Chapter 11

(Monday morning yung araw na hindi pumasok si Joanna)

Andrew P.O.V

Maaga akong nagising ay mali, hindi ako nakatulog kakaisip kung tama ba ang ginawa ko.

Nagawa ko lang naman kasi yun dahil hindi papayag si Gines na manligaw ako kung masasaktan ang pinsan niya.

Nakokonsensya ata ako kay Joanna dahil imbes na maging masaya ang unang prom niya ay nagdala pa'ko ng sakit sa kanya.

Kagabi nga ay halos hindi ako makauwi kakabantay kung nakauwi ba siya ng maayos. Kahit naman sinabi ko na tapos na ang pagkakaibigan namin ay hindi ko pa rin maisasantabi ang kapakanan niya.

'Iniwan mo na nga concern ka pa? Gago lang Drew'

Pinipilit ko ng kalimutan ang nangyari kagabi pero halos lahat ng sulok ng bahay ay nakikita ko siya.

Ngayong umaga ay napagdesisyunan ko na maagang pumasok upang magpaalam sa kanya ng pormal. Para sakin kasi, yung nangyari kagabi ang magdadala sa kanya ng sakit at baka takot na hindi na ako kaibiganin pa.

'Ano Drew aalis ka tapos babalik ulit?' sabat ng utak ko.

Hindi ko naman talaga gustong iwan siya, pero yun lang ang tamang gawin para maging kami ng taong mahal ko.
Nakakabaliw pala kapag nawalan ka ng kaibigan.

Wala pang masyadong tao kaya dumiretso muna ako sa office ng SSG at naabutan ko si Angelie at Khyll na masinsinang nag-uusap. Naisipan ko munang makinig dahil alangan naman na pumasok ako edi hindi nila matatapos ang pinag uusapan nila.

"Nakauwi ba si Joanna ng maayos kagabi?"

"Hinatid siya ni Loraine kagabi" konting katahimikan ang namayani hanggang sa hindi napigilan ni Angelie na ibulalas ang pagkainis niya kay Andrew.

"Grabe yang Vice mo Khyll! Hindi ba niya alam na nasaktan ang kaibigan ko?!"halata sa boses na naiirita sakin si Angelie

Pati nga din ako naiirita sa ginawa ko. Pwede naman na ngayon ko sabihin kay Joanna pero bakit sumagi sa isipan ko na kagabi ko gawin.

"Pagpasensyahan mo na si Andrew at bata pa yun..Teka nga, magkaibigan pala kayo ni Joanna?"

"Oo naman. I like her kaya. Hindi siya maarte at hindi siya takot na ipakita sa lahat kung ano talaga siya"

"Pansin ko rin na kung ayaw niya, ayaw niya talaga and she is beautiful"

Napangiti na lang ako sa komento nilang dalawa tungkol kay Joanna.
Tama silang dalawa. Hindi ito maarte at hindi mapagpanggap pero mali sila sa part na beautiful lang ang level ng ganda niya. Wala kaya akong bestfriend na beautiful, gorgeous siya!

'Ex bestfriend kamo'

Sumagi muli sa isipan ko ang ginawa ko kagabi. Hindi ko na pala siya kaibigan ngayon.

Hindi ko na lang itinuloy ang pagpasok doon at tinahak na lang ang daan papuntang room.

Unti-unti nang nagdatingan ang mga classmates ko pero hindi parin siya pumapasok. Late kaya yun? Sabi pa naman niya na magbabago na siya. Hays babae talaga.

Dumaan ang ilang minuto at ang minuto ay naging oras pero hindi parin siya pumapasok. Hindi din sinabi ng teacher namin kung bakit absent siya. 

Lahat ng klase ngayong hapon ay pinasukan ko ng lutang ang pag-iisip. Maling isipin siya dahil may Gines nako pero importante parin si Joanna kahit di na kami magkaibigan.

Kumakain akong mag-isa ng pizza ngayon. Inorder ko talaga yung favorite niyang diavolos kahit hindi ako mahilig sa maanghang. Gago ako pero namimiss ko na ata siya pero dapat ko rin panindigan ang ginawa ko.

Pagkatapos kong kumain ay bumalik kaagad ako sa room, nagbabakasakaling dumating na siya. Nabuhayan naman ako ng loob nang makita ko na may bag sa upuan niya.

Teka, hindi naman yan ang bag na palagi niyang dala? Hindi din siya mahilig sa light colors na bag.

'Baka nagbago ang taste niya'. Siguro nga. Sana lang talaga.

Umupo ako sa upuan ko na katabi rin ng upuan niya at hinintay na umupo siya. Siguro hindi naman niya ako aawayin dahil sa nangyari kagabi. Maiintindihan naman ata niya kung bakit ko yun nagawa.

Habang hinihintay ko na umupo siya sa tabi ko ay tinatawagan ko rin ang phone niya.

Nakakailang tawag ako pero palaging ring lang. Galit pa kaya siya sa ginawa ko? Maayos naman na akong nagpaalam sa kanya kahit hindi na naging pormal iyon.

