Chapter 2
Joanna's P.O.V
Tinignan ko muna ang orasan at nang nakita kong alas singko pa ng umaga ay naisipan kong mag movie marathon tutal dalawang oras mula ngayon ang klase ko.
Kinuha ko ang laptop ko at agad ikinonekta iyon sa tv. Habang nanunuod ako ay hindi ko mapigilang hindi antukin dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Sino ba naman kasi ang makakatulog kung may isang damuhong tawag ng tawag dahil nakalimutan ko ang order niyang pizza.
Hindi ko na sana siya papansinin ng sinundo niya ako sa bahay ng alas dose ng gabi at pinagbake dahil gamot niya daw sa insomnia ang pizza. Hindi na sana ako papayag pero naalala ko na crush ko rin ang damuhong yun kaya no choice. Inabot nga ako ng ala una bago makauwi sa bahay at apat na oras lang ang tulog ko na hindi ko naman gawain.
>>>After 1hr and 30mins>>>
Agad akong napamulat ng makarinig ako ng kalampag mula sa aking pintuan. Ano na naman bang ingay yun. Bago ako bumangon ay kinusot ko muna ang mata ko at aksidenteng nakita ang alarm clock.
Halos magmadali akong bumangon at maligo. Panay ang pagmumura ko dahil late na naman ako at plano ko na sanang magbago simula ngayon pero as you can see di kaya ng katawan ko.
Hindi na ako nag-abalang maglagay ng mga kolorete sa mukha na palagi kong ginagawa dahil aabutin ako ng ilang minuto at baka pagalitan na naman ako ng teacher namin.
Paglabas ko sa aking kwarto ay nakita ko agad si Andrew na naghihintay sa akin sa baba habang kumakain ng pizza.
Wala talagang pinipiling oras ang isang 'to.
"Ang tagal mong gumising grabe" sabi nito at may pa iling-iling pang nalalaman.
Hindi ko nalang siya pinansin at dumiretso na lang sa sasakyan ko. Bubuksan ko na sana ang kotse ko nang hablutin niya ang braso ko. Hindi niya man lang dinahan-dahan.
"Mabagal kang magdrive kaya sakin kana sumakay para mabilis tayong dumating" tumango lang ako at pumasok na sa sasakyan niya.
Panay kalikot lang ako sa cellphone ko nang may lumutaw na pizza sa harapan ko.
"I'm sorry napagod kita kagabi and yes, sayo ang pizza na ito kaya sana ay kunin mo." usal nito. Bakit parang ang bastos pakinggan sa unang linya niya?
"Mabuti naman alam mo at please bilisan mo dahil late na ako Drew"
"Late tayo tsaka wag kang mag-alala parang di ka naman palaging late HAHAHA" tinignan ko ito ng masama pero hindi pa din siya tumitigil sa pagtawa.
Ilang minuto din ang byahe papuntang school. Nauna na akong pumasok dahil pupunta pa yun sa parking lot. Tumango lang sakin ang mga guwardiya dahil sanay na sila sa pagiging late ko.
Lakad takbo ako papuntang room at pagdating ko ay agad tumaas ang kilay ni Mrs. Lopez.
"Ilang beses ka na bang na late ngayong buwan Ms. Sy? I really need to talk to your parents tomorrow"
Hindi ko na ito sinagot at pumunta nalang sa upuan ko. Eksaktong pagka upo ko ay ang pagpasok ni Andrew habang nakangiti. Ayos lang kasi sa kanya kahit ma late siya dahil Vice President siya sa SSG at close niya lahat ng teachers dito.
"Mrs. Lopez ipagpaumanhin niyo po pero ako po ang dahilan kung bakit late ngayon si Ms. Sy kaya no need napo na tawagin ang parents niya. I'm sorry po" sabi nito na ikinangiti ni Mrs. Lopez. I just rolled my eyes when our eyes meet dahil nakuha na naman niya ang gusto niya pero may part din sa akin ang kinilig.
