Chapter 15
Hindi parin maalis sa isipan ni Andrew ang nakita niya. Hindi niya din alam kung bakit niya nasabi kay Joanna ang lahat ng iyon. Labis siyang nasasaktan habang tinatanaw papalayo ang dalaga habang inaalo ni JR.
Naikuyom niya ang kamao dahil sa galit na nararamdaman niya na hindi naman niya alam kung bakit.
Kumalma lang ang loob niya dahil sa kamay na humahaplos sa braso niya. Agad naman naman niya itong iginiya sa lamesa.Hawak na pala ng dalaga ang order nila na hindi man lang niya napansin dahil nakatuon ang atensyon niya sa dalawang taong lumabas.
Pinasadahan niya ng tingin ang babaeng kaharap niya. Nakasuot ito ng pedal at crop top.
'Wala namang masama sa damit ni Joanna pero bakit nasabi ko yun?'
Pa balik balik ang katanongang ito sa isip ng binata. Hindi niya kasi intensyon na sabihin ang lahat ng iyon. Naunahan lang talaga siya ng galit dahil baka saktan niya ang babaeng nasa harap niya ngayon.
'Pero kung may plano siyang mang gulo sa amin..sana ay dati pa niya ginawa'
Hindi magkaugnay ang naiisip ng binata sa kanyang nararamdaman.
Lutang ang isip nito dahil hindi niya napapansin na kanina pa nagsasalita si Gines
"Nakikinig kaba?"
Ng hindi sumagot ang binata ay pinitik ng dalaga ang noo nito kaya napatingin agad ito sa kanya.
"Anong sinasabi mo?"
Tila naguguluhan ang babae sa inaakto niya pero binalewala lang niya iyon.
"Ang sabi ko anong kukunin mong strand?"
Napaisip naman ang binata pero kasabay ng pag-iisip na iyon ay pumasok sa isipan niya si Joanna.
May usapan kasi sila dati na pareho silang kukuha ng ABM.
"ABM, bakit?"
"Wala naman" pinagpatuloy ng dalaga ang pagkain dahil wala din namang kwenta kung makikipag-usap siya sa lalaking lutang.
Andrew's P.O.V
Hindi ako makatingin kay Gines habang kumakain ito. Nawalan din ako ng ganang kumain kahit hindi ako kumain ng agahan. Nakokonsensya kasi ako sa mga nasabi ko kanina.
Ang plano ko naman kasi ay mangumusta at magtanong ng maayos pero ng hinalikan siya kanina ni JR ay biglang nag-iba ang timpla ng utak ko.
Tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko agad iyon sa bulsa.
1 message
Jhon Rich
Binuksan ko ito at hindi ko alam kung papayag ba ako o hindi. Hindi ko kasi alam kung ano ang magagawa ko sa kanya.
Maraming babae si JR kaya hindi ko gusto na maugnay sa kanya si Joanna dahil concern parin naman ako sa kanya. Hindi ko lang naman siya gustong masaktan dahil hindi ko alam kung saan ako kakampi kapag nangyari yun.
'Pizza Parlor ni Ate. 4pm."
Hindi ko nalang ito nireplyan at tumingin nalang aa harapan ko.
Masaya si Gines habang tahimik na kumakain. Hindi niya alam na nakauwi na pala ang pinsan niya. Huling sabi niya kasi sakin ay umalis siya sa mansion ng pinsan niya dahil parang hindi daw siya welcome doon.
Hindi pa bumabalik ang mga magulang niya kaya mag-isa siya sa bahay nila kasama ang mga katulong at driver. Paminsan minsan naman ay bumibisita ako sa kanya para hindi siya malungkot.
Umaga palang naman at mamaya pa naman ang sinabi ni JR kaya sasamahan ko muna si Gines sa mga lakad niya. Pambawi narin sa hindi ko pagsama sa kanya noong lunes.
Pagkatapos namin sa pizza parlor ay agad siyang pumasok sa isang designers botique. Sumunod nalang ako sa kanya dahil nagmamadali ito.