Itinaas ko muna ang braso ko sa lamesa at ibinaon ang mukha para umidlip sandali. Hindi naman naging mahirap sakin ang maidlip dahil kulang rin ako sa tulog.

Ilang minuto pa nang magising ako dahil naramdaman ko ang pag-usog ng upuan palayo sakin. Agad kong tinignan ang katabi ko pero si Angelie ang nakita ko. Napansin ata niya na nagtataka ako dahil siya ang nakaupo sa upuan ni Joanna dahil bigla itong nagsalita.

"Hindi ata siya papasok ngayon. Tumawag ang teacher natin sa bahay nila at sinabing whole day siyang wala"

Hindi ito nakatingin sakin pero ramdam ko ang galit niya.

"Isa pa Drew, iniwan mo na yung tao kaya huwag mo ng hanapin dahil di narin yun babalik sayo" dagdag pa niya at tinignan ako bago inirapan.

Napaka maldita talaga ng babaeng 'to pero habulin daw ng lalaki.

Sumagi sa isip ko ang sinabi niya. Tama nga naman siya, iniwan ko tapos naghihintay ako na babalik siya at pakikiusapan ako pero hindi naman niya  gawain ang humingi ng pakiusap.

Pinilit ko ang sarili na ituon ang atensyon sa klase at salamat sa diyos ay nagawa ko ito.

Palabas na ang lahat sa klase at nagpaiwan kami ni Angelie dahil may sasabihin daw ito sakin. Hinanda ko na ang sarili ko na makakain ng sandamakmak na sermon mula sa kanya at lalaki ang guilt na nararamdaman ko ngayon.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Drew. Nasaktan ng sobra si Joanna sa ginawa mo. Ano bang pumasok sa utak mo at ginawa mo yun?" nakapameywang na tanong niya

Tinignan ko ito ng blangko bago nagsalita.

"I love her cousin Gel and I wanna be with her at ayaw ko na nasasaktan ang pinsan niya dahil sa selos niya para kay Joanna"

Nagalit siya sa sinabi ko kaya bigla niya akong nasampal na hindi ko talaga inaasahan.

"Naisip mo rin ba Drew kung ano ang mararamdaman ni Joanna?! Oo, hindi kami kasing close katulad ninyong dalawa pero ramdam naming lahat kung gaano ka niya kamahal! Napaka selfish mo!"

Hindi ako nagsalita dahil totoo naman lahat yun. Alam ko na may gusto siya sakin. Noong una ay inaamin ko na gusto ko rin siya pero nang makilala ko ang pinsan niya ay bigla siyang napalitan sa puso ko.

"Hindi ako manghihimasok sa inyong dalawa pero ito lang ang masasabi ko sa iyo. Darating ang panahon na pagsisisihan mo ang nangyari at sa pagbabalik niya hindi kana tanggap sa buhay niya"

Tila nanlamig ako sa narinig ko pero hindi ko ipinahalata sa kanya sa halip ay pinilit ko ang sarili ko na kunin ang mga gamit at tumalikod dito.

"You lost your precious gem" saad nito bago lumabas pero agad kong nahawakan ang braso niya bago nagsalita.

"Please take good care of her for me. Isali niyo siya sa grupo niyo at huwag niyo sanang iiwan"

Kinuha niya ang braso niya at tinignan ako ng matalim.

"Hindi na kailangan ang payo mo dahil yun talaga ang gagawin namin"

Umalis na ito at naiwan akong nakatulala. Hindi na nga sana ako kikibo kung hindi lang sinabi ng guard na dapat umalis na 'ko dahil mag gagabi na.

Sa huling pagkakataon ay gusto ko siyang makita kaya pumunta ako sa bahay nila.

"Ay sir wala po si Mam. Inaya po ng lakad ng kaibigan niya" bigo rin akong makita siya kaya pumunta nalang ako sa bahay ni Gines at naabutan ko naman itong nakangiti sakin.

"Good eving sun!" masayang bati sakin bago ako niyakap. Bigla akong napangiti dahil sa presensya niya at pakiramdam ko lahat ng problema ko ay nawala.

"I miss you so much shine! Bakit nasa labas ka pa?" hinaplos ko ang mukha niya at inayos ang buhok niya na nilipad ng hangin.

"Feel ko kasi na pupunta ka. Pasok ka?" pag aaya niya sa loob pero tinanggihan ko ito. Nakita ko naman na medyo nalungkot ito.

"Babawi ako sayo sa sabado. Lalabas tayo kaya smile kana" Ngumiti ito kaya napayakap ako sa kanya.

I love this woman at lahat kaya kong ibigay sa kanya sumaya lang ito.

Nagkwentuhan kami saglit bago ako umuwi sa bahay. Pagdating ko sa bahay ay pumasok kaagad ako sa kwarto at humiga sa kama. Nakakain na rin naman ako kaninang tanghali. Ayos na rin siguro yun.

Bago ko ipinikit ang mata ko isa lang ang masasabi ko.

'I'm sorry Jo'

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top