"Totoo ata ang rumors sa kanila"
"Halata na nga masyado"
"I heard legal na daw sila"
"Ang swerte naman ni Joanna"
"Baka nilandi niya si Andrew"
Pumintig ang tenga ko sa huli kong narinig kaya agad ko itong tinignan at inikutan lang ako ng mata ng bruha.
Ever since tumapak ako sa paaralang ito siya na ang ka una-unahan kong hater.
Magsasalita na sana ako ng tumabi na sakin si Andrew kaya tumingin nalang ako sa unahan at nag focus sa itinuturo.
"Sabay tayong mag snack sa cafeteria dahil may reservation ako sa vip table" sabi nitong katabi ko kaya nakaisip akong asarin siya.
"Ikaw ha gusto mo talaga akong makasama kumain. Napaghahalataan kana masyado Drew." sabi ko sabay sundot-sundot sa tagiliran niya.
"Ikaw lang naman ang hindi ako gusto" seryosong usal nito na agad kong ikinangiti pero hindi ko ipinahalata.
"Naku bespren kung di lang kita kilala baka naniwala na ako sayo"
"Kaya nga gusto kita kasi hindi mo ako nagugustuhan. You value our friendship and I love that"
Agad nawala ang gana ko na makipag asaran. Palagi nalang akong na f-friendzone pagdating sa kanya.
Hindi ko alam kung manhid ba siya o wala talaga siyang interes sakin dahil may nagugustuhan na siya.
Ilang oras ang lumipas ng matapos ang dalawang subject namin at snack time na.
Sumama lang ako sa kanya hanggang sa dumating kami sa cafeteria nang tahimik. I can't utter a word na palaging nangyayari lalo na't nararamdaman ko na wala talaga akong pag-asa sa kanya. I'm the girl pero parang ako pa ang nag hahabol sa kanya.
"Cupcake and orange juice for you my lady" napailing nalang ako sa inasta niya. Ayan na naman siya sa pagiging paasa niya.
Agad namang nagkaroon ng sigawan sa loob ng canteen at may mga babaeng nagbubulungan.
"Bagay kayo Vice!"
Bagay sana kami kaso itong Vice niyo napakaarte.
"Sana magtagal kayo"
Magtatagal kami bilang mag bestfriend dahil wala namang nasimulang iba kaya magtatagal talaga kami.
"Ang cute niyo"
Ako lang ang cute kasi hindi marunong mang crushback itong Vice niyo.
'Ang ganda ni Joanna'
Thank you for the compliment. Tinignan ko ito at nginitian.
'I love the way she looks in the camera'
Well napag-aaralan naman lahat yan.
'Napakaganda siguro ng mga anak nila ni Andrew diba?"
Siyempre dahil sisiguraduhin ko na sakin magmamana pero alam ko naman na hindi mangyayari yun.
Hindi na ako nagsalita at nagpaalam na bumalik nalang sa room tutal hindi ko naman ugaling kumain sa labas ng room. Hindi ko na nakasama pabalik ng room si Andrew dahil tinawag siya ng mga kaklase naming lalaki dahil may pag-uusapan pa sila. I'm sure babae na naman yun. Knowing boys na hindi naman maiiwasan sa kanila ang tumingin sa ibang babae kahit may babae na sa buhay nila.
'Bakit ikaw ba ang babae ni Andrew ha Joanna?' sagot ng utak ko. May sarili talagang buhay ang utak ko at minsan nakakausap ko rin ito ewan ko baliw na ata ako.
Hindi ba talaga ako babae sa paningin ni Andrew? Hayop na yun nakakainis ang pagiging manhid niya. Suportado ko na nga sa lahat ng bagay tapos wala pa rin pala.
Inis akong umupo sa aking upuan at sinimulan ng kumain nang lumapit sakin si Jephen. Isa siya sa mga lalaking kaibigan ni Andrew na palaging nagsasabing gusto niya raw ako.
