Chapter 19
Mabibigat ang mga hiningang pinakawalan ni Gines pagkatapos nilang kumain sa resto. Hindi niya kasi alam kung paano pakikitungohan ang pinsan. Kahit balibaliktarin ang mundo ay hindi parin mababago ang katotohanang magpinsan parin sila.
Hindi nga siya nakakain ng maayos kanina dahil iniisip niya na baka ay bigla bigla sila nitong lalapitan at makikipag-away.
Napansin naman ng binata ito kaya hinawakan siya nito sa kamay. Kasalukuyan nilang tinatahak ang pathway ng paaralan ni Gines. Sa isang linggo nilang pagkikita ay palagi siyang hinahatid sundo nito.
Ngumiti lang ang dalaga at binigyan siya ng tingin na parang ipinapahiwatig sa binata na ayos lang ang lahat. Walang nagsalita sa kanila dahil pareho silang may iniisip. Iisang tao lang naman ang iniisip nila at yun ay si Joanna.
Isang mabilis na yakap lang ang ginawa nila sa isa't isa bago pumasok si Gines papasok sa room at si Andrew naman ay palabas ng gate.
Iniisip naman ni Andrew kung bakit mag-isa ang dalaga at kung galit ba ito sa sinabi niya. Gusto niya sanang lapitan ito kanina at humingi ng pasensya pero naunahan siya ng takot at kaba tapos kasama pa niya si Gines.
Pagkalabas niya sa gate na iyon ay agad siyang bumyahe pabalik sa paaralan niya dahil absent na siya sa first subject nila. Minsan nga ay tinatamad na siya sa set up niya. Sa limang araw nilang klase. lahat ng iyon ay may absent at parehong first subject ng hapon.
Nagmamadali siyang pumasok sa second subject nila at mabuti nalang ay wala pa ang teacher nila. Pagtingin naman niya sa upuan niya ay namataan niya ang taong nasaktan niya.
Joanna.
Nakahalukipkip ito sa upuan at diretso ang tingin sa unahan. Pinigilan nga niya ang matawa dahil baka magalit ito. Kung siguro dati ay lalapitan niya bigla ang dalaga at aasarin ngayon ay hanggang isipan niya na lang ang lahat.
Joanna's P.O.V
I really don't know what to do kaya diretso lang ang tingin ko sa unahan. Kahit nga kanina ay may tumatawag sa pangalan ko ay nasa harapan parin ako nakatingin. Kahit sa huling klase namin ngayong hapon ay tutok ako sa unahan kahit wala akong naiintindihan. Napaka awkward kasi talaga kapag katabi ko siya. Panay din ang tingin ng mga kaklase ko na tila tinatansya ba nila kung ano ang magiging reaksyon ko.
"Jo mauuna na kami sayo ha." Bumeso sakin isa isa ang grupo ni Loraine bago ako nagpaalam pabalik sa kanila.
Dinalian ko ang lakad ko dahil gusto ko na talagang umuwi para makapagpahinga. Napagod ata ang katawan ko ngayon. Mabuti nalang at hindi ko masyadong ginamit ang utak ko kundi bagsak na talaga ako ngayon.
May utak ka pala Jayns?
Siyempre naman sadyang mas matalino lang talaga sila kaysa sakin.
Andrew P.O.V
Pagkatapos ng klase ay agad kong pinuntahan ang lugar na sinabi ni Gines kung saan kami magkikita.
Habang tinatahak ko ang daan ay bigla kong naisip na sana ay sagotin niya na ako. Hindi naman sa nagmamadali ako pero ramdam ko kasi na may kaagaw ako sa kanya. Hindi ko naman pwedeng sabihin bigla sa kanya na sagotin niya na ako pero minsan kasi naiisip ko na bakit ba niya pinapatagal ang panliligaw ko.
"Sun!" Sinugod niya kaagad ako ng yakap kaya napayakap na din ako.
Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako bigla sa kanya. Mahina ko itong hinila paupo dahil baka mangawit na siya.
"Akala ko hindi ka darating" Kumunot kaagad ang noo ko sa sinabi niya. "Baka kasi kasama mo ang pin--"
"Jayns matagal na kaming walang komunikasyon ni Joanna kaya bakit ko naman siya pupuntahan bigla doon?"
Hindi ito sumagot sakin at sa halip ay nakatungo lang ito. Inangat ko at mukha niya at pinaharap sakin. Pinakatitigan ko ang mga mata niya dahil tinatantya ko kung ayos lang ba siya.
"Anong iniisip mo?" pinahid ko naman ang iilang butil ng luhang tumatakas sa mata niya. Ayos naman kami kanina pero bakit siya nagkakaganito?.
"I want to spend my night with you before going to bed" puno man ng pagtataka ay tumango ako at tumayo.
