Chapter 20
Joanna's P.O.V
Mahaba at mahimbing ang naging tulog ko. Medyo matagal tagal narin simula noong natulog ako ng ganun kahimbing. Hindi pa nga sana ako babangon pero nagring ang cellphone ko.
My Gay ^_^ calling......
Napangiti naman kaagad ako sa nabasa ko. Tinignan ko muna sa salami ang hitsura ko bago ko sinagot ang face time.
"I miss you" bungad niya agad sakin. Pumipikit na rin ang mata niya at medyo umiitim ang ilalim ng mata niya.
"Pagod kana Jhon. Matulog ka muna ako nalang ang tatawag" Sinikap niya naman ang sarili na magpanggap na masigla kahit iba ang sinasabi ng kanyang mga mata.
"You didn't even bother to call me yesterday" Ngumuso ito at ipinapakita ang pagtatampo niya.
Why so cute love~
"I was waiting for you to call me" napatingin ito sakin bago sinapo ang noo kaya napatawo nalang ako.
"Wait I forgot to say goodmorning!" sinapo niya ulit ang noo niya at napailing iling.
"Good Morning Love" bati ko dito at kita ko naman kung paano pumula ang mukha niya bago tumingin sakin.
"Good Morning too Love. Don't skip your breakfast"
"You are my breakfast" kita ko naman kung paano nanlaki ang mata niya at mas lalo pang pinamulahan.
"Don't be so naughty Love.. I might fall"
"Don't worry I'll be there when you fall"
Umaliwalas ang mukha nito at nakangiti habang ipinapakita ang mapuputi niyang ngipin.
"I know you will catch me" nanatili parin ang ngiti ko at ganun din siya. Nawala lang naman ang ngiti niya ng umiling ako. Agad na umarko ang mga kilay niya habang naging blangko naman ang ekspresyon ko.
"I don't want to catch you boy" nakita ko kung paano dumaan ang sakit sa mga mata niya. "We will both fall for each other" Pinamulahan ito bigla at agad iniwas ang mukha sa screen.
Minsan naiisip ko na siya ang babae saming dalawa kapag bumabanat ako. Hindi naman ako magaling bumanat sadayang magaling lang talaga akong lumandi.
"JR you need to sleep now. You still have your exams tomorrow"
Bukas na pala ang finals nila. I'm sure kayang kaya niya yun.
Sumimangot siya at ibinalik ang tingin sakin.
"I can stay awake if you want us to talk. You know I'm u---"
"No. Listen to your Mom Jhon. You need to be healthy para narin makabalik ka sa Pilipinas" sumimangot ito pero tumango naman siya sakin.
" Ilove you Love. See you soon" naging aktibo naman ang ekspresyon nito bago nagsalita.
"I love you too Love. I can't wait to finally see you"
Natapos ang face time namin kaya maliligo nalang ako. Simula kahapon sinabi ko sa sarili ko na dapat ay hindi na ako ma l-late.
>>>Fast Forward>>>
Pagpasok ko sa paaralan ay tila may ibang kaba akong naramdaman. Hindi ako natatakot dahil pakiramdam ko wala namang mangyayaring masama.
Praning mode kana naman Jo.
Patuloy lang ako sa paglalakad pero napatigil ako dahil sa taong nagsalita sa likuran ko. Lumingon ako dito at tila na doble ang kaba ko kanina.
"I miss you so much anak!"
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon. Tila naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko naman kasi iniexpect na mapapaaga ang muli naming pagkikita.
Humiwalay siya sa yakap bago ako sinuro mula ulo hanggang paa.
Kakikitaan ng siya ng kasiglahan at kasiyahan.
"The last time I saw you was 2 weeks ago pero halata na ang pinagbago mo"
Ngumiti ako dito at pinipilit ang utak ko na sana ay hindi ako mablangko.
"I miss you too Tita. Hindi ko po inaakala na makikita kita ngayon" tumawa pa ako ng bahagya para sumang-ayon siya. Totoo naman kasi na hindi ko inaakala na makikita ko siya at wala talaga akong balak na magpakita sa pamilya nila. Unti unti namang kumakalma ang kaba sa puso ko.
Relax Jo..hindi mo naman kasalanan ang nangyayari ngayon.
"Hindi mo yata kasama ang anak ko?"tumaas ang kilay niya at bigla namang bumalik ang kaba ko na humuhupa na sana.