Nakamasid lang ako dito at paminsan minsan naman ay tumitingin ako sa mga damit panglalaki pero hindi ko talaga nagustuhan ang mga binebenta nila. Dati naman ay marami akong nabibili kapag pupuntang mall kapag kasama mo si Joanna.
Joanna.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ko na napansin pala ng isang ginang.
"Naku ijo para namang napakalaki ng problema mo"
Kunot noo ito habang tinitignan ang mga presyo pero ang atensyon ay nasa akin.
"Wala naman po. May naalala lang po" Hindi ito sumagot sa halip ay lumabas nalang ito.
Hinanap ng mga mata ko si Gines at nagbabayad na pala siya. Tatlong damit lang ang binili niya. Kayang kaya naman niyang bumili ng marami pero mas pinili niya ang magtipid.
Ako kasi pag si Joanna ang kasama ko sinasabayan ko siya sa pamimili kaya minsan napapatawag si mommy sakin dahil sa laki ng nagastos ko.
Joanna
"Let's go? Bibili lang ako ng mga libro"
Agad umasim ang mukha ko sa narinig. Pinakaayaw ko sa libro dahil nawawalan ako ng gana lalo na kapag makapal ito.
Napansin naman niya ito kaya binawi niya na lang ang sinabi niya at ngumiti bago ako hinila papunta sa kabilang direksyon ng book shop
"Nakalimutan ko na ayaw mo pala sa libro"
Ikinawit niya ang kamay sa braso ko kaya nagpresinta na din ako na ako nalang ang magbibitbit sa mga pinamili niya. Hindi naman ito tumanggi at patuloy lang kami sa paglalakad.
Sinunod naming puntahan ang grocery store dahil paubos narin ang stocks niya sa kanila. Siya ang tagahila ng cart at ako ang kumukuha sa bibilhin dahil napansin ko na hindi ito maalam pagdating sa usapang grocery. Si Joanna kas--
Bumalik ka sa wisyo Drew! Nakita mo lang ang tao naging ganyan kana. Tandaan mo nasa tabi mo ang mahal mo.
Parang natauhan ako sa naisip ko. Bakit ko ba kasi iniisip ang taong matagal ko na sanang sinusubukang kalimutan.
Pagkatapos namin sa grocery ay sinamahan ko nalang siya kung saan. Makita ko lang na masaya ayos nako.
Hanggang sa umabot ng alas tres at napagpasyahan namin na umuwi na.
Ako ang nagpresentang mag-ayos ng mga pinamili niya at pagkatapos ay nagpaalam na ako dahil may gagawin pako.
Pagdating ko naman sa pizza parlor halos hindi ako makapasok dahil sa dami ng tao mabuti nalang at kilala ako ng ibang crew. Pinapasok nila ako sa opisina ng Ate niya at naabutan ko si JR na may kausap sa telepono.
"Pakisabi nalang po manang na pupunta ako diyan pagkatapos ko dito"
"Opo ako napo ang bahala sa pagpapakain sa kanya"
Agad niya namang ibinaba ang tawag ng makita akong nakatayo sa pintuan.
"Sige po. Ingat po kayo"
Jhon Rich P.O.V
"Bakit mo sinabi ang mga iyon sa kanya?"
Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa dahil baka masapak ko pa ito pag nakita ko ng mas matagal ang mukha niya.
Imbes na sumagot ito ay tinanong niya din ako hanggang sa nagtanong ito ng isang tanong na pinakainaabangan ko galing sa kanya.
"Anong relasyon niyong dalawa"
Ngumisi muna ako dito bago tinignan niya ng diretso.
"Mahal ko siya at sa tingin ko mahal din niya ako" Kita sa mukha niya ang pagtagis ng bagang niya.
"Hindi mo siya kilala Jhon! Sasaktan ka lang niya. Napakasuplada niya para sayo! Mismong pinsan niya nga hindi niya wine-welcome sa bahay nila dahil suplada siya!"
Hindi ko napigilan ang sarili ko na hawakan ang kwelyo niya.
