Chapter 12

Fast Forward>>>>

Joanna P.O.V

Pagkalapag pa lang ng eroplanong sinasakyan ko parang kahapon lang nangyari ang lahat.

Pagkatapos ng tawag na iyon ay pumunta kaagad ako ng US para ibalik ang dating ako.

Hanggang ngayon hindi alam ng pamilya ko kung bakit bigla akong bumalik sa dati. Kapag nagtatanong sila ang sasabihin ko lang ay 'Na miss ko ang dating ako'. Alam ko na hindi sila naniniwala sa sinasabi ko pero hindi na sila nag-abalang magtanong. Alam ko na nag-aalala sila sakin kaya hinahayaan ko na lang silang pabantayan ako.

Pagbaba ko ng eroplano maraming media ang nakaabang sa akin. Akala ko pagdating ko sa US mahihirapan akong ibalik ang lumalaos ko na pangalan pero hindi pala. Buong puso nila akong tinanggap ulit at ikinatuwa ko naman iyon.

Mabilis na nag-abot ng pera ang mga nakabantay sa akin upang hindi ipagkalat ang balitang umuwi ako ng Pilipinas. Sa pagbabalik ko sa dating ako, bumalik din ang mga kapwa ko modelong may galit sa akin kaya hindi hinahayaan ng ahensya ko na mag-isa ako.

Ilang minuto pa at umalis na ang mga media kaya maayos akong nakapasok sa kotse.

Ibinaba ko ang bintana at inamoy ang hangin ng maynila. Hindi ito presko pero ang hangin na ito ang nakakapag paalala sa akin ng rason kung bakit ako nandito ngayon

"Diretso po ba kayo sa paaralan niyo po? Baka dumugin kayo doon"
Napatingin ako sa driver at agad na ngumiti para hindi ito mabahala.

"Kukunin ko lang ang mga naiwan kong gawain at uuwi po ako sa bahay"
Tumango ito at ipinagpatuloy ang pagmamaneho.

Hindi pa sana ako babalik sa Pilipinas kung hindi lang tumawag sakin si Loraine at sinabihan ako na tambak na ang assignments at quiz ko. Pinakiusapan ko pa ang ahensya ko at mabuti na lang pumayag ito.

Binigyan lang nila ako ng kondisyon na dapat pagkatapos kong mag señior high ay babalik ako upang ipagpatuloy ang nasimulan ko. Hindi naman ako maaaring tumanggi dahil malaki ang naitulong nila sa akin.

"Ma'am andito na po tayo. Ip-park ko lang po ito at susundan ko po kayo sa loob"
Naputol ang pag-iisip ko at napatingin sa driver bago tumango. Madaldal naman ako sa US pero pagdating ko kanina dito sa Pilipinas parang nawalan ako ng ganang magsalita.

Bago ako bumaba ay inayos ko muna ang takip ko sa mukha. Mahirap na pag nagkaproblema dito.

Hindi naman ako nahirapang puntahan ang office dahil oras pa ng klase at walang studyante ang nasa labas.

"Good Morning po Mrs. Suarez" magalang na bati ko.

Napatingin ito sakin at tinitigan ako ng may pagtataka. Agad ko namang naalala ang takip ko sa mukha kaya kinuha ko ito.

Kita ko sa mukha niya ang pagkagulat bago ako umupo.

"Apat na araw ka ng hindi pumapasok sa paaralan ija. Tambak na ang mga gawain mo"panimula niya.

Ramdam ko sa tono niya na nag-aalala siya sa akin. Natatandaan ko pa na sinabi sakin ni Angelie na bulong bulongan daw ako sa paaralan pagkatapos ng gabing iyon.

"Pasensya na po Dean. May urgent project kasi ako sa US kaya hindi na ako nakapagpaalam"

"Anong project ba yan at mas inuna mo pa kaysa sa pag-aaral mo? Paano ka makakagraduate kung aabsent ka?"

Mataray si Dean kaya naiintindihan ko kung magagalit siya pero pakiramdam ko ngayon concern lang talaga siya sakin.

"Kaya nga po ako nandito Dean kasi gusto ko sanang dalhin sa bahay lahat ng nakaligtaan kong gawin at bukas din po papasok ako para ipass lahat"
Puno ng determinasyon ang boses ko kaya napangiti ito sakin.

"Mapupuyat ka ija. Pwede namang sa lunes mo na lang ipasa ang mga projects mo para hindi ka mahirapan"

Agad akong umiling dito dahil marami pa akong gagawin sa lunes at hindi ako pwedeng magpuyat.

"Ayos lang po Dean tutal sisimulan ko po ngayon para makaabot po"
Tumango ito sakin at ibinigay ang mga gawaing nakaligtaan ko.

"I'm sorry po talaga Dean"Ngumiti lang ito sakin at tinignan ako na para bang nananantya kung may sasabihin pa ako. "May ibibigay po sana ako sayo Dean. Related po sa project na ginagawa ko."

"Ano naman iyan?"

Ibinigay ko ang isang magazine at napasinghap siya ng makita na isa iyong kilalang magazine sa US na ang mga inilalagay ay ang mga modelong kilala sa lugar.

"Dati ka pala talagang modelo? Akala ko hindi totoo ang sabi sabi"

Tumango ako bago nagpaalam sa kanya. Personal Collection ko ang magazine na iyon. Tanging ang mga modelo lang ng industriyang iyon ang may kopya.

Agad ko naman ibinigay sa driver/guard ang mga projects ko at inayos ang takip ko sa mukha.

Palabas na ako ng school at sa bawat pag apak ko ay sinusuri ko ang buong paligid.