"Maaga po kasi ako tita" binagayan ko pa ng isang malaking ngiti
"Hindi ba ay palagi naman kayong magkasama? Hindi nga kayo mapaghiwalay diba?" Pakiramdam ko ay nagsisimula na itong magalit. Nagsisimula na kasing mag-iba ang kanyang tono at hindi na rin ito ngumingiti kagaya kanina.
"Palagi naman po kaming sabay kumain ng lunch"
Tumango ito at nagsalita. Biglang naging doble ang kaba ko dahil sa sinabi niya.
"Alright so ngayong lunch sabay tayong tatlo okay"
"Tita bonding niyo naman po iyon. Baka masira ko --"
"No more excuses anak"Hinaplos niya ang buhok ko bago nakipag beso.
"I need to go just inform my son na dumating nako and don't forget about the dinner"
Wala akong nagawa kundi ang ngumiti at tumango sa lahat ng sinasabi niya.
Habang pinagpapatuloy ko ang paglalakad papunta sa room namin ay iniisip ko kung paano ko sasabihin kay Andrew ang tungkol sa sinabi ng mommy niya. Hindi nga kasi kami magkaibigan at hindi ko din alam kung paano siya kakausapin.
"Tulala ka diyan Jo?" Napatingin naman ako sa lalaking nagsalita sa likod ko at bahagyang ngumiti. Ewan ko ba kung panget ba yung ngiti ko ngayon pero napangiwi siya.
"May iniisip lang"
"Kaya ba napaka plastic ng ngiti mo ngayon?" napatingin lang ako dito dahil hindi ko rin alam ang sasabihin ko.
Speaking of Jephen..Magkaibigan sila ni Andrew kaya baka pwedeng..
"Phen may favor sana ako sayo"
Hindi ko alam kung totoo ba ang nakita kong saya sa mga mata niya o sadyang nagiginy feeling lang ako.
"Anything Jo"
"Pwede bang pakisabi kay Andrew na pinapasabi ng mommy niya na sabay daw kaming tatlo kumain"
"Yun lang? Bakit hindi ikaw ang magsabi? Tutal classmates din naman kayo"
Hindi niya ata alam ang nangyari dahil paminsan minsan ko lang din itong nakikita.
"Ba't ngayon lang ata kita nakita? Saan ka pala galing?" Salamat naman at nakaisip ako ng topic para maiba ang usapan. Hindi pa kasi ako handang pag-usapan ang lahat ng iyon.
"Pumunta ako ng states dahil may iniutos sakin si Mom" Kaya pala minsan ko lang siyang makita. "Na miss kita Jo" Agad akong napatingin sa sinabi niya. Hindi niya kasi ugaling magsabi sakin na namimiss niya ako kasi in the first place hindi kami close.
"Ganun ba? T-teka ha hindi ko alam ang sasabihin ko eh pasensya kana" Bakit naman ako mabubulol sa taong ito.
"Ayos lang yun Jo" tumayo siya at inayos ang damit niya. "Sige balik nako sa upuan ko"
Buong klase akong tulala dahil sa sinabi ng mommy ni Andrew at hindi rin siya pumasok sa klase namin ngayong umaga. Hindi ko nga alam kung mauuna ba akong kumain o hahanapin ko si Andrew.
Gamitin mo utak mo Jo!! May utak ka diba??
"That's all for today class. You may take your lunch" Agad nagsilabasan ang mga kaklase ko at inaya din ako nila Loraine pero tinanggihan ko. Nakaupo lang ako habang iniisip kung ano ang gagawin ko.
"Ano hindi ka lalabas? Ayaw ni mommy na pinaghihintay siya" biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa boses narinig.
Tumayo ako at tahimik na sumunod sa kanya. May iilang taong nagbubulungan habang nakatingin sa amin kaya inabala ko nalang ang sarili ko sa pagtingin sa id ko. Oo nagmumukha akong timang dahil sa kaba.
Tahimik ang naging byahe namin papunta sa isang chinese restaurant. Ano pa nga ba ang iniexpect ko eh chinese si Tita.
"I'm sorry Tita na late po kami" bumeso lang ito sakin bago inanyayahan akong umupo. Tama kayo ng basa ako lang ang sinabihan niya na umupo. Hindi nga niya pinapansin ang anak niya na nasa tabi ko.
"Let's eat" kumuha ito ng pagkain pero imbes na sa plato niya inilagay ay ibinigay niya sakin.
"You should eat more Joanna. Pumapayat ka oh" Napatingin naman ako sa braso ko.
Hindi naman panget tignan ang pagkapayat ko dahil bagay naman sakin at hindi din ako pwedeng tumaba dahil model ako at baka matanggal ako pag nagkataon.