Inilahad ko ang kamay ko at tinanggap niya naman ito agad.
Mabuti nalang at ang lugar na napili niya ay may available rides at 24/7 na pagkain.
"Saan mo unang gustong pumunta?" Ngumiti siya sakin at tinuro ang isang maliit na tindahan ng street foods. Hindi naman bago sakin ang street foods dahil dati pa ay kumakain na ako nito.
Kumuha lang siya ng ilang piraso dahil baka daw tumaba siya at magbago ang nararamdaman ko. Pinitik ko nalang ang noo niya para tumahimik. Sinasaktan niya lang kasi ang sarili niya sa ginagawa niya.
Sunod naman siyang nagpasama sa mga rides. Pumayag naman siya na panuorin nalang siya dahil naiintindihan niya naman na hindi ko gusto ang mga ito.
Bigla akong nakatanggap ng mensahe galing sa mga magulang ko.
Mom: I don't like that girl ijo!
Kumunot ang noo ko dahil hindi ko naman sinabi sa kanila ang tungkol samin ni Gines. Iisang tao lang naman ang alam kong may alam sa lahat at baka siya rin ang nagsabi sa mga magulang ko.
Hindi ko na nireplyan ang magulang ko dahil baka mag-away pa kami. Gustong gusto kasi niya na matupad ang usapan nila Tita na arrange marriage para na din lumaki ang kompanya. Mom is a designer and Tita is a CEO of a modelling agency.
"Sun pagod nako" Napatingin ako dito at binigyan siya ng tubig na kanina ko pa dala
"May gusto ka pa bang gawin ngayon?"
Tumingin ito sakin at umiling. Umupo ito sa bench na napapalibutan ng couple.
Pagtripan ko kaya ito baka sakaling sagotin ako.
Sumunod ako at tumabi sa kanya. Nakangiti iya habang pinapanuod ang iba't ibang magjowa na sobrang nilalanggam. May iba nga na grabe kung maka PDA.
"Alam mo ba na napapalibutan tayo ng couple?" Tumango ito sakin pero hindi parin siya tumitingin sakin.
Sige lang Drew baka effective plano mo ngayon.
"Alam mo ba kung paano mapabilang sa kanila?" Tulad kanina ay tumango ulit siya.
"Akin ka ba?" May halong kaba ang tanong kong ito dahil mahirap na kapag umiling ito pero katulad ng nauna tumango ito pero hindi parin humaharap.
"Humarap ka muna sakin shine" agad itong umiling kaya napabuntong hininga nalang ako. Wala kasi akong magagawa kapag ayaw niya. Mahirap pilitin ang isang ito dahil paninindigan talaga niya ang sinabi niya.
"Mahal kita shine" tango lang siya ng tango kaya sasabihin ko na ang pakay ko.
"Sasagotin mo naba ako?" Tumango ito at hinarap ako.
"Ang bagal mo palang magtanong. Sinasagot na kita" niyakap ko siya ng mahigpit na agad naman niyang ikinatuwa.
Finally she's mine.
Gines P.O.V
Plano ko naman talaga na sagotin siya kaya umupo ako sa bench na yun. Hindi ko lang inaasahan na mabagal pala siyang magtanong.
Pagkatapos ko siyang sagutin ay palagi na itong nakahawak sa kamay ko at tinitignan ito habang nakangiti. Gusto ko sanang sabihin sa kanya ang bumabagabag sakin pero medyo malaking pabor kasi ito.
"I can't believe na sinagot mo na talaga ko" Nakangiti siya pero ng makita niya ako na blangko ang mukha ay agad itong nagseryoso.
"Don't tell me na binabawi mo ang sagot mo?" Umiling naman ako dahil halata sa mukha nita na kinakabahan siya.
"Ofcourse not. May bumabagabag lang kasi sakin"
"What is it?"
"I'm not sure kung galit paba ang pinsan ko sa atin"
Tinignan niya ako ng seryoso habang hinihintay ang sasabihin ko.
"I just want you to promise me na hindi mo na siya papansinin. Baka kasi kapag pinansin mo siya ay maisipan niyang agawin ka sakin Drew." hinaplos niya ang mukha ko bago hinalikan ang noo ko.
"Hindi ako marunong tumupad sa pangako pero may isa akong salita" tinignan niya ako sa mga mata."saksi ang lugar na ito sa mga bibitawan kong salita" ngumiti ito at pinasadahan ang buong mukha ko. " Gagawin ko ang lahat upang makampante ka na ikaw lang ang laman ng puso ko"
He gave me a soft quick kiss.
He is my first kiss. Am I his first kiss too?
"I love you sun"niyakap ko siya at pinakiramdaman ang malakas na pintig ng kanyang puso.
"I love you too shine"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top