Medyo napatagal pala ako sa loob. Nasa labas na kasi ang ibang studyante at ang iba ay nakatingin sa akin.
Siguro nagtataka sila kung bakit may tagabitbit ako at bakit nakatakip ang mukha ko.

Minadali ko ang paglakad at agad na nakarating sa parking lot.
Hindi muna ako sasakay dahil may kailangan pa akong makita.

Binalingan ko ang bodyguard bago hiniram ang phone niya. Bawal kasi sa akin ang magbigay ng numero ko. Tanging pamilya at kapwa modelo lang ang meron.

Agad kong hinanap sa cellphone ko ang numero at dinial.
Nakakailang ring pa ito bago may magsalita.

"Hello? Lalaki ba kita?"
Bigla akong napatawa kay Angelie.
Kahit kailan talaga lalaki parin ang nasa isipan niya.

"Ako to si Joanna"
Pagkasabi ko palang ng pangalan ko mabilis itong tumili at sumigaw kaya hindi ko naiwasang ilayo sa tenga ko at niloudspeaker na lang. Dahil sa lakas ng boses niya naalarma ang bodyguard pero agad ko naman itong sinensyasan na ayos lang.

"Baba kayo dito sa parking lot andito ako"
Hinintay ko munang pumayag ito bago ko ibinaba ang tawag.

Sa labas ako ng kotse naghintay tutal walang lumalabas kapag ganitong oras. Tumingin ako sa relos ko at may kinse minutos pa para sa susunod na klase.

Ilang minuto ang dumaan at dumating sila. Si Angelie na abot langit ang ngiti, Si Loraine na normal lang ang ngiti, si Denelyn na hindi makapaniwalang nasa harapan nila ako at si Marinel na nakabusangot lang sakin.

I miss them.

Isa isa nila akong niyakap bago pinaulanan ng tanong.

"Saan ka galing?"

"Akala namin hindi ka na babalik"

"Bruha talaga.....Hindi man lang nag-abalang tumawag"

Sasagot na sana ako pero nagsalita si Denelyn at doon nabaling ang atensyon nila.

"Sikat ka na pala ulit Jo"

Binigyan nila akong tatlo ng isang nagtatanong na ekspresyon.

"Una sa lahat galing akong US dahil kailangan kong ibalik ang dati kong pangalan. Ikalawa bumalik ako..as you can see nasa harapan niyo ako" umikot pako sa kanila bago nagpatuloy "Ikatlo nagbago ako ng numero dahil narin sa kontrata ko at ika apat oo bumalik ako sa pagmomodelo"

Kita ko naman sa mukha nila ang pagkamangha. Siguro kapag umalis ako ang magiging dahilan ng pagbalik ko ay ang mga babaeng ito.

"Na miss ka namin. Tatlong araw ka naming hindi nakita"

Humingi ako ng paumanhin sa kanila sa biglaan kong pag-alis. Minadali ko kasi ang lahat para madali lang din akong makakabalik.

Napuno ng kwentuhan ang parking lot sa oras na iyon. Naputol lang naman ng mag ring na ang bell hudyat na ilang minuto nalang bago ang susunod na klase.

"Papasok na ako bukas. Huwag kayong oa"

Napatawa na lang ako sa mga reaksyon nila. Nakangiti ako habang tinatanaw silang papasok sa gate. Kumaway silang lahat bago dumiretso sa loob.

Agad akong nagpahatid sa bahay para simulan ang mga projects ko.

Sulat dito, sulat doon, type dito type doon. Mahigit anim na oras na akong tutok sa ginagawa ko. Hindi na nga ako kumain ng tanghalian sa halip ay nagpagawa na lang ako ng gatas para hindi ako antukin.

Dumaan ang apat na oras at napatingin ako sa relos ko.

6:20 pm

Lumabas muna ako sa terrace at nagpahangin. Niyakap ko ang sarili ko dahil sa malamig na hanging bumabalot sa akin. Napakaganda ng panahon ngayon siguradong magiging maganda ang tulog ko.

Napagdesisyunan kong bumalik sa loob at tila nawasak ang pangarap kong makatulog ng mahimbing ng maalala ang mga proyektong kailangan kong tapusin.

'Sana magpadala ka ng anghel na tutulong sakin Lord'

Kumain na muna ako ng hapunan sa baba bago ipinagpatuloy ang ginagawa ko kanina.

Medyo napatagal din ako sa pagbalik sa kwarto dahil nakipag kamustahan pa sakin ang mga kasambahay pati na rin ang ibang driver. Kahit wala dito ang mga magulang ko masigla parin ang bahay dahil sa kanila kaya sa abot ng aking makakaya sinusubukan ko talagang maging mabait pero hindi sa puntong ngumingiti ako. Parang ang weird lang kasi kung pipilitin ko ring ngumiti.

"Babalik na po ako sa taas. Marami pa kasi akong gagawin. Goodnight po sa inyo" Nagpaalam din sila sakin bago bumalik sa mga trabaho nila.

Iniisip ko habang paakyat ng hagdan na pagpasok ko sa kwarto ay tatapusin ko agad lahat pero nilinlang ako ng aking sarili dahil inakit ako ng kama kaya ang nangyari unti unti akong sinasakop ng antok.

Third Person's P.O.V

Eksaktong pagtulog ni Joanna ay ang pagpasok ng kanyang co-model na si Jhon Rich. Napangiti ito sa ayos ng dalaga. Ang kalahating katawan kasi nito ay nakahiga.Nilapitan niya ito at inayos ang pagkakahiga bago kinumutan at tinignan ang tambak na proyekto ng dalaga.

"I will always be your saviour" saad ng lalaki bago inumpisahang gawin ang mga gawain ng dalaga.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top