi siya sa mga babae kanina. Alam naman kasi niya na si JR ang kinukuhanan ng litrato tapos ng nalaman naman ng nobyo niya ay wala itong ginawa.
Habang nag-iisip si JR kung bakit biglang nawala ang gana ng dalaga ay aksidente siyang napatingin sa isang botique kung saan naroroon ang mga taong nanakit sa babaeng mahal niya.
Agag siyang tumabi dito at siya na ang naunang naglakad.
Sa kabilang banda naman ay ang hindi nagkakaintindihan na Andrew at Gines. Maayos naman ang naging byahe nila pero ng pumasok na sila ay biglang nag-iba ang mood ng kasama niya. Napaka lamig ng trato nito sa kanya at kahit anong gawin niya ay para itong walang pake.
Sa huli ay iniwanan niya muna si Andrew dahil baka pagod lang ito at pumunta sa isang designers shop para mamili.
Siguro naman sasaya siya kapag binilhan ko siya ng paborito niya.
Puno ng pag-asa ang dalaga habang namimili ng mga relo at pabango.
Kinilig pa nga siya sa sinabi ng sales lady na baka ay magtatalon sa tuwa ang nobyo niya kapag nakita ang mga pinamili niya dito.
Malaki ang ngiti niya habang naglalakad papunta sa lugar na pinag-iwanan niya pero ng makita niya kung ano ang ginagawa nito ay bigla niyang nabitawan ang pinamili niya at dali daling umalis sa lugar na iyon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top