"Want someone to join you?"tanong nito sakin at umupo na sa harapan ko.
Nagtatanong pero umupo na pala kaya wala akong nagawa kundi ang ngumiti nalang dito.
"Kailan uwi ni Tita?"
"Maybe the day after tomorrow. Bakit?"
"Wala naman excited kasi akong makita ulit ang mga pose niya at magpapaturo din akong kumuha ng mas magandang litrato." tumango lang ako sa sinabi niya.
Si Jephen ang kinukuhang photographer ni Mom dahil sa maganda ang kuha nito at magkaibigan din ang family namin.
"Hindi ka ba susunod sa yapak ni Tita?"
"Susunod naman pero hindi pa ngayon, maybe kapag pumayag na si Andrew" tumango naman ito at biglang nagbago ang ekspresyon. Ayaw kasi ni Andrew ang pagmomodelo ko at dahil crush ko siya kaya pumapayag ako sa mga sinasabi niya.
"Kailangan ba talaga yan at paano yung nakagawian sa pamilya niyo?"
"Siguro matutuloy yun dahil simula nang lumipat kami dito palaging yun ang nasasaksihan ko tsaka magbestfriend si Tita at Mom kaya dapat sundin ang nakagawian nila."
Magtatanong pa sana siya pero pumasok na ang teacher namin kasabay ang pagpasok din ni Andrew.
"Pahiram ng phone mo" sabi ko pagkaupo niya sa tabi ko.
Hindi naman ito umangal at ibinigay kaagad ang hinihingi ko.
Panay kalikot lang ako at selfie habang may nagtuturo dahil bukod sa tinatamad akong makinig ay hindi ko rin trip ang subject na ito.
"Okay so tomorrow may quiz tayo from part 1 to part 6 ng lesson na ito and I'm expecting all of you to pass the exam. Goodbye class. You may take your lunch"
Pagkarinig ko sa sinabi ng teacher namin agad kong binalingan si Andrew na tutok sa isa niyang cellphone.
Sinubukan kong sumilip at sana hindi ko nalang ginawa dahil kawawa ang inosente kong mata.
"May kasabay akong kumain ngayon kaya mauuna na ako at di na rin ako papasok ngayong hapon. Thank you"
Tinignan niya naman ako ng may pagtataka.
"Pangalawang absent mo na tsaka baka pagalitan ka ni Tita kapag nalaman niya"
"Kaya nga ako di papasok dahil susunduin ko siya sa airport. Akala ko kasi sa susunod pang araw pero nandito na pala sila."
"Sige ako ng bahala sayo paki kamusta nalang ako kay Tita"
Tango lang ang isinagot ko at agad na lumabas.
Paglabas ko ng gate sa school agad akong pumara ng taxi at nagpahatid sa bahay. Pagpasok ko ay agad kong nagpahanda ng pagkain para sa pagdating ng mga magulang ko at kukunin ko na sana ang susi nang may sumigaw sa pintuan
"I'm back Darling!" binuksan ko naman kaagad ang pinto para makita kong sino ang sumigaw.
"I miss you so much baby" agad na sumilay ang ngiti sa aking mukha at dinamba sila ng yakap.
"I really miss you both!" sabi ko habang pinapakawalan sila sa yakap.
"We miss you too kaya nga nagmadali kami ng Daddy mong umuwi" sabi mom at ngumiti sakin.
Nagkaroon kami ng maliit na kwentuhan bago nagreklamo si Dad.
"Baby kumain na tayo kanina pa kami gutom ng mommy mo" pagrereklamo ni Dad na agad namang sinang-ayunan ni Mom.
"Baby, imbitahin mo sina Andrew at Jephen dito bukas na ang party okay"
Tumango lang ako at humawak sa kamay nila. Mukhang madami akong gagawin ngayong hapon.
Hawak kamay kaming tatlong pumunta sa kusina habang nag kukwentuhan. I'll make sure na susulitin ko ang araw na ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top