"Huwag mo siyang sisiraan sa harapan ko Drew. Hindi mo alam ang pinagdaanan niya noong magkasami kami"
Iwinaksi niya ang kamay ko at inayos ang kwelyo niyang nagusot.
"Paano ka nakakasiguro Jhon? Hindi mo pa nga siya nakakasama ng matagal" Hinawakan ako sa balikat iniharap ng diretso sa kanya na pinipilit kinukumbinsi ako sa mga sinasabi niya. "Maniwala ka sakin Jhon dahil walong taon ko siyang kasama"
Itinulak ko siya at tumayo. Wala namang matinong mapupuntahan ang pag-uusap namin. Plano ko pa naman sana na kausapin siya ng matino pero sinisiraan niya ang babaeng pinakaiingatan ko.
"Ito nalang ang masasabi ko Drew. Sa oras na pagsalitaan mo siya ng masama kakalimutan ko talaga kung sino ka sa buhay ko"
Akmang aalis nako pero napatigil ako dahil nagsalita ito.
"Dahil lang sa kanya Jhon kakalimutan mo ang pagkakaibigan natin?"
Napaharap naman ako sa kanya at tinignan siya ng blangko.
"Bakit di mo tanongin ang sarili mo kung bakit mo itinapon ang pagkakaibigan niyo dahil sa babaeng di mo lubusang kilala"
Tuluyan na akong umalis sa lugar na iyon at dumiretso sa isang drive thru.
Talagang dinibdib niya ang sakit dahil hindi ito lumalabas ng kwarto simula kaninang umalis ako.
Inorder ko ang paborito niya bago pumunta ng bahay upang magbihis muna. Hindi ko kasi gusto na kahit may maliit ma finger print mula kay Andrew ang makakapunta sa bahay nila.
Pagkatapos kong magbihis ay nagmaneho ako ng mabilis upang makakain na rin siya.
Pagpasok ko sa bahay ay napatakbo ako sa kwarto niya dahil sa boses ng mga kasambahay nila.
"Ma'am hindi ka po kamain ng tanghalian baka magalit po ang magulang niyo"
"Wala akong gana manang. Sabihin mo nalang sa magulang ko na nagddiet ako" Halata sa boses nito na galing ito sa pag-iyak.
Agad ko namang hininingi ang susi ng kanyang kwarto bago sabihan ang mga katulong na ako na ang bahala sa amo nila.
"Jo, ako ito si JR. Labas ka muna dyan kahit saglit" Hindi ito sumagot sakin kaya napilitan akong buksan ang pintuan niya.
Tumambad sakin ang umiiyak na Joanna habang balot ang katawan niya ng kumot.
"I'm not a slut Jhon! I just want to dress like this!"
Inilagay ko muna sa gilid ang pagkain niya bago ko ito yakapin at hinaplos ang buhok.
"I-I don't know w-what to d-do Jhon..H-hindi ko nga s-sila pinakealaman k-kahit galit na g-galit ako"
Ramdam sa bawat bigkas niya na nahihirapan siya ngayon.
Lord, please make her happy.
"Pagkatapos kong m-mag-aral p-pupunta na akong US at d-di na ako b-balik pa dito"
Patuloy parin siya sa paghikbi at pinipilit na magsalita.
"Baby, hush now please. You need to eat" hindi parin ito kumikibo at patuloy parin sa pag-iyak at mas lalong hinigpitan ang yakap sakin.
"Hindi kita iiwan. I'll stay here. I promise" Tumingin naman ito sakin kaya agad ko ding ibinigay ang pagkain bago pa magbago ang isipan nito.
Pagkatapos niya namang kumain aya gad naman itong nakatulog dahil sa pag-iyak niya kanina.
Inayos ko lang ang kumot niya bago siya binigyan ng halik sa pisngi.
I'll make you mine and I promise that you will always be happy.
Hinaplos ko muna ang mukha niya bago dahan dahang umalis sa kwarto niya at pumunta sa guest room para magpahinga sandali.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top