Tahimik kami habang kumakain at ang tanging maririnig ay ang kwentuhan ng ibang customer. Dinahan dahan ko talaga ang pagkain dahil plano ko na dapat ay mauna si Tita bago ako. Nang makita ko itong nagpupunas ng bibig ay sumunod din ako.
"I don't want to beat around the bush" Sabay kaming napatingin ni Andrew sa kanya dahil sa kaserysosohan nito. Bumaling naman ito kay Andrew kaya napalunok siya.
"I don't like that girl ijo. Please hurry to get rid of her or else" ngumiti pa ito pero ang ngiti niya ay lalong nagpapahiwatig na seryoso siya. Mahirap kapag hindi ka nagustuhan ni Tita dahil talagang gagawa siya ng paraan para hindi makalapit sa pamilya niya.
Ibinaba ni Andrew amg kubyertos at pinunasan ang bibig bago ito nagsalita. "I don't need your approval Mom besides it's our relationship"
Lalong lumalaki ang tensyon sa table namin kaya napainom ako ng wala sa oras.
"So the rumors are true. Masaya kang nakikipagdate sa iba habang itong fiance mo ay sinasaktan mo" biglang akong nabilaukan dahil sa ibinigay na titig ni Andrew sakin.
"So totoo nga suspetya ko na baka ikaw ang nagsabi sa Mom ko about me and your cousin. How cheap of you Jo"
Hindi ko napigilan ang kamay ko na sampalin siya.
"I don't care about you Drew. Sino ka sa inaakala mo upang paglaanan kita ng atensyon? I don't care if your dating my damn cousin because first of all I don't have any feelings left for you" Sinikap ko ang sarili ko na hindi umiyak para hindi ako masabihang talunan.
"Tita I'm so sorry I ruined the lunch pero I just want to say thank you for everything" Kinuha ko na ang bag ko at tumayo. Hinawakan niya naman ang kamay ko.
"Ija ako na ang maghahatid sayo. Don't talk like that. As if hindi matutuloy ang ka---" I immediately cut her sentence.
"No Tita..I don't want to marry someone I don't love. I don't want to marry your son. I'm sorry po" pagkarinig niya sa sinabi ko ay binitiwan niya ako kaya nakaalis ako sa lugar na iyon.
Pumara kaagad ako ng taxi at nagpahatid sa bahay. Hindi ko naman mapigilan ang luha kong kanina pa gustong kumawala.
Lakad takbo ang ginawa ko para madaling makaabot sa kwarto at doon ilabas ang lahat ng sakit.
Akala ko pagkatapos ng apat na araw ay magiging maayos na ako pero hindi pala. Akala ko tuluyan na akong sasaya kahit wala na ang kaibigan ko. Akala ko magiging matiwasay na ang lahat pero akala ko lang pala talaga ang lahat.
Third Person's P.O.V
Tahimik ang mag-ina habang nakatingin sa dinaanan ng dalaga. Hindi makapaniwala ang ginang sa sinabi nito. Dati kasi ay palagi siyang sinasabihan ng dalaga na gusto siya nitong maging mommy kaya papakasalan nito ang anak niya. Doon nagsimula ang usapan nila ni Joan na ipagkasundo ang mga anak nila.
Tinignan niya ang anak na nakatulala habang namumula ang pisngi. Gustohin man niyang yakapin ang anak pero kasalanan din naman ng anak niya ang lahat ng ito.
"Isa lang ang masasabi ko Drew bilang ina mo. I don't like that girl for you at kapag pinagpatuloy mo ang pagtrato mo kay Joanna ng ganyan." Kinuha nito ang bag at tumabi sa anak para maging klaro ang sasabihin niya. "tuluyan siyang mawawala sayo and I'll bet my life na pagsisisihan mo ang lahat ng ginawa mo"
Tila naestatwa si Andrew sa sinabi ng kanyang ina. Hindi siya takot sa disgusto ng ina niya kay Gines dahil hindi naman ugali ng ina niya na bantaan kung sino mang babae ang kasama niya. Natatakot siya dahil lahat ng sinasabi ng ina niya ay nagiging totoo lalo na at ipinusta pa talaga nito ang buhay niya.
Jethsel P.O.V
Pinagmasdan ko ang bulto ng aking anak na hindi makagalaw sa kinatatayuan niya.
Alam ko na pagsisisihan mo lahat ito anak kaya habang maaga pa bawiin mo na si Joanna kung hindi mo gustong mapunta siya sa iba pero kapag ipinagpatuloy mo ito I'll always wait for you to ask my help.